Papasok si Laarni sa dining table kung saan nandoon ang mommy Ethel niya. Dito kasi ang sinabi ni ate May, ang kasambahay nila nang tanungin ni Laarni kung nasaan ang mommy nito.
"Good morning, mommy kong maganda," bati ni Laarni sa kanya pagdating niya sa dining table.Yumakap pa siya sa likod ng mommy at pinaghahalikan sa pisngi. Ganito kasi siya bumati sa mga magulang. Kahit sa daddy Ramon niya ganitong- ganito siya kung babati. Ang sweet na bata itong si Laarni sa magulang. Pinanggigilan pa ni Laarni ang mommy niya bago nito pinakawalan."Good morning din sa maganda kong anak. Anong meron at maaga kaya yatang nagising?" tanong niya ng mommy Ethel ni Laarni nang makaupo siya sa upuan paharap sa ina nito."May training kami ngayon mom," sagot ni Laarni sa mommy niya na nakangiti."Kakapanalo nyo lang kahapon ah? Training agad. Wala man lang pahinga?" tanong ng mommy Ethel niya."Kailangan namin yon mom eh. Para may energy kaming maglaro. Tapos may lakas kaming pumalo, mang-block ng bola at maging swagger na din gaya nito. Grrrrrr!" sabi ni Laarni kay mommy Ethel saka ina action pa kung paano mag-swag. Natawa naman ang mommy Ethel sa ginawa sa ginawa ng anak."Paano nga ulit mag-swag?" sabi Ethel sa anak. Pinagkatuwaan niya ito dahil ang cute lang at trying hard mag-swag."Ganito mommy. Grrrrr!" Nag-wacky face pa si Laarni sa harap niya pa parang nakapuntos ito sa isang laro. Napahalakhak si Ethel sa ginawa ng anak."Kaw talagang bata ka, dami mong kalokohan. Dami mong alam. Pag iyan malalaman ng daddy mo, baka sabihin noon di kita pinalaki ng maayos," natatawa na sabi ni Ethel kay Laarni na nakasimangot ng huli."Mommy naman eh. Ang nega mo talaga, hmmp," reklamo ni Laarni sa ina sabay lamon ng pagkain na nasa harapan niya. Mas lalo tuloy natawa si Ethel sa inasal ng anak."Oh, akala ko na diet ka?" tanong ni Ethel kay Laarni"Sarap kasi ng luto mo, mommy. Kaya bukas na ako mag diet," habang sarap na sarap sa kinain nito."Pang-ilang beses mo ng sinabi yan?" tanong ni Ethel sa anak."Isang beses palang po," sagot naman ni Laarni dito."Ngayong araw?" tanong ulit ni Ethel sa anak habang natatawa ng lihim."Mommy naman eh. Walang basagan ng trip po," maktol ni Laarni sa kanya. Mapalakas ang tawa si Ethel dahil sa sinabi ng anak."Oo na. Marami pang bukas para mag-diet ka," sabi na lang ni mommy Ethel ni Laarni."Kasi naman mom, kailangan ko ng maraming energy. Championship na kaya sa susunod na araw. Di dapat ako magkakasakit. Mahirap na mawalan sila ng cute na tulad ko sa laro," energetic na sabi ni Laarni."Oo na. Kumain kana para makaalis kana. Mahirap na, wala silang cute na kasama sa laro," panggagaya ni Ethel sa sinabi ni Laarni. Nagtawanan naman silang mag-ina dahil doon."Pero mommy, manood kayo ng laro namin ha?" lambing ni Laarni sa mommy niya. "Kailangan ko ng inspiration sa laro," panggagatong ko pa sa kanya."Oo ba. Tawagan ko pa daddy Ramon mo para dalawa kaming inspiration mo," sagot naman Ethel sa anak."Talaga, mommy?" Nag-twinkle yong mata ni Laarni pagkarinig niya sa pangalan ng daddy niya."Oo, kaya galingan mo bukas ah? For sure, manlilibre daddy mo pagkatapos ng laro mo," sagot ni Ethel sa anak."Yehey. Thank you, mommy," masayang wika ni Laarni sa