Kahit minsan hindi sumagi sa isipan ni Irish na maghihirap ang pamilya niya dahil iniisip niya na hindi sila mawawalan ng kayamanan. Ngunit sa isang trahedya na nangyari sa kumpanya ng pamilya niya, pinilit siya ng magulang niya mag-sakripisyo sa isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin kahit kanino man. "Are you listening, Irish? Nagsasalita ang daddy mo," sabi ng kanyang ina. Kanina pa siya nakikinig sa usapan ng magulang niya at ng dalawa niyang kapatid, lahat sila ay nagkaisa para sa planong gagain para mabalik ang nasirang kumpanya. "I don't want to do it," seryoso niyang sabi. Natahimik ang pamilya niya dahil sa sinabi niya, kumunot ang noo ng kanyang ama na tila hindi nagustuhan ang sinabi ng kanyang anak na si Irish. "What do you mean you don't want to do it? Nakasalalay sa'yo ang kapakanan ng kumpanya natin. Ngayon ka pa talaga tatanggi?" galit na tanong ng kanyang nakakatandang kapatid na lalaki. Sa isip ni Irish ay wala siyang kakampi sa pamilya niya, lahat sila ay gu
Inalayan ng lalaki si Irish patungo sa parking lot para hanapin ang kotse ni Irish. "Where's your car?" tanong niya at hindi pa rin natigil sa paghahanap."I don't have my car with me," bulong ni Irish. Malabo na ang kanyang mata dahil sa kalasingan, nakahawak siya sa braso ng lalaki. Napakunot ang noo ng lalaki dahil sa sinabi niya, naisip niya kung anong sinakyan ni Irish papunta sa club. "Paano ka uuwi kung wala kang kotse? May kasama ka ba papunta rito?" sunod-sunod na tanong ng lalaki ngunit walang maitindihan si Irish. "Hey?""What? Where's your car? Nahihilo na ako, dalhin mo na ako sa kotse mo..."Nanlaki ang mga mata ng lalaki sa sinabi ni Irish, ang buong akala niya ay nagbibiro lamang si Irish sa sinabi nitong ilayo siya sa club dahil hindi niya iyon sineryoso; ang nais niya lang gawin ay ihatid si Irish sa kotse nito. "Damn it," bulong ng lalaki at naglakad na habang akay si Irish papunta sa kotse niya. Wala siyang magawa kundi sundin ang sinabi ng babaeng kasama niya.
Nagising si Irish na sumasakit ang ulo niya at hindi alam ang nangyari, pero ramdam niyang nasa malambot na kama siya. Dahan-dahan siyang bumangon habang hawak-hawak ang kanyang ulo, hindi niya pa nabubuksan ng buo ang dalawa niyang mata pero nang may marinig siyang nagbukas ng shower sa banyo, agad siyang napabalikwas sa kama. Tumingin siya sa kanyang katawan na wala ng saplot, tumingin din siya sa paligid at napagtantong hindi niya iyon kwarto. Mas lalong sumakit ang ulo niya habang inaalala ang nangyari at nang maalala niya ang ginawa niya, napatakip siya sa kanyang bibig at nanlaki ang kanyang mga mata. "Shit..." bulong niya at nagmamadaling hinanap ang suot niyang damit. Dahan-dahan niya iyong hinanap sa loob ng kwarto dahil ayaw niyang marinig ng taong nasa banyo. Nahanap niya naman ang suot niyang damit kagabi sa isang mahabang sofa na naka tupi na. Napa-ismid siya sa kanyang sarili, hindi niya inasahan na mahahayaan niya ang sarili niyang bumigay sa lalaking hindi niya kila
Kinabihan nang makauwi si Sally mula sa kanyang trabaho, nadatnan niya si Irish sa kusina na nagluluto, agad din namang bumaling si Irish nang maramdaman niya ang presensya ni Sally. "Hey...nandyan ka na pala." Nakangiting sabi ni Irish sa kaibigan at sinarado niya na ang kalan dahil sakto ay tapos na siya magluto."Oo, pasensya na kung natagalan ako. Dapat kanina pa ako nakauwi, malakas ang ulan. Anyway, nagluto ka?""Ayos lang, maaga pa naman. And yes, kung okay lang na ginalaw ko ang gamit mo?" tanong ni Irish. Hindi naman sanay si Sally na tila biglang nagbago ang pakikitungo ni Irish sa kanya, alam niyang marunong magluto si Irish at nagawa na nitong magluto sa condo unit niya mismo kaya hindi na bago sa kanya, ang bago sa kanya ay iyong akala ni Irish na hindi ayos na galawin ang gamit niya sa condo. "Ano ka ba, oo naman. Ayos lang. Ako dapat ang nahihiya sa'yo kasi bisita ka," sabi ni Sally. "No, ako dapat dahil nakikitira lang ako. Pasensya na sa abala, Sally."Napabuntong
