Share

Chapter 5

Nasa school bus na lahat ng teammates ni Laarni patungo sa Mall of East Arena para sa Game 2 ng final game nila. Ang ingay nila sa loob ng bus. May nagkakantahan, nagbiruan, may naglaro pa nga sa loob ng bus. Parang di dumaan sa pagkatalo noong unang game nila versus Dela Torre University. Natahimik lang sila ng sunod-sunod na pumasok ang mga coaches ng team.

"Ready na for the game 2, girls?" tanong ni coach Kerby sa mga players.

"Ready na coach! Ready na matalo," lahat sila napatawa sa sagot ni Shamma sa coach nila.

"Ai, talo agad? Di pa nga nagsimula ang game 2, pinaghinaan na kayo ng loob?" pagpapagaan ni coach Kerby sa mga players niya. Ayaw niyang panghinaan Ng loob ang mga ito.

Aminado naman talaga sila na mahirap kalabanin ang Dela Torre University. Mabuti nga at naka one set pa sila last game versus sa kanila. Hindi sila madaling kalaban sa totoo lang.

"Eh, coach, ano bang gawin namin para manalo kami sa kanila? Hindi effective yong pa tumbling-tumbling at pa swimming-swimming namin doon eh," biro ni Maris ang libero ng team na ang tinutukoy niya ay ang mga digs na ginawa namin ma-save lang ang bola.

"Aba, malay ko sa inyo. Sinabi ko bang languyin mo ang bola kahit na sobrang layo na?" ganting biro ni coach sa kanya. Nagtawanan ang lahat dahil doon.

Ito ang nagustuhan ni Laarni sa team nila. Nakuha pang magbiro kahit nasa seryosong usapan.

"Basta guys, ito tandaan n’yo. This is our last chance na makuha ang championship. Why not, lubos-lubusin natin. Kung matalo tayo sa laban na to, no worries, may silver pa rin tayo. Just enjoy the game. And please, avoid injury. Kung pakiramdam nyo, pagod na kayo. Kailangan nyo ng pahinga. Give me a sign at magtawag ako ng sub. It's that clear, girls?" tanong ni coach Kerby sa players niya.

"Yes, coach." Sabay-sabay nilang sagot.

"Lani," tawag ni Kerby Kay Laarni.

"Po?" tanong niya kay coach Kerby ngunit tinitigan lang Siya ng coach niya. Kaya napatawa kaya napatawa na lang si Laarni. "Coach naman, parang kakainin mo ako ng buhay," sabi ni Laarni at iniwas saglit ang tingin sa coach.

"Kapag matalo ang team, kasalanan mo," seryusong sabi ni Kerby ngunit alam ni Laarni na nagbibiro lang ito at nakangisi yan sa isipan nito.

"Why me? Ako ba papalo?” pag-alma kunwari ni Laarni sa kanya.

"Oo nga, Lani. Ayusin mo pag-set sa akin ah? Kapag iyan na block ng kalaban kasalanan mo," Sigunda ni Shamma, at lahat sila nag sunod-sunod na. Kasalanan daw ni Laarni kapag matalo sila.

"Hep, hep, hep!" awat ni Laarni sa kanilang lahat. Nakataas pa ang dalawang kamay niya bilang pagsuko kamo

"Kasalanan ko talaga?" tanong pa ni Laarni sa kanila.

"Yes!" sagot nang lahat. Talagang pinagtulungan ng lahat si Laarni.

"Sure na yan?" tanong pa Niya sa mga ka-team niya

"Yes!" Sabayang sagot ulit nila.

"Kuya Jerry, pakihinto nga po ng bus," biglang sabi ni Laarni sa bus driver na sinakyan nila. At dahil masunurin si kuya, sinunod naman niya nito si Laarni. Mabuti na lang at wala pa sila sa highway kaya pwede pang huminto si kuya.

"Bakit mo pinahinto si kuya?" tanong ni Maris.

Nakatingin naman ang lahat Kay Laarni para bang nag-aabang lang kung anong gagawin niya. Kinuha ni Laarni ang bag at isinukbit sa balikat niya.

"Uwi na ako para sure ball na matalo tayo sa game. K, bye!" At akmang bababa ng bus. Nagkataon kasi na malapit lang siya sa pinto.

