"Ano? Gusto mo akong kalaro?" Pagkaklaro ni Laarni sa kanya.
Tumango lang siya bilang sagot. Kaya naman ay tinapon ni Laarni sa kanya ang bolang hawak nito. May dala kasi siyang bola dahil balak niyang mag practice sa bahay mamaya."Tara, punta tayong court, doon tayo maglaro tayo," sabi naman ni Laarni sa lalaki.Buong akala ni Laarni ay susunod ito sa kanya. Nagulat na lang siya nang bigla na lang siyang hinila ng lalaki at kinaladkad patungong sasakyan nito."Hoy, saan mo ako dadalhin?!" Nagpumiglas si Laarni habang hawak ito ni Mr. Mendoza. "Sabi mo, maglaro tayo. Shit!"Pinasan lang naman ng lalaki si Laarni at deniposito sa passenger's seat ng sasakyan niya. Ang gara naman ng sasakyan niya naka-Porsche pa. Umikot naman ito at sumakay sa driver's seat."Akala ko ba maglaro tayo? Bakit mo ako kinadkad dito?" Pabalang na tanong ni Laarni sa kanya."When I say playmate, it's not literally playmate," pa-misteryosong sabi niya."Eh, ano pala? Paki-explain po," sabi naman ni Laarni sa kanya ngunit nag smirk lang ito saka pinausad na ang ang sasakyan niya. "Gago!" sabi ni Laarni sa kanya. Ngunit parang wala lang effect sa kanya yon.Nanahimik na lang si Laarni ngunit sadyang di siya sanay sa tahimik kaya naisipan niyang i-play ang stereo ng sasakyan niya. At naghanap ng music na makapagpabuhay ng dugo niya."Sinabi ko bang makialam ka sa sasakyan ko?" tanong naman ng lalaki. Hindi pa kasi Alam ni Laarni ang pangalan nito. Basta ang alam niya ay siya si Mr. Mendoza."Paki mo ba? Kinaladkad mo ako dito tapos pagbawalan mo ako. Edi, sana iniwan mo ako doon wala ka sanang problema," bwelta ni Laarni sa kanya."You know what, lady? You ruined my temper!" sigaw ng lalaki kay Laarni."You know what, you know what, my ass," Panggagaya ni Laarni sa lalaki sa mahinang boses. Napairap pa ang huli hanang sinasabi niya yon."I heard you!" Tela nawalan ito ng pasensya kay Laarni."Narinig mo naman pala, sinabi mo pa," pilosopong sabi ni Laarni sa kanya. Sa gulat ng huli ay bigla na lang inapakan ng malakas ng lalaki ang preno muntik na pang mauntog si Laarni kung hindi naka-seatbelt."Get out!" Sabi ng lalaki kay Laarni."Edi, lumabas!" Hindi nagpapatalong abi naman ni Laarni.Tinanggal niya ang seatbelt at akmang bubuksan ang pinto ng sasakyan ng bigla nitong paandarin ang sasakyan at pinausad ng matulin. "What's duh! Patayin mo ba ako!" Bwelta ulit ni Laarni sa lalaki. Mabilis na ni-lock ulit ni Laarni ang seatbelt. Mahirap na baka tuluyan siyang mauntog dahil sa kagaguhan nito. Bawal pa naman siyang ma-injured at may laro pa sila sa susunod na araw."I changed my mind. I just pulled out my investment na lang. Instead of dealing with you, hard headed woman," sabi niya."Ano?! Bakit nadamay business ng daddy ko?" tanong ni Laarni ngunit di na siya sumagot.Nagpatuloy lang ito sa pag drive. Napa-make face na ang si Laarni sa sinabi niya. Kinakabahan siya baka totohanin nga ng lalaki ang pag-pull out ng investment nito."Sige, na nga. Anong gusto mong laro? Laruin natin," bumaling pa si Laarni sa lalaki at nag-puppy eyes. Ngunit parang di effective kaya naman sinubukan niyang hawakan hita nito at hinimas-himas."Shit!" rinig niya sabi nita. Nainis naman si Laarni kaya tinigilan niya ito."Edi, wag. Ikaw na nga tong tinanong kung anong gusto mo. Ayaw mo pa," sabi pa ni Laarni sa kanya sabay irap."You don't know what