Third Person Point of View
Gabi na ngunit nasa labas pa si Glen. Pagod na ang kanyang mukha at mababakas mo ang kalungkutan sa kanyang mga mata.
Maghapon na niyang hinahanap ang kanyang nakababatang kapatid na si Kendra ngunit hanggang ngayon ay hindi nila ito makita.
Sanib pwersa na sila ng mga pulis ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa ring balita ang mga ito sa kanya.
Ngunit kahit na ganoon ay hindi nawawalan ng pag – asa si Glen na mahahanap niya rin ang kanyang kapatid. Umaasa siya na ito ay buhay pa.
Abot langit ang kanyang pagdadasal na sana ay makita pa ni Glen ang kanyang kapatid.
Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama rito.
Kung sana nga lang ay mababalik niya ang kahapong nagdaan ay gagawin niya ang lahat huwag lang makaalis ang kapatid sa kanilang bahay.
Igagapos niya ito kung kinakailangan o baka nga kung kailangan pang putulin ang mga paa nito ay gagawin niya kahit na masakit. Atleast doon ay buhay pa ang kanyang kapatid at hindi nawawala.
“KENDRA!!!” sigaw ni Glen sa kagubatan. “NASAAN KA! Nasaan ka na ba?! Bakit wala ka pa? Kagabi pa kita hinihintay! Sabi mo babalik ka agad. Sabi mo saglit lang pero nasaan ka ngayon?! KENDRA!!!! NASAAN KA?! NANDITO NA ANG ATE GLEN MO!! BUMALIK NA TAYO SA BAHAY NATIN PLEASE!!! TAMA NA ANG TAGUAN!!!”
Halos mamaos na ang boses ni Glen kakasigaw kanina pa. Minu minuto siyang sumisigaw. Isinisigaw niya ang pangalan ng kapatid at umaasang maririnig siya nito kung saan ma ito naroon ngunit bigo siya. Bigo siyang marinig ang kahit bulong ng kanyang kapatid.
Pagod na pagod na siya. Hindi pa siya namamahinga o kumain man lang ng agahan kanina. Alalang alala siya sa kanyang kapatid.
Silang dalawa na lang ang magkasama sa buhay kaya naman hindi niya kakayanin kung iiwan pa siya nito.
Sa isang banda ay may tatlong pares ng mata ang nakatingin kay Glen. Nakasuot ito ng mga belo at may hawak na kutsilyo sa kanilang mga kamay. Si Glen na ang isusunod nilang papatayin.
Ito ang pakay nila sa gabing ito.
“Sigurado ka ba sa kanya, Teresa?” tanong ng kanyang kasamang si Barang.
“Sigurado ako sa kanya,” ani ni Teresa. “Siya ang sunod na ipinakita sa akin ng anak ng dilim. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi na niya tayo papahirapan dahil hindi na yan makakatakbo. Sa lagay niyang iyan ay pagod na siya kakahanap sa kapatid niya.”
Napatawa naman si Lolit sa kanyang narinig. Kasama rin siya ni Teresa at Barang ngayon. Silang tatlo ang gumagawa ng mga krimen sa kanilang baryo.
Nais ni Barang at Lolit tulungan si Teresa sa kanyang nais dahil tinulungan din siya nito.
“Kaawa – awang babae,” ani ni Lolit. “Walang kaalam alam na siya na ang susunod sa kanyang kapatid.”
“Pang – ilan na natin ang babaeng iyan?” tanong ni Barang sa dalawa pagka’t hindi niya nabilang.
“Pang apat na natin siya,” ani ni Teresa.
“Kung ganoon ay pagkatapos niya ay kailangan pa nating pumatay ng lima?” tanong ni Barang. “Kailangan nating madaliin ang bagay na ito dahil kumikilos na ang mga pulis. Mainit na tayo sa kanilang mga mata dahil sa nakasaksi ng pagpatay natin noong isang gabi.”
“Lasing ang mga lalaking iyon,” panayam naman ni Teresa. “Hindi sila maniniwala sa taong lasing at wala sa katinuang pag – iisip. Sila pa rin ang magiging kriminal sa huli. Isa pa ay bakit ka natatakot sa mga pulis? Wala silang laban sa itim na kapangyarihan natin. Matatakot ang mga iyon na makielam pagka’t alam nila kung ano ang kaya nating gawin.”
