Share

Chapter 6

Nagsimula na ang set 3, kabado na ang grupo ni Laarni. Ganon pa man naging kalmado pa rin siya. Ayaw niyang masira ang concentration niya.  Naging seryoso ang laban lalo pa at walang sinuman ang gustong magpatalo. Kung nakakapuntos sila sa serve na ito,  di naman magpapalamang ang kabila talagang papantay din ang mga ito sa score nila, kaya sobrang higpit ng labanan. 

"Lani!" Sigaw ni Maris sa Kay Laarni habang pinapasa ang bola. 

Sini-set niya kay Jen ang bola. Ang buong akala ng kabila ay papaluin ni Jen ng malakas ang bola kaya yung iba sa kabila umatras para maghanda sa pagsalo ng bola. Ngunit tinalon lang ni Jen ang set ni Laarni at parang inabot lang sa kabilang net ang bola. Dahilan upang  maglanding ito nang di naabutan ng kalaban ang bola. Sigawan ng team nila Laarni dahil puntos yon sa team. 

"Nice one!" sabay-sabay nilang  sigaw at nagyakapan pa sila. Tumalon-talon pa sila dahil lumalamang na ng dalawang puntos. 18-20 ang scores panig nila ang lamang. 

"Great job, Jen,” sabi ni Laarni kanya.  Kumindat lang si Jen sa huli. 

Napag-usapan na kasi nila ito kanina. Gumawa sila ng tactic na malinlang ang kalaban. Lagi kasi silang na block kung palakasang palo ang ginawa ng mga ka team nila. Ang tatangkad pa naman ng mga middle blocker sa kabila, lalo na kung magsama ang dalawang middle blocker nila at yong opposite Hitter nila. Walang laban  Ang grupo nila Laarni doon. 

Sini-serve ni Pearl ang bola, sinalo yon ng libero sa kabila at pinasa sa setter nila ngunit bigla na lang tinapon ng setter nila ang bola sa pabalik sa kanila. Mabuti na lang at mabilis mag-digs si Maris. Nakuha pa niya ang bola bago mag-landing. 

Hindi na nakaabot sa Kay Laarni dahil sobrang layo na niya kaya si Jen ang nag-set alng bola at bigla itong pinalo ng malakas ni Mafe dahilan upang muntik ng ma-out ang bola, nasa edge na ito ng line. Ngunit out ang husga ng lineman at referee. Kaya no choice sila kolundi ang e-challenge yon.  

Sayang kung mapunta sa kalaban ang score na dapat sa kanila. Habang hinihintay ang  replay ng  challenge ay nagkulitan lang sila sa court. 

"Pag manalo tayo, manglibre ka Jen, ah?" biro ni Mafe sa kanya. 

"Bakit ako? Ako ba may maraming pera?" sagot ni Jen. 

"May allowance ka naman ah?" sabi ni Mafe. 

"Sorry, guys, pero zero balance ako ngayon. Kaya wala kayong mahihita sa akin kundi yong buhok ko sa kili-kili," biro din ni Laarni sa mga kasama niya.  

Nagtatawanan sila sa sinabi ni Jen. Muntik pa nilang batukan si Jen kung di lang mag play yong replay ng challenge. Natahimik nilang pinanood yon. Kanya-kanya pa yata silang panalangin na sana  pasok ang bola. Sabay-sabay din silang  nag-sigawan ng makitang in ang bola. 18-21 na ngayon ang score. Sila pa rin ang lamang. Binubuhat pa ng mga kasama nila si Mafe. Napailing na lang si Laarni pinanood sila. Pumito ng referee hudyat na tuloy na ang laro. 

Si Pearl uli ang nag-serve nang bola,  sinalo ng kabila at ibinalik sa kanila. Nakikita ni Laarni sa mga mukha ng kalaban ang frustration na makakapuntos. Naging maangas na sila ngayon. Palo na lang sila ng palo kaya tudo ingat sila ng  mga ka team niya na wag mapuruhan sa mga palo ng kabila. Kaya tinaguriang unbeatable ang kalaban dahil sa angas na mayroon sila. Last year, ang team na nakalaban ng kabila ay maraming player na injured. Kaya pinaaalahan sila ni coach Kerby na wag sabayan ang kaangasan nila kondi ay uuwi puro may injury. 

Bina-block ni Pearl at Jen ang palo sa kabila ngunit sa sobrang lakas ng palo tumalbog ang bola palabas ng court. Hindi na yon nahabol pa ni Maris dahilan upang makapuntos ang kalaban. Napatingin si Laarni sa kabila, particularly, sa taong nakapuntos. Maganda ito, ngunit ang bangis ng mukha niya. Para itong handang kakain ng dagang pakalat-kalat sa paningin niya. Napailing na lang siya sa nasaksihan.  