you're doing, woman," sagot naman ng lalakiDi na siya nagsasalita baka kung ano na namang masabi at lalong masigawan niya. Di nagtagal ay huminto ang sasakyan niya. Napatingin si Laarni sa labas. Nakita niyang nasa isang five star hotel sila"Bakit tayo nandito?" naguguluhang tanong ni Laarni sa lalaki."Ano bang ginagawa ng mga taong nandito?" balik tanong niya. Nanlaki ang mga mata ni Laarni at pinag-cross arm niya ang mga braso sa dibdib na para bang may gagawin itong masama sa kanya. "Tsk." rinig niyang sabi ng lalaki saka lumabas na sasakyan. Umikot ito at binuksan ang pinto sa gawi ni Laarni."No, di ako lalabas. Ayaw kong sumama sayo sa loob," umiling-iling na sabi ni Laarni."Ano bang nasa isip mo, babae? Nasa loob ng restaurant ang mga magulang mo. Naghihintay sayo." Wika nito. Napatuwid naman siya ng upo."Sa restaurant tayo pupunta? Hindi sa hotel," pagkaklaro ni Laarni kanya."Gusto mo sa hotel na lang kita idiretso?" sabi naman niya."Ay, hindi. Hindi," sagot ng dalaga at mabilis ang kilos na bumaba sa sasakyan niya. Saka naglalakad papasok sa loob. Napailing naman itong sumunod sa babae papasok ng hotel. Ngunit napabaling siya sa kanya ng maalalang di pala niya alam kung saan ang restaurant dito. "Saan ang restaurant dito?""Tsk. Naunang maglakad di pala alam saan pupunta," Sabi nito saka hinila ang dalaga. Hindi, kinaladkad siya patungo sa kabilang swing."Kailangan talaga kaladkarin?" reklamo ni Laarni sa kanya."Shut up or sa hotel suite kita ediretso," Nainis na sagot niya sa babae. Tumahimik naman si Laarni. Mahirap na, baka totohanin niya ang sinabi.Pagdating doon sa restaurant ay namataan niya ang mommy Ethel at daddy Ramon sa isang misa. Masaya silang nag-uusap."Mommy! Daddy!" Sigaw ng dalaga sa kanila. Napatingin tuloy sa kanila ang magulang na nandito sa restaurant. Napa-face calm naman ang lalaki saka binitawan si Laarni. Tumakbo naman ang huli patungo sa kinaroroonan ng magulang. Panag hahalikan ni Laarni pareho ang magulang at niyakap ng mahigpit ang daddy mula sa likod niya."I miss you, daddy," sabi ni Laarni sa daddy nito."I miss you, more, anak," Sagot naman ni daddy Ramon niya."Bakit kasi di ka na lang tumira sa bahay, daddy. Para sama-sama tayo. Para happy family tayo," reklamo kaagad ng dalaga sa kanya."Naku, anak. Wag mo nang ipilit. Baka palayasin pa ako ng mommy mo kapag tumira ako sa inyo," pinalubo na lang dalaga ang magkabilang pingi niya."Stop doing that. Di kana bata, Lani, para palubuin mo ang mga pisngi mo," sermon ng mommy ni Laarni. Napaupo na lang ang dalaga sa bakanteng upon katabi ng daddy niya."Ahem," narinig ni Laarni namay tumikhim sa likod niya. Si Mr. Mendoza pala. Nawala sa isip niya na magkasama pala silang dalawa. Tumayo naman ang daddy niya upang makipag kamay sa binata."Thank you, Mr. Mendoza sa pagsundo ng unica hija namin." Sabi Ramon sa binata."No problema sir. About my investment, I'm going to pull ou-""Hoy, pumayag na nga ako, diba?" putol ni Laarni sasabihin niya.Ayaw ni Laarni na mag tampo sa kanya ang daddy niya. Kahit naman hindi niya laging kasama ang daddy niya, never silang nagkatampuhan. Kahit maghihiwalay ang mommy at daddy niya, present sila kapag may ganap sa buhay ni Laarni pag kailangan ng presensya ng magulang."Pumayag ka nga ba?" Baling naman sa ni Mr. Mendoza sa dalaga ngunit nakikita na naka-smirk pa."Oo