Papasok si Laarni sa dining table kung saan nandoon ang mommy Ethel niya. Dito kasi ang sinabi ni ate May, ang kasambahay nila nang tanungin ni Laarni kung nasaan ang mommy nito. "Good morning, mommy kong maganda," bati ni Laarni sa kanya pagdating niya sa dining table.Yumakap pa siya sa likod ng mommy at pinaghahalikan sa pisngi. Ganito kasi siya bumati sa mga magulang. Kahit sa daddy Ramon niya ganitong- ganito siya kung babati. Ang sweet na bata itong si Laarni sa magulang. Pinanggigilan pa ni Laarni ang mommy niya bago nito pinakawalan. "Good morning din sa maganda kong anak. Anong meron at maaga kaya yatang nagising?" tanong niya ng mommy Ethel ni Laarni nang makaupo siya sa upuan paharap sa ina nito."May training kami ngayon mom," sagot ni Laarni sa mommy niya na nakangiti."Kakapanalo nyo lang kahapon ah? Training agad. Wala man lang pahinga?" tanong ng mommy Ethel niya. "Kailangan namin yon mom eh. Para may energy kaming maglaro. Tapos may lakas kaming pumalo, mang-b
Nalula si Laarni sa dami ng tao dito sa Mall of the East Arena. Dito gaganapin ang final game one nila ngayon. Di nakapagtataka na halos three fourth ng mga tao na nandito ay fans ng kabilang team na siyang makakalaban nila Laarni ngayon, ang Dela Torre University. Depending champion ang University na ito kaya di nakapagtataka na maraming fans ang mga ito. Samantalang ang team naman nila ay kapwa estudyante ang nandito o kaya naman ang pamilya ng bawat team nila para suportahan sila. Speaking of family, nilibot ni Laarni ang paningin upang hanapin kung nandito na ba ang magulang niya. As usual, magkatabi na naman ang mga ito. Ang sweet na naman nilang nag-uusap na akala mag-asawa pa. Napailing na lang si Laarni at natatawa dahil sa mga kalokohan ng magulang niya. Ngunit natuon ang paningin ni Laarni sa isang matangkad na lalaking lumapit sa pwesto ng mommy at daddy niya. Magiliw na nakipag kamay ang daddy niya dito ganun din ang mommy. Pagkatapos ay itinuro ng daddy niya ang pw
"Ano? Gusto mo akong kalaro?" Pagkaklaro ni Laarni sa kanya. Tumango lang siya bilang sagot. Kaya naman ay tinapon ni Laarni sa kanya ang bolang hawak nito. May dala kasi siyang bola dahil balak niyang mag practice sa bahay mamaya. "Tara, punta tayong court, doon tayo maglaro tayo," sabi naman ni Laarni sa lalaki. Buong akala ni Laarni ay susunod ito sa kanya. Nagulat na lang siya nang bigla na lang siyang hinila ng lalaki at kinaladkad patungong sasakyan nito. "Hoy, saan mo ako dadalhin?!" Nagpumiglas si Laarni habang hawak ito ni Mr. Mendoza. "Sabi mo, maglaro tayo. Shit!" Pinasan lang naman ng lalaki si Laarni at deniposito sa passenger's seat ng sasakyan niya. Ang gara naman ng sasakyan niya naka-Porsche pa. Umikot naman ito at sumakay sa driver's seat. "Akala ko ba maglaro tayo? Bakit mo ako kinadkad dito?" Pabalang na tanong ni Laarni sa kanya."When I say playmate, it's not literally playmate," pa-misteryosong sabi niya. "Eh, ano pala? Paki-explain po," sabi naman ni La
Habang kumakain sila ay na-open up ang usapan tungkol sa nalalapit na pagtatapos ni Laarni. Kung anong plano after niya kapag graduate na siya. Kahit na kasama pa nila si Kyre ay tuloy-tuloy ang usapan. Hindi alintana ang presensya ng binata."Ahm, I have an offer po sa isang company to play pro under their team po. Kaya if ever, ipagpatuloy ko na lang ang paglalaro after ko maka-graduate po," sagot ni Laarni"Wala kang plan mag trabaho sa company natin, anak?" tanong ni Ethel sa anak. "Gusto ko pang maglaro mommy. Pwede po yon?" pakiusap ni Laarni sa ina. "Pag okay sa daddy mo. Sige pagbigyan kita," sagot naman ni Ethel."Daddy, okay naman sayo diba?" Lambing naman ni Laarni sa ama. "Sige, anak. Bata ka pa naman. Basta kung gusto mo ng magtrabaho, sabihan mo lang mag-retire ako. Ibibigay ko sayo position ko," biro ni Ramon sa anak. "Daddy naman, ang bata mo para mag retire kaya n'yo pa nga akong bigyan ng kapatid eh," ganteng biro ni Laarni sa kanila."Magtigil ka, Laarni. Paglu
