Hello, mga Mare, Salamat sa pag-add kina Laarni At Kyre. Sana suportahan sila hanggang sa matapos sila. Thank you po💖🤧💖
Ang inakala ni Laarni ma-bored si Kyre habang hinihintay siyang matapos ang training sila sa volleyball ay hindi nangyari. Nag-enjoy ito makipag-usap sa mga coach nila. Kahit si coach Kerby ay na bato-balani sa kanya. Sa halip na siya ang nangunguna sa pag-train sa kanila ni Laarni ayon nag-enjoy ding makipag-usap kay Kyre. Napasigaw si Laarni ng matamaan siya ng bola. Bigla namang napatayo si Kyre sa kinauupuan niyang marinig ang sigaw ni Laarni. "Ouch!" reklamo ni Laarni. Masakit kasi ang pagkalagapak ng bola sa ulo niya."Sorry, best," hinging paumanhin ni Jen na s’yang nakatama sa kanya. Aksidenteng kay Laarni napunta ang palo niya ng mag-practice siyang pumalo. Si Jen ay gagraduate din ngayong taon. Tatlo silang magpapaalam sa varsity ngayong taon, si Laarni, si Jen, at si Shamma. Kaya naman ginawa talaga ginawa nila ang best upang mabigyan ng magandang laro ang school. Kung hindi silapalarin na mag-champion at least may maiuwi silang medalya para sa university. "Okay
"Manong, ito po bayad ko sa lahat ng kinain namin," sabi ni Laarni dito. Baka mamaya totohanin ni Kyre ang sinabi niyang siya ang magbayad. Magkakaroon pa siya ng utang na loob sa kanya. Naku, ayaw pa naman na masumbatan dahil lang doon. "Naku, ma'am, wala akong panukli dyan," reklamo ni manong tindero. "Keep na change nalang po, manong," sabi pa ni Laarni. "Sigurado ka ma'am? " panini guro ni manong sa kanya. "Opo," nakangiting sagot ni Laari sa tindero. Akmang kukunin ni manong yon nang pigilan ni Kyre ang kamay ni Laarni. "What?" "Akong magbayad di ba?" tanong nito sa kanya. "May barya ka ba?" balik tanong ni Laarni kay Kyre. Nagdadalawang isip pa si Laarni kung may pera nga ito sa wallet niya."Wala, pero may debit card ako dito, " confident na sagot niya. "May nakikita kabang counter dito?" pilosopong tanong ni Laarni sa lalaki. Napatingin naman siya kay Manong tindero at nang ma-realize na di pala pwede ang debit card dito ay para itong napahiya. Namula ang mukha nito se
Sini-set ni Lani kay Jen ang bola. Sa lakas ng palo niya, tumalbog ang bola papunta doon sa benchers ng mga audience matapos itong ma-block ng kalaban nila. Tudo hingi naman ng sorry si Jen doon sa isang audience na natamaan ng bola. Hiyawan naman ng ibang manonood dahil score yon sa panig nila Laarni. Kung nagtataka kayo kung nasaan sila Laarni ngayon ay nandito ulit sila sa Mall of the East Arena kung saan ginanap ang 3rd game for championship sa pagitan ng University nila at ng Dela Torre University. At nasa set 5 na sila ng laro. Grabe ang buwis buhay na ginawa ng ka-team nila Laarni para makaabot sila sa set na ito. Panalo ang kalaban sa first two sets ng laro kaya halos mawalan sila ng pag-asa na mananalo pa. Mabuti na lang nasa momentum maglaro si Maris nong nasa 3rd set na. Grabe yong digs at receive niya mahabol lang ang bola. "Great job, guys," sigaw ni coach Kerby sa gilid ng court."Nice one, Jen," sabi naman ni Laarni sa kaibigan saka niyakap ng mahigpit. Nakiyakap nam
Mabilis namang bumalik si Laarni sa pwesto niya sa front row nang makita niya na-dig ng maayos sa kabila at ipinasa sa setter nila. Sine-set naman nila ito sa outside spiker nila. Sabay na tumalon sina Aiza at Laarni upang e-block yon. Si Laarni ang naka-block ng bola at gumulong ito paibaba matapos niyang ma-block ito. Hindi na nakuha pa ng kalaban ang bola kahit tatlo pa silang sumubok upang iligtas ang bola. Tuluyang naglanding ang bola na naging dahilan ng pagkapanalo nila Laarni. "Yessssss!" sigaw si ni Laarni at napaupo sa sahig ng court. Dinambahan si Laarni ng mga kasamahan niya. Kaya na out of balance siya. Muntik pa siyang mapahiga kung hindi siya nahawakan ni Shamma sa likod. Napasubsub si Laarni sa mga tuhod niya dahil naiiyak siya sa resulta ng laro nila. Rinig na rinig niya ang mga nagsisigawang mga audience at ang putok ng caffiti na bumubuga ng mga maliit na papel. "Congratulations to the newest champion for this season. The University of San Rafael lady warriors!"
