"Handa ka na ba?" tanong ni Sally kay Irish nang makarating sila sa kumpanya kung saan siya nagtatrabaho.
Bumuntong hininga si Irish at tumango sa kanyang kaibigan. Kinakabahan siya hindi dahil hindi siya makakapasok sa kumpanya, alam niya kung paano makapasok ngunit ang iniisip niya ay baka may makakilala sa kanya at ituro siya sa kanyang pamilya. Ayaw niyang mangyari iyon dahil gusto niya munang hindi manghimasok ang pamilya niya sa buhay niya.
"Paano kung makilala nila ako at sabihin sa magulang ko na nandito ako?" tanong niya kay Sally.
Hindi agad nakasagot si Sally dahil kahit siya ay hindi alam kung anong gagawin kung sakaling mangyari nga ang iniisip ni Irish. Hinawakan niya ang kamay ni Irish. "Magtiwala lang tayo na hindi mangyayari iyon. Minsan na akong nakita ng magulang ko pero hindi rin nila ako pinansin, at mas lalong hindi ko rin sila pinansin. Ayos lang sa akin iyon dahil naging tahimik ang buhay ko, let's just hope na iyon din ang mangyayari sa'yo..." mahabang paliwanag ni Sally.
Tumango si Irish at saka nagsimulang maglakad papasok sa building, nakasunod lang sa kanya si Sally. Magkaibang floor silang dalawa kaya hanggang elevator lang sila nagkakasabay, mas naunang makarating si Sally sa floor niya at si Irish naman ay nasa 6th floor. At dahil simula niya pa lang sa trabaho, iniligay siya bilang marketing assistant. Ngayon pa lang siya makikilala ng mga ka-office mate niya, at kung kanina ay hindi siya kinakabahan, ngayon ay kinakabahan na siya nang nasa harap na siya ng pintuan ng office ng department nila.
"Hey, you must be Irish Marquez?" Agad na bumaling si Irish sa nagsalita.
Yumuko siya at saka ngumiti. "Yes, Ma'am..."
"Good good. You're early, I like it. And by the way, I am Carla, I am your Supervisor....nice meeting you."
Bahagyang umawang ang bibig ni Irish dahil hindi niya inasahan na Supervisor niya agad ang unang makakausap niya. Agad niya namang inilihad ang kamay niya para makipagkilala kay Carla.
"It's nice meeting you, Ma'am Carla." Nakangiti niyang sabi.
Ipinaliwanag na ni Carla kay Irish ang lahat ng gagawin, wala pa ang Head ng Marketing Department kaya naman siya na mismo ang nagturo kay Irish, pinakilala niya na rin ito sa iba pang magiging ka-workmate ni Irish. Agad naman nagustuhan ni Irish ang pakikitungo ng mga tao sa kanya, lalo na nang makilala niya ang Head mismo ng Marketing Department; mababait ang mga ito sa kanya, ramdam niya na welcome na welcome siya.
"Irish, ikaw na ang isasama ko ngayon sa pitching natin. Para kung wala man ako, kaya mo na rin gawin iyon---pasensya na, ngayon kasi ang proposal pitching per department sa President, lalo na bago ang president ng company para makilala mo na rin siya," paliwanang ng Head Department na si Mikaela.
Agad namang tumango si Irish. "Yes Ma'am. Anong oras po ba?" tanong niya.
"Ngayon na kaya tara na," agad na sagot ni Mikaela.
Binilisan naman ni Irish ang pagkilos niya, hindi niya alam kung ano ang kukunin niya kaya bigla siyang inabutan ng isa sa lalaking ka-workmate niya na iPad. "Just use this, ito ang gamit ng dati niyang assistant."
Napangiti si Irish, "Thanks Kyle..."
Nasa 8th floor ang conference room, agad din namang nakarating sina Irish at Mikaela at marami pa silang nakasabay na taga ibang department din.
"Ngayon ko pa lang makikita ang bagong Presidente, mabait kaya siya kagaya ng ama niya?"
"Iyon ang hindi ko alam pero sana nga mabait siya. Balita namin, marami siyang binagong patakaran dito sa kumpanya."
Iilan lang iyan sa mga narinig ni Irish, napaisip siya kung bakit hindi pa nakikita ng mga tao ang bagong presidente ng kumpanya.
