Share

Totoo

last update Huling Na-update: 2021-08-30 23:25:57

Third Person Point of View

        Kanina pa nakatingin si Gilda sa may salamin. Hind niya malaman kung paano niya tatanggalin ang boses na bumubulong sa kanyang isipan.

        Gusto niyang ibigti ang kanyang leeg o laslasin ang kanyang kamay. Sigurado siya na sa kanyang kamatayan ay hindi na siya masusundan nito.

        Ilang oras na siyang nakatingin sa salamin at pinagmamasdan ang sarili.

        Nakatulala lang siya roon habang binubulungan siya ng mahiwagang kakaibang boses.

        ‘Nais mo bang malaman ang katotohanan? Pwede mong tanungin sa salamin. Sasabihin niya sa iyo ang nais mong malaman. Tuturuan kita.’

        “Sino ka ba? Bakit mo ako ginagambala?” tanong ni Gilda sa boses na ito.

        Hindi niya alam kung totoo nga ba na may boses sa kanyang isipan o sadyang nababaliw na siya. Hindi niya alam kung ano ang totoo sa hindi.

        Basta ang alam lang niya ay may boses sa kanyang isip na hindi siya tinitigilan.

        ‘Ako ay iyong kaibigan. Tinawag mo ako sa aking pagkakahimlay.’

        “Tinawag? Kailan kita tinawag? Wala akong matandaan na may tinatawag akong tulad mo!”

        ‘Hinawakan mo ang itim na libro. Ibig sabihin lang niyon ay pinahihintulutan mo akong pumasok sa iyong katawan. Malakas ang iyong dugo kaya naman nais kong maging kaibigan mo. Malaki ang magagawa mo sa hinaharap. Magiging magaling kang pinuno. Malakas ka kung mag – aaral ka lamang ng mga bagay sa itim na libro.’

        Napatigil naman si Gilda. Naalala niya na hinawakan niya nga ang libro ng kanyang Lola Teresa at binuklat ito.

        Para sa kanya ay isang hindi kapani paniwala ang bagay na nangyayari sa kanya ngayon. Tila pang baliw lamang. Hindi niya malaman kung ano ang tawag dito. Kung nag iilusyon ba sya o kung ano.

        Kung sasabihin niya ito sa iba ay siguradong walang maniniwala sa kanya. Sino naman kasi ang maniniwala sa kanyang mga sasabihin na may bumubulong sa kanya?

        Siguradong pagtatawanan siya ng mga ito at tatawagin na isang baliw.

        Kung mayroon mang maniniwala sa kanya ay ang kanyang lola na si Teresa dahil sa kanya ang itim na libro na kanyang hinawakan.

        ‘Huwag kang maniniwala kay Teresa. May binabalak siya sayong masama. Hindi niya ka niya mahal. Hindi ka niya itinuturing na apo pagka’t anak ka ng kanyang kinaiinisan na babae. Ang iyong ina na si Lilybeth.”

        “Sinisiraan mo ba ang aking Lola sa akin?! Kung mayroon man akong dapat hindi paniwalaan ay ikaw iyon! Pagka’t hindi kita kilala at hindi ka totoo!” mariin na sabi ni Gilda.

        “Magtiwala ka sa akin, Gilda. Kapag sa akin ka naniwala ay maililigtas mo ang iyong sarili. Sasaluhin kita sa ano mang bagay. Sundin mo lamang ang lahat ng mga ipag uutos ko sa iyo at wala kang magiging problema.’

        “MANAHIMIK KA! Hindi ako naniniwala sa iyo! Hinding hindi ako maniniwala sa isang tulad mo. Isa ka lamang ilusyon! Nag – iilusyon lamang ako. Walang boses! Wala akong boses na naririnig!”

        Tumango tango si Gilda.

        “Tama. Gilda, gumising ka. Kakatitig mo sa salamin ay nag – iilusyon ka na lamang! Get back to yourself! Kumain ka baka gutom ka lamang.” Kausap ni Gilda sa kanyang sarili.

        ‘Nais mo bang patunayan ang sarili ko? Bakit hindi mo puntahan ang punto ng iyong ama na itinuro sa iyo ni Maria. Sasabihin ko na sa iyo at uunahan na kita. Wala kang makikitang bangkay doon.”

        Napatigil si Gilda at muling napatingin sa may salamin.

        “Ano ang ibig mong sabihin na wala?! Paanong wala? Anong nangyari sa bangkay ng aking ama?”

