Chapter Nine“Anong nangyayari sa’yo? Bakit nabalitaan ko sa secretary mo na marami kang pinagkaabalahan kahit na sa kumpanya lang naman. Malalagot ako kay Tito kapag nalaman nila na hindi ka maayos dito sa Pinas,” mahabang sabi ni Allen kay Guiller. Binisita niya si Guiller sa condo unit nito, sakto naman ay gabi na at tapos na sa trabaho kaya dumiretso na siya para mangamusta. May dala siyang alak para sa kanilang dalawa. “Hindi mo naman magsumbong sa ama ko. I can handle everything, Allen. Lalo na nandyan ka naman para tulungan ako.” Natatawang sabi ni Guiller. Napailing na lang si Allen dahil sa sagot ng kaibigan niya. Hindi niya alam kung anong nangyari kay Guiller, dalawang Linggo pa lang siya sa Pilipinas pero tila marami nang napagdaanan ang kaibigan niya. Hindi niya rin naman makuha ang sagot na gusto niyang malaman mula sa secretary ni Guiller dahil ang loyalty no’n ay naka’y Guiller. “Ano ba kasi ang pinagkakaabalahan mo?” tanong ulit ni Allen. Tila ayaw niyang tigilan
Chapter TenIsang linggo ang lumipas simula noong dumating si Irish sa lugar nila Sally, sa loob din ng isang linggo na iyon ay nakasundo niya na sina Jarson at Jessica, lalo na si Jessica na pinangarap pa noon na magkaroon siya ng kapatid na babae rin. Maraming nangyari sa loob ng isang linggo tulad na lang nang biglaan pagpunta ni Sally kahit na may mas mahala siyang kailangan gawin sa trabaho nang biglang tumawag si Jessica sa kanya para ipaalam ang tungkol kay Irish. “Sinasabi ko na nga ba, mabubuo at mabubuo ang nangyari noong gabing iyon, Rish..” Mahina niyang sabi kay Irish. Nasa loob sila ng kwarto ni Irish para kausapin niya nang pribado. Kahapon lang din nalaman nila Irish ang tungkol sa pagbubuntis niya nang bigla na lang siyang nahilo habang namamasyal sila sa parke sa bayan, agad siyang sinugod nina Jarson at Jessica sa malapit na hospital at doon nila nalaman na apat na linggo ng buntis si Irish. “Hindi ko alam ang gagawin ko, Sal. Paano ko bubuhayin ang batang ito?”
Chapter Eleven“Hindi ka ba babalik sa trabaho?” tanong ni Irish kay Sally. Hindi pa siya bumalik ulit sa trabaho, nanatili pa rin siya sa province para samahan si Irish. “Hindi na muna, kailangan ko munang tulongan kayo rito lalo. May kailangan ka ba? Bilhin natin iyong kailangan ng baby mo ayon sa sinabi ng doctor,” mahabang sabi ni Sally. Ngumiti naman si Irish. Isang buwan pa lang ang t’yan niya at todo na ang pag-aalaga ng tatlo niyang kasama sa kanya, sila pa iyong sobra kung mag-aalala kaysa kay Irish.“Nabili niyo naman na lahat. Maraming salamat.” Umupo si Irish sa tabi ni Sally. Kaharap ni Sally ang laptop niya, kahit wala ang presensya niya sa opisina nila, nag-request naman siya na mag work from home na lang muna siya, mabuti na lamang ay pumayag ang manager niya. “Sal, magtatrabaho sana ako kapag nanganak na ako…or kahit hindi pa masyadong malaki ang t’yan ko para naman makatulong ako sainyo, lalo na sa’yo at makapag ipon din ako para sa amin ng anak ko…”Napahinto si
Chapter TwelveHindi agad nakapagsalita si Sally sa sinabi ni Guiller, bumaling siya sa loob ng bahay at hindi niya na nakita ang tatlo na nakatingin. Lumunok siya ng laway niya, kahit na nanunuyo na rin ang kanyang lalamunan at bumaling muli kay Guiller.Hindi na siya nagtataka kung paano nalaman ni Guiller ang tungkol sa pamilya niya, isa rin siyang anak ng negosyante at nanggaling sa mayamang angkan, kagaya ni Irish alam niya rin kung paano kumilos ang mga kagaya ni Guiller. Pero ang hindi niya maitindihan ay kung bakit sa tingin niya na tila ba naging desperado si Guiller kay Irish. “Ano po ba talagang kailangan niyo kay Irish, sir? Pasensya na po kung ganito ang tanong ko pero hindi ko po pwedeng hayaan na lang ang kaibigan ko na minamanmana ninyo—”“Alam ko, Miss Valdez. Kung ayaw mong pumayag sa deal ko, hayaan mo na lang akong kausapin siya,” sabi ni Guiller. Huminga nang malalim si Sally, nahihirapan na siya kung paano niya sasabihin kay Guiller na hindi niya pwedeng gawin
