Share

Three

Nagising si Irish na sumasakit ang ulo niya at hindi alam ang nangyari, pero ramdam niyang nasa malambot na kama siya. Dahan-dahan siyang bumangon habang hawak-hawak ang kanyang ulo, hindi niya pa nabubuksan ng buo ang dalawa niyang mata pero nang may marinig siyang nagbukas ng shower sa banyo, agad siyang napabalikwas sa kama. 

Tumingin siya sa kanyang katawan na wala ng saplot, tumingin din siya sa paligid at napagtantong hindi niya iyon kwarto. Mas lalong sumakit ang ulo niya habang inaalala ang nangyari at nang maalala niya ang ginawa niya, napatakip siya sa kanyang bibig at nanlaki ang kanyang mga mata. 

"Shit..." bulong niya at nagmamadaling hinanap ang suot niyang damit. 

Dahan-dahan niya iyong hinanap sa loob ng kwarto dahil ayaw niyang marinig ng taong nasa banyo. Nahanap niya naman ang suot niyang damit kagabi sa isang mahabang sofa na naka tupi na. Napa-ismid siya sa kanyang sarili, hindi niya inasahan na mahahayaan niya ang sarili niyang bumigay sa lalaking hindi niya kilala; naisip niya na tila wala iyong pinagkaiba sa ipapakasal siya ng pamilya niya sa lalaking mas matanda sa kanya. 

"Oh God, matatapos na yata siya maligo," mahina niyang sabi at nagmamadaling isuot ang damit niya, hindi na rin siya nag-aksaya ng oras at lumabas na siya ng kwarto. 

"What is this?" tanong niya nang makita niya ang sala ng condo unit, wala pa itong gamit masyado maliban sa isang maliit na couch na para lang sa isang tao. Iniling niya ang kanyang ulo para alisin sa isipan ang nakita niya, bumaling siya saglit sa pintuan ng kwarto bago tuloyang lumabas ng condo unit ni Guiller. 

Hindi alam ni Irish kung saan siya pupunta, kabisado niya naman ang lugar kung saan siya ngayon; alam niya rin kung paano umuwi sa bahay nila pero ayaw niyang makita pa ang pamilya niya, lalo na kung hindi ito titigil kakapilit sa kanya na magpakasal sa business partner nila. 

"Saan na ako pupunta ngayon?" tanong niya sa kanyang sarili. 

At dahil wala siyang phone, hindi niya matawagan ang nag-iisang matalik niyang kaibigan na alam na rin ang nangyayari sa buhay niya pero alam niya kung saan ito nakatira kaya naman naisipan niyang doon pupunta. 

Sa kabilang banda, nang matapos maligo si Guiller at lumabas sa banyo hindi niya na nakita si Irish. Agad siyang nagsuot ng damit at lumabas ng kwarto nagbabasakali na sa sala niya ito makikita ngunit wala rin. Kinuha niya ang phone niya at tinawagan ang kaibigan na si Allen. 

"She's gone," bungad niya nang sagutin ni Allen ang tawag.

"What? Who?" litong tanong ni Allen sa kabilang linya. Maaga pa kaya kakagising niya lang at sabog pa, kung hindi tumawag si Guiller ay hindi siya magigising. 

"The woman I've been with last night. She's gone..." sagot ni Guiller.

"Dude, hanapin mo kung nawala. I'm still sleepy, bye." Binaba na ni Allen ang tawag niya.

Huminga nang malalim si Guiller at hindi alam ang gagawin, pinagmasdan niya rin ang paligid niya na imbis bibili na siya ng mga gamit ngayong araw para sa condo unit niya, malilipat ang pag-iisip niya sa babaeng kasama niya kagabi. 

"Hindi man lang nagpaalam," reklamo niya sa kanyang sarili. 

Ilang minuto niyang pag-iisip tungkol kay Irish ay napag desisyunan niyang hayaan na lang muna dahil alam niyang mahahanap at mahahanap niya pa rin ito. 

***

"Irish?" tanong ng kaibigan ni Irish na si Sally. Gulat siyang makita si Irish sa labas ng pintuan ng condo unit niya. "What are you doing here?" dagdag na tanong ni Sally. 

Pero bago niya pa pasagutin si Irish, pinapasok niya muna ito sa loob ng condo unit niya. 

"I'm sorry for coming here without a notice. Wala lang akong dalang phone dahil ayaw kong makatanggap ng tawag mula sa pamilya ko," panimula ni Irish. Tumingin siya kay Sally na ngayon ay may pag-aalala ang tingin sa kanya. "Can I say here for a while?" 