        ‘Bakit hindi ka muna magtungo roon at tignan mo? Siguro naman ay maniniwala ka na sa akin kapag napatunayan ko ang aking sinasabi sa iyo ngayon.’

        Tumayo si Gilda. Napagdesisyunan niyang gawin ang bagay na iyon upang patunayan din sa kanyang sarili kung nag iilusyon ba siya o hindi.

        Alam niyang kapag totoo ang sinasabi ng boses na iyon ay siguradong hindi siya nag iilusyon dahil imposibleng maisip lamang iyon ng kanyang isipan.

GILDA POINT OF VIEW     

        Agad akong nagtatakbo sa may bukid. Tinahak ko ang daan kung saan itinuro sa akin ni Maria na inilibing niya si Tatay.

        Dala dala ang aking pala na kinuha sa bahay ay sinimulan kong hukayin ang lupa kung saan may krus na nakalagay.

        Mabigat ang pala kasama ang lupa kaya naman nakakailan pala pa lamang ako ay hinihingal na ako.

        Ngunit hindi ako titigil. Huhukayin ko ito!

        Matapos ang isang oras ay napatigil ako at napatingin sa kabaong  na tinamaan ng dala kong pala.

        Napapikit ako at napaupo na lamang. Naiiyak ako.

        So baliw ako at nagiilusyon ang isip ko ng boses? Ano ito? Panong nangyari iyon? Anong sakit ito? Bakit kusa na lamang may bumubulong sa akin?

        Hindi kaya dahil ito sa paglubog sa akin ni Maria sa may dugo?

        Napailing iling ako at napakagat ng aking labi. Hindi kaya may lahing baliw ang pamilya ko kaya napagbibintangan din sila?

        Kailangan ko nang pumunta sa may doktor. Baka matulungan nila ako sa sakit kong ito.

        ‘Bakit ka tumigil, Gilda? Tanggalin mo pa ang mga lupa at buksan mo ang kabaong.’

        Sira na ata ang ulo ko at ginawa ko ang sinasabi ng boses. Inalis ko ng aking kamay ang mga lupa at noong maalis ko na ay binuksan ko ang kabaong.

        Nanlaki ang aking mga mata.

        Tama at eto nga ang kabaong na ginamit ng aking tatay ngunit…

        Ngunit wala siya rito!

        Wala si tatay dito! Nasaan siya?

        “Nasaan ang bangkay ni tatay? Bakit wala siya rito.”

        Tumawa ang boses sa aking isipan.

        ‘Ngayon alam mo na. Hindi ka baliw at totoo ako.’

        “Sabihin mo sa akin kung nasaan ang bangkay ni tatay!”

        ‘Hanapin mo sa bahay niyo, Gilda. Hindi ko sasabihin kung saan eksakto. Kapag nahanap mo ay may sikreto pa akong sasabihin sa iyo.’

        “Sagutin mo na lamang ang tanong ko!”

        Ilang minuto akong naghintay ngunit wala akong narinig na boses muli.

        “GILDA?!!”

        Napatingin ako sa aking likuran at doon ay nakita ko si Maria na naglalakad patungo sa aking kinalalagyan.

        Agad kong itinapon ang pala sa baba at tinabunan agad ito ng mga lupa.

        Matapos ay agad akong tumakbo sa kanya upang hindi na niya marating ang lupa.

        Malalaman niya na hinukay ko ito.

       

Kaugnay na kabanata

  • The Last Sacrifice   XXXV

    Gilda Point of View “Anong ginagawa mo rito, Gilda? Namimiss mo ba ang iyong tatay?” tanong ni Maria sa akin. Saan niya kaya dinala si tatay Dan? Ang sabi niya sa akin ay dito niya inilibing ang bangkay ng aking ama ngunit wala ito sa kabaong na nasa ilalim ng lupa. Ang sabi sa akin ng boses na nakakausap ko ay nasa loob ng aming bahay. Literal ba? Pero bakit nasa loob ng bahay? Bakit nasa loob ng bahay ang isang patay?! “Kanina pa kita hinahanap. Naisip ko na dito ka pumunta,” ani ni Maria. 