kanya."You're welcome. Sige kumain kana para makagura kana," sabi ni Ethel.Masayang tumango si Laarni at ipinagpatuloy ang pagkain niya. Nang matapos ay nagpapaalam na siya sa mommy Ethel niya na papasok na sa school. Tinawag pa niya si Mang Andoy upang ihatid siya sa school. Si Laarni ay isang volleyball varsity player ng paaralan kung saan siya nag-aaral, sa University of San Rafael.Varsity Scholar din siya ng university. Kaya libre lahat ng gastusin niya sa paaralan at may allowance din siya mula sa team, kaya wala siyang problema pagdating sa pera. Maliban sa may allowance din siya nagmula sa mommy at daddy niya. Huling taon niya na rin sa university kaya sinusulit niya ang pagiging varsity.Hiwalay ang mommy at daddy ng huli na siyang pinagtataka ni Laarni. Pareho naman silang walang pamilyang binubuhay maliban sa sa kanya. Stable naman ang bawat business nila. Kung magkakasama sila para naman silang mag-asawa kung titingnan. Nakapagtataka lang bakit sila humantong sa hiwalayan. Napailing na lang si Laarni sa naisip. Tumingin na lang siya ang labas ng kotse at napagtanto kung malapit na siya sa university. Inayos niya na ang dalang bag upang makapaghanda pagdating doon."Narito na tayo Miss Lani," sabi ni Mang Andoy sa kay Laarni."Salamat, Mang Andoy. Tatawag na lang po ako kapag magpasundo ako mamaya," Sabi naman ni Laarni sa driver nila."Sige po. Miss Lani. Mag-ingat ka," sagot ng driver nila na.si Mang Andoy."Ikaw din po. Ingat sa byahe," sabi ni Laarni kay Mang Andoy na tinanguan niya. Tumango din si Laarni at lumabas na sa kotse.Naglalakad si Laarni patungong gym. May sariling gym ang bawat varsity team ng paaralan. Sinadya daw ito ng management upang hindi madisturbo ang bawat team tuwing may practice. Ang bawat varsity team kasi ay panlaban ng school tuwing may university match. Tulad na lang ng volleyball team nila Laarni, kakatapos lang naming maglaro ng semi-final kahapon and thankfully, panalo sila sa laro.Kaya may chance silang mag-champion kung maipanalo nila ang dalawang magkasunod na laro. Di madali ang magiging kalaban nila bukas dahil depending champion yon for five consecutive years. Kung palarin, first time na mag-champion ang school nila kung sakali. Kaya tudo training sila para makamit ang championship."Hi, Jen. Ikaw pa lang?" bati ni Laarni kay Jen pagdating niya sa gym."Oo. Napaaga ako eh," ngumiti naman ito kay Laarni."Paanong hindi mapaaga eh, ilang patid lang ng bato mula sa boarding house mo, university na," biro ni Laarni dito. Natawa naman si Jen sa sagot nito."Paano kasi ang ingay ng boarding house. Dito na lang ako, may peace of mind pa," sagot naman ni Jen sa huli."Bakit kasi nagtiis ka sa bed space, eh pwede ka namang kumuha ng room na ikaw lang mag-isa," sermon ni Laarni sa kanya."Alam mo naman, kailangan ko ring magpadala ng pera sa amin. Lalo na ngayon may sakit na naman si tatay," sagot nito."May pera ka pa ba?" tanong ni Laarni kay Jen. Umiling naman ang huli."Wala na nga eh. Mabuti na lang libre ang pagkain natin dito. At malapit lang ang boarding house ko. Di ko na kailangan gumastos pa ng pamasahe. Mabuti na lang nabayaran ko na last month ang upa ko sa boarding house. Kondi baka napalayas na ako," sagot nito sa