Luxe Hiraya— Lumaki siya na tanging ang ina niya lamang ang kaniyang kasama sa buhay at wala siyang ama na kinagisnan. Inakala niyang siya ay isa lamang na normal na binata. Kuntento na siya sa simpleng buhay na kaniyang dinadanas kasama ang kaniyang ina at ang kaniyang matagal ng nobya na si Kirtsy. Ngunit isang aksidente ang nakapagpabago ng kaniyang buhay. Bigla-bigla ay naungkat ang katotohanan sa kaniyang pagkatao. Isa pala siyang anak ng isang bilyonaryo at siyang magiging tagapagmana nito. Ngunit ang naging kapalit ng kaniyang timatamasa ngayon na karangyaan at kapangyarihan ay ang pagkalimot niya sa nag-iisang tagapagmana ng kaniyang puso. ~Billionaire Crowd Series #1
View More(Kirtsy POV)IT was been almost months since I started working as a chef dito sa company ng mga Hiraya. Isang himala na lang talaga na hanggang ngayon ay mukhang walang balak na sisantehin ako ng kanilang CEO. Pero kung ang luto ko na nga ang matagal nang hinahanap na lasa ng CEO, hindi ko maiwasang mapag-isip