“Hindi lahat, Teresa,” ani ni Barang. “Hindi lahat ay kaya nating dapuan ng nakakamatay na sakit. May mga taong malakas ang proteksyon at hindi maabot n gating kapangyarihan.”
“Katulad na lamang ng matandag albularyo?” tanong ni Lolit. “Yung albularyong pumatay sa iyong anak?”
Hindi naman sumagot si Barang. Namatayan siya ng anak dati dahil nahuli ito ng mga tao.
Bilang parusa sa kanyang anak ay ibinigti ito sa harap ng madla. Nais iyang magwala at isumpa ang taong nagpataw dito ng kaparusahan ngunit hindi niya kaya ang proteksyon nito sa katawan.
Itinigil niya na lamang ang kanyang orasyon dahil alam niyang sa oras na bumalik sa kanya ang kanyang sumpa ay siya ang mamamatay.
Sa huli ay hindi niya pa rin matanggap ngunit binawian niya ang pamilya ng albularyong ito at isa isang pinatay ang miyembro ng kanyang pamilya.
“Ako na ang bahala rito,” ani ni Lolit at lumabas sa kanyang pinagtataguan.
“Gabi na ine,” ani ni Lolit. “Bakit mag isa ka at nasa labasan pa??”
Napatigil si Glen sa kanyang paghahanap noong marinig ang boses ng isang matanda.
Napatingin siya sa kanyang likuran at nakita niya ang isang kubang matanda na nakasuot ng mahabang itim na bestida.
Nakatingin ito sa kanya habang hawak hawak ang kayang tungkod.
Napaatras si Glen. Hindi niya gusto ang matandang ito isama mo pa na itim na itim ang damit nito.
Mukha itong hindi mapagkakatiwalaan. Isa pang pinagtataka ni Glen ay kung bakit naroon din ito ng dis oras ng gabi.
Ngunit imbes na tumakbo ay napuno ng galit si Glen sa kanyang damdamin.
“Nasaan ang kapatid ko?!!” angil ni Glen sa matandang si Lolit. “Saan mo siya dinala?! Ibalik niyo sa akin ang kapatid ko! Mga walang hiya kayo! Mga kulto.”
“Anong kulto ang pinagsasabi mo ine?” tanong ni Lolit na patay malisya. “Sinong kapatid? Nagmamagandang loob lamang ako sa iyo pagkat nasa labasan ka pa. Ano ba ang maitutulong ko sa iyo?”
Inilabas ni Glen ang tinatago niyang kutilyo sa loob ng kanyang damit. Binaon niya ito proteksyon sa kanyang sarili.
“Hindi mo ako malolokong matanda ka!!” sigaw ni Glen at itinaas ang kutsilyo saka sumugod kay Lolit.
Inambaan niya agad ito ng isang saksak sa dibdib. Bumaon ito sa dibdib ng matanda at napainda si Lolit sa kanyang nararamdamang sakit.
Nagulat si Glen sa kanyang nagawa dahil tila bigla na lamang nagdilim ang kanyang paningin at nasaksak niya ang matanda ng hindi niya namamalayan.
“Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mong saksakin ako!” madiin na sabi ni Lolit at itinaas niya rin ang itinatagong panaksak sa bestida.
Sunod sunod niyang sinaksak si Glen hanggang sa mamatay.
Nakatingin naman si Teresa sa dalawang taong nagpapatayan habang si Barang ay tinulungang makatayo si Lolit.
Ngunit sa tindi ng tama ni Lolit at sa kanyang katandaan ay hindi niya kinakaya ang sakit at sugat sa dibdib.
Lumapit si Teresa sa kanila.
“Teresa, tulungan mo ako,” ani ni Lolit sa babaeng matanda na alam niyang makakatulong sa kanya.
Napatingin naman si Barang kay Teresa dahil tahimik lamang ito.
“Matanda ka na, Lolit,” ani ni Teresa. “Salamat sa mga tinulong mo.”
Nanlaki ang mga mata ni Lolit bago siya tuluyang tinamaan ng tungkod ni Teresa ng sunod sunod.
“Teresa?!” gulat na tawag ni Barang.
Si Teresa naman ay hiniwa ang dibdib ni Glen at kinuha ang puso roon saka isinilid sa isang plastic. Pagkatapos noon ay kinuha niya rin ang puso ni Lolit mula sa loob ng dibdib nito.
“Teresa?!!!” hindi makapaniwalang tawag ni Barang. “Pinagtratrayduran mo ba kami?!”
