Inalayan ng lalaki si Irish patungo sa parking lot para hanapin ang kotse ni Irish. "Where's your car?" tanong niya at hindi pa rin natigil sa paghahanap.
"I don't have my car with me," bulong ni Irish.
Malabo na ang kanyang mata dahil sa kalasingan, nakahawak siya sa braso ng lalaki. Napakunot ang noo ng lalaki dahil sa sinabi niya, naisip niya kung anong sinakyan ni Irish papunta sa club.
"Paano ka uuwi kung wala kang kotse? May kasama ka ba papunta rito?" sunod-sunod na tanong ng lalaki ngunit walang maitindihan si Irish. "Hey?"
"What? Where's your car? Nahihilo na ako, dalhin mo na ako sa kotse mo..."
Nanlaki ang mga mata ng lalaki sa sinabi ni Irish, ang buong akala niya ay nagbibiro lamang si Irish sa sinabi nitong ilayo siya sa club dahil hindi niya iyon sineryoso; ang nais niya lang gawin ay ihatid si Irish sa kotse nito.
"Damn it," bulong ng lalaki at naglakad na habang akay si Irish papunta sa kotse niya.
Wala siyang magawa kundi sundin ang sinabi ng babaeng kasama niya. Pinasakay niya si Irish sa front seat at siya na rin mismo nagsuot ng seatbelt nito dahil halos matumba na si Irish at di na rin kaya ang sarili.
Habang kinakabit niya ng seatbelt si Irish, napatigil siya saglit at tumingin sa mukha ni Irish. Hindi niya kilala ang babae ngunit habang nagmamasid siya sa loob ng club kanina ay nahahalata niya na kilala ng mga taong nandoon ang babaeng kasama niya pero tila ay nilalayuan ng mga ito si Irish, iyon ang dahilan kung bakit niya nilapitan si Irish.
Napalunok siya at umiwas ng tingin nang biglang gumalaw si Irish, tulog na ito sa pwesto niya kaya naman pumasok na ang lalaki sa kotse.
Bumunontong hininga siya dahil hindi niya alam ang gagawin niya kay Irish, hindi niya alam kung saan ang bahay nito, wala rin itong dalang kahit anong bag para sana tignan niya kung may Identification Card ito.
"I don't have a choice," bulong niya at nagsimula nang magmaneho.
***
"Seryoso ka ba, Guiller? Nagdala ka talaga ng babae sa condo mo na wala ka pang gamit masyado? Paano kung magising iyan at maghanap ng pagkain?" Mahinang sabi ng kaibigan ni Guiller na si Allen.
"Wala akong choice, hindi ko alam kung saan ang bahay niya," bulong din ni Guiller.
Napasapo sa noo niya si Allen. Tinawagan siya ni Guiller kanina habang nagmamaneho para papuntahin sa condominium nitong bagong bili lang, kaya wala pang mga gamit kundi kama pa lang. Sa kama niya nakahiga si Irish ngayon at nasa labas sila ng kwarto ni Guiller, nag-uusap.
"Hindi mo siya kilala?" tanong ni Allen. Umiling lamang si Guiller. "Hindi ko alam na ang sinabi mong susubukan mo lang pumunta sa sikat na club dito sa Pinas ay magiging resulta na magkakaroon ka kaagad ng babae," mahabang sabi ni Allen. "Ito ang susi ng condo mo, ikaw na ang bahala. Kapag may kailangan ka, tumawag ka ng maaga; huwag gabi." Inis na dagdag ni Allen.
Kinuha na lang ni Guiller ang susi ng condo niya. Si Allen ang tumulong sa kanya na makakuha ng magandang condo unit kaya nasa Penthouse siya at dahil si Allen din ay anak ng may ari ng condominium.
"Thanks, dude." Iyon na lang ang sinabi ni Guiller at hinayaan nang umalis si Allen.
Pumasok siya sa loob ng kwarto niya at hindi niya inasahan ang kanyang nakita. Gising si Irish na seryosong nakatingin sa kanya na para bang hindi ito lasing.
"Gising ka na pala. May kailangan ka ba---"
Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang mabilis na lumapit si Irish sa kanya at hinalikan ito sa pisngi. Pilit niyang iniiwas ang sarili palayo sa mukha ni Irish ngunit tila nanghihina rin siya dahil sa naamoy niyang pabango kay Irish at ang mga haplos nito sa kanyang katawan.
