Share

Four

Kinabihan nang makauwi si Sally mula sa kanyang trabaho, nadatnan niya si Irish sa kusina na nagluluto, agad din namang bumaling si Irish nang maramdaman niya ang presensya ni Sally. 

"Hey...nandyan ka na pala." Nakangiting sabi ni Irish sa kaibigan at sinarado niya na ang kalan dahil sakto ay tapos na siya magluto.

"Oo, pasensya na kung natagalan ako. Dapat kanina pa ako nakauwi, malakas ang ulan. Anyway, nagluto ka?"

"Ayos lang, maaga pa naman. And yes, kung okay lang na ginalaw ko ang gamit mo?" tanong ni Irish. 

Hindi naman sanay si Sally na tila biglang nagbago ang pakikitungo ni Irish sa kanya, alam niyang marunong magluto si Irish at nagawa na nitong magluto sa condo unit niya mismo kaya hindi na bago sa kanya, ang bago sa kanya ay iyong akala ni Irish na hindi ayos na galawin ang gamit niya sa condo. 

"Ano ka ba, oo naman. Ayos lang. Ako dapat ang nahihiya sa'yo kasi bisita ka," sabi ni Sally. 

"No, ako dapat dahil nakikitira lang ako. Pasensya na sa abala, Sally."

Napabuntong hininga si Sally at nilagay muna ang bag niya sa sala, tinulungan niya na si Irish na maghanda ng pagkain sa lamesa.

"Magkaibigan tayo, Irish. Hindi ko pwedeng hayaan ka na lang, alam mo iyan. Sana nga noong isang araw mo pa ako tinawagan para naman kinuha na agad kita sainyo."

"Alam kong may iniisip ka ring problema, Sal. I don't want to be a burden to you, nahihiya na nga ako kasi nadamay ang pamilya mo dahil sa kagagawan ng pamilya ko."

Natahimik si Sally nang banggitin iyon ni Irish, alam niyang walang kasalanan si Irish kaya rin hindi siya nagalit sa kaibigan. Pamilya ni Irish ang dahilan kung bakit nawalan din sila ng negosyo ng pamilya niya pero hindi iyon rason para magalit kay Irish. 

"Wala ka namang kasalanan. Tara na, kumain na muna tayo dahil may balita ako sa'yo." Sumaya ang mukha ni Sally nang sabihin niya iyon. 

Gumaan din naman ang pakiramdam ni Irish kaya sabay silang umupo sa hapag kainan at nagsimulang kumain. 

"I just asked earlier kung may ibang position pa na hiring for you, ang sabi ay meron kas magkaiba tayo ng department dahil ako ay nasa Finance Department at iyong hiring ay Merketing Agent sa Marketing Department. Ayos lang ba iyon sa'yo?" paliwanag ni Sally. 

Uminom muna ng tubig si Irish dahil halos masamid na siya dahil sa excitement na naramdaman sa sinabi ng kanyang kaibigan. "Oo naman. Malaking bagay na iyon, makakapag-ipon na ako, makakatulong ako sa'yo at hindi ko na iisipin ang pamilya ko!" masayang sabi ni Irish. 

Tumango-tango si Sally. "Are you okay tomorrow to come in the officer? There's an interview, tomorrow morning. Sabay ka na sa akin at don't worry sa susuotin mo, papahiramin naman kita." Nakangiting sabi ni Sally. 

Mas lalong sumaya ang puso ni Irish. "Thank you. Sige, sasama ako sa'yo bukas."

Nang matapos silang kumain, hinandan na ni Irish ang gagawin niya para bukas. Nanghiram siya ng extra phone ni Sally para may gagamitin silang dalawa na mag contact. Hindi na tinanong ni Sally ang nangyari kay Irish dahil alam niya na rin naman, iyon din ang ginawa niyang paglalayas noon at si Irish ang nag-iisang taong tumulong sa kanya. Pinahiram niya na rin ng masusuot si Irish, mabuti na lamang ay nagkasya kay Irish ang damit ni Sally. 

Maaga silang nagising kinabukasan kaya maaga rin silang nakarating sa company kung saan nagta-trabaho si Sally. Hinatid niya na si Irish sa office ng HR para sa interview. 

"Mamayang gabi pa ako matatapos sa trabaho ko, kapag natapos ka huwag mo na akong antayin, pwede ka nang mauna umuwi..." sabi ni Sally sa kanya bago magpaalam. 

Siya lang mag-isa ang ini-interview ng HR kaya naman mabilis din ang resulta ng application niya. Nakapasa na agad siya dahil na rin sa background ng pag-aaral niya, nasa mataas na unibersidad kaya hindi siya nahirapan. Nang matapos si Irish, lumabas na siya ng opisina ng HR at  huminga siya nang malalim. Nagpapasalamat siya sa kanyang isipan dahil hindi binaggit ng HR ang tungkol sa pamilya niya dahil alam niyang kalat ang balita tungkol sa pamilya niya. 

Next week na siya magsisimula sa trabaho kaya napag-desisyunan niyang pumunta muna sa mall para maghanap ng masusuot. Pinautang siya ni Sally ng pera pambili. Mabilis lang din naman siya natapos kaya umalis na siya ng mall at nag-aantay ng taxi cab nang biglang may humintong itim na kotse sa harap niya. 

Bigla siyang kinabahan, napaatras siya at lumipat ng pwesto pero sinusundan pa rin siya ng kotse. 

"Anong problema nito?" inis na tanong ni Irish. 

Nang huminto siya ay huminto din ang kotse, dahil sa inis niya pinuntahan niya ang kotse at pinaghahampas ang bintana. "Hey! Buksan mo ito! Bakit mo ako sinusundan?!" sigaw niya pero hindi siya pinagbuksan. 

"Sir, hindi ko ba pagbubuksan?" tanong ng driver sa boss niya na naka-upo sa likod. "Mukhang hahampasin na ng bato itong kotse mo, sir." nag-aalalang sabi ng driver. 

"Hayaan na muna natin siya..." saad ng lalaki. 

Ngumisi siya habang pinagmamasdan si Irish na hindi tumitigil sa paghampas ng kotse niya. "Tara na..."

"Po? Hindi niyo po ba siya kakausapin?" tanong ng driver. 

Umiling ang lalaki sa likod. "Hindi. Tara na. Okay na ako na malaman na hindi siya tumakas," sabi niya. 

Kahit na nagtaka ang driver ay ginawa niya ang inutos ng boss niya. Binosenahan niya muna si Irish kaya ito napalayo mula sa kotse. 

"Hoy!" galit na sigaw ni Irish nang umalis na ang kotse sa harap niya. Kinabisado niya rin ang plate number ng kotse para kung sakalin makita niya muli iyon sa daan ay hindi na siya magdadalawang isip na sirain ang bintana nito. 

Naisip niya na baka isa iyon sa mga kaibigan niya dati na pinagtatawanan na siya ngayon at nati-trip na lang. Tila nabahala siya dahil ayaw niyang malaman ng mga tao kung saan siya lalo na ng pamilya niya kahit na alam niyang maliit lang ang mundong ginagalawan niya. 

Sa kabilang banda, hindi nawala ang ngisi ng lalaki sa loob ng kotse, nakatingin siya kay Irish sa labas ng bintana habang umaandar ang kotse. 

"Sir Guiller, sino po ba ang babaeng iyon? Bakit ayaw niyo pong kausapin?" mausisang tanong ng driver. 

Hindi sumagot si Guiller, bagkus kinuha niya ang cell phone niya at may tinawagan. "I want you to do something for me..." 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status