“Hindi ba at pabor sa iyo ito?” tanong ni Teresa kay Barang. “Sabihin nating napatay si Lolit ng babaeng ito. “Pagkatapos ay ikaw na ang papalit sa pwesto niya. Solong solo mo, Barang. Hindi ba at matagal mo ng gustong makuha ang posisyon niya?”
Hindi naman nakasagot si Barang sa sinabi ni Teresa.
“Idispatsa mo ang katawan ni Lolit,” ani ni Teresa. “Ako na ang bahalang magpaliwanag sa mga kagrupo natin.
Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Barang.
Walang kababakasan ng awa. Hinatak niya ang katawan ni Lolit upang idispatsa ito.
Gilda Point of View
Agad akong napabangon ng mabilis mula sa aking pagkakahiga sa aking nasaksihan sa kaing panaginip.
Para akong sinunog ng kung isang babaeng nagnangangalang Barang.
May pinatay uli sila at pinatay nila ang kanilang kasama. Napanaginipan ko uli sila.
Hindi na normal ito. Kailangan kong malaman kung totoo nga ang mga nakita ko sa aking panaginip.
Agad akong tumayo sa aking higaan at nag ayos ng aking sarili.
Papasikat pa lamang ang araw ngunit wala akong pakielam.
Kailangan kong makita kung ano ba ang pinapakita sa akin ng aking panaginip.
Naguguluhan ako. Parang totoong totoo ang mga nakikita ko.
Parang naroon ako.
Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan ng may narinig akong boses sa aking isipan.
‘Sajsajsbahg, sasjahsja’
Ano iyon? Hindi ko maintindihan.
Ipagpapatuloy ko na sana ang paglalakad noong may magsalita muli sa aking isipan.
‘Sajsajsbahg, sasjahsja’
‘Sajsajsbahg, sasjahsja’
‘Sajsajsbahg, sasjahsja’
‘Sajsajsbahg, sasjahsja’
‘Sajsajsbahg, sasjahsja’
‘Sajsajsbahg, sasjahsja’
‘Sajsajsbahg, sasjahsja’
Napahawak ako sa aking ulo.
Ano ito?! Ano ang sinasabi ng boses? Hindi ko maintindihan.
Pinukpok ko ang aking ulo. Ayokong marinig ang boses niya.
Ayoko!
‘Sajsajsbahg, sasjahsja’
‘Sajsajsbahg, sasjahsja’
‘Sajsajsbahg, sasjahsja’
‘Sajsajsbahg, sasjahsja’
‘Sajsajsbahg, sasjahsja’
‘Sajsajsbahg, sasjahsja’
‘Sajsajsbahg, sasjahsja’
Umikot ang aking paningin. Pakiramdam ko ay kay daming bumubulong sa akin.
Heto nanaman ang bwiset na bulong na ito. Hindi talaga ako tinatantanan.
Nagsimula lang naman ang lahat ng ito ng hawakan ko ang itim na libro ni Lola Teresa.
Naghintay ako ng ilang mga segundo at wala na akong narinig na mga boses kaya naman agad na akong bumaba at nagtungo sa kagubatan na nakita ko.
***
Napatakip ako ng aking bibig noong makita si Kendra. Naroon pa rin siya sa sulok kung saan siya namatay. Mali hindi siya namatay kundi pinatay siya!
Butas ang dibdib nito at gaya nga ng nasa panaginip ko ay kinuha ng mga babae ang puso niya.
Ngunit bakit? Bakit sila kumukuha ng mga puso?
Sunod na hinanap ko ay ang bangkay ni Glen. Alam ko na pinatay din siya. Pinakita ito sa aking panaginip!
Ilang lakad lamang ang ginawa ko ay nakita ko na nga ang bangkay ni Glen.
Wakwak din ang dibdib nito at wala ang kanyang puso.
Wala silang takot. Ni hindi man lang nila tinago ang katawan ng dalawang babae. Hinayaan nilang uudin na lamang dito.
Nakarinig ako ng mga hakbang sa isang gilid kaya naman agad akong nagtago sa isang malaking puno.
Narinig ko na napamura ang lalaking dumating.
Sinilip ko ito at nakita kong nakatingin siya sa bangkay ni Glen.
“Hello,” ani ng lalaki. Mukhang may kausap siya sa telepono.
“Nakita ko na si Ms. Glen, p-pero patay na sya.”