"You sit here beside me, makikinig ka lang sa lahat ng ideas ng bawat department, you'll take notes para alam natin kung paano natin sila matutulongan," paliwanag ni Mikaela kay Irish nang makapasok na sila sa loob ng conference room.
Tumango lang si Irish sa kanya at tinatak na sa kanyang isipan ang lahat habang nakatingin sa mga tao sa loob ng conference room. Kanya-kanya silang nag-uusap sa kanilang mga sasabihin mamaya, may iba ay kinakabahan at iniisip na baka hindi tanggapin ng bagong boss nila, may iba naman na kampante sa ideya nila.
Hanggang sa natahimik na sila nang dumating ang secretary ng dating Presidente. "Good morning, everyone. Please welcome, the new President of Exec Elite, Mr. Guiller Melchor Mendez!"
Tumayo ang lahat at nagpalakpakan, kasabay ng pagkabas ng lalaking bagong Presidente ng Kumpanya. Lahat sila ay namangha sa hitsura ng lalaki ngunit napatigil si Irish sa kanyang kinatayuan at tila ba nanghihina kaya muntikan na siyang natumba kung hindi lang siya nahawakan agad ni Mikaela.
"Ayos ka lang?" tanong ng kanyang head.
Hindi sumagot si Irish, umiwas siya ng tingin sa harap dahil ayaw niyang makita ang lalaki. Nakayuko lang siya at hindi alam ang gagawin.
Sa kanyang isipan, gusto niyang tumakbo palayo sa lugar na iyon. 'Bakit siya pa ang boss ko?' tanong niya sa kanyang isipan.
"Sit down everyone. I don't want to waste your time, dahil ang pinunta natin dito ay ang iyong mga ideas," sabi ni Guiller.
Ang lalaking dumating ay ang lalaking nakasama ni Irish sa gabing nalasing siya sa bar kaya laking gulat niya na lang ngayon. Marami ng nagsalitang tao kada department at hindi pa rin siya nakatingin sa harap, nasa iPad lang siya nakatingin, hindi niya rin mailista ng maayos ang lahat ng sinasabi ng iilan dahil hindi siya makapag-focus, pakiramdam niya ay nakatingin sa kanya si Guiller.
Hanggang sa ang department na nila ang tinawag kaya tumayo na si Mikaela, pero ang akala niya ay maiiwan lang siya sa upoan nang bigla siyang sinama sa harap ni Mikaela. Napatingin siya sa mga tao na nakatingin din sa kanilang dalawa. Wala naman siyang problema sa mga tingin ng naroon maliban sa tingin ni Guiller sa kanya ngayon na tila ngayon lang din siya napansin nanag tumayo siya.
Agad ding tumayo si Guiller nang makita siya dahilan nang magtaka ang lahat. Umiwas ng tingin si Irish dahil ayaw niyang tignan si Guiller sa mga mata nito.
"It's you....let us talk," saad ni Guiller.
Huling kita niya kay Irish ay iyong sa mall na nasa kotse siya na nakasunod kay Irish habang hindi alam ni Irish na siya iyon, at hindi niya inasahan na makikita niya ang babaeng hinahanap niya sa mismong kumpanya niya
Nanlaki ang mga mata ni Irish at napasinghap ang mga taong naroon nang biglang lumapit si Guiller sa kanya.
"Sir, do you know her---"
Hindi natapos ang itatanong sana ni Mikaela nang biglang hinila ni Guiller si Irish palabas ng conference room, walang nagawa si Irish dahil hindi rin siya makapagsalita sa gulat.
Nang makalayo sila sa Conference room, dinala ni Guiller si Irish sa loob ng opisina nila. Hindi pa rin alam ni Irish ang sasabihin niya, nakatingin lang siya kay Guiller na ngayon ay seryoso na ang tingin sa kanya.
"What are you doing here?" tanong ni Guiller.
Ilang segundo pa ang lumipas bago sumagot si Irish, "I'm working here---"
"Kailan pa?"
"Ngayon lang. And hey, bakit mo ba ako dinala rito? Nakakahiya sa mga tao," mahinang sabi ni Irish.
Kumunot ang noo ni Guiller dahil sa sinabi ni Irish. "I am the President of this company, I can do whatever I want. And you..." Turo niya kay Irish. "Why did you left after what happened that night?"
