Share

Chapter 4

Habang kumakain sila ay na-open up ang usapan tungkol sa nalalapit na pagtatapos ni Laarni. Kung anong plano after niya kapag graduate na siya. Kahit na kasama pa nila si Kyre ay tuloy-tuloy ang usapan. Hindi alintana ang presensya ng  binata.

"Ahm, I have an offer po sa isang company to play pro under their team po. Kaya if ever, ipagpatuloy ko na lang ang paglalaro after ko maka-graduate po," sagot ni Laarni

"Wala kang plan mag trabaho sa company natin, anak?" tanong ni Ethel sa anak. 

"Gusto ko pang maglaro mommy. Pwede po yon?" pakiusap ni Laarni sa ina. 

"Pag okay sa daddy mo. Sige pagbigyan kita," sagot naman ni Ethel.

"Daddy, okay naman sayo diba?" Lambing naman ni Laarni sa ama. 

"Sige, anak. Bata ka pa naman. Basta kung gusto mo ng magtrabaho, sabihan mo lang mag-retire ako. Ibibigay ko sayo position ko," biro ni Ramon sa anak. 

"Daddy naman, ang bata mo para mag retire kaya n'yo pa nga akong bigyan ng kapatid eh," ganteng biro ni Laarni sa kanila.

"Magtigil ka, Laarni. Pagluluwal nga lang sayo, hirap na hirap na ako."

"Pero pwede pa mommy diba?"  biro pa ni Laarni 

"Tse!" Sabi ni Ethel. Natawa naman si Laarni sa reaksyon ng mommy niya.  Pero bigla na lang silang naging seryuso ng magsalita si Kyre sa tabi ko. 

"Which team do you wish to play?"

"Actually po, dalawang club ang nag offer sa akin na doon ko sa kanila. Pinag-isipan ko pa kung saan ako lilipat, kuya."  

"Tsk, don't call me kuya. We're not even siblings." Natawa naman si Laarni dahil para itong batang pinilit gawin ang bagay na ayaw niya. "So anong team yon?" Di talaga ito tumigil haggat di sinasagot ang tanong niya. 

"Honeybee Sweet Smashers  or M&Berries  Flying Troops po." Sagot ni Laarni kay Kyre 

"And your choice is?" Kulit pa nito. 

"I think mas okay sa Honeybee."

"And why?" tanong pa ni Kyre na nagtataka nila kung bakit intresado itong malaman kung saang team maglalaro si Laarni.

"They offer me 400,000 pesos per season,"  excited na sagot ni Laarni. 

"And just because they offered you that money doon kana? What if magulo pala ang team yon okay lang sayo?" tanong pa ni Kyre kay Laarni.

"Ano namang paki mo kung doon ako. Ako naman ang maglaro hindi ikaw. Basta ako mag-enjoy lang sa laro," Sabi ni Laarni kay Kyre sabay irap. 

"Tsk," Sabi na lang ni Kyre at umiling-iling pa. Di  na lang pinansin Laarni. 

"Anyway, mom, dad?  Di pa ba tayo uuwi? Mag practice pa ako  sa bahay," maya-maya ay reklamo ni Laarni sa kanila. 

"Alright, mauna ka nang umuwi, nak. May pupuntahan pa kami ni daddy mo," sagot  ni Ethel sa anak. 

"Saan naman? Oi, gagawin nyo ba ang kapatid ko?" Tukso ni Laarni sa kanila. Tinawanan lang ito ni Ramon. 

"Magtigil ka, Laarni Villegas!" Asik ni Ethel sa anak na walang ginawa kundi tuksuhin sila ni Ramon.

"Ai, full name talaga. Galit na yarn?" natatawang sabi ni Laarni. Muntik na siyang mabato ng tinidor ng mommy niya. Pinag-cross arm naman ni Laarni ang mga braso niya sa mukha baka totohanin ng mommy niya ang batuhin siya. 

"Uwi kana nga. Dami mong alam," natatawa na rin sabi ni Ethel sa kalokohan ng anak.

"Opo, uwi na ako," Sabay kuha niya sa bag na puro damit ang laman. Medyo mabigat yon dahil may mga sapatos yon sa loob. Nilahad ang palad sa mommy niya.

"Ano?" sabi naman ni Ethel sa anak na di alam kung bakit nilahad ng anak ang palad.

"Pamasahe ko. Wala akong pera," sabi ni Laarni sa kanila kahit may pera naman siya. Subukan lang niyang mambudol sa kanila. Tingnan niya kung  tatalab. 

"Ihatid ka ni Kyre pauwi kaya libre pamasahe mo," Natatawa na sabi ni Ramon sa anak.. 

"Mom, dad. Nakakahiya doon sa tao. Inutusan nyo pang sunduin ako," reklamo ni Laarni sa magulang. 

"I'll drive you home," Singit ni Kyre sa usapan mag-anak.. 

"Ai, hindi. Okay lang. Nakakahiya naman. Maglakad na lang ako pauwi total, ayaw naman akong bigyan ng pamasahe," pangungunsensya ni Laarni sa magulang niya.

"Bye, everybody!" dagdag na sabi pa niya babay talikod. Palukso-lukso pa siyang naglalakad palabas ng restaurant.  