Natagpuan na ng pulis ang bangkay ni Glen. Makikita kaya nila ang bangkay ni Kendra? Nakatago ito sa sulok at hindi agad makikita sa isang tinginan pa lamang.
‘Umalis ka na dito, Gilda kung ayaw mong makita ka ng mga pulis’
Nanlaki ang aking mga mata. Ito nanaman siya. Nagsisimulang gambalain ang aking isipan.
Ngunit dahil takot din akong mapagbintangan ng mga pulis ay agad akong umalis sa lugar.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa aming bahay.
Napahawak ako sa may pintuan ng bahay habang hingal na hingal.
“Saan ka galing?”
Nagulat ako noong marinig ko ang boses ni Lola Teresa.
Napatingin ako sa kanya na nasa may pintuan din at mukhang papaalis muli.
‘Huwag kang aamin. Patay ka kapag sinabi mo ang iyong mga nakita.’
“Nagexercise lang po,” ani ko sa kanya.
Pinagmasdan niya naman ako mula paa hanggang sa ulo na animo ay sinusuri kung nagsasabi nga ba ako ng totoo.
“Siguraduhin mo lamang,” ani ni Teresa sa akin. “Dahil kapag nalaman kong may kinikita ka ay malilintikan ka sa akin.”
Hindi naman ako sumagot at napatingin na lamang sa kanya habang papaalis siya.
Masama pa rin ang loob ko na hindi niya ako hinayaang makapag aral. Nagtatampo ako sa kanya at the same time ay naiinis.
‘Pag wala na siya ay makakapag aral ka,’
‘Pag pinatay mo siya ay wala ng hahadlang sa iyo,’
‘Magagawa mo ang lahat ng gusto mo’
‘Magiging masaya ka kapag wala siya’
Pag wala na siya ay makakapag aral ako? Pag pinatay ko siya ay wala na akong problema?
Paano ko siya mapapatay?
Malakas kong sinampal ang aking sarili dahil sa aking mga naiisip na hindi dapat.
Ano ba ang iniisip ko?! Nasisiraan na ako ng ulo. Para akong isang kriminal!
Tigilan mo na ako please!
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events, and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. This episode contains sensitive scenes that may find disturbing for some viewers. Please read at your own risk.
Third Person Point of View Kanina pa nakatingin si Gilda sa may salamin. Hind niya malaman kung paano niya tatanggalin ang boses na bumubulong sa kanyang isipan. Gusto niyang ibigti ang kanyang leeg o laslasin ang kanyang kamay. Sigurado siya na sa kanyang kamatayan ay hindi na siya masusundan nito. Ilang oras na siyang nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang sarili. Nakatulala lang siya roon habang binubulungan siya ng mahiwagang kakaibang boses. ‘Nais mo bang malaman ang katotohanan? Pwede mong tanungin sa salamin. Sasabihin niya sa iyo ang nais mong malaman. Tuturuan kita.’ “Sino ka ba? Bakit mo ako ginagambala?” tanong ni Gilda sa boses na ito.
Gilda Point of View “Anong ginagawa mo rito, Gilda? Namimiss mo ba ang iyong tatay?” tanong ni Maria sa akin. Saan niya kaya dinala si tatay Dan? Ang sabi niya sa akin ay dito niya inilibing ang bangkay ng aking ama ngunit wala ito sa kabaong na nasa ilalim ng lupa. Ang sabi sa akin ng boses na nakakausap ko ay nasa loob ng aming bahay. Literal ba? Pero bakit nasa loob ng bahay? Bakit nasa loob ng bahay ang isang patay?! “Kanina pa kita hinahanap. Naisip ko na dito ka pumunta,” ani ni Maria. 