kaibigan. Naawa naman naman si Laarni sa kanya. Kaya kumuha siya ng 3k sa wallet at ibinigay kay Jen."Ito Jen, oh. Sayo na yan. Di ko pa kasi nabawasan ang allowance natin last month," sabi ni Laarni sa kanya habang inilagay sa palad niya ang pera."Wag na. Allowance mo yan eh," tanggi ni Jen kay Laarni ngunit umiiling lang ang huli."Hindi, sayo na talaga. Meron pa ako dito. Sige ka pag tinanggihan mo yan. Wala kang bolang papaloin sa game bukas," biro ni Laarni kay Jen. Natawa naman ang huli sa sinabi ni Laarni."Ikaw talaga, kung ano-anong panakot mo sa akin para lang di ko matanggihan ang tulong mo," sabi ni Jen kay Laarni."Syempre, kaibigan kita. Kaya dapat lang na tutulungan kita," nakangiting sabi ni Laarni dito"Salamat, Lani ah? Kung hindi dahil sayo, di ko alam saan ako pulutin dito," Madamdaming sabi ni Jen sa kaibigan na tinanguan lang ni Laarni. Lani ang palayaw ni Laarni, masyado dawng mahaba ang Laarni.Si Jen ay mula pa Negros. Na-recruit ito ng team nang makitaan ito ng potential sa paglalaro ng volleyball. Isa itong opposite spiker ng team nila Laarni. Malaki ang ambag ni Jen sa team nila. Lahat ng set ni Laarni sa kanya ay talagang maipasok niya kahit sobrang crucial ng laro. Kahit hindi maganda ang pagka-set ay na-convert pa rin sa puntos.Si Laarni ay isang setter ng team nila. Sabi nila, ang setter daw ang nagdadala ng laro dahil sa kanya nakasalalay ang bawat palo ng bola ng spiker. Pero para naman kay Laarni, walang silbi ang pagiging setter niya kung di mabigyan ng magandang set ang mga kasama niya, mapa-spiker or middle blocker man. Kaya hanggat maari ay binibigyan ni Laarni ng magandang siya ang mga spiker niya upang maipuntos ang bawat palo nila.Nalula si Laarni sa dami ng tao dito sa Mall of the East Arena. Dito gaganapin ang final game one nila ngayon. Di nakapagtataka na halos three fourth ng mga tao na nandito ay fans ng kabilang team na siyang makakalaban nila Laarni ngayon, ang Dela Torre University. Depending champion ang University na ito kaya di nakapagtataka na maraming fans ang mga ito. Samantalang ang team naman nila ay kapwa estudyante ang nandito o kaya naman ang pamilya ng bawat team nila para suportahan sila. Speaking of family, nilibot ni Laarni ang paningin upang hanapin kung nandito na ba ang magulang niya. As usual, magkatabi na naman ang mga ito. Ang sweet na naman nilang nag-uusap na akala mag-asawa pa. Napailing na lang si Laarni at natatawa dahil sa mga kalokohan ng magulang niya. Ngunit natuon ang paningin ni Laarni sa isang matangkad na lalaking lumapit sa pwesto ng mommy at daddy niya. Magiliw na nakipag kamay ang daddy niya dito ganun din ang mommy. Pagkatapos ay itinuro ng daddy niya ang pw
"Ano? Gusto mo akong kalaro?" Pagkaklaro ni Laarni sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot. Kaya naman ay tinapon ni Laarni sa kanya ang bolang hawak nito. May dala kasi siyang bola dahil balak niyang mag practice sa bahay mamaya. "Tara, punta tayong court, doon tayo maglaro tayo," sabi naman ni Laarni sa lalaki. Buong akala ni Laarni ay susunod ito sa kanya. Nagulat na lang siya nang bigla na lang siyang hinila ng lalaki at kinaladkad patungong sasakyan nito. "Hoy, saan mo ako dadalhin?!" Nagpumiglas