nga. Paulit-ulit lang ang peg?" Pilosopong sagot ni Laarni kanya."Teka, pumayag saan?" Tanong din ni Ethel na hindi masakyan ang pinag-usapan ng dalawa."Pumayag na maging kalaro niya sa volleyball, mommy," seryosong sagot ni Laarni. Napatawa ng malakas si Mr. Mendoza sa sinabi ng dalaga. "May nakakatawa ba sa sinabi ko, Mr. Mendoza?" Nakataas ang kilay niya tanong sa binata."It's Kyre for you, Miss Villegas," Sabi nito kay Laarni."Huh?" Di agad na gets ni Laarni ang sinabi ng binata."I'm Jude Kyre Mendoza. You can call Kyre if you want," sabi niya sa dalaga."Ah, okay," napa tango-tango namam si Laarni. "Ah, pwedeng magtanong sayo Mr. Kyre?""Shoot. God ahead," Sagot naman niya."Ilang taon ka na?" Curious na tanong ni Laarni."I'm turning 34 this coming February." Sagot niya sa tanong sa dalaga"Ah, dapat pala tawagin kitang kuya. Matanda kana pala. 23 lang ako," sabi naman ni Laarni sa kanya.Naningkit naman ang mata niyang nakatingin sa dalaga. Nag peace sign naman ang huli saka palihim na kinuha ang kutsara at tinidor at nagsisimula ng kumain ng desert na nasa harapan namin. Mahilig kasi sa mga matatamis na pagkain, mapa cake man yan, chocolate, fruit shake or candy si Laarni. Basta matatamis magniningning ang mata ni Laarni. Tinampal naman tinampal namn ni Ethel ang kamay ng anak."Pambihira kang bata ka. Wala ka pang kain na kanin, dessert agad ang nilalamon mo. Ito kainin mo, saka na tong matamis. Kapag ikaw magka-diabetes, ewan ko nalang." Sita ni Ethel sa anak saka pinalitan ng plato na may lamang kanin at ulam ang shake na nilantakan na linatakan ni Laarni."Mommy, naman eh. Ang hilig pumutol ng kaligayahan ko," reklamo ng dalaga sa mommy nito."Eh kung pagbabawalan na kitang kumain ng matatamis, gusto mo?" Bwelta naman ni mommy ni Laarni."Sabi ko nga kakain na ako," pa-cute na sabi ng dalaga kaya sinubo niya ang pagkaing nilagay ng mommy niya sa plato."Kakain din pala, dami pang satsat," sabi ni Ethel. Nag-peace sign ulit ang dalaga para di na siya masermonan pa ng magulang. Mahirap na baka mawalan pa siya mg allowance pag nagkataon.Habang kumakain sila ay na-open up ang usapan tungkol sa nalalapit na pagtatapos ni Laarni. Kung anong plano after niya kapag graduate na siya. Kahit na kasama pa nila si Kyre ay tuloy-tuloy ang usapan. Hindi alintana ang presensya ng binata."Ahm, I have an offer po sa isang company to play pro under their team po. Kaya if ever, ipagpatuloy ko na lang ang paglalaro after ko maka-graduate po," sagot ni Laarni"Wala kang plan mag trabaho sa company natin, anak?" tanong ni Ethel sa anak. "Gusto ko pang maglaro mommy. Pwede po yon?" pakiusap ni Laarni sa ina. "Pag okay sa daddy mo. Sige pagbigyan kita," sagot naman ni Ethel."Daddy, okay naman sayo diba?" Lambing naman ni Laarni sa ama. "Sige, anak. Bata ka pa naman. Basta kung gusto mo ng magtrabaho, sabihan mo lang mag-retire ako. Ibibigay ko sayo position ko," biro ni Ramon sa anak. "Daddy naman, ang bata mo para mag retire kaya n'yo pa nga akong bigyan ng kapatid eh," ganteng biro ni Laarni sa kanila."Magtigil ka, Laarni. Paglu