"Handa ka na ba?" tanong ni Sally kay Irish nang makarating sila sa kumpanya kung saan siya nagtatrabaho.Bumuntong hininga si Irish at tumango sa kanyang kaibigan. Kinakabahan siya hindi dahil hindi siya makakapasok sa kumpanya, alam niya kung paano makapasok ngunit ang iniisip niya ay baka may makakilala sa kanya at ituro siya sa kanyang pamilya. Ayaw niyang mangyari iyon dahil gusto niya munang hindi manghimasok ang pamilya niya sa buhay niya. "Paano kung makilala nila ako at sabihin sa magulang ko na nandito ako?" tanong niya kay Sally. Hindi agad nakasagot si Sally dahil kahit siya ay hindi alam kung anong gagawin kung sakaling mangyari nga ang iniisip ni Irish. Hinawakan niya ang kamay ni Irish. "Magtiwala lang tayo na hindi mangyayari iyon. Minsan na akong nakita ng magulang ko pero hindi rin nila ako pinansin, at mas lalong hindi ko rin sila pinansin. Ayos lang sa akin iyon dahil naging tahimik ang buhay ko, let's just hope na iyon din ang mangyayari sa'yo..." mahabang paliw
“Anong nangyari?” Iyan agad ang bungad na tanong ni Sally nang makalabas siya sa opisina ni Guiller. Mas mabilis pa sa alas-kuwatro na kumalat ang balita sa buong building na hinila siya ng bagong Presidente ng kumpanya patungo sa opisina nila, siya rin ang ginawang dahilan kung bakit hindi natapos ang meeting sa conference room.At nang hindi niya masagot ang tanong ni Guiller tungkol sa pag-alis nito noong gabing nagsama sila, agad siyang lumabas sa opisina at bumungad sa kanya ang mga tinginan at bulongan ng mga tao sa palapag na iyon—na nandoon din ang kanyang kaibigan na si Sally, nag-aalala sa kanya. “Wala iyon. Gusto ko na munang umuwi, ayos lang ba na mauna ako sa’yo?” Mahinang tanong ni Irish. Hindi agad nakasagot si Sally dahil hindi niya alam ang gagawin. Baguhan din siya sa kumpanya, at kahit na pareho silang anak mayaman ni Irish, wala silang mawa rin na kontrolin ang pangyayari. Tumango si Sally. “Ihahatid na kita sa baba, pero pagka-uwi ko, kailangan mong sabihin sa
Chapter SevenAgad na nagmamadali si Sally na mapuntahan si Irish sa lugar na sinabi nito. Kung hindi lang siya tumawag ay hindi niya malalaman na hindi pala umuwi si Irish sa condo unit niya, sinabi nito na nasa isang club siya—sa Padis Point ng Taguig City. Nakita niya rin naman agad si Irish nang makapasok siya sa loob ng club lalo na wala pang masyadong tao dahil maaga pa iyon. “Irish…” tawag niya sa kaibigan. Bumaling si Irish nang marinig niya ang boses ni Sally sa gilid niya. “Sally, nandyan ka na pala. Hali ka, pasensya na kung naabala kita; ayaw ko pa kasing umuwi…” Huminga nang malalim si Sally at umupo sa tabi ni Irish. “Ano bang nangyayari sa’yo? Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon pero natitiyak ko na mas may malalim pa…” Seryosong sabi ni Sally. Saglit na natahimik si Irish at saka uminom ng alak. Nag-order lang siya ng isang bucket at kakarating lang no’n, sakto na dumating na rin si Sally. Pinahiram muna siya ng spare phone ni Sally para may magamit sil
Chapter EightKinabukasan, hindi pumasok si Sally dahil iyon na rin ang araw na sasamahan niya si Irish sa province nila. Noong una ay tinanong pa nang paulit-ulit ni Sally si Irish kung sigurado na siya pero ang sagot ni Irish ay ‘Oo’.Wala nang nagawa si Sally kundi hayaan ang kaibigan, ang mahalag lang din sa kanya ay ligtas ito. “Bukas na ako uuwi pabalik sa Manila, sasamahan muna kita rito,” sabi ni Sally nang makarating sila sa bahay ng lolo’t lola niya. “Maraming salamat talaga, Sal—”“Huwag ka munang magpasalamat, hindi pa naman tayo nagkakalayo ng landas. Basta alagaan mo ang sarili mo rito, ako na muna ang bahala sa mga gastos mo rito habang wala ka pang trabaho. Tumawag ka rin sa akin kung may kailangan ka pa,” mahabang sabi ni Sally. Sumang-ayon na lang si Irish sa mga sinabi ni Sally kahit na nakakaramdam na talaga siya ng hiya. May kalakihan ang bahay nila Sally, tatlo ang kwarto nito, may malaking sala at ang katabi nito ay lutoan, may tig-isa ring banyo ang bawat k