Share

Six

“Anong nangyari?” Iyan agad ang bungad na tanong ni Sally nang makalabas siya sa opisina ni Guiller. 

Mas mabilis pa sa alas-kuwatro na kumalat ang balita sa buong building na hinila siya ng bagong Presidente ng kumpanya patungo sa opisina nila, siya rin ang ginawang dahilan kung bakit hindi natapos ang meeting sa conference room.

At nang hindi niya masagot ang tanong ni Guiller tungkol sa pag-alis nito noong gabing nagsama sila, agad siyang lumabas sa opisina at bumungad sa kanya ang mga tinginan at bulongan ng mga tao sa palapag na iyon—na nandoon din ang kanyang kaibigan na si Sally, nag-aalala sa kanya. 

“Wala iyon. Gusto ko na munang umuwi, ayos lang ba na mauna ako sa’yo?” Mahinang tanong ni Irish. 

Hindi agad nakasagot si Sally dahil hindi niya alam ang gagawin. Baguhan din siya sa kumpanya, at kahit na pareho silang anak mayaman ni Irish, wala silang mawa rin na kontrolin ang pangyayari. 

Tumango si Sally. “Ihahatid na kita sa baba, pero pagka-uwi ko, kailangan mong sabihin sa akin lahat,” bulong niya kay Irish.

Tanging pag tango lang din ang tinugon ni Irish at sabay na silang naglakad paalis sa lugar na iyon. Hindi makausap ni Sally si Irish habang naglalakad sila, nakayuko lang si Irish dahil nahihiya pa rin sa mga tinginan at bulongan ng mga tao. Hindi pa siya sanay sa ganoong sitwasyon, pakiramdam niya hanggang sa trabaho ay pinagtatawanan siya ng mga tao kahit iba naman ang rason ng tinginan at bulongan nila sa kanya. 

“Sigurado ka bang ayos ka lang?” tanong ni Sally nang makarating ang taxi cab na tinawag niya para kay Irish. 

“Ayos lang ako. Pasensya na, Sally. I will tell you everything later. I promise…” Ngumiti ng tipid si Irish nang sabihin niya iyon. 

Bumuntong hininga naman si Sally sabay iling ng dalawang beses na para bang hindi niya nagustuhan ang unang araw ni Irish sa trabaho. 

“Mag-ingat ka. Mag-text ka kaagad kung nakauwi ka na, okay?” bilin ni Sally. 

Sumakay na si Irish sa loob ng taxi cab pagkatapos niyang tumango sa sinabi ni Sally. Inanya muna ni Sally na makalayo si Irish bago bumalik sa loob ng building. 

“Kuya, sa Valdez Village po tayo,” sabi niya sa driver. 

Iba ang daan ng nasabing lugar kaya naman nag U-Turn ang driver. Ang Valdez Village ay ang lugar kung saan siya nakatira at ang magulang niya na sigurado siya na wala na rin doon dahil pati iyon ay kinuha na rin ng bangko. 

Nang makarating siya sa harap ng bahay nila, agad na rin siyang bumaba pagkatapos niyang magbayad sa taxi driver. Hindi na siya nagpa-antay dahil naisip niyang magtatagal siya roon. 

Isang Linggo na ang lumipas simula nang umalis siya sa bahay nila, at ngayong pagbalik niya ay tahimik na—mahahalata talaga na wala ng nakatira dahil kahit mga guards at katulong ay wala na rin, tanging siya at ang malamig na hangin sa harden ang naroon. 

Huli niya nang namalayan na tumulo ang luha niya habang iniisip ang sitwasyon nila, at naalala niya rin si Guiller. Isang gabing pagkakamali lamang iyon na alam niyang nangyari, pero sa ngayon dahil sa sitwasyon niya at sa pamilya niya, ayaw niya munang idagdag si Guiller sa buhay niya. 

“Miss Irish?”

Agad na bumaling si Irish sa nagsalita. Ang hardenero nila. 

“Mang Paloy. Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Irish sa pagtataka na may tao pa pala sa bahay nila. 

“Inutosan po akong maglinis ng may ari ng subdivision dahil may bumili na raw ng bahay niyo at ako po ulit ang hardenero na gagawin nila para sa bagong panauhin,” paliwanag ni Mang Paloy. 

Ngumiti naman ng tipid si Irish sabay tango kay Mang Paloy, nakaramdam siya ng kirot sa kanyang dibdib. “Ganoon po ba. Okay lang po ba na bisitahin ko muna saglit sa loob?” magalang niyang tanong. 

Kaagad namang kinuha ni Mang Paloy ang susi ng bahay. “Oo naman po, Miss Irish. Nako, bago umalis sila Mommy mo, inantay ka muna nilang bumalik kahit na may pulis na dito…”

“Pulis? Anong ginagawa ng mga pulis dito?” tanong ni Irish. 

Nakapasok na sila sa loob ng bahay habang kinakausap niya si Mang Paloy. “Dinakip na po si Sir Elias, ngunit hindi ko po alam kung saan lumipat ang mommy mo at ang mga kapatid ninyo kasama ang pamilya nila,” sagot ni Mang Paloy. 

Tila nanghina si Irish sa kanyang narinig, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Wala siyang pera para tulongan ang tatay niya, pero ayaw niya rin magpakita dahil alam niyang ipiplit pa rin siyang ipakasal sa matandandang mayamang lalaki. 

“Sige, Mang Paloy. Maraming salamat po, tatawagin ko na lang po kayo kung aalis na po ako,” sabi ni Irish. 

Nagpaalam na rin naman si Mang Paloy na babalik sa harden para maglinis habang nilibot ni Irish ang loob ng bahay nila. Marami na rin nagbago, wala na ang dati nilang set-up pero ang iilang gamit ay naroon pa rin. Ang pamilya niya mismo bumili no’n pero hindi niya alam kung bakit pati iyon ay naiwan sa bahay. 

Sa kabilang banda naman, ramdam ng secretary ni Guiller ang galit ng amo niya. “You need to find her! Tell the Marketing Department that we need her contact and address!” sigaw ni Guiller. 

Nang hindi siya sinagot ni Irish at bigla na lang itong lumabas ng opisina niya, hindi niya na mahabol dahil paglabas niya rin ng kanyang opisina ay maraming taong nakatingin sa kanya at kay Irish na naglalakad kasama ang kaibigan nitong si Sally. Napagtanto niya ang kanyang ginawa, isang malaking iskandalo iyon, lalo na kay Irish. Hindi niya alam na doon nagtatrabaho si Irish dahil bago lang din siyang na-appoint bilang President ng kumpanya. 

“Sir, we found her friend who referred her, and her friend said it’s her first day in the company,” sagot ng secretary niyang si Dani. 

“Did you find her address?” tanong ni Guiller. 

“Yes Sir, nakatira po siya sa Valdez Village. Iyon po ang nasa resume niya,” sagot ni Dani at saka inabot ang hawak na resume niya kay Guiller, agad din naman iyong tinanggap ni Guiller at sinuri ang detalyo ni Irish. 

“Irish Marquez…is she the daughter of Elias Marquez who was found guilty of E****a?” seryosong tanong ni Guiller.

Tumango naman si Dani. “Siya nga po sir, at ngayon ay nakaharap ang pamilya niya sa matinding bankruptcy ng kumpanya kaya po siguro siya nagtatrabaho rito. Just last week, her dad was in prison…”

Natahimik si Guiller sa kanyang nalaman habang nakatingin pa rin sa resume ni Irish hanggang sa nagsalita siya ng ikinagulat ni Dani. “I want to marry her.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status