Chapter ThirteenNine Months After…Kabuwanan na ni Irish at lahat ng mga kasama niya ay excited, ganoon din naman siya ngunit kinakabahan siya sa posibleng mangyari na tila ba ngayon niya lang naramdaman ang takot. “Kanina ka pa tahimik, okay ka lang ba?” tanong ni Sally sa kanya. Ngayong linggo ay nagsimulang mag labor si Irish sa tulong ng tatlong kaibigan. Tumingin siya kay Sally. “Naisip ko lang kung paano ko buhuhayin ang batang ito paglabas niya, at paano ko sasabihin sa kanya ang totoo tungkol sa tatay niya,” mahabang sabi ni Sally. Hinawakan naman ni Sally ang kamay niya at inayos ang hibla ng buhok. “Huwag kang mag-alala, palagi kong sinasabi sa’yo na nandito lang naman ako para tulongan ka.” Ngumiti si Sally sa kanya at tumingin lang din siya kay Sally nang biglang may sumagi sa isip niya. Mga nakaraang buwan, hindi na pumasok si Sally sa trabaho pero lagi itong lumalabas ng bahay at pagka-uwi niya may dala na itong maraming gamit, tulad ng grocery at iba pang pwedeng
Chapter FourteenHindi makagalaw si Guiller sa kinatatayuan niya habang nakatingin pa rin nang seryoso kay Jarson, walang emosyon ang mga mata nito ngunit kita ng mga taong kasama niya na hindi ito natutuwa. Umigting din ang kanyang panga at dahan-dahang ikinuyom ang mga kamao na tila ba handa ng suntokin ang lalaking kaharap niya ngayon. “Ano bang sinasabi mo, Jar?” bulong ni Jessica sa kanyang kapatid at pinilit na hilahin palayo kay Guiller nang makita ang hitsura ng lalaking handa nang magalit. Ngunit hindi pinansin ni Jarson ang kanyang kapatid, nakipag-talasan din siya ng tingin kay Guiller. “Narinig naman siguro ng lalaking ito ang sinabi ko. Hindi naman siguro siya kaano-ano ni Irish, hindi ba?”Pumikit nang mariin si Sally dahil sa sinabi ng pinsan, tila ba natatakot siya sa posibleng mangyari kay Jarson kaya agad niya itong nilapitan at hinila palayo. Nagtataka naman si Jarson sa ginawa ni Sally. “Ano bang problema mo? Anong pumasok sa kokote mo na sabihin ang mga salitan
Chapter Fifteen Grabe ang pag-alala ng mga kaibigan ni Irish sa kanya na sila Sally, Jessica at Jarson dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising, anim na oras na simula nang ilipat siya sa kanyang kwarto pagkatapos manganak. Marami na rin napag-usapan ang magpipinsan at nagawa labas pasok sa loob ng kwarto, kasama na sa pag-uusap nila ang tungkol kay Guiller at Irish. Ngunit nagawa lang nilang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon nang lumabas si Guiller at umalis sa ospital dahil sa biglaang emergency sa kumpanya nito. “Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa mo ang bagay na iyon, Sal,” komento ni Jessica sa kanyang pinsan nang malaman niya ang ginawa ni Sally. Umiwas nang tingin si Sally at saglit na bumaling kay Irish na wala pa rin malay at bumalik ulit kay Jessica. “Huwag mong babanggitin kay Irish ang napag-usapan natin, magagalit siya sa akin at ayaw kong mangyari iyon,” mahina niyang sabi.Aangal pa sana si Jessica nang may biglang kumatok sa pintuan kaya sab
Chapter SixteenTahimik ang paligid, tila walang gustong magsalita dahil sa pagkabigla ng kanilang narinig mula sa nars. At nang mapansin ng nars ang naging reaksyon nilang apat ay agad na itong nagpaalam para umalis, sinabi lang ulit ang instruction nito na pwede na silang makalabas sa hospital. Kahit lumabas na sila sa hospital, hindi pa rin kumibo si Irish sa kanilang tatlo, bitbit niya lang ang kanyang anak kahit na nahihirapan siyang maglakad at kahit na gusto nilang tatlo na tulungan siya ay tila nawalan siya ng pakialam, dahil hindi pa rin mawala sa isipan niya ang nalaman niya; kahit si Sally ay hindi rin alam kung paano kausapin si Irish, naisip niya kanina na baka galit si Irish sa kanya. Pagtingin sa isa’t isa ang naging komunikasyon nina Sally at Jessica na para bang sa pamamagitan ng mga mata nila ay nagkakaintindihan sila tungkol kay Irish. Nasa loob na sila ng kotse at kahit na si Jarson ay hindi rin alam kung paano magsalita dahil sa katahimikan, pinagdasal niya na l