Gilda Point of View Nalibot ko na ata ang buong bahay ay hindi ko pa rin makita ang bangkay ng aking ama. Saan kaya nila itinago iyon? Huwag mong sabihing nakabaon naman sa lupa kaya hindi ko makita. T-teka… Naalala ko… Sa… sa kwarto ni Maria. May masangsang na nangangamoy dati. Napailing iling ako. Hindi naman siguro niya gagawin iyon. Hindi naman siguro tama ang iniisip ko hindi ba? Walang dahilan para gawin niya iyon. Maghunos dili sya. Sinong matinong tao ang gagawin iyon. ‘Pero malay mo ay ta
Maria Point of View Lumabas ako ng CR pagkatapos kong maligo. Bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Teresa. Gusto niya ba akong mamatay sa gulat? “L-lola Teresa,” tawag ko sa kanya. “Narito ka nap ala. Akala ko ay bukas pa kayo uuwi.” “Kamusta ang anak ko?” tanong niya sa akin. “Nililinis mo bang mabuti ang kanyang bangkay?” “Opo, pinapangalagaan kong mabuti ang katawan ni Dan,” ani ko sa kanya. “Mabuti kung ganoon,” ani ni
Third Person Point of View Maaga pa lamang ay binabagtas na ni Gilda ang daan patungo sa babuyan ng kanyang Lola Teresa. Doon siya itinuro ng boses na kanyang naririnig. Inutos sa kanya na pumunta siya roon pagka’t may sopresang nag aantay sa kanya. Paniwalang paniwala si Gilda sa boses na kanyang naririnig. Pakiramdam niya ay iyon ang gagabay sa kanya at maglilitas sa mga masasamang tao sa kanilang bahay. Pinangakuan siya ng boses na ito na proprotektahan siya at iingatan. Basta lamang makikinig siya rito at gagawin niyang kaibigan. Sumang ayon si Gilda sa mga kasunduan nito dahil na rin napatunayan nito ang kanyang sarili sa kanya.&nbs
Gilda Point of View Daha dahan akong pumasok sa tahanan ni Lola Teresa. Maingat ang aking mga galaw. Sakto na sa pagdaan ng kusina ay napatigin sa akin si Maria. “Gising ka na pala,” aniya sa akin. “Bakit hindi ka bumaba kaninang umagahan? Kinakatok ko ang yong pinto ngunit hindi ka sumasagot?” Natuyo na ata ang lalamunan ko. Ang babaeng nasa harap ko ngayon. Isa siyang mamatay tao. Pero mabti at hindi niya alam na lumabas ako ng bahay. Hindi niya dapat ako mahalata dahil kung hindi ay malilintikan ako.
Gilda Point of View Tumingin ako sa aking orasan. Ganap na alas dose trenta ng umaga. Sigurado akong tulog na sila. Ngunit maghihintay muna ako ng ilang minuto para saktong ala una na ako aalis. Mas magandang sigurado. Mahirap nab aka mahuli nila ako. Ang bawat segundo, at minuto ay tila isang araw sa paghihinatay. Napakatagal. Akala mo walang baterya ang aking relo at hindi gumagalaw ang oras. Mas mabagal pa sa isang pagong ang takbo nito. Labis labis na ang aking kaba. Iniisip ko lamang ang pagtakas ay kinakabahan na ako. Balak ko sanang lumuwas na g maynila at doon manirahan. Bahala na kung anong buhay ang naghihintay sa akin doon. Mag – aapply ako ng trabaho. Kahit lansangan muna ako
Gilda Point of View Dahan dahan kong ibinukas ang aking mga mata dahil naramdaman ko na parang mahapdi ang aking anit. Nanlalabo ang aking paningin, at kailangan ko pang pumikit ng pumikit upang luminaw ito. Noong makakit ako ng mas malinaw ay napatingin ako sa may salamin. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Nasa harap ako ng salamin habang ttumutulo ang dugo ko sa aking noo. Sa likod ko ay naroon si Maria. Nakangiti na animo ay isang baliw habang sinusuklayan ang buhok ko. Sinubukan kong tumayo ngunit natigilan ako noong hindi ko magawa. Napatingin ako sa aking katawan. Nakatali ako
THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang
THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m
THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs
Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.
Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si
Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n
CARMEN POINT OF VIEW Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali. Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.
THIRD PERSON POINT OF VIEW Itinaas ni Carmen ang kanyang bintana sa kwarto. Kalagitnaan ng gabi na ng mga oras na iyon. May nabubuong bagay sa kanyang isipan. Nais niyang makasigurado na ligtas si Gilda. Mula sa kanyang maliit na bintana ay dahan dahan siyang lumabas upang tumakas sa kanyang ina. Paniguradong tulog na rin ang mga ito ngunit kung sa mismong labas ng kwarto niya siya dadaab ay siguradong maririnig siya ng kanyang ama na mababaw lamang ang tulog dahil maingay ang kanyang pintuan sa tuwing magagalaw. Lumalangitngit ito sa buong kabahayan.
CARMEN POINT OF VIEW Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa. Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load? Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan. Siguro kung hindi ako kokontakin ni G