Share

Fourteen

Chapter Fourteen

Hindi makagalaw si Guiller sa kinatatayuan niya habang nakatingin pa rin nang seryoso kay Jarson, walang emosyon ang mga mata nito ngunit kita ng mga taong kasama niya na hindi ito natutuwa. Umigting din ang kanyang panga at dahan-dahang ikinuyom ang mga kamao na tila ba handa ng suntokin ang lalaking kaharap niya ngayon.

“Ano bang sinasabi mo, Jar?” bulong ni Jessica sa kanyang kapatid at pinilit na hilahin palayo kay Guiller nang makita ang hitsura ng lalaking handa nang magalit.

Ngunit hindi pinansin ni Jarson ang kanyang kapatid, nakipag-talasan din siya ng tingin kay Guiller. “Narinig naman siguro ng lalaking ito ang sinabi ko. Hindi naman siguro siya kaano-ano ni Irish, hindi ba?”

Pumikit nang mariin si Sally dahil sa sinabi ng pinsan, tila ba natatakot siya sa posibleng mangyari kay Jarson kaya agad niya itong nilapitan at hinila palayo. Nagtataka naman si Jarson sa ginawa ni Sally.

“Ano bang problema mo? Anong pumasok sa kokote mo na sabihin ang mga salitan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status