Saglit na natahimik si Sally, hindi niya alam kung papayag ba siya sa pabor ni Irish. Marami ng naitulong si Irish sa kanya at ayaw niya rin naman hayaan si Irish na walang matitirhan. Alam niya na rin kung ano ang sitwasyon ng kaibigan kaya walang rason kung bakit hindi niya ito tutulongan. 

"Alam mong tutulongan talaga kita and masaya ako na ako ang una mong naisipang lapitan. Pero ngayon pa lang, mahihiya na ako sa'yo dahil alam mo rin na may problema ako financial. Kaya hindi ko alam kung paano kita matutulongan habang nandito ka---"

"Don't worry, Sally. Magta-trabaho ako. Tutulongan kita basta please, huwag mo akong ibalik sa pamilya ko." Umiiyak na sabi ni Irish, namakaawa pa siya kay Sally at muntikan nang lumuhod nang pigilan siya ni Sally. 

"Hindi mo kailangan gawin iyan. Alright, I will help you. Dito ka muna sa'kin, ako lang din naman mag-isa dahil alam mo na...umalis na siya." Tukoy niya sa ex-fiancee niya, at kakahiwalay lang nilang dalawa.

Tumango si Irish at napayakap kay Sally. "Thank you, Sally. Buong buhay kong tatanawin ito..."

"We're friends, Rish. Marami ka na rin naitulong sa akin at hindi ko hahayaan na hindi ka tulongan. Don't worry, tutulongan din kitang maghanap ng trabaho. I already have a job, I just hired last day, itatanong ko kung may hiring pa para sa'yo..."

"Thank you so much, Sally...." Hindi na napigilan ni Irish ang maiyak lalo.

Ito ang unang beses na gagawa siya ng bagay na hindi niya pa nagawa kahit kailanman. Isa siyang anak ng mayaman, hindi siya hinayaan dati ng pamilya niya na magtrabaho pero palagi na silang sinasabihan ng magulang nila na isa sila sa magmaman sa kumpanya kaya kailangan nilang matuto, ngunit dahil bunso si Irish sa tatlong magkakapatid, hindi siya sumunod sa pamilya niya---ang palagi niya lang ginagawa ay mag shopping, mag club kasama ang mga kaibigan niya na ngayon ay tila hindi na siya kilala at marami pang iba. 

Ang paghahanap ng trabaho para mabuhay siya ay bago sa kanya, kaya hindi niya alam kung kakayanin niya. 

"Dito ka muna, okay? Papasok na rin ako ngayon, bad timing lang dahil hindi kita masasamahan. Hindi ako pwedeng umabsent dahil bago pa lang ako. I'm sorry..." sabi ni Sally nang matapos silang mag-usap. 

Dalawa ang kwarto sa condo unit niya kaya binigay niya na ang isa para kay Sally na para sana sa katulong niya at ng fiancee niya kapag nakahanap sila, maliit lang iyong kwarto; tanggap naman ni Irish dahil ang iniisip niya lang ngayon ay kung paano magkaroon ng maayos na tirahan. 

"It's okay. I will be fine here. Thanks talaga ng sobra..."

"Balitaan kita pagka-uwi ko tungkol sa trabaho," sabi ni Sally sabay ngiti at nagpaalam na para umalis. 

Nang si Irish na lang mag-isa sa condo unit, iniisip niya ang lahat ng nangyari simula sa pagtatalo nila ng pamilya niya hanggang kaninang umaga. 

"Shit...sana hindi ko na siya makita pa," sabi niya sa kanyang sarili, tukoy niya sa lalaking nakasama niya kagabi. 

Naalala niya ang lahat at inaamin niya sa kanyang sarili na naging mapusok siya, wala sa maayos na katinuan ang kanyang isip nang gawin ang bagay na iyon---at sa isang estranghero pa. Pero tila iba ang pakiramdam niya habang iniisip ang boses at mukha ng lalaki, para bang gusto niya ulit iyon marinig at makita.

Iniling niya ang kanyang ulo para alisin sa isipan ang iniisip niya. "No, Irish. Isang gabing pagkakamali lang dapat iyon, hindi mo na dapat uulitin pa," sabi niya sa kanyang sarili at humiga sa magiging kama niya sabay pikit ang mata.

Ngunit kahit sa pagpikit ng kanyang mata ay mukha pa rin ng lalaki ang nakikita niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status