Home / Lahat / The Last Sacrifice / Itim na Libro

Share

Itim na Libro

last update Huling Na-update: 2021-08-26 13:19:48

Gilda Point of View

       Akmang kakatok ako sa pintuan ni Maria noong may narinig ako na parang boses. Inilapat ko ang aking tainga sa pintuan ni Maria at doon ay narinig ko siyang nagsasalita. Medyo hindi ko lamang maulinigan mabuti ang mga salitang binibigkas niya ngunit panigurado akong mayroon siyang kausap.

       Kausap? Mayroon siyang kausap? Dis oras ng gabi? Sino naman ang kakausapin niya ng ganitong oras

       Ah baka sa cellphone o telepono. Mayroon ba siya noon? Parang hindi ko naman napapansin na may sarili siyang cellphone. Puro mga gagamitin sa kusina kasi ang hawak niya.

       Ano kayang pinag uusapan nila? Kumunot ang aking noo. Ano raw? Dan? Nagkakamali ba ako?

       Teka ano ba kasi ang sinasabi niya. Ang hinhin kasi ng boses. Hindi ko maulinigan.

       Inilapat ko pa lalo ang aking mga tenga sa pinto ngunit sadyang mahina ang boses ni Maria at hindi ko talaga marinig kung ano ang sinasabi niya.

       Gulugulu raw. Ewan. Kailan kaya siya lalabas at matatapos sa pakikipag usap?

       Hinawakan ko ang mukha ko. Ramdam ko ang kagaspangan nito. Hindi na ako sanay. Gusto ko talaga ng makinis na mukha.

       Ah hindi ko na hihintayin pa si Maria. Mag – isa na lamang akong pupunta sa banyo.

       Tutal naman hindi naman siya magagalit diba? Binigyan na nga niya ako ng pahintulot na maligo sa kanyang banyo.

       Sana lang at hindi nakalock.

       Bumaba na ako sa first floor. Bayan! Ang dilim dilim! May ilaw nga pero hindi sapat para bigyan liwanag ang madilim na sala.

       Agad akong nagtungo sa nakatagong banyo. Ang galing talaga. Hindi mo pansin na may pinto papala dito. Akala ko ay parang siwang lang sa pader. Daan nap ala patungo sa ikalawang banyo nila.

       Teka bakit ganito ang bahay nila? Kailan ba ito ginawa? Ang daming secrets ha. Noong una mayroon sa hagdan at ngayon naman ay mayroong ibang banyo.

       Ano pa ba ang mga sikretong tinatago nila. Baka magulat na lamang ako may isa pa silang silid taguan.

       Tinahak ko ang makitid na daa at pagtapat ko sa pinto ay chineck ko agad kung may padlock ba.

       At swerte ko nga naman at hindi nakalock ang banyo.

       Agad kong binuksan ito at umalingawngaw ang baho ng loob.

       Napatakip agad ako ng aking ilong dahil sa sangsang ng amoy. Dapat linisin to ni Maria. Hindi niya dapat hinahayaan na magtagal ng ilang linggo ang dugo as bath tub. Nakakadiri kaya!

       Nagulat ako ng makita ko na walang laman ang bath tub. Mga isang tabo lang siguro tapos puno ng uod ang paligid nito.

       Ha? Nasaan na yung paliguan? Akala ko ba iniiwan niya lang dito. Dinispatsa niya na agad? Hindi pa ako nakakaligo tinapon na niya.

       Paano na ako makakaligo nito? Wala ng dugo!

       Lumapit ako sa may bath tub upang tinignan ang kaonting dugo roon.

       Napangiwi ako dahil puno ng uod. Parang uod na may konting dugo ganoon.

       Ang laki laki pa! Pwedeng pwede na pang ulam sa taba. Hindi naman kaya ininom ng mga pesteng uuod na ito ang mga dugo sa bath tub?

       Napailing iling ako. Imposible iyon! Hindi naman nila mauubos yung ganoon kadami.

       Pwede na kaya ito? Panghihilamos ko lang naman. Pwede naman na siguro hano?

       Iww! Kadiri! Hahantayin ko na lang si Maria. Baka may tinatago siyang mga bago at mga walang uod. Hindi ko na isasapalaran ang buhay ko rito.

       Mukhang ito pa yung dugo na tira tira dati noong naligo ako rito.

       Pero in fairness ha! Galit na galit pa ako kay Maria noon tapos eto ako ngayon at naghahanap ng mapapaliguan na dugong bath tub.

       Hindi ko naman kasi inexpect na ganoon kabisa yung dugo.

Third Person Point of View

       Dahil sa pagkadismaya sa kakaonting dugong natira sa bath tub aty napagpasyahan na lamang ni Gilda na hantayin si Maria sa kanyang pagligo dahil hindi niya alam kung saan siya kukuha ng bagong dugo na magpupuno ng bath tub.

       Lumabas na siya sa banyo at sumiksik sa may siwang para makabalik na sa kanyang kwarto.

       Sa kanyang paglabas ay nakita niya ang kanyang Lola Teresa na lumabas ng kusina at umakyat sa taas.