Nasa school bus na lahat ng teammates ni Laarni patungo sa Mall of East Arena para sa Game 2 ng final game nila. Ang ingay nila sa loob ng bus. May nagkakantahan, nagbiruan, may naglaro pa nga sa loob ng bus. Parang di dumaan sa pagkatalo noong unang game nila versus Dela Torre University. Natahimik lang sila ng sunod-sunod na pumasok ang mga coaches ng team. "Ready na for the game 2, girls?" tanong ni coach Kerby sa mga players. "Ready na coach! Ready na matalo," lahat sila napatawa sa sagot ni Shamma sa coach nila. "Ai, talo agad? Di pa nga nagsimula ang game 2, pinaghinaan na kayo ng loob?" pagpapagaan ni coach Kerby sa mga players niya. Ayaw niyang panghinaan Ng loob ang mga ito. Aminado naman talaga sila na mahirap kalabanin ang Dela Torre University. Mabuti nga at naka one set pa sila last game versus sa kanila. Hindi sila madaling kalaban sa totoo lang. "Eh, coach, ano bang gawin namin para manalo kami sa kanila? Hindi effective yong pa tumbling-tumbling at pa swimming-sw
Nagsimula na ang set 3, kabado na ang grupo ni Laarni. Ganon pa man naging kalmado pa rin siya. Ayaw niyang masira ang concentration niya. Naging seryoso ang laban lalo pa at walang sinuman ang gustong magpatalo. Kung nakakapuntos sila sa serve na ito, di naman magpapalamang ang kabila talagang papantay din ang mga ito sa score nila, kaya sobrang higpit ng labanan. "Lani!" Sigaw ni Maris sa Kay Laarni habang pinapasa ang bola. Sini-set niya kay Jen ang bola. Ang buong akala ng kabila ay papaluin ni Jen ng malakas ang bola kaya yung iba sa kabila umatras para maghanda sa pagsalo ng bola. Ngunit tinalon lang ni Jen ang set ni Laarni at parang inabot lang sa kabilang net ang bola. Dahilan upang maglanding ito nang di naabutan ng kalaban ang bola. Sigawan ng team nila Laarni dahil puntos yon sa team. "Nice one!" sabay-sabay nilang sigaw at nagyakapan pa sila. Tumalon-talon pa sila dahil lumalamang na ng dalawang puntos. 18-20 ang scores panig nila ang lamang. "Great job, Jen,” sab
Pababa si Laarni sa hagdan nila nang mamataan niya ang daddy Ramon sa sala. Himala at nandito siya sa bahay ngayon. Nagmamadali siyang bumaba upang makausap ito. "Daddy!" sigaw niya sa kanya ama habang patakbo na bumaba. Natataranta na naman si Ramon nang makita ang anak na patakbong pababa. "My princess, wag kang tatakbo baka mahulog ka!" sigaw niya sa kay Laarni na tinawanan lang ng huli. Sinalubong naman niya ito sa huling baitang ng hagdan. "Hi, daddy. I missed you," lambing ni Laarni dito at niyakap siya. "Ang sweet naman ng anak ko. May kailangan ka siguro noh?" pang-aalaska ni Ramon sa anak. "Wala noh. Porte't naglambing ako may kailangan na agad? Hmmp," sabi ni Laarni saka nagmarcha papuntang kusina kunwari nagtatampo siya. "Ito naman nag tampo agad. Ano bang gusto ng baby ko. Hmmm?" lambing din ni Ramon kay Laarni habang nakasunod sa sa huli papuntang kusina. Napangiti naman si Laarni ng lihim. "Talaga, dad? " Kumikislap ang mga mata niyang humarap sa ama. "Ahuh,
Ang inakala ni Laarni ma-bored si Kyre habang hinihintay siyang matapos ang training sila sa volleyball ay hindi nangyari. Nag-enjoy ito makipag-usap sa mga coach nila. Kahit si coach Kerby ay na bato-balani sa kanya. Sa halip na siya ang nangunguna sa pag-train sa kanila ni Laarni ayon nag-enjoy ding makipag-usap kay Kyre. Napasigaw si Laarni ng matamaan siya ng bola. Bigla namang napatayo si Kyre sa kinauupuan niyang marinig ang sigaw ni Laarni. "Ouch!" reklamo ni Laarni. Masakit kasi ang pagkalagapak ng bola sa ulo niya."Sorry, best," hinging paumanhin ni Jen na s’yang nakatama sa kanya. Aksidenteng kay Laarni napunta ang palo niya ng mag-practice siyang pumalo. Si Jen ay gagraduate din ngayong taon. Tatlo silang magpapaalam sa varsity ngayong taon, si Laarni, si Jen, at si Shamma. Kaya naman ginawa talaga ginawa nila ang best upang mabigyan ng magandang laro ang school. Kung hindi silapalarin na mag-champion at least may maiuwi silang medalya para sa university. "Okay