“Anong nangyari?” Iyan agad ang bungad na tanong ni Sally nang makalabas siya sa opisina ni Guiller. Mas mabilis pa sa alas-kuwatro na kumalat ang balita sa buong building na hinila siya ng bagong Presidente ng kumpanya patungo sa opisina nila, siya rin ang ginawang dahilan kung bakit hindi natapos ang meeting sa conference room.At nang hindi niya masagot ang tanong ni Guiller tungkol sa pag-alis nito noong gabing nagsama sila, agad siyang lumabas sa opisina at bumungad sa kanya ang mga tinginan at bulongan ng mga tao sa palapag na iyon—na nandoon din ang kanyang kaibigan na si Sally, nag-aalala sa kanya. “Wala iyon. Gusto ko na munang umuwi, ayos lang ba na mauna ako sa’yo?” Mahinang tanong ni Irish. Hindi agad nakasagot si Sally dahil hindi niya alam ang gagawin. Baguhan din siya sa kumpanya, at kahit na pareho silang anak mayaman ni Irish, wala silang mawa rin na kontrolin ang pangyayari. Tumango si Sally. “Ihahatid na kita sa baba, pero pagka-uwi ko, kailangan mong sabihin sa
Chapter SevenAgad na nagmamadali si Sally na mapuntahan si Irish sa lugar na sinabi nito. Kung hindi lang siya tumawag ay hindi niya malalaman na hindi pala umuwi si Irish sa condo unit niya, sinabi nito na nasa isang club siya—sa Padis Point ng Taguig City. Nakita niya rin naman agad si Irish nang makapasok siya sa loob ng club lalo na wala pang masyadong tao dahil maaga pa iyon. “Irish…” tawag niya sa kaibigan. Bumaling si Irish nang marinig niya ang boses ni Sally sa gilid niya. “Sally, nandyan ka na pala. Hali ka, pasensya na kung naabala kita; ayaw ko pa kasing umuwi…” Huminga nang malalim si Sally at umupo sa tabi ni Irish. “Ano bang nangyayari sa’yo? Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon mo ngayon pero natitiyak ko na mas may malalim pa…” Seryosong sabi ni Sally. Saglit na natahimik si Irish at saka uminom ng alak. Nag-order lang siya ng isang bucket at kakarating lang no’n, sakto na dumating na rin si Sally. Pinahiram muna siya ng spare phone ni Sally para may magamit sil
Chapter EightKinabukasan, hindi pumasok si Sally dahil iyon na rin ang araw na sasamahan niya si Irish sa province nila. Noong una ay tinanong pa nang paulit-ulit ni Sally si Irish kung sigurado na siya pero ang sagot ni Irish ay ‘Oo’.Wala nang nagawa si Sally kundi hayaan ang kaibigan, ang mahalag lang din sa kanya ay ligtas ito. “Bukas na ako uuwi pabalik sa Manila, sasamahan muna kita rito,” sabi ni Sally nang makarating sila sa bahay ng lolo’t lola niya. “Maraming salamat talaga, Sal—”“Huwag ka munang magpasalamat, hindi pa naman tayo nagkakalayo ng landas. Basta alagaan mo ang sarili mo rito, ako na muna ang bahala sa mga gastos mo rito habang wala ka pang trabaho. Tumawag ka rin sa akin kung may kailangan ka pa,” mahabang sabi ni Sally. Sumang-ayon na lang si Irish sa mga sinabi ni Sally kahit na nakakaramdam na talaga siya ng hiya. May kalakihan ang bahay nila Sally, tatlo ang kwarto nito, may malaking sala at ang katabi nito ay lutoan, may tig-isa ring banyo ang bawat k
Chapter Nine“Anong nangyayari sa’yo? Bakit nabalitaan ko sa secretary mo na marami kang pinagkaabalahan kahit na sa kumpanya lang naman. Malalagot ako kay Tito kapag nalaman nila na hindi ka maayos dito sa Pinas,” mahabang sabi ni Allen kay Guiller. Binisita niya si Guiller sa condo unit nito, sakto naman ay gabi na at tapos na sa trabaho kaya dumiretso na siya para mangamusta. May dala siyang alak para sa kanilang dalawa. “Hindi mo naman magsumbong sa ama ko. I can handle everything, Allen. Lalo na nandyan ka naman para tulungan ako.” Natatawang sabi ni Guiller. Napailing na lang si Allen dahil sa sagot ng kaibigan niya. Hindi niya alam kung anong nangyari kay Guiller, dalawang Linggo pa lang siya sa Pilipinas pero tila marami nang napagdaanan ang kaibigan niya. Hindi niya rin naman makuha ang sagot na gusto niyang malaman mula sa secretary ni Guiller dahil ang loyalty no’n ay naka’y Guiller. “Ano ba kasi ang pinagkakaabalahan mo?” tanong ulit ni Allen. Tila ayaw niyang tigilan