       Nagtaka si Gilda kung ano ang ginawa ng kanyang Loal Teresa at mukhang nakabihis ito.

       Tinahak niya ang kusina nila upang uminom na rin ng tubig dahil nauuhaw siya sa pagbaba niya ng hagdan.

       Napatigil siya ng maabutan niya ang isang itim at makapal na libro na nakapatong sa lamesa.

       Agad na naisip niya ang sinabi sa kanya ni Carmen noong una silang nagkita. Na ang bawat mga miyembro ng kulto ay may hawak na itim na libro.

       Napatakip siya ng kanyang bibig at hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.

       Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang isipin sa kanyang nakikita.

       Nais niyang makasigurado na iyon nga ang itim na libro na tinutukoy ni Carmen. Hindi niya gustong maging dodoso dahil lang sa kanyang nakita.

       Baka kasi may libro lang na itim ang lola ngunit wala naman pa lang kinalaman sa kulto.

       Nilapitan niya ang libro at pinagmasdan ang pabalat nito.

       Itim na itim at may mga nakaukit sa pabalat na mga salitang hindi niya maintindihan.

       ‘Ano ito?’ tanong ni Gilda sa kanyang isipan at dahil sa kanyang kakuryosohan ay hinawakan niya ang libro at hinimas himas ito.

       Sa isang banda ay may mga matang dumilat. Mabilis itong naglakbay sa hangin dahil sa bagong kamay na humawak ng binabantayang libro.

       Binuksan ni Gilda ang libro at napakunot ang kanyang noo.

       May mga larawan ito at mga salitang nakasulat sa gilid na pawang hindi niya maintindihan.

       Maya maya pa ay nakarinig siya ng pababa na mga yabag kaya isinarado niya ang libro at nagtago sa ilalim ng mesa.

       Lumapit si Teresa sa kanyang libro at nanlalaki ang mga mata na tumingin tingin sa gilid.

       Matapos ay nagmamadali niyang tinahak ang pinto ng bahay saka lumabas.

       Lumabas naman sa kanyang pinagtataguan si Gilda at inisip kung saan papunta ang kanyang Lola ng ganoong oras.

       Napailing iling naman siya.

       Isang itim na usok ang mabilis na gumagala sa hangin. Noong makita nito si Gilda ay mabilis itong pumasok sa kanyang katawan.

Kaugnay na kabanata

  • The Last Sacrifice   Pangatlo

    Third Person Point of View Isang babae ang tumatakbo sa may talahiban. Pawis na pawis ito at palinga linga sa kanyang likuran. May humahabol sa kanyang tatlong babaeng nakasuot ng mga itim na belo at itim na bestida. Hinihingal na siya ngunit wala siyang balak tumigil. Kahit mamanhid na ang kanyang mga paa basta huwag lang siyang maabutan ng mga ito. Nalingon ang babae sa kanyang likuran at lahat na ng santo ay kanyang natawag sa kanyang takot. Hindi niya matanaw ang mga mukha nito. Mabibilis itong tumakbo na daig pa ang isang kabayo. Akala mo ay may lahing kidlat sa pagtakbo. Hindi niya matanaw ang mga mukha nito dahil sa dilim ng gabi. Nais niyang magsisi na hindi sya nakinig sa

    Huling Na-update : 2021-08-27
  • The Last Sacrifice   Kaibigan na Itim

    Gilda Point of View Nakatingin ako ‘kay Carmen habang nagkwekwento siya sa akin. Ikinukuwento niya sa akin ang babaeng kapatid ni Glen na kagabi pa nawawala. Naglaba lamang daw ito sa may batis pero hindi na umuwi ng kanilang bahay. Tanging mga labada na lamang daw ang kanilang nakita sa may batis. Sobrang nag aalala si Carmen dahil kaklase niya ang kapatid ni Glen na si Kendra. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya.Sasabihin ko ba na napanaginipan ko ang babaeng tinutukoy niya? Pero paano kung sa akin mabali ang sisi nila. Maniniwala ba sila na sa panaginip ko lamang nakita? Mas lalo niya kaming ididiin na kami ay mga kulto. “Alam mo, pakir

    Huling Na-update : 2021-08-28
  • The Last Sacrifice   Pang Apat at Pang Lima

    Third Person Point of View Gabi na ngunit nasa labas pa si Glen. Pagod na ang kanyang mukha at mababakas mo ang kalungkutan sa kanyang mga mata. Maghapon na niyang hinahanap ang kanyang nakababatang kapatid na si Kendra ngunit hanggang ngayon ay hindi nila ito makita. Sanib pwersa na sila ng mga pulis ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa ring balita ang mga ito sa kanya. Ngunit kahit na ganoon ay hindi nawawalan ng pag – asa si Glen na mahahanap niya rin ang kanyang kapatid. Umaasa siya na ito ay buhay pa. Abot langit ang kanyang pagdadasal na sana ay makita pa ni Glen ang kanyang kapatid. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama rito. Kung sana

    Huling Na-update : 2021-08-29
  • The Last Sacrifice   Totoo

    Third Person Point of View Kanina pa nakatingin si Gilda sa may salamin. Hind niya malaman kung paano niya tatanggalin ang boses na bumubulong sa kanyang isipan. Gusto niyang ibigti ang kanyang leeg o laslasin ang kanyang kamay. Sigurado siya na sa kanyang kamatayan ay hindi na siya masusundan nito. Ilang oras na siyang nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang sarili. Nakatulala lang siya roon habang binubulungan siya ng mahiwagang kakaibang boses. ‘Nais mo bang malaman ang katotohanan? Pwede mong tanungin sa salamin. Sasabihin niya sa iyo ang nais mong malaman. Tuturuan kita.’ “Sino ka ba? Bakit mo ako ginagambala?” tanong ni Gilda sa boses na ito.