"Manong, ito po bayad ko sa lahat ng kinain namin," sabi ni Laarni dito. Baka mamaya totohanin ni Kyre ang sinabi niyang siya ang magbayad. Magkakaroon pa siya ng utang na loob sa kanya. Naku, ayaw pa naman na masumbatan dahil lang doon. "Naku, ma'am, wala akong panukli dyan," reklamo ni manong tindero. "Keep na change nalang po, manong," sabi pa ni Laarni. "Sigurado ka ma'am? " panini guro ni manong sa kanya. "Opo," nakangiting sagot ni Laari sa tindero. Akmang kukunin ni manong yon nang pigilan ni Kyre ang kamay ni Laarni. "What?" "Akong magbayad di ba?" tanong nito sa kanya. "May barya ka ba?" balik tanong ni Laarni kay Kyre. Nagdadalawang isip pa si Laarni kung may pera nga ito sa wallet niya."Wala, pero may debit card ako dito, " confident na sagot niya. "May nakikita kabang counter dito?" pilosopong tanong ni Laarni sa lalaki. Napatingin naman siya kay Manong tindero at nang ma-realize na di pala pwede ang debit card dito ay para itong napahiya. Namula ang mukha nito se
Sini-set ni Lani kay Jen ang bola. Sa lakas ng palo niya, tumalbog ang bola papunta doon sa benchers ng mga audience matapos itong ma-block ng kalaban nila. Tudo hingi naman ng sorry si Jen doon sa isang audience na natamaan ng bola. Hiyawan naman ng ibang manonood dahil score yon sa panig nila Laarni. Kung nagtataka kayo kung nasaan sila Laarni ngayon ay nandito ulit sila sa Mall of the East Arena kung saan ginanap ang 3rd game for championship sa pagitan ng University nila at ng Dela Torre University. At nasa set 5 na sila ng laro. Grabe ang buwis buhay na ginawa ng ka-team nila Laarni para makaabot sila sa set na ito. Panalo ang kalaban sa first two sets ng laro kaya halos mawalan sila ng pag-asa na mananalo pa. Mabuti na lang nasa momentum maglaro si Maris nong nasa 3rd set na. Grabe yong digs at receive niya mahabol lang ang bola. "Great job, guys," sigaw ni coach Kerby sa gilid ng court."Nice one, Jen," sabi naman ni Laarni sa kaibigan saka niyakap ng mahigpit. Nakiyakap nam
Mabilis namang bumalik si Laarni sa pwesto niya sa front row nang makita niya na-dig ng maayos sa kabila at ipinasa sa setter nila. Sine-set naman nila ito sa outside spiker nila. Sabay na tumalon sina Aiza at Laarni upang e-block yon. Si Laarni ang naka-block ng bola at gumulong ito paibaba matapos niyang ma-block ito. Hindi na nakuha pa ng kalaban ang bola kahit tatlo pa silang sumubok upang iligtas ang bola. Tuluyang naglanding ang bola na naging dahilan ng pagkapanalo nila Laarni. "Yessssss!" sigaw si ni Laarni at napaupo sa sahig ng court. Dinambahan si Laarni ng mga kasamahan niya. Kaya na out of balance siya. Muntik pa siyang mapahiga kung hindi siya nahawakan ni Shamma sa likod. Napasubsub si Laarni sa mga tuhod niya dahil naiiyak siya sa resulta ng laro nila. Rinig na rinig niya ang mga nagsisigawang mga audience at ang putok ng caffiti na bumubuga ng mga maliit na papel. "Congratulations to the newest champion for this season. The University of San Rafael lady warriors!"