Chapter TenIsang linggo ang lumipas simula noong dumating si Irish sa lugar nila Sally, sa loob din ng isang linggo na iyon ay nakasundo niya na sina Jarson at Jessica, lalo na si Jessica na pinangarap pa noon na magkaroon siya ng kapatid na babae rin. Maraming nangyari sa loob ng isang linggo tulad na lang nang biglaan pagpunta ni Sally kahit na may mas mahala siyang kailangan gawin sa trabaho nang biglang tumawag si Jessica sa kanya para ipaalam ang tungkol kay Irish. “Sinasabi ko na nga ba, mabubuo at mabubuo ang nangyari noong gabing iyon, Rish..” Mahina niyang sabi kay Irish. Nasa loob sila ng kwarto ni Irish para kausapin niya nang pribado. Kahapon lang din nalaman nila Irish ang tungkol sa pagbubuntis niya nang bigla na lang siyang nahilo habang namamasyal sila sa parke sa bayan, agad siyang sinugod nina Jarson at Jessica sa malapit na hospital at doon nila nalaman na apat na linggo ng buntis si Irish. “Hindi ko alam ang gagawin ko, Sal. Paano ko bubuhayin ang batang ito?”
Chapter Eleven“Hindi ka ba babalik sa trabaho?” tanong ni Irish kay Sally. Hindi pa siya bumalik ulit sa trabaho, nanatili pa rin siya sa province para samahan si Irish. “Hindi na muna, kailangan ko munang tulongan kayo rito lalo. May kailangan ka ba? Bilhin natin iyong kailangan ng baby mo ayon sa sinabi ng doctor,” mahabang sabi ni Sally. Ngumiti naman si Irish. Isang buwan pa lang ang t’yan niya at todo na ang pag-aalaga ng tatlo niyang kasama sa kanya, sila pa iyong sobra kung mag-aalala kaysa kay Irish.“Nabili niyo naman na lahat. Maraming salamat.” Umupo si Irish sa tabi ni Sally. Kaharap ni Sally ang laptop niya, kahit wala ang presensya niya sa opisina nila, nag-request naman siya na mag work from home na lang muna siya, mabuti na lamang ay pumayag ang manager niya. “Sal, magtatrabaho sana ako kapag nanganak na ako…or kahit hindi pa masyadong malaki ang t’yan ko para naman makatulong ako sainyo, lalo na sa’yo at makapag ipon din ako para sa amin ng anak ko…”Napahinto si
Chapter TwelveHindi agad nakapagsalita si Sally sa sinabi ni Guiller, bumaling siya sa loob ng bahay at hindi niya na nakita ang tatlo na nakatingin. Lumunok siya ng laway niya, kahit na nanunuyo na rin ang kanyang lalamunan at bumaling muli kay Guiller.Hindi na siya nagtataka kung paano nalaman ni Guiller ang tungkol sa pamilya niya, isa rin siyang anak ng negosyante at nanggaling sa mayamang angkan, kagaya ni Irish alam niya rin kung paano kumilos ang mga kagaya ni Guiller. Pero ang hindi niya maitindihan ay kung bakit sa tingin niya na tila ba naging desperado si Guiller kay Irish. “Ano po ba talagang kailangan niyo kay Irish, sir? Pasensya na po kung ganito ang tanong ko pero hindi ko po pwedeng hayaan na lang ang kaibigan ko na minamanmana ninyo—”“Alam ko, Miss Valdez. Kung ayaw mong pumayag sa deal ko, hayaan mo na lang akong kausapin siya,” sabi ni Guiller. Huminga nang malalim si Sally, nahihirapan na siya kung paano niya sasabihin kay Guiller na hindi niya pwedeng gawin