    Huling Na-update : 2021-08-30
  • The Last Sacrifice   XXXV

    Gilda Point of View “Anong ginagawa mo rito, Gilda? Namimiss mo ba ang iyong tatay?” tanong ni Maria sa akin. Saan niya kaya dinala si tatay Dan? Ang sabi niya sa akin ay dito niya inilibing ang bangkay ng aking ama ngunit wala ito sa kabaong na nasa ilalim ng lupa. Ang sabi sa akin ng boses na nakakausap ko ay nasa loob ng aming bahay. Literal ba? Pero bakit nasa loob ng bahay? Bakit nasa loob ng bahay ang isang patay?! “Kanina pa kita hinahanap. Naisip ko na dito ka pumunta,” ani ni Maria. 

    Huling Na-update : 2021-09-01
  • The Last Sacrifice   XXXVI

    Gilda Point of View Nalibot ko na ata ang buong bahay ay hindi ko pa rin makita ang bangkay ng aking ama. Saan kaya nila itinago iyon? Huwag mong sabihing nakabaon naman sa lupa kaya hindi ko makita. T-teka… Naalala ko… Sa… sa kwarto ni Maria. May masangsang na nangangamoy dati. Napailing iling ako. Hindi naman siguro niya gagawin iyon. Hindi naman siguro tama ang iniisip ko hindi ba? Walang dahilan para gawin niya iyon. Maghunos dili sya. Sinong matinong tao ang gagawin iyon. ‘Pero malay mo ay ta

    Huling Na-update : 2021-09-01
  • The Last Sacrifice   XXXVII

    Maria Point of View Lumabas ako ng CR pagkatapos kong maligo. Bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Teresa. Gusto niya ba akong mamatay sa gulat? “L-lola Teresa,” tawag ko sa kanya. “Narito ka nap ala. Akala ko ay bukas pa kayo uuwi.” “Kamusta ang anak ko?” tanong niya sa akin. “Nililinis mo bang mabuti ang kanyang bangkay?” “Opo, pinapangalagaan kong mabuti ang katawan ni Dan,” ani ko sa kanya. “Mabuti kung ganoon,” ani ni

    Huling Na-update : 2021-09-03
  • The Last Sacrifice   XXXVIII

    Third Person Point of View Maaga pa lamang ay binabagtas na ni Gilda ang daan patungo sa babuyan ng kanyang Lola Teresa. Doon siya itinuro ng boses na kanyang naririnig. Inutos sa kanya na pumunta siya roon pagka’t may sopresang nag aantay sa kanya. Paniwalang paniwala si Gilda sa boses na kanyang naririnig. Pakiramdam niya ay iyon ang gagabay sa kanya at maglilitas sa mga masasamang tao sa kanilang bahay. Pinangakuan siya ng boses na ito na proprotektahan siya at iingatan. Basta lamang makikinig siya rito at gagawin niyang kaibigan. Sumang ayon si Gilda sa mga kasunduan nito dahil na rin napatunayan nito ang kanyang sarili sa kanya.&nbs

    Huling Na-update : 2021-09-03

Pinakabagong kabanata

  • The Last Sacrifice   Huling Kabanat

    THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang

  • The Last Sacrifice   Kamatayan

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m

  • The Last Sacrifice   Ritwal

    THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs

  • The Last Sacrifice   Huling araw

    Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.

  • The Last Sacrifice   Paalam

    Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si

  • The Last Sacrifice   VI - Plano

    Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n

  • The Last Sacrifice   Pangalawa sa huli

    CARMEN POINT OF VIEW Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali. Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.

  • The Last Sacrifice   Concern

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Itinaas ni Carmen ang kanyang bintana sa kwarto. Kalagitnaan ng gabi na ng mga oras na iyon. May nabubuong bagay sa kanyang isipan. Nais niyang makasigurado na ligtas si Gilda. Mula sa kanyang maliit na bintana ay dahan dahan siyang lumabas upang tumakas sa kanyang ina. Paniguradong tulog na rin ang mga ito ngunit kung sa mismong labas ng kwarto niya siya dadaab ay siguradong maririnig siya ng kanyang ama na mababaw lamang ang tulog dahil maingay ang kanyang pintuan sa tuwing magagalaw. Lumalangitngit ito sa buong kabahayan.

  • The Last Sacrifice   Alala

    CARMEN POINT OF VIEW Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa. Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load? Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan. Siguro kung hindi ako kokontakin ni G

DMCA.com Protection Status