Palinga-linga si Laarni dito sa loob ng restaurant. Di niya makita ang mommy at daddy niya. Wala rin siyang nakitang mga magulang ng mga ka-team niya dito. Tanging mga kasamahan niya ang kasama at ang ilan na may mga kasintahan at coaches lang ang narito. Kaya nakakunot ang noo ni Laarni. "What's with the frown?" tanong ni Kyre sa kanya. "Where is mom and dad?" balik tanong niya sa lalaki. "Ah, them? They decided not to come here since nandito naman daw ako kasama mom" sagot ni Kyre sa kanya."Wow. Sana all pinagkatiwalaan," sabi na lang ni Laarni."Of course. Mapagkakatiwalaan naman talaga ako,” sabi naman niya. "Edi, wow," wika ni Laarni at uminom ng strawberry juice. Matapos nilang kumain sa restaurant ay nagpasyahan na ng lahat na pumunta ng exclusive bar bilang part two ng victory party nila kanina lang. Sa pangunguna ni coach Kerby. Will, bata pa naman si coach nasa thirty plus pa lang at binata pa. Yong nga lang babae ang puso kaya talagang alam na alam din nito ang mga
Masakit ang ulo ni Laarni ng magising siya Kinapa niya ang katabing si Jen. Ngunit wala man lang siyang nakapa. Kaya tuluyan niyang minulat ang mata. Napatingin si Laarni sa wall clock na nasa taas ng pinto ng kwarto niya. Mag-alas diyes na nang umaga. Tuluyan na siyang bumangon. Kahit na masakit ang ulo ay pinilit niya pa rin. Saan kaya napunta ang kaibigan niyang iyon. Wag niya lang talagang malaman na umalis yon ng walang paalam sa kanya kundi malilintikan talaga to sa kanya. Friendship over talaga sila kapag mangyari yon. Joke. Takot niya lang mawalan ng kaibigan. Minabuti niyang pumasok muna sa banyo upang makaligo. Baka sakaling maibsan ang sakit ng ulo niya. Naparami yata ang inom niya kagabi kaya ito ang naging resulta. Kasalanan niya naman kasi hinayaan niya ang mga ka team members niya na bigyan siya ng nakakalasing na inumin. Matapos maligo ay pinatuyo niya ang sarili at nagbibihis ng damit pambahay. Simpleng shorts at sando na pink ang suot niya. Ganito talaga si
Mabuti na lang at busy ang mommy sa kakatampal sa daddy niya kaya hindi nito nakita ang ginawang paghalik sa akin ni Kyre. Ngunit kung nakaligtas siya sa mapanuring tingin ng mommy at daddy niya, hindi kay Jen. Kita niya ang pag ngiti nito ng tumingin siya sa gawi nito.Pinalakihan niya ito ng mata ngunit patay malisya lang itong tumayo at pumunta sa ref at kumuha ng juice saka baso at sinalinan niya ito at diretsong ininom. Feel at home ang bruha sa pamamahay nila.Hinampas niya ng malakas si Kyre.“Ouch! Ang sakit non, sweetie. Wala naman ginawang masama ah,” sabi niya at muling yumuko. Akala niya ay muli siya nitong hahalikan ngunit may ibubulong lang pala. "I really like kissing you every time I got a chance."Muling pinamulahan ng mukha si Laarbiuiu dahil sa sinabi niya. Tumayo na lang siya at lumapit kay Jen na hawak pa rin ang petcher ng juice. Kinuha niya ito baso nito na may laman pang juice at diretso niya itong ininom. Sinamaan naman siya ng tingin si Jen na hanggang ngayo
Ito na ang araw na hinintay ni Laarni, it’s their graduation day. Sa hinaba-haba ng panahon sa wakas naabot niya na rin ang inaasam-asam niyang mangyari. Sa wakas, mawawalan na din sila ng sakit sa ulo mula sa mga school works, term papers, mid- final exam, theses, defence, practical exam and soon and so forth. Plus OJT pa. Napaka-hassle talaga lalo na sa mga tulad nila na varsity players. Kahit naman kasi mga representative sila tuwing may mga school games ay hindi sila exempted sa mga ganong school works. May inaalagaan din silang grades para ma-maintain pa rin nila ang pagiging varsity scholar. Kaya hindi lang katawan nila ang napagod pati na rin ang isip nila dahil lagi silang naghahabol ng deadlines. Nakapwesto na sila sa mga assigned seats nila. Katatapos lang ng nag-march para sa prossisonal march ng mga graduating students. Tatlo sila ni Shamma at Jen ang gagraduate mula sa varsity team nila kaya tudo iyak ang ibang mga ka-teammates nila noong araw na pormal nilang i