Ngunit nagulat nalang si Laarni na may biglang umagaw sa pack back na dala niya. Si Kyre pala ang salarin non. Inagaw ni Laarni ang bag ngunit mas matangkad si Kyre  sa kanya kaya nahihirapan akong bawiin yon. Kahit naman 5'7 ang height niya, di parin yon uubra sa 6' footer na si Kyre. Ganun ang senaryo namin hanggang makalabas. 

Nilundag ni Laarni ang bag nang itaas yon ni Kyre, ngunit sadyang napaka -clumsy niya dahil natapilok siya dahilan upang matumba siya sa dibdib ni Kyre. Di yon napaghandaan ni Kyre na maging dahilan ito upang ma-out of balance. Pareho silang natumba sa Bermuda grass. Parang nag-slow motion ang lahat ng magkatinginan sila. Ang lapit lapit nila sa isa't-isa. Kunti na lang parang maghalikan na sila 

"Anong nangyari sa inyo?" Boses ng daddy  ni Laarni ang nagbalik sa kanya sa realidad. 

Dali-dali silang bumangon dahil nakatunghay sa kanila ang maguku ng huli. Gusto na lang ni Laarni  bumuka ang lupa upang lamunin siya. Nakakahiya! May mga nakatingin pa sa kanila. Yung iba nasa loob pa ng restaurant, nakita kasi nila ang labas lalo at glass ang dingding nito. 

"Ikaw kasi," paninisi ni Laarni sa sa binata.

Kinuha na lang niya  ang bag na nasa bermuda grass at naglalakad palayo. Di na pinansin ni Laarni dahil nahihiya sa nangyari. Saktong lalagpasan lang niya na sana ang sasakyan ni Kyre nang bigla siyang hinatakin nito at ipinasok sa loob ng sasakyan. 

"Ano ba! Kanina kapa ah?" sigaw ni Laarni dito ngunit baliwala lang sa binata ang galit niya kuno. Umikot ito sa kabila at pinausad na ang sasakyan. 

"Saan tayo?" tanong ni Kyre. 

"Saan ba dapat ako ihatid?" pilosopong sagot ng dalaga.

"Sa hotel?" patanong na sagot ni Kyre

"Sapak, gusto mo?" bwelta naman ni Laarni sa kanya.

"Sabi ko nga sa bahay nyo," Nakakatawang sabi ni Kyre. Napatawa na lang din si Laarni.. 

"Bakit nga pala nanood ka ng laro namin kanina?" Maya-maya ay tanong niya sa lalaki.

Wala lang, gusto lang ni Laarni may mapag-usapan. Ayaw niya na ulit makialam sa mga gamit ng binata dito sa sasakyan baka ma bombahan na naman siya  kapag ulitin pa niya.

"Bawal na ba akong manood?" Balik tanong ni Kyre sa kanya. 

"Hindi naman, kaso sa mga tulad mo, busy kayo sa negosyo niyo. May oras pa kayo sa ganon. Tapos ang FC mo pa sa mommy at daddy ko," sagot ko ni Laarni. 

"FC?" naguguluhan na tanong ni Kyre.

"Feeling close, ganon," pagkaklaro ni Laarni. Napa halakhak naman ito sa sinabi ng huli.

"May nakakatawa ba?" Nakataas ang kilay  sabi ni Laarni sa binata. 

"Wala naman," sagot ng binata. 

"So, ano nga? Bakit  feeling close ka sina mommy?" ulit na tanong ni Laarni.

"That's because I want something from them. No, I want you," direktang sabi ni Kyre sa dalaga.

"At bakit?" nakataas pa rin ang kilay ni Laarni  sa binata. 

"Hmmm, what about let's have a deal," sabi ni Kyre. 

"Deal na naman," Reklamo ni Laarni sa kanya. 

"Kapag manalo kayo sa laro bukas, I'll be the one who will choice which team ang lilipatan mo kapag graduate kana. At kapag matalo kayo, hahayaan kitang mag desisyon sa gusto mong lipatan," Sabi nito.

"Lugi naman ako sa deal na yan. Paano ang team ko kapag matalo kami? Ako ang masisisi? No deal! thank you na lang," May paninindigan na sabi ni Laarni.

"Remember, nakasalalay sayo ang investment ko sa kompanya ng daddy mo," wika niya na may ngisi sa labi. 

"Baliw," Sabi ni Laarni sa kanya. Nagkibit balikat lang si Kyre sa sinabi ng huli. 

Nakarating sila sa bahay na puro bangayan ang nangyari sa usapan nila. Ayaw pumayag ni Laarni sa nais ng binata  ngunit dehado talaga siya dahil lagi niyang pinaalala ang investment niya sa kumpanya ng daddy niya. In the end walang choice si Laarni  kondi ang pumayag sa gusto ng binata. 

Ayaw niya naman na ipatalo ang team namin dahil sayang ang pagkakataon mag-champion kung hahayaan niya yon. Isa pa huling taon niya sa school, gusto niyang lalabas sa university na may karangalang matamo. Kaya  bahala na si batman, saka na niya isipin ang posibleng mangyayari.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
CristinaAl30179
Nako Nako Laarni gawin mong imposible sa laro niyobpara maatali Ang kalabann hahhaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status