"Hoy!" Sigaw ng lahat. Yung mga malapit sa pwesto ni Laarni ay pinagtulungan nila siyang buhatin. Natawa naman si Laarni sa mga reaksyon nila. Natakot yatang uuwi talaga uuwi siya.

"Hoy, ibaba nyo ako! Kaya kong maglakad," Natatawa pa ding reklamo ni Laarni sa kanila. Ngunit di nila ibinaba hanggang sa makarating sa huling upuan ng bus dito sa likod.

"Dyan ka. Pinakaba mo kami," akairap na sabi ni Shamma. Isa mga bumuhat Kay Laarni at the same time, team captain ng grupo.

"Sorry naman. Pinakaba ko lang kayo," Sabi ni Laarni at tumawa ng malakas. Binatukan tuloy siya ni coach Kerby.

"Ang hirap pa lang biruin tong setter natin, wagas kung makagante," sabi ni Shiela, ang pinakabata sa kanila. First college pa kasi ito sa kursong Mass Communication. Nagtatawanan naman ang lahat.

"Mas worst pa ang ginawa niya last year kung alam mo lang," sabi naman ni Shamma.

"Anong ginawa niya?" curious na tanong ni Shiela.

"Tumalon ba naman mula sa ikatlong bencher papuntang court. Ayon, na injured lang naman." sabi ni Shamma na umiling-iling pa.

Natawa naman si Laarni nang maalala yon, totoong na injured siya dahilan upang yong 2nd setter ang magdala sa laro. Kayang lang di pa masyadong gamay nito ang grupo dahil baguhan pa lang ito. Nasobraan yata siya sa kakulitan ng mga panahong yon.

"Sabi n’yo kasi ipatalo ko ang laro, edi uuwi ako para siguradong talo na tayo."

"Gagi!" binatukan ni Shamma si Laarni. "Ngayon ka pa talaga nagbiro kung saan oras na para sa laro natin? Umayos ka nga. Baka makatikim ka kay coach Kerby," natatawa na sabi ni Shamma sa akin. Natawa din si Laarni sa kanyang sinabi.

"Tara na nga. Kuya Jerry, larga na. Baka hindi si Lani ang magpalatalo sa atin kondi ang pagiging late natin. Dahil di tayo sumipot sa tamang oras ng laro," sabi ni coach Kerby. Dahilan upang magtawanan kaming lahat.

Nakarating sila sa mall na puro satsat ni coach Kerby ang kinain nila. Ang dami niyang sinabi na dapat daw nilang gawin during the game. But, Laarni doubt kung magagawa ba nila ang sinasabi ng coach nila. Baka mag-iba ang taktik ng kalaban kaya kailangan din nilang na mabasa ang mga galaw nila.

Pagpasok nila sa court punuan na ang mga benchers. Kung dati sobrang madaming tao, ngayon triple na ang dami non. Ang ikagulat ni Laarni ay dahil may mga fans na pala sila. Nagulat siya sa pa-banner nila sa team nila Laarni. Tawang-tawa si Laarni sa mga mukha nilang naka-wacky face. Marahil ay kinuha nila yong mga pictures sa tuwing naka scores sila.

"Girls, warm up na para may energy pa kayo na maglaro mamaya," sabi ni coach Kerby sa kabilang lahat.

"Yes, coach," kanya-kanya silang position upang makapag-warm up na.

Kung ano-anong exercise ang pinapagawa sa kanila ng coach. Di nagtagal ay isa-isa nag-line up dahil magsisimula na ang laro. Tinawag na mga starting line-up ng bawat team. Nang nasa pwesto na sila ay lihim na inilibot ni Laarni ang paningin niya.

Hinanap ng mga mata niya ang Mommy at Daddy nito. Kumaway lang si Laarni sa kanila ng makita ang hinahanap. Ngunit para may hinahanap pa ang mga mata niya dahil muli itong umikot at huminto particularly sa isang tao, kay Kyre na nasa malapit ng exit gate ng arena. Seryoso itong nakatingin sa kanila sa court habang naka-cross arms ang mga braso. Napakislot si Laarni ng makarinig siya ng pito. Nagsimula na pala ang laro.

Ang kabilang team ang nag-serve ng bola kaya naging alerto sila. Maris received the ball and pass to Laarni. Sini-set niya yon kay Shamma at pinalo niya, ngunit na block ng kalaban kaya bumalik sa kanila ang bola muntik pa yung ma out kung di yon hinabol ni Maris. Sa mga ka-team nila, si Maris ang maaasahan nila sa paghabol ng bola, backup na lang sila kung sakaling naabutan niya.