    Huling Na-update : 2021-09-01
  • The Last Sacrifice   XXXVI

    Gilda Point of View Nalibot ko na ata ang buong bahay ay hindi ko pa rin makita ang bangkay ng aking ama. Saan kaya nila itinago iyon? Huwag mong sabihing nakabaon naman sa lupa kaya hindi ko makita. T-teka… Naalala ko… Sa… sa kwarto ni Maria. May masangsang na nangangamoy dati. Napailing iling ako. Hindi naman siguro niya gagawin iyon. Hindi naman siguro tama ang iniisip ko hindi ba? Walang dahilan para gawin niya iyon. Maghunos dili sya. Sinong matinong tao ang gagawin iyon. ‘Pero malay mo ay ta

    Huling Na-update : 2021-09-01
  • The Last Sacrifice   XXXVII

    Maria Point of View Lumabas ako ng CR pagkatapos kong maligo. Bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Teresa. Gusto niya ba akong mamatay sa gulat? “L-lola Teresa,” tawag ko sa kanya. “Narito ka nap ala. Akala ko ay bukas pa kayo uuwi.” “Kamusta ang anak ko?” tanong niya sa akin. “Nililinis mo bang mabuti ang kanyang bangkay?” “Opo, pinapangalagaan kong mabuti ang katawan ni Dan,” ani ko sa kanya. “Mabuti kung ganoon,” ani ni

    Huling Na-update : 2021-09-03
  • The Last Sacrifice   XXXVIII

    Third Person Point of View Maaga pa lamang ay binabagtas na ni Gilda ang daan patungo sa babuyan ng kanyang Lola Teresa. Doon siya itinuro ng boses na kanyang naririnig. Inutos sa kanya na pumunta siya roon pagka’t may sopresang nag aantay sa kanya. Paniwalang paniwala si Gilda sa boses na kanyang naririnig. Pakiramdam niya ay iyon ang gagabay sa kanya at maglilitas sa mga masasamang tao sa kanilang bahay. Pinangakuan siya ng boses na ito na proprotektahan siya at iingatan. Basta lamang makikinig siya rito at gagawin niyang kaibigan. Sumang ayon si Gilda sa mga kasunduan nito dahil na rin napatunayan nito ang kanyang sarili sa kanya.&nbs

    Huling Na-update : 2021-09-03
  • The Last Sacrifice   XXXIX

    Gilda Point of View Daha dahan akong pumasok sa tahanan ni Lola Teresa. Maingat ang aking mga galaw. Sakto na sa pagdaan ng kusina ay napatigin sa akin si Maria. “Gising ka na pala,” aniya sa akin. “Bakit hindi ka bumaba kaninang umagahan? Kinakatok ko ang yong pinto ngunit hindi ka sumasagot?” Natuyo na ata ang lalamunan ko. Ang babaeng nasa harap ko ngayon. Isa siyang mamatay tao. Pero mabti at hindi niya alam na lumabas ako ng bahay. Hindi niya dapat ako mahalata dahil kung hindi ay malilintikan ako.

    Huling Na-update : 2021-09-04
  • The Last Sacrifice   XXXX

    Gilda Point of View Tumingin ako sa aking orasan. Ganap na alas dose trenta ng umaga. Sigurado akong tulog na sila. Ngunit maghihintay muna ako ng ilang minuto para saktong ala una na ako aalis. Mas magandang sigurado. Mahirap nab aka mahuli nila ako. Ang bawat segundo, at minuto ay tila isang araw sa paghihinatay. Napakatagal. Akala mo walang baterya ang aking relo at hindi gumagalaw ang oras. Mas mabagal pa sa isang pagong ang takbo nito. Labis labis na ang aking kaba. Iniisip ko lamang ang pagtakas ay kinakabahan na ako. Balak ko sanang lumuwas na g maynila at doon manirahan. Bahala na kung anong buhay ang naghihintay sa akin doon. Mag – aapply ako ng trabaho. Kahit lansangan muna ako

    Huling Na-update : 2021-09-05
  • The Last Sacrifice   Baliw

    Gilda Point of View Dahan dahan kong ibinukas ang aking mga mata dahil naramdaman ko na parang mahapdi ang aking anit. Nanlalabo ang aking paningin, at kailangan ko pang pumikit ng pumikit upang luminaw ito. Noong makakit ako ng mas malinaw ay napatingin ako sa may salamin. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakita. Nasa harap ako ng salamin habang ttumutulo ang dugo ko sa aking noo. Sa likod ko ay naroon si Maria. Nakangiti na animo ay isang baliw habang sinusuklayan ang buhok ko. Sinubukan kong tumayo ngunit natigilan ako noong hindi ko magawa. Napatingin ako sa aking katawan. Nakatali ako