Pantay na ulit ang scores sila. 23-23 ang scoring at sa kanila ang bola. Nag time-out si coach Kerby kaya nagkaroon ng break muna. Uminom sila ng tubig habang nakikinig sa sinasabi ni coach. 

"Kaya pa, guys?" tanong ni Kerby sa mga players niya. Sabay-sabay naman silang napa buntong-hininga. Aminado talaga  mahirap  katunggali ang Dela Torre University. "Ai, bakit ganyan mga mukha n’yo? Laban lang," Pang-cheer ni Coach Kerby. 

"Laban!" Labas sa ilong na sagot Ng mga Players  ni Kerby. Napailing na lang ang huli.

"Guys, alam kong mahirap silang talunin. Pero may mga kahinaan din sila. Ganito gawin nyo." Nagsisimula na si Kerby na isalaysay kung saan dapat nila maaring lusutan ang kalaban. Kung saan dapat nila ilanding ang bola. Kung kanino dapat i-set ni Laarni ang bola. "Lani, I'm counting on  you," Paalala ni Kerby  Kay Laarni nang pumito na ang referee. 

"Yes, coach,” sagot ni Laarni sa kanya bago tumalikod pabalik ng court. 

Napabuntong- hininga na lang si Laarni. Ito ang mahirap kapag setter ka. Ikaw ang magdala ng laro. Nakasalalay sayo bawat palo ng mga ka team mo. Nagpatuloy ang laro  hanggang sa makapuntos ulit sila matapos siya i-set ang bola kay Aiza. Ang middle blocker ma s'yang sub ni Pearl. Running attack ang ginawa niya kaya di yon napaghandaan ng kabila. Match point na sa panig namin. 

"Nice one!" sigaw niya kay Aiza at ginulo ang buhok niya. Second year college pa lang ito kaya mas bata ito sa kanya ng tatlong taon. 

"Ate naman, ginulo mo na naman ang buhok ko," reklamo nito sa kay Laarni. 

Ginulo ulit ni Laarni ang buhok niya saka  pumunta sa gilid ng court upang i-serve ang bola. Last serve na ito at kapag maipasok nila ang  bola ay sila ang panalo sa game 2. At magkaroon pa ng game 3. Sa Game 3 malalaman na talaga kung sino ang  magiging Champion sa season na ito. 

Pagka-serve ni Laarni sa bola, ni-receive yong ng middle blocker ng kabila dahil hindi naman kalakasan ang pagka-serve niya.  Sakto lang upang makalagpas sa net napatakbo si Laarni dahil ang bilis ng balik ng bola. Paka received ni Shamma sini-set ko kaagad yon kay Jen ngunit na block kaagad ng kalaban. Mabuti na lang at sa loob ng court lang tumalbog ang bola kaya na digs ni Shamma ulit , binalik sa akin at seni-set ko yon kay Mafe na nasa likod lang ni Aiza.

 Ang akala ng kabila si Aiza ang papalo kaya kasabay ng pagtalon ni Aiza, ang talon din ng kabila. Di na nila naagapan ang pagpalo ni Mafe ng malakas sa bola na noon ay nasa likod lang pala ni Aiza. Dahilan upang mag landing ito. Hiyawan ng buong arena ang nangingibabaw. Dinumog sila  ng mga ka-team nila sa court. Para kaming mga batang nakatanggap ng bagong biling laruan. 

"Nice One!" Sigawan ng buong teammates ni Laarni. Finally,  naka-match point din sila! Ang laki ng mga ngiti nila sa isa't-isa. May chance na silang  makamtan ang championship na inaasam nilang makuha. 

"Good job, guys!" sabi ng mga coach nila Laarni habang pumalakpak.  

"Salamat coach,”  Sabay-sabay din nilang  sabi at may pa-vow-vow pang nalalaman.

Ini-interview si Jen ng side court reporter dahil siya ang MVP ng laro nilang ito. Dahil sa makukit ang mga ka-teamates ni Laarni  at mga walang magawa ay kung ano-anong pinaggagawa sa likuran ni Jen. Yong kulitan nila ay di talaga mawawala, mapa-court o sa labas ng court. 

Matapos ang interview na yon ay sinabihan sila ni coach Kerby na maari na silang magpahinga. Pwede na daw silang  umuwi kung nanaisin nila. Kaya nagpapaalam si Laarni sa kanila na sa  mommy na lang si sasabay. Ngayon niya lang naramdaman ang pagod dahil sa pagod. 