Chapter ThirteenNine Months After…Kabuwanan na ni Irish at lahat ng mga kasama niya ay excited, ganoon din naman siya ngunit kinakabahan siya sa posibleng mangyari na tila ba ngayon niya lang naramdaman ang takot. “Kanina ka pa tahimik, okay ka lang ba?” tanong ni Sally sa kanya. Ngayong linggo ay nagsimulang mag labor si Irish sa tulong ng tatlong kaibigan. Tumingin siya kay Sally. “Naisip ko lang kung paano ko buhuhayin ang batang ito paglabas niya, at paano ko sasabihin sa kanya ang totoo tungkol sa tatay niya,” mahabang sabi ni Sally. Hinawakan naman ni Sally ang kamay niya at inayos ang hibla ng buhok. “Huwag kang mag-alala, palagi kong sinasabi sa’yo na nandito lang naman ako para tulongan ka.” Ngumiti si Sally sa kanya at tumingin lang din siya kay Sally nang biglang may sumagi sa isip niya. Mga nakaraang buwan, hindi na pumasok si Sally sa trabaho pero lagi itong lumalabas ng bahay at pagka-uwi niya may dala na itong maraming gamit, tulad ng grocery at iba pang pwedeng
Chapter SixteenTahimik ang paligid, tila walang gustong magsalita dahil sa pagkabigla ng kanilang narinig mula sa nars. At nang mapansin ng nars ang naging reaksyon nilang apat ay agad na itong nagpaalam para umalis, sinabi lang ulit ang instruction nito na pwede na silang makalabas sa hospital. Kahit lumabas na sila sa hospital, hindi pa rin kumibo si Irish sa kanilang tatlo, bitbit niya lang ang kanyang anak kahit na nahihirapan siyang maglakad at kahit na gusto nilang tatlo na tulungan siya ay tila nawalan siya ng pakialam, dahil hindi pa rin mawala sa isipan niya ang nalaman niya; kahit si Sally ay hindi rin alam kung paano kausapin si Irish, naisip niya kanina na baka galit si Irish sa kanya. Pagtingin sa isa’t isa ang naging komunikasyon nina Sally at Jessica na para bang sa pamamagitan ng mga mata nila ay nagkakaintindihan sila tungkol kay Irish. Nasa loob na sila ng kotse at kahit na si Jarson ay hindi rin alam kung paano magsalita dahil sa katahimikan, pinagdasal niya na l
Chapter Fifteen Grabe ang pag-alala ng mga kaibigan ni Irish sa kanya na sila Sally, Jessica at Jarson dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising, anim na oras na simula nang ilipat siya sa kanyang kwarto pagkatapos manganak. Marami na rin napag-usapan ang magpipinsan at nagawa labas pasok sa loob ng kwarto, kasama na sa pag-uusap nila ang tungkol kay Guiller at Irish. Ngunit nagawa lang nilang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon nang lumabas si Guiller at umalis sa ospital dahil sa biglaang emergency sa kumpanya nito. “Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa mo ang bagay na iyon, Sal,” komento ni Jessica sa kanyang pinsan nang malaman niya ang ginawa ni Sally. Umiwas nang tingin si Sally at saglit na bumaling kay Irish na wala pa rin malay at bumalik ulit kay Jessica. “Huwag mong babanggitin kay Irish ang napag-usapan natin, magagalit siya sa akin at ayaw kong mangyari iyon,” mahina niyang sabi.Aangal pa sana si Jessica nang may biglang kumatok sa pintuan kaya sab
Chapter FourteenHindi makagalaw si Guiller sa kinatatayuan niya habang nakatingin pa rin nang seryoso kay Jarson, walang emosyon ang mga mata nito ngunit kita ng mga taong kasama niya na hindi ito natutuwa. Umigting din ang kanyang panga at dahan-dahang ikinuyom ang mga kamao na tila ba handa ng suntokin ang lalaking kaharap niya ngayon. “Ano bang sinasabi mo, Jar?” bulong ni Jessica sa kanyang kapatid at pinilit na hilahin palayo kay Guiller nang makita ang hitsura ng lalaking handa nang magalit. Ngunit hindi pinansin ni Jarson ang kanyang kapatid, nakipag-talasan din siya ng tingin kay Guiller. “Narinig naman siguro ng lalaking ito ang sinabi ko. Hindi naman siguro siya kaano-ano ni Irish, hindi ba?”Pumikit nang mariin si Sally dahil sa sinabi ng pinsan, tila ba natatakot siya sa posibleng mangyari kay Jarson kaya agad niya itong nilapitan at hinila palayo. Nagtataka naman si Jarson sa ginawa ni Sally. “Ano bang problema mo? Anong pumasok sa kokote mo na sabihin ang mga salitan