    Huling Na-update : 2021-09-06
  • The Last Sacrifice   Kawalan

    Gilda Point of View Nakatingin ako sa mataas na kisame ng aking kwarto. Hindi ko alam kung anong oras na. Hindi ko alam kung ilang segundo, minuto, at oras ang nagdaan. Pagod na pagod na ako kakawag sa kinalalagyan ko. Ginawa ko na ang lahat para lamang makawala sa pagkakatali sa akin ni Maria ngunit walang effect. Napagod lamang ako ngunit walang nangyari. Bumaba na ang araw, lumabas na ang buwan sa kalangitan habang ako ay nakatali sa upuan na natumba. Gutom na gutom ako. Kahapon pa ako hindi kumakain. Pakiramdam ko ay kinakain na ng sikmura ko ang sarili niya. Hindi man lang muli ako dinaan ni Maria upang pakainin.

    Huling Na-update : 2021-09-07

Pinakabagong kabanata

  • The Last Sacrifice   Huling Kabanat

    THIRD PERSON POINT OF VIEWNagkalat ang mga pulis sa bahay ni Teresa kasama si Joeslito. Siya mismo ang naglead ng kanyang mga kapwa pulis papunta sa bahay na ito dahil tatlong araw ng nawawala ang kanyang anak na si Carmen. Wala siyang ibang pinaghihinalaan kundi ang pamilyang ito lalo na at sinabi sa kanya ng kanyang anak na lalaki na iniisip ni Carmen ang kaibigan nitong si Gilda na apo ni Teresa.Kanina pa sila naghahanap ngunit wala silang makita n kahit anong bakas ng mga may ari ng bahay. Narito pa ang mga gamit nila ngunit wala ng tao.“Jose, mukhang tumakas na ang mga suspek,” ani ng kasamahan ni Jose na kapwa niya rin pulis. “Wala ng tao ang bahay na ito.”“Hindi pupwedeng mawala sila! Nasa kanila ang anak ko!” mariin na ani ni Joselito. Puno siya ng panlulumo simula ng mawala ang kanyang anak.Sinisisi niya ang kanyang sarili na hindi niya ito nabantayan mabuti.“Ang mga kwarto? Wala bang

  • The Last Sacrifice   Kamatayan

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Napaiyak bigla si Gilda noong makita si Carmen. Bumalik na siya sa dati niyang huwisyo.“Anong ginawa niyo? Bakit niyo ginawa ito?” Naiiyak na tanong ni Gilda habang walang magawa sa kanyang sitwasyon.Hindi naman siya pinansin ni Teresa at bumalik sa kanyang pwesto. Pinatakan niya ulit ng kanyang dugo ang batsa saka muling inusal ang kanyang mga dasal sa pagtawag ng kang sinasamba. Itinaas niya ang kanyang mga kamay“Domine tenebrarum, exaudi uocem meam.Ego voco vos de altero mundo. Accede ad me. Gloriosam crucem tu divide. Haec utinam sic veniat.”(Panginoon ng kadiliman, dinggin mo ang aking panawag.Tinatawag kita mula sa kabilang mundo. Lumapit ka sa akin. Tawiran mo ang matanyag na hati. Ito ang aking kagustuhan kaya naman ito ay matutupad.)“Domine tenebrarum, exaudi uocem m

  • The Last Sacrifice   Ritwal

    THIRD PERSON POINF OF VIEW Nagising si Gilda sa kanyang pagkakatulog noong marinig niya ang ingay ng kaluskos sa taas ng kwartong kinalalagyan niya. Maya maya pa ay nagbukas ang pintuan na iyon. Agad na binuksan ni Maria ang ilaw sa basement na siya namang ikinasilaw ng dalagang pinagkaitan ng liwanag sa loob ng silid. Hinatak ni Maria ang naghihingalong katawan ni Carmen sa loob ng basement pababa ng hagdan. Pilit sinanay ni Gilda ang kanyang mata sa upang makita ang kung ano mang dala dala ng taong pumasok sa may silid.&nbs

  • The Last Sacrifice   Huling araw

    Third Person Point of ViewMatapos igapos ni Maria si Carmen sa isang upuan ay agad siyang umakyat ng kwarto upang sabihan si Teresa.Kumatok si Maria ng marahan sa harap ng kwarto ni Lola Teresa. Tinawag niya ang pangalan nito ng dalawang ulit. Walang sumasagot sa kanya kaya naman sa tingin niya ay atutulog ito.Ngunit hindi naman tulog mantika ang kasama niyang si Teresa. Konting kaluskos lamang ay nagigising na ito agad.Binuksan ni Maria ang pintuan noong walang sumasagot sa kanya. Ang gagawin niya ay gigisingin niya ito kung sakali man na natutulog upang agad nilang maisagawa ang ritwal para sa huling alay nila sa sinasamba nilang demonyo.Pagkabukas ni Maria ng pinto ay kadiliman ang agad na sumalubong sa kanyang mga mata. Kinapa niya ang kandila sa isang gilid. Dahil palagi nilang gawain na iwan ang posporo, at kandila sa ibabaw ng lamesa na pinakamalapit sa pinto ay nasanay na silang ganoon.