"Mommy,  sabay na ako sa inyo ng uwi ah, kukunin ko lang ang bag ko," Sabi ni Laarni sa kanila nang makalapit sa kinauupuan nila. Di agad siya nakarating sa pwesto nila dahil may mga nagpapicture pa sa kanya na akala mo isa sikat artista. Pinagbigyan na lang ni Laarni baka sabihing snob siya. 

"Congratulations, anak. Ang galing mo kanina sa court," Bati ng mommy ni Laarni sa kanya.

"Thank you,  Mommy. Magaling kasi mga ka-team ko kaya ayon." sagot ni Laarni sa kanya. 

"Congrats, anak," bati naman ng daddy ni Laarni sa kanya. 

"Thank you, dad. Wait, kunin ko lang ang bag ko sa locker room," paalam ni Laarni  saglit sa magulang. Tumango lang sila sa sinabi ng anak. Kaya naman ay iniwan na sila ni Laarni upang Kunin ang mga gamit. 

Pagdating niya sa locker room Ng mga ka-teamates  niya ay Nakita niyang naghahanda na din ang mga ka-team upang  umuwi.

"Guys, una na ako sa inyo ah? Naghihintay sina mommy sa akin," Paalam ni Laarni sa kanila. 

Wala na ang mga  coach, marahil  ay nauna nang umuwi. Yung mga natira kasi ay sila yung mga sasakay ng school  bus pabalik sa university. Madadaan kasi ng school bus nila ang mga tinitirahan ng iba. Gaya na lang ni Jen. Malapit lang sa university ang boarding house niya.  Tipid pamasahe din yon. 

"Sige. Ingat ka. See tomorrow," sabi ni Jen. Di na narinig pa ni Laarni  na nagsasalita ang ibang ka-teamates, marahil ay sobrang pagod din Ng mga ito

"Bye," Huling sabi ni Laarni, bago siya tuluyang lumabas sa locker room. Nagulat pa siya paglabas niya dahil nabungaran niya ay si Kyre na nakasandal sa pader. Malapit sa pinto. "Susmaryosep! Bakit ka nandyan?!" Gulat na tanong ni Laarni. 

"Obviously,  waiting for you," sagot ni Kyre Kay Laarni. 

"At bakit?" pabalya namang sagot ng huli. 

"We have a deal, remember?" sabi niya. 

Saka  lang naalala ni Laarni na may deal nga pala sila kung manalo sila sa game ngayon.  "Sure ka na talaga sa deal na yon?" panini guro ni Laarni sa kanya. 

"Ahuh," sagot ni Kyre na tumango-tango pa. 

"Pweding tumawad sa deal natin?" sabi ni Laarni sa kanya. 

"What it is now?"  tanong Naman ni Kyre. Habang sinabayan si Laarni sa paglalakad palabas sa mall. Naghihintay kasi ang magulang ng huli sa parking lot nitong mall. 

"Pwede bang sa  next game na lang natin ituloy ang deal?" sabi ni Laarni dito with puppy eyes pa. 

"No," mabilis na tanggi niya. 

"Why? May next game pa naman kami ah," kulit  pa ni Laarni dito. Sa isip Ng dalaga ay  sana pumayap ito. Wala namang kasiguraduhan kung mananalo pa sila.

"No," Sagot nito. 

"Eh," Para akong bata nagpapadyak. 

"How about after the game 3 'nyo na lang natin pag-usapan yon. But then, dahil nanalo kayo ngayon. Desisyon ko ang masusunod. Hmmm?" Niyuko pa talaga ni Kyre si Laarni para maispatan niya ang mukha nito. 

Napaliyad naman ang huli dahil sobrang lapit ng mga mukha nila. Ngunit sa pagliyad si Laarni ay na out of balance siya, mabuti na lang at mabilis ang kamay niya. Agad niyang nahawakan ang baywang ni Laarni. Napahawak naman ang huli sa braso ng lalaki. Nakaramdam naman siya ng pagkailang ng maglapat ang katawan nila kaya naman ay dali-daling  kumalas  si Laarni sa kanya. Hinayaan naman siya ng lalaki, marahil ay nararamdaman nito ang pagkailang ng dalaga. 

"Ah, una na ako sayo. Naghihintay na sina mommy sa akin," Paalam ni Laarni sa kanya.

 Agad siyang naglakad ng mabilis palayo sa lalaki. Hiyang- hiya siya sa nangyari.  Kaya di niya na pinansin ang pagtawag nito sa pangalan niya. Dire-diretso ang lang ang lakad ko.  Hanggang sa makarating siya sa sasakyan ng magulang niya. Nagtataka man sina Ethel at Ramon sa ginawi ng anak  ngunit di na nila ito sinita pa. Marahil ay pagod ito sa laro nila kanina.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
CristinaAl30179
nakakilqng ba Laaarni baka nataman ka na hahahha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status