si Laarni habang hawak ito ni Mr. Mendoza. "Sabi mo, maglaro tayo. Shit!" Pinasan lang naman ng lalaki si Laarni at deniposito sa passenger's seat ng sasakyan niya. Ang gara naman ng sasakyan niya naka-Porsche pa. Umikot naman ito at sumakay sa driver's seat. "Akala ko ba maglaro tayo? Bakit mo ako kinadkad dito?" Pabalang na tanong ni Laarni sa kanya."When I say playmate, it's not literally playmate," pa-misteryosong sabi niya. "Eh, ano pala? Paki-explain po," sabi naman ni La
Habang kumakain sila ay na-open up ang usapan tungkol sa nalalapit na pagtatapos ni Laarni. Kung anong plano after niya kapag graduate na siya. Kahit na kasama pa nila si Kyre ay tuloy-tuloy ang usapan. Hindi alintana ang presensya ng binata."Ahm, I have an offer po sa isang company to play pro under their team po. Kaya if ever, ipagpatuloy ko na lang ang paglalaro after ko maka-graduate po," sagot ni Laarni"Wala kang plan mag trabaho sa company natin, anak?" tanong ni Ethel sa anak. "Gusto ko pang maglaro mommy. Pwede po yon?" pakiusap ni Laarni sa ina. "Pag okay sa daddy mo. Sige pagbigyan kita," sagot naman ni Ethel."Daddy, okay naman sayo diba?" Lambing naman ni Laarni sa ama. "Sige, anak. Bata ka pa naman. Basta kung gusto mo ng magtrabaho, sabihan mo lang mag-retire ako. Ibibigay ko sayo position ko," biro ni Ramon sa anak. "Daddy naman, ang bata mo para mag retire kaya n'yo pa nga akong bigyan ng kapatid eh," ganteng biro ni Laarni sa kanila."Magtigil ka, Laarni. Paglu
Nasa school bus na lahat ng teammates ni Laarni patungo sa Mall of East Arena para sa Game 2 ng final game nila. Ang ingay nila sa loob ng bus. May nagkakantahan, nagbiruan, may naglaro pa nga sa loob ng bus. Parang di dumaan sa pagkatalo noong unang game nila versus Dela Torre University. Natahimik lang sila ng sunod-sunod na pumasok ang mga coaches ng team. "Ready na for the game 2, girls?" tanong ni coach Kerby sa mga players. "Ready na coach! Ready na matalo," lahat sila napatawa sa sagot ni Shamma sa coach nila. "Ai, talo agad? Di pa nga nagsimula ang game 2, pinaghinaan na kayo ng loob?" pagpapagaan ni coach Kerby sa mga players niya. Ayaw niyang panghinaan Ng loob ang mga ito. Aminado naman talaga sila na mahirap kalabanin ang Dela Torre University. Mabuti nga at naka one set pa sila last game versus sa kanila. Hindi sila madaling kalaban sa totoo lang. "Eh, coach, ano bang gawin namin para manalo kami sa kanila? Hindi effective yong pa tumbling-tumbling at pa swimming-sw
Nagsimula na ang set 3, kabado na ang grupo ni Laarni. Ganon pa man naging kalmado pa rin siya. Ayaw niyang masira ang concentration niya. Naging seryoso ang laban lalo pa at walang sinuman ang gustong magpatalo. Kung nakakapuntos sila sa serve na ito, di naman magpapalamang ang kabila talagang papantay din ang mga ito sa score nila, kaya sobrang higpit ng labanan. "Lani!" Sigaw ni Maris sa Kay Laarni habang pinapasa ang bola. Sini-set niya kay Jen ang bola. Ang buong akala ng kabila ay papaluin ni Jen ng malakas ang bola kaya yung iba sa kabila umatras para maghanda sa pagsalo ng bola. Ngunit tinalon lang ni Jen ang set ni Laarni at parang inabot lang sa kabilang net ang bola. Dahilan upang maglanding ito nang di naabutan ng kalaban ang bola. Sigawan ng team nila Laarni dahil puntos yon sa team. "Nice one!" sabay-sabay nilang sigaw at nagyakapan pa sila. Tumalon-talon pa sila dahil lumalamang na ng dalawang puntos. 18-20 ang scores panig nila ang lamang. "Great job, Jen,” sab