Napatingin si Laarni sa kabila upang malaman niya kung saan maaaring i set ang bola, at nang mapansing wala masyadong bantay sa gitna, sini-set niya ng mahina ang bola sa uluhan niya saka umatras, biglang palo yon ni Pearl, ang middle blocker nila. Sa lakas ng impact napaupo ang nag-digs non dahilan upang mang landing ang bola. Boom! Puntos sa team nila Laarni. Napatalon siya sa tuwa. For the first time, sila ang unang nakapuntos.

"Nice one!" sabi ni Laarni kay Pearl.

Nag-apiran silang lahat bago bumalik sa kanya-kanyang pwesto. Si Laarni naman ay pumunta sa corner upang e-serve ang bola. Matapos ma-e-serve ay tumakbo siya papunta sa spot niya. Tuloy ang pasahan ng bola hanggang sa e-spike yon ni Jen matapos e-set ni Laarni sa kanya, bina-block ng kabila ngunit sa sobrang lakas ng palo, tumalbog ang bola palabas ng court dahilan upang pakapuntos ulit sila.

"Yay! Nice one Jen," sabi ni Laarni sa kanya sabay palo ng likod niya.

"Aray. Masakit yon ah?" reklamo niya ngunit tinawanan lang siya ni Laarni saka niyakap-yakap.

"Nice one, Jen," sabi naman ni Shamma sa kanya ng mapang-abot sila sa gitna.

"Nice one," ganting bati ni Jen.

Muli nag-serve ng bola si Laarni since puntos pa rin nila yon. Ngunit sa sobrang lakas ng pagka-serve niya ay na-out ang bola. Pinalubo na lang ni Laarni ang magkabilang pisngi niya.

"Sorry, guys," hinging paumanhin niya sa mga Kasama.

"Lagot ka, mamaya pasayawin ka ni coach sa gitna ng court," pang-aasar ni Mafe, outside spiker din ng team nila.

"Don't worry, nakahanda na ang music ko," pagsabay ni Laarni sa biro niya. Nagtatawanan sila sa sinabi Ng huli. Napailing na lang din si Laarni habang tumatawa.

Nagtuloy-tuloy ang laro hanggang sa naka set three na sila. Panalo ang team ni Laarni sa dalawang naunang set. Kapag maipanalo pa nila ang set na ito ay magkakaroon pa ng game 3 sa susunod na araw.

"Good job, ladies," bati sa kanila ni coach Kerby. "Kapag panalo kayo ulit kayo sa set na ito. Malaki na ang posibilidad na mag-champion tayo. Galingan nyo ah? Lalo kana Lani,” sabi ni coach sabay turo sa sa huli. Napakamot naman ng ulo ang huli.

"Si coach. Ako na naman nakita," reklamo ni Laarni.

"Paanong hindi ikaw? Ang dami mong alam na kalokohan," nameywang pa ito sa harap ni Laarni, dahilan upang magtawanan ang mga kasama nila.

"Oo na. Ako na ang pasaway," sagot ni Laarni sa kanya. Binatukan tuloy siya ni Shamma.

"Gagi, sumagot-sagot pa eh. Kita mong mainit ang ulo ni coach sayo," saway sa ni Shamma kay Laarni . Napatingin naman sila kay coach Kerby.

"Love you, coach," lambing ni Laarni sa coach sabay peace sign.

"Tse! Kung di ka lang magaling mag setting. Itapon na kita sa pluto," Sabi nito Kay Laarni.

"Wala na pong planet Pluto, coach. Nalusaw na daw ito,” biro ni Laarni sa kanya. Akmang babatukan ng coach ang huli ngunit inunahan na niya ang takbo. Mahirap na baka tuluyang mapikon at palabasin siya sa court.

Pumito ang referee, senyales na magsisimula na ang set 3. Dito na si Laarni kinakabahan. Baka dito babawi ang kabilang team. May mga oras pa naman na di nila agad mabasa ang mga tactic ng kalaban. Kaya nahihirapan si Laarni kung saan niya e-set ang bola. Ipagdasal na lang niya na kaya pa rin niyang basahin kung anong mga galaw nila sa laro. Para may chance pa sila na makuha ang championship.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
CristinaAl30179
dapat lang Lani badahin mo galaaw nila
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status