  • The Last Sacrifice   Paalam

    Third Person Point of View Nakangiti si Maria habang hinahatak niya si Carmen pabalik sa kanilang pinanggalingan. Hindi niya maitago ang saya sa kanyang mga mukha na kumpleto na ang kanilang biktima. Sa wakas ay makukumpleto na nila ang kanilang siyam na alay. Siguradong matutuwa sa kanya ang matanda na si Teresa kapag nalaman nito na mayroon na silang bagong maiaalay. Habang si Carmen naman ay hindi makapaniwalang sinaksak siya ni Maria sa kanyang likuran ng walang kalaban laban. Hatak hatak pa nito ang kanyang paa na nanakit na sa kanyang kakatakbo kanina. “Bitiwan mo ako!!!” si

  • The Last Sacrifice   VI - Plano

    Gilda Point of View Sa hindi inaasahan ay natamaan ng aking kamay ang baso ng juice na nasa tabi ng plato ko. Diretso itong natapon sa baba at nabasag. Napatakip ako ng aking bibig sa gulat at agad na napatingin ‘kay Lola Teresa dahil natakot ako na magagalit ito. Naabutan ko agad ang masungit na tingin ni Lola Teresa sa akin. “Nako! Pasensya na po, Lola Teresa,” ani ko sa kanya. “Hindi ko po sinasdayang masagi ang baso. Pasensya nap o talaga.” Yumuko yuko pa ako at pinagtalop ang dalawa kong palad habang humihingi ng sorry dito. “Sa susunod naman ay mag – ingat ka,” madiin na sabi sa akin ni Lola Teresa. “Ang tagal na ng baso kong iyan. Kahit sabihin mo pang kaya mong bayaran ay hindi mo mapapalitan ang importansya n

  • The Last Sacrifice   Pangalawa sa huli

    CARMEN POINT OF VIEW Pilit kong hinatak ang aking kamay palayo sa kamay na nakahawak sa akin. Si Maria ang taong iyon. Ngitng ngiti siya sa akin habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Pilit niya akong ipinapasok sa may bintana eh hindi naman ako doon kasya. Gusto niya ata akong mabali bali. Ang sangsang ng amoy na lumalabas sa kwarto niya. Pakiramdam ko ay niraragasa nito ang aking ilong. Napakasakit masinghot! Gusto kong masuka pero wala akong panahon para gawin iyon. “BITAWAN MO AKO!!!” sigaw ko.

  • The Last Sacrifice   Concern

    THIRD PERSON POINT OF VIEW Itinaas ni Carmen ang kanyang bintana sa kwarto. Kalagitnaan ng gabi na ng mga oras na iyon. May nabubuong bagay sa kanyang isipan. Nais niyang makasigurado na ligtas si Gilda. Mula sa kanyang maliit na bintana ay dahan dahan siyang lumabas upang tumakas sa kanyang ina. Paniguradong tulog na rin ang mga ito ngunit kung sa mismong labas ng kwarto niya siya dadaab ay siguradong maririnig siya ng kanyang ama na mababaw lamang ang tulog dahil maingay ang kanyang pintuan sa tuwing magagalaw. Lumalangitngit ito sa buong kabahayan.

  • The Last Sacrifice   Alala

    CARMEN POINT OF VIEW Kanina pa ako nag iisip. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Gilda. May nangyari kaya sa kanya? O baka naman nahuli na siya ng mga kasama niya sa bahay na nakikipag usap sa akin kaya pinutol na nila ang koneksyon naming dalawa. Baka kinumpiska ng kanyang lola ang kanyang cellphone. Araw – araw akong nagtetext sa kanya pero hindi niya ako nirereplyan. O baka naman wala siyang load? Sana nga ay walang nangyari kay Gilda. Sana ay ligtas siya sa kanilang bahay. Kakaiba kasi ang nararamdaman ko. Animo ay may mali sa bawat araw na nagdadaan. Siguro kung hindi ako kokontakin ni G

DMCA.com Protection Status