Chapter TwelveHindi agad nakapagsalita si Sally sa sinabi ni Guiller, bumaling siya sa loob ng bahay at hindi niya na nakita ang tatlo na nakatingin. Lumunok siya ng laway niya, kahit na nanunuyo na rin ang kanyang lalamunan at bumaling muli kay Guiller.Hindi na siya nagtataka kung paano nalaman ni Guiller ang tungkol sa pamilya niya, isa rin siyang anak ng negosyante at nanggaling sa mayamang angkan, kagaya ni Irish alam niya rin kung paano kumilos ang mga kagaya ni Guiller. Pero ang hindi niya maitindihan ay kung bakit sa tingin niya na tila ba naging desperado si Guiller kay Irish. “Ano po ba talagang kailangan niyo kay Irish, sir? Pasensya na po kung ganito ang tanong ko pero hindi ko po pwedeng hayaan na lang ang kaibigan ko na minamanmana ninyo—”“Alam ko, Miss Valdez. Kung ayaw mong pumayag sa deal ko, hayaan mo na lang akong kausapin siya,” sabi ni Guiller. Huminga nang malalim si Sally, nahihirapan na siya kung paano niya sasabihin kay Guiller na hindi niya pwedeng gawin
Chapter ThirteenNine Months After…Kabuwanan na ni Irish at lahat ng mga kasama niya ay excited, ganoon din naman siya ngunit kinakabahan siya sa posibleng mangyari na tila ba ngayon niya lang naramdaman ang takot. “Kanina ka pa tahimik, okay ka lang ba?” tanong ni Sally sa kanya. Ngayong linggo ay nagsimulang mag labor si Irish sa tulong ng tatlong kaibigan. Tumingin siya kay Sally. “Naisip ko lang kung paano ko buhuhayin ang batang ito paglabas niya, at paano ko sasabihin sa kanya ang totoo tungkol sa tatay niya,” mahabang sabi ni Sally. Hinawakan naman ni Sally ang kamay niya at inayos ang hibla ng buhok. “Huwag kang mag-alala, palagi kong sinasabi sa’yo na nandito lang naman ako para tulongan ka.” Ngumiti si Sally sa kanya at tumingin lang din siya kay Sally nang biglang may sumagi sa isip niya. Mga nakaraang buwan, hindi na pumasok si Sally sa trabaho pero lagi itong lumalabas ng bahay at pagka-uwi niya may dala na itong maraming gamit, tulad ng grocery at iba pang pwedeng
Chapter FourteenHindi makagalaw si Guiller sa kinatatayuan niya habang nakatingin pa rin nang seryoso kay Jarson, walang emosyon ang mga mata nito ngunit kita ng mga taong kasama niya na hindi ito natutuwa. Umigting din ang kanyang panga at dahan-dahang ikinuyom ang mga kamao na tila ba handa ng suntokin ang lalaking kaharap niya ngayon. “Ano bang sinasabi mo, Jar?” bulong ni Jessica sa kanyang kapatid at pinilit na hilahin palayo kay Guiller nang makita ang hitsura ng lalaking handa nang magalit. Ngunit hindi pinansin ni Jarson ang kanyang kapatid, nakipag-talasan din siya ng tingin kay Guiller. “Narinig naman siguro ng lalaking ito ang sinabi ko. Hindi naman siguro siya kaano-ano ni Irish, hindi ba?”Pumikit nang mariin si Sally dahil sa sinabi ng pinsan, tila ba natatakot siya sa posibleng mangyari kay Jarson kaya agad niya itong nilapitan at hinila palayo. Nagtataka naman si Jarson sa ginawa ni Sally. “Ano bang problema mo? Anong pumasok sa kokote mo na sabihin ang mga salitan
Chapter Fifteen Grabe ang pag-alala ng mga kaibigan ni Irish sa kanya na sila Sally, Jessica at Jarson dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising, anim na oras na simula nang ilipat siya sa kanyang kwarto pagkatapos manganak. Marami na rin napag-usapan ang magpipinsan at nagawa labas pasok sa loob ng kwarto, kasama na sa pag-uusap nila ang tungkol kay Guiller at Irish. Ngunit nagawa lang nilang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon nang lumabas si Guiller at umalis sa ospital dahil sa biglaang emergency sa kumpanya nito. “Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa mo ang bagay na iyon, Sal,” komento ni Jessica sa kanyang pinsan nang malaman niya ang ginawa ni Sally. Umiwas nang tingin si Sally at saglit na bumaling kay Irish na wala pa rin malay at bumalik ulit kay Jessica. “Huwag mong babanggitin kay Irish ang napag-usapan natin, magagalit siya sa akin at ayaw kong mangyari iyon,” mahina niyang sabi.Aangal pa sana si Jessica nang may biglang kumatok sa pintuan kaya sab