"What are you doing?" Nahihirapang tanong ni Guiller.
"I don't care who you are but please...kiss me."
Nanlaki ang mga mata ni Guiller at umawang ang kanyang bibig, hindi makapaniwala sa naririnig mula kay Irish.
"What are you talking about, woman? Just sleep at ihahatid kita bukas ng umaga kapag nagising ka na---"
"Ayaw kong maikasal sa lalaking hindi ko mahal, please help me...."
Natahimik si Guiller, tumingin siya kay Irish na ngayon ay umiiyak na. Noong una ay wala siyang maitindihan kung ano ang ibig sabihin ni Irish ngunit nang mapagtanto niya kung ano ang gusto nitong mangyari, napalunok siya nang palihim.
"Do you want to sleep with me?" mahina niyang tanong na para bang nag-iingat sa sasabihin.
"Yes..."
Ilang minuto silang tahimik lang at nakatingin sa isa't isa hanggang sa si Irish ang nagsimulang kumilos. Dahan-dahan niyang hinubad ang kanyang suot na dress, napaatras nang bahagya si Guiller. "Touch me.." mahinang sabi ni Irish.
"This is wrong." Umiiling na sabi ni Guiller.
Alam niyang lasing lang si Irish kaya pinipigilan niya ang kanyang sarili na gawin ang gusto ng babae kahit na nahihirapan na siyang magpigil.
"Kahit ngayong gabi lang, tulongan mo akong makalimot sa lahat ng iniisip kong problema..." nagsusumamong sabi ni Irish.
Wala na siyang suot na dress, ang naiwan lang sa kanyang katawan ay mga underwear niya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit kay Guiller habang dahan-dahan ding inaalis ang natitira niyang suot hanggang sa naubos ang mga ito sa kanyang katawan. Nakatayo lang si Guiller sa harap niya, hindi na ito makaatras.
Nang tuloyan nang makalapit si Irish sa kanya, ang damit niya naman ang hinubad ni Irish. Hindi niya rin maitindihan ang kanyang sarili kung bakit siya pumayag sa gusto ni Irish at hinayaan niya lang itong hubaran siya.
Mapusok na hinalikan ni Irish si Guiller hanggang sa nawalan na rin ng kontrol si Guiller sa kanyang sarili, kung saan-saan na napapadpad ang kamay niya sa katawan ni Irish, mas lalo siyang nakaramdam ng gigil nang marinig niya ang ungol ni Irish.
"Damn it...your moan, I can resist it," bulong niya sa tainga ni Irish.
Kay bilis ng pangyayari at alam ni Guiller na naging masaya siya sa nangyari sa kanilang dalawa ni Irish. Tumingin siya sa gilid niya, mahimbing na natutulog si Irish habang nakapatong ang ulo nito sa bisig niya.
"Who are you, woman?"
Nagising si Irish na sumasakit ang ulo niya at hindi alam ang nangyari, pero ramdam niyang nasa malambot na kama siya. Dahan-dahan siyang bumangon habang hawak-hawak ang kanyang ulo, hindi niya pa nabubuksan ng buo ang dalawa niyang mata pero nang may marinig siyang nagbukas ng shower sa banyo, agad siyang napabalikwas sa kama. Tumingin siya sa kanyang katawan na wala ng saplot, tumingin din siya sa paligid at napagtantong hindi niya iyon kwarto. Mas lalong sumakit ang ulo niya habang inaalala ang nangyari at nang maalala niya ang ginawa niya, napatakip siya sa kanyang bibig at nanlaki ang kanyang mga mata. "Shit..." bulong niya at nagmamadaling hinanap ang suot niyang damit. Dahan-dahan niya iyong hinanap sa loob ng kwarto dahil ayaw niyang marinig ng taong nasa banyo. Nahanap niya naman ang suot niyang damit kagabi sa isang mahabang sofa na naka tupi na. Napa-ismid siya sa kanyang sarili, hindi niya inasahan na mahahayaan niya ang sarili niyang bumigay sa lalaking hindi niya kila