Pababa si Laarni sa hagdan nila nang mamataan niya ang daddy Ramon sa sala. Himala at nandito siya sa bahay ngayon. Nagmamadali siyang bumaba upang makausap ito. "Daddy!" sigaw niya sa kanya ama habang patakbo na bumaba. Natataranta na naman si Ramon nang makita ang anak na patakbong pababa. "My princess, wag kang tatakbo baka mahulog ka!" sigaw niya sa kay Laarni na tinawanan lang ng huli. Sinalubong naman niya ito sa huling baitang ng hagdan. "Hi, daddy. I missed you," lambing ni Laarni dito at niyakap siya. "Ang sweet naman ng anak ko. May kailangan ka siguro noh?" pang-aalaska ni Ramon sa anak. "Wala noh. Porte't naglambing ako may kailangan na agad? Hmmp," sabi ni Laarni saka nagmarcha papuntang kusina kunwari nagtatampo siya. "Ito naman nag tampo agad. Ano bang gusto ng baby ko. Hmmm?" lambing din ni Ramon kay Laarni habang nakasunod sa sa huli papuntang kusina. Napangiti naman si Laarni ng lihim. "Talaga, dad? " Kumikislap ang mga mata niyang humarap sa ama. "Ahuh,
Ang inakala ni Laarni ma-bored si Kyre habang hinihintay siyang matapos ang training sila sa volleyball ay hindi nangyari. Nag-enjoy ito makipag-usap sa mga coach nila. Kahit si coach Kerby ay na bato-balani sa kanya. Sa halip na siya ang nangunguna sa pag-train sa kanila ni Laarni ayon nag-enjoy ding makipag-usap kay Kyre. Napasigaw si Laarni ng matamaan siya ng bola. Bigla namang napatayo si Kyre sa kinauupuan niyang marinig ang sigaw ni Laarni. "Ouch!" reklamo ni Laarni. Masakit kasi ang pagkalagapak ng bola sa ulo niya."Sorry, best," hinging paumanhin ni Jen na s’yang nakatama sa kanya. Aksidenteng kay Laarni napunta ang palo niya ng mag-practice siyang pumalo. Si Jen ay gagraduate din ngayong taon. Tatlo silang magpapaalam sa varsity ngayong taon, si Laarni, si Jen, at si Shamma. Kaya naman ginawa talaga ginawa nila ang best upang mabigyan ng magandang laro ang school. Kung hindi silapalarin na mag-champion at least may maiuwi silang medalya para sa university. "Okay
"Manong, ito po bayad ko sa lahat ng kinain namin," sabi ni Laarni dito. Baka mamaya totohanin ni Kyre ang sinabi niyang siya ang magbayad. Magkakaroon pa siya ng utang na loob sa kanya. Naku, ayaw pa naman na masumbatan dahil lang doon. "Naku, ma'am, wala akong panukli dyan," reklamo ni manong tindero. "Keep na change nalang po, manong," sabi pa ni Laarni. "Sigurado ka ma'am? " panini guro ni manong sa kanya. "Opo," nakangiting sagot ni Laari sa tindero. Akmang kukunin ni manong yon nang pigilan ni Kyre ang kamay ni Laarni. "What?" "Akong magbayad di ba?" tanong nito sa kanya. "May barya ka ba?" balik tanong ni Laarni kay Kyre. Nagdadalawang isip pa si Laarni kung may pera nga ito sa wallet niya."Wala, pero may debit card ako dito, " confident na sagot niya. "May nakikita kabang counter dito?" pilosopong tanong ni Laarni sa lalaki. Napatingin naman siya kay Manong tindero at nang ma-realize na di pala pwede ang debit card dito ay para itong napahiya. Namula ang mukha nito se