Share

The Billionaire Rescued Me
The Billionaire Rescued Me
Author: Heroine Keir

One

Kahit minsan hindi sumagi sa isipan ni Irish na maghihirap ang pamilya niya dahil iniisip niya na hindi sila mawawalan ng kayamanan. Ngunit sa isang trahedya na nangyari sa kumpanya ng pamilya niya, pinilit siya ng magulang niya mag-sakripisyo sa isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin kahit kanino man. 

"Are you listening, Irish? Nagsasalita ang daddy mo," sabi ng kanyang ina. 

Kanina pa siya nakikinig sa usapan ng magulang niya at ng dalawa niyang kapatid, lahat sila ay nagkaisa para sa planong gagain para mabalik ang nasirang kumpanya. 

"I don't want to do it," seryoso niyang sabi. 

Natahimik ang pamilya niya dahil sa sinabi niya, kumunot ang noo ng kanyang ama na tila hindi nagustuhan ang sinabi ng kanyang anak na si Irish. 

"What do you mean you don't want to do it? Nakasalalay sa'yo ang kapakanan ng kumpanya natin. Ngayon ka pa talaga tatanggi?" galit na tanong ng kanyang nakakatandang kapatid na lalaki. 

Sa isip ni Irish ay wala siyang kakampi sa pamilya niya, lahat sila ay gustong masira ang buhay niya. 

"Ayaw kong gawin ang gusto ninyong gawin ko. Wala na bang ibang paraan para maging maayos ang problema natin?" pinilit niya ang kanyang sarili na huwag magalit sa pamilya niya, sinusubukan niyang intindihin ang mga ito ngunit tila hindi siya pinakinggan. 

"Wala ng ibang paraan. Si Mr. Blanco na lang ang natitira nating pag-asa para maibalik sa atin lahat. You need to marry him, Irish. And that's final!" sigaw ng kanyang ina. 

Pumikit nang mariin si Irish, ang emosyon na kanina niya pang pinigilan ay biglang sumabog dahil sa pagsigaw ng kanyang ina. Galit siyang tumayo at tinignan isa-isa ang pamilya niya na may poot at galit sa kanyang mga mata.

"I don't want to marry him, hindi ko naman kasalanan ang nangyari pero bakit ako ang magdudusa ng ganito? I don't want to marry to anyone at lalong-lalong na sa mas matanda sa akin!" sigaw niya at umalis sa harapan ng pamilya niya.

Tinawwag pa siya ng kanyang isa pang kapatid na babae ngunit hindi na siya lumingon pa, nagpatuloy siyang naglakad hanggang sa makarating siya sa labas ng subdivision. Wala na siyang kotse dahil kahit iyon ay kinuha na ng mga solicitor. 

Nagtawag siya ng taxi cab at agad na sumakay, sinabi niya lang sa driver kung saan siya pupunta. Habang nasa byahe, hindi niya mapigilan ang sariling umiyak nang umiyak, hindi mawala sa isipan niya ang gustong mangyari ng pamilya niya. 

Her family's company is already down, they are facing bunkrupcy. At ang paliwaga ng kanyang ama ay para maibalik ang kumpanya na matagal na nilang pinaghirapan, kailangan magpakasal ni Irish sa pinaka mayamang business partner ng negosyo nila---a fifty-three years old man. Kasing edad lang iyon ng tatay ni Irish kaya hindi siya pumapayag sa gusto ng mga ito. She's still twenty-four, and ayaw niyang masira ang buhay niya dahil lang magpapakasal siya sa mas matanda sa kanya kahit na gaano pa iyon kayaman. Mas gugustohin niya na lang maghirap kaysa maitali sa isang bagay na natitiyak niya na hindi na siya makakalabas ba. 

Nakarating na siya sa lugar na gusto niyang puntahan sa pagkakaton na ito, lumabas siya sa taxi pagkatapos niyang magbayad. Huminga siya nang malalim habang nakatayo sa harap ng isang club na pagmamay-ari ng isa niyang kaibigan. Wala siyang dalawang cell phone kaya hindi niya matawagan ito at ang iba niya pang mga kaibigan para sana samahan siya. 

Ilang hakbang pa lang ang ginawa niya papasok sa loob ng club nang nakarinig na siya ng mga bulongan at mga matang nakatingin sa kanya, nakaramdam siya ng kaba. 

"What is she doing here?"

"May pera pa ba siya?"

"Siguro galing sa mayaman niyang fiancee na matanda."

Iilan lang iyan sa naririnig niya mula sa mga taong nakatingin sa kanya. Napalunok siya at pinipigilan ang luhang nagbabadyang lumabas, hinyaan niya ang mga taong bulong nang bulong, pumasok na lang siya nang tuloyan sa loob ng mall. Pero ganoon pa rin ang nangyayari, tinitignan pa rin siya ng mga tao na para bang hindi na siya kasama sa mga taong maimpluwensya. 

Kilala siya ng karamihan. Bukod sa mayaman siya, marami rin siyang naging kaibigan pero dahil sa nangyari, para bang kinamumuhian na siya ng mga tao. 

"One glass o Dealto Rioja," sabi niya sa bartender nang makarating siya sa bar counter. Tinitigan pa siya ng bartender na para bang nagdadalawang isip kung bibigyan siya. "What? Sa tingin mo ba hindi ko kayang bayaran ang inorder ko?" galit na tanong niya kaya agad na kinuha ng bartender ang order niya. 

Nang makaring ang order niya, naka limang baso na siya pero hindi niya pa rin mawawala sa pandinig niya ang mga kantyaw ng mga tao sa kanya. From her place, she saw her friends laughing while she's not with them. Nasasaktan siya nang makita ang senaryong iyon, dapat ay kasama siya pero dahil nasa mababa na siya alam niyang hindi na siya tatanggapin ng mga kaibigan niya. 

"Ma'am, nakakarami na po kayo baka hindi na po kayo makauwi---"

"Shut up! Gusto mo lang akong umuwi dahil akala mo wala akong pambayad..." umiiyak na sabi ni Irish sa bartender. Kinabahan naman ang bartender dahil naka tatlong bote na si Irish at umorder pa ng panibago. 

Pipigilan sana ng bartender dahil iyon ang utos ng may-ari na kaibigan lang din ni Irish nang may magsalita. "Let her drink. I will handle her.

Agad na sumunod ang bartender sa taong nang-utos no'n. Kumunot naman ang noo ni Irish nang marinig ang malalim na boses na iyon. Lasing na siya pero nang lingunin niya ang lalaki nanlalabo ang paningin niya pero sigurado siyang macho ang lalaki dahil din sa tindig nito bukod sa malalim na boses. 

"Finally, may kasama na ako. Come here, sit beside me." She tapped the chair beside her para paupuin ang lalaki. Umupo naman ang lalaki, sumimsim din siya ng alak na order ni Irish habang pinagmasdan niya si Irish na naluluha. 

"Do you need someone to talk?" tanong ng lalaki. 

Natawa si Irish. "Do I need someone to talk? Of course but no one wants to talk to me," mahinang sabi ni Irish. Bumasag pa ang kanyang boses nang sabihin iyon. 

"Do you want me to stay with you?" 

Nang sabihin iyon ng lalaki agad na bumaling si Irish sa kanya, nakakunot ang noo niya at nanlalabo na rin ang kanyang mga mata kaya hindi niya na masyadong masilayan ang hitsura ng lalaki. 

"Ilayo mo ako rito, dalhin mo ako kung saan mo gusto..." 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status