Kinabihan nang makauwi si Sally mula sa kanyang trabaho, nadatnan niya si Irish sa kusina na nagluluto, agad din namang bumaling si Irish nang maramdaman niya ang presensya ni Sally. "Hey...nandyan ka na pala." Nakangiting sabi ni Irish sa kaibigan at sinarado niya na ang kalan dahil sakto ay tapos na siya magluto."Oo, pasensya na kung natagalan ako. Dapat kanina pa ako nakauwi, malakas ang ulan. Anyway, nagluto ka?""Ayos lang, maaga pa naman. And yes, kung okay lang na ginalaw ko ang gamit mo?" tanong ni Irish. Hindi naman sanay si Sally na tila biglang nagbago ang pakikitungo ni Irish sa kanya, alam niyang marunong magluto si Irish at nagawa na nitong magluto sa condo unit niya mismo kaya hindi na bago sa kanya, ang bago sa kanya ay iyong akala ni Irish na hindi ayos na galawin ang gamit niya sa condo. "Ano ka ba, oo naman. Ayos lang. Ako dapat ang nahihiya sa'yo kasi bisita ka," sabi ni Sally. "No, ako dapat dahil nakikitira lang ako. Pasensya na sa abala, Sally."Napabuntong
"Handa ka na ba?" tanong ni Sally kay Irish nang makarating sila sa kumpanya kung saan siya nagtatrabaho.Bumuntong hininga si Irish at tumango sa kanyang kaibigan. Kinakabahan siya hindi dahil hindi siya makakapasok sa kumpanya, alam niya kung paano makapasok ngunit ang iniisip niya ay baka may makakilala sa kanya at ituro siya sa kanyang pamilya. Ayaw niyang mangyari iyon dahil gusto niya munang hindi manghimasok ang pamilya niya sa buhay niya. "Paano kung makilala nila ako at sabihin sa magulang ko na nandito ako?" tanong niya kay Sally. Hindi agad nakasagot si Sally dahil kahit siya ay hindi alam kung anong gagawin kung sakaling mangyari nga ang iniisip ni Irish. Hinawakan niya ang kamay ni Irish. "Magtiwala lang tayo na hindi mangyayari iyon. Minsan na akong nakita ng magulang ko pero hindi rin nila ako pinansin, at mas lalong hindi ko rin sila pinansin. Ayos lang sa akin iyon dahil naging tahimik ang buhay ko, let's just hope na iyon din ang mangyayari sa'yo..." mahabang paliw
“Anong nangyari?” Iyan agad ang bungad na tanong ni Sally nang makalabas siya sa opisina ni Guiller. Mas mabilis pa sa alas-kuwatro na kumalat ang balita sa buong building na hinila siya ng bagong Presidente ng kumpanya patungo sa opisina nila, siya rin ang ginawang dahilan kung bakit hindi natapos ang meeting sa conference room.At nang hindi niya masagot ang tanong ni Guiller tungkol sa pag-alis nito noong gabing nagsama sila, agad siyang lumabas sa opisina at bumungad sa kanya ang mga tinginan at bulongan ng mga tao sa palapag na iyon—na nandoon din ang kanyang kaibigan na si Sally, nag-aalala sa kanya. “Wala iyon. Gusto ko na munang umuwi, ayos lang ba na mauna ako sa’yo?” Mahinang tanong ni Irish. Hindi agad nakasagot si Sally dahil hindi niya alam ang gagawin. Baguhan din siya sa kumpanya, at kahit na pareho silang anak mayaman ni Irish, wala silang mawa rin na kontrolin ang pangyayari. Tumango si Sally. “Ihahatid na kita sa baba, pero pagka-uwi ko, kailangan mong sabihin sa
Chapter SevenAgad na nagmamadali si Sally na mapuntahan si Irish sa lugar na sinabi nito. Kung hindi lang siya tumawag ay hindi niya malalaman na hindi pala umuwi si Irish sa condo unit niya, sinabi nito na nasa isang club siya—sa Padis Point ng Taguig City. Nakita niya rin naman agad si Irish nang makapasok siya sa loob ng club lalo na wala pang masyadong tao dahil maaga pa iyon. “Irish…” tawag niya sa kaibigan. Bumaling si Irish nang marinig niya ang boses ni Sally sa gilid niya. “Sally, nandyan ka na pala. Hali ka, pasensya na kung naabala kita; ayaw ko pa kasing umuwi…” Huminga nang malalim si Sally at umupo sa tabi ni Irish. “Ano bang nangyayari sa’yo? Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon pero natitiyak ko na mas may malalim pa…” Seryosong sabi ni Sally. Saglit na natahimik si Irish at saka uminom ng alak. Nag-order lang siya ng isang bucket at kakarating lang no’n, sakto na dumating na rin si Sally. Pinahiram muna siya ng spare phone ni Sally para may magamit sil