Chapter SixteenTahimik ang paligid, tila walang gustong magsalita dahil sa pagkabigla ng kanilang narinig mula sa nars. At nang mapansin ng nars ang naging reaksyon nilang apat ay agad na itong nagpaalam para umalis, sinabi lang ulit ang instruction nito na pwede na silang makalabas sa hospital. Kahit lumabas na sila sa hospital, hindi pa rin kumibo si Irish sa kanilang tatlo, bitbit niya lang ang kanyang anak kahit na nahihirapan siyang maglakad at kahit na gusto nilang tatlo na tulungan siya ay tila nawalan siya ng pakialam, dahil hindi pa rin mawala sa isipan niya ang nalaman niya; kahit si Sally ay hindi rin alam kung paano kausapin si Irish, naisip niya kanina na baka galit si Irish sa kanya. Pagtingin sa isa’t isa ang naging komunikasyon nina Sally at Jessica na para bang sa pamamagitan ng mga mata nila ay nagkakaintindihan sila tungkol kay Irish. Nasa loob na sila ng kotse at kahit na si Jarson ay hindi rin alam kung paano magsalita dahil sa katahimikan, pinagdasal niya na l
Kahit minsan hindi sumagi sa isipan ni Irish na maghihirap ang pamilya niya dahil iniisip niya na hindi sila mawawalan ng kayamanan. Ngunit sa isang trahedya na nangyari sa kumpanya ng pamilya niya, pinilit siya ng magulang niya mag-sakripisyo sa isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin kahit kanino man. "Are you listening, Irish? Nagsasalita ang daddy mo," sabi ng kanyang ina. Kanina pa siya nakikinig sa usapan ng magulang niya at ng dalawa niyang kapatid, lahat sila ay nagkaisa para sa planong gagain para mabalik ang nasirang kumpanya. "I don't want to do it," seryoso niyang sabi. Natahimik ang pamilya niya dahil sa sinabi niya, kumunot ang noo ng kanyang ama na tila hindi nagustuhan ang sinabi ng kanyang anak na si Irish. "What do you mean you don't want to do it? Nakasalalay sa'yo ang kapakanan ng kumpanya natin. Ngayon ka pa talaga tatanggi?" galit na tanong ng kanyang nakakatandang kapatid na lalaki. Sa isip ni Irish ay wala siyang kakampi sa pamilya niya, lahat sila ay gu
Inalayan ng lalaki si Irish patungo sa parking lot para hanapin ang kotse ni Irish. "Where's your car?" tanong niya at hindi pa rin natigil sa paghahanap."I don't have my car with me," bulong ni Irish. Malabo na ang kanyang mata dahil sa kalasingan, nakahawak siya sa braso ng lalaki. Napakunot ang noo ng lalaki dahil sa sinabi niya, naisip niya kung anong sinakyan ni Irish papunta sa club. "Paano ka uuwi kung wala kang kotse? May kasama ka ba papunta rito?" sunod-sunod na tanong ng lalaki ngunit walang maitindihan si Irish. "Hey?""What? Where's your car? Nahihilo na ako, dalhin mo na ako sa kotse mo..."Nanlaki ang mga mata ng lalaki sa sinabi ni Irish, ang buong akala niya ay nagbibiro lamang si Irish sa sinabi nitong ilayo siya sa club dahil hindi niya iyon sineryoso; ang nais niya lang gawin ay ihatid si Irish sa kotse nito. "Damn it," bulong ng lalaki at naglakad na habang akay si Irish papunta sa kotse niya. Wala siyang magawa kundi sundin ang sinabi ng babaeng kasama niya.
Nagising si Irish na sumasakit ang ulo niya at hindi alam ang nangyari, pero ramdam niyang nasa malambot na kama siya. Dahan-dahan siyang bumangon habang hawak-hawak ang kanyang ulo, hindi niya pa nabubuksan ng buo ang dalawa niyang mata pero nang may marinig siyang nagbukas ng shower sa banyo, agad siyang napabalikwas sa kama. Tumingin siya sa kanyang katawan na wala ng saplot, tumingin din siya sa paligid at napagtantong hindi niya iyon kwarto. Mas lalong sumakit ang ulo niya habang inaalala ang nangyari at nang maalala niya ang ginawa niya, napatakip siya sa kanyang bibig at nanlaki ang kanyang mga mata. "Shit..." bulong niya at nagmamadaling hinanap ang suot niyang damit. Dahan-dahan niya iyong hinanap sa loob ng kwarto dahil ayaw niyang marinig ng taong nasa banyo. Nahanap niya naman ang suot niyang damit kagabi sa isang mahabang sofa na naka tupi na. Napa-ismid siya sa kanyang sarili, hindi niya inasahan na mahahayaan niya ang sarili niyang bumigay sa lalaking hindi niya kila