Nasa school bus na lahat ng teammates ni Laarni patungo sa Mall of East Arena para sa Game 2 ng final game nila. Ang ingay nila sa loob ng bus. May nagkakantahan, nagbiruan, may naglaro pa nga sa loob ng bus. Parang di dumaan sa pagkatalo noong unang game nila versus Dela Torre University. Natahimik lang sila ng sunod-sunod na pumasok ang mga coaches ng team. "Ready na for the game 2, girls?" tanong ni coach Kerby sa mga players. "Ready na coach! Ready na matalo," lahat sila napatawa sa sagot ni Shamma sa coach nila. "Ai, talo agad? Di pa nga nagsimula ang game 2, pinaghinaan na kayo ng loob?" pagpapagaan ni coach Kerby sa mga players niya. Ayaw niyang panghinaan Ng loob ang mga ito. Aminado naman talaga sila na mahirap kalabanin ang Dela Torre University. Mabuti nga at naka one set pa sila last game versus sa kanila. Hindi sila madaling kalaban sa totoo lang. "Eh, coach, ano bang gawin namin para manalo kami sa kanila? Hindi effective yong pa tumbling-tumbling at pa swimming-sw
Nagsimula na ang set 3, kabado na ang grupo ni Laarni. Ganon pa man naging kalmado pa rin siya. Ayaw niyang masira ang concentration niya. Naging seryoso ang laban lalo pa at walang sinuman ang gustong magpatalo. Kung nakakapuntos sila sa serve na ito, di naman magpapalamang ang kabila talagang papantay din ang mga ito sa score nila, kaya sobrang higpit ng labanan. "Lani!" Sigaw ni Maris sa Kay Laarni habang pinapasa ang bola. Sini-set niya kay Jen ang bola. Ang buong akala ng kabila ay papaluin ni Jen ng malakas ang bola kaya yung iba sa kabila umatras para maghanda sa pagsalo ng bola. Ngunit tinalon lang ni Jen ang set ni Laarni at parang inabot lang sa kabilang net ang bola. Dahilan upang maglanding ito nang di naabutan ng kalaban ang bola. Sigawan ng team nila Laarni dahil puntos yon sa team. "Nice one!" sabay-sabay nilang sigaw at nagyakapan pa sila. Tumalon-talon pa sila dahil lumalamang na ng dalawang puntos. 18-20 ang scores panig nila ang lamang. "Great job, Jen,” sab
Pababa si Laarni sa hagdan nila nang mamataan niya ang daddy Ramon sa sala. Himala at nandito siya sa bahay ngayon. Nagmamadali siyang bumaba upang makausap ito. "Daddy!" sigaw niya sa kanya ama habang patakbo na bumaba. Natataranta na naman si Ramon nang makita ang anak na patakbong pababa. "My princess, wag kang tatakbo baka mahulog ka!" sigaw niya sa kay Laarni na tinawanan lang ng huli. Sinalubong naman niya ito sa huling baitang ng hagdan. "Hi, daddy. I missed you," lambing ni Laarni dito at niyakap siya. "Ang sweet naman ng anak ko. May kailangan ka siguro noh?" pang-aalaska ni Ramon sa anak. "Wala noh. Porte't naglambing ako may kailangan na agad? Hmmp," sabi ni Laarni saka nagmarcha papuntang kusina kunwari nagtatampo siya. "Ito naman nag tampo agad. Ano bang gusto ng baby ko. Hmmm?" lambing din ni Ramon kay Laarni habang nakasunod sa sa huli papuntang kusina. Napangiti naman si Laarni ng lihim. "Talaga, dad? " Kumikislap ang mga mata niyang humarap sa ama. "Ahuh,
Ang inakala ni Laarni ma-bored si Kyre habang hinihintay siyang matapos ang training sila sa volleyball ay hindi nangyari. Nag-enjoy ito makipag-usap sa mga coach nila. Kahit si coach Kerby ay na bato-balani sa kanya. Sa halip na siya ang nangunguna sa pag-train sa kanila ni Laarni ayon nag-enjoy ding makipag-usap kay Kyre. Napasigaw si Laarni ng matamaan siya ng bola. Bigla namang napatayo si Kyre sa kinauupuan niyang marinig ang sigaw ni Laarni. "Ouch!" reklamo ni Laarni. Masakit kasi ang pagkalagapak ng bola sa ulo niya."Sorry, best," hinging paumanhin ni Jen na s’yang nakatama sa kanya. Aksidenteng kay Laarni napunta ang palo niya ng mag-practice siyang pumalo. Si Jen ay gagraduate din ngayong taon. Tatlo silang magpapaalam sa varsity ngayong taon, si Laarni, si Jen, at si Shamma. Kaya naman ginawa talaga ginawa nila ang best upang mabigyan ng magandang laro ang school. Kung hindi silapalarin na mag-champion at least may maiuwi silang medalya para sa university. "Okay