Chapter EightKinabukasan, hindi pumasok si Sally dahil iyon na rin ang araw na sasamahan niya si Irish sa province nila. Noong una ay tinanong pa nang paulit-ulit ni Sally si Irish kung sigurado na siya pero ang sagot ni Irish ay ‘Oo’.Wala nang nagawa si Sally kundi hayaan ang kaibigan, ang mahalag lang din sa kanya ay ligtas ito. “Bukas na ako uuwi pabalik sa Manila, sasamahan muna kita rito,” sabi ni Sally nang makarating sila sa bahay ng lolo’t lola niya. “Maraming salamat talaga, Sal—”“Huwag ka munang magpasalamat, hindi pa naman tayo nagkakalayo ng landas. Basta alagaan mo ang sarili mo rito, ako na muna ang bahala sa mga gastos mo rito habang wala ka pang trabaho. Tumawag ka rin sa akin kung may kailangan ka pa,” mahabang sabi ni Sally. Sumang-ayon na lang si Irish sa mga sinabi ni Sally kahit na nakakaramdam na talaga siya ng hiya. May kalakihan ang bahay nila Sally, tatlo ang kwarto nito, may malaking sala at ang katabi nito ay lutoan, may tig-isa ring banyo ang bawat k
Chapter Nine“Anong nangyayari sa’yo? Bakit nabalitaan ko sa secretary mo na marami kang pinagkaabalahan kahit na sa kumpanya lang naman. Malalagot ako kay Tito kapag nalaman nila na hindi ka maayos dito sa Pinas,” mahabang sabi ni Allen kay Guiller. Binisita niya si Guiller sa condo unit nito, sakto naman ay gabi na at tapos na sa trabaho kaya dumiretso na siya para mangamusta. May dala siyang alak para sa kanilang dalawa. “Hindi mo naman magsumbong sa ama ko. I can handle everything, Allen. Lalo na nandyan ka naman para tulungan ako.” Natatawang sabi ni Guiller. Napailing na lang si Allen dahil sa sagot ng kaibigan niya. Hindi niya alam kung anong nangyari kay Guiller, dalawang Linggo pa lang siya sa Pilipinas pero tila marami nang napagdaanan ang kaibigan niya. Hindi niya rin naman makuha ang sagot na gusto niyang malaman mula sa secretary ni Guiller dahil ang loyalty no’n ay naka’y Guiller. “Ano ba kasi ang pinagkakaabalahan mo?” tanong ulit ni Allen. Tila ayaw niyang tigilan
Chapter TenIsang linggo ang lumipas simula noong dumating si Irish sa lugar nila Sally, sa loob din ng isang linggo na iyon ay nakasundo niya na sina Jarson at Jessica, lalo na si Jessica na pinangarap pa noon na magkaroon siya ng kapatid na babae rin. Maraming nangyari sa loob ng isang linggo tulad na lang nang biglaan pagpunta ni Sally kahit na may mas mahala siyang kailangan gawin sa trabaho nang biglang tumawag si Jessica sa kanya para ipaalam ang tungkol kay Irish. “Sinasabi ko na nga ba, mabubuo at mabubuo ang nangyari noong gabing iyon, Rish..” Mahina niyang sabi kay Irish. Nasa loob sila ng kwarto ni Irish para kausapin niya nang pribado. Kahapon lang din nalaman nila Irish ang tungkol sa pagbubuntis niya nang bigla na lang siyang nahilo habang namamasyal sila sa parke sa bayan, agad siyang sinugod nina Jarson at Jessica sa malapit na hospital at doon nila nalaman na apat na linggo ng buntis si Irish. “Hindi ko alam ang gagawin ko, Sal. Paano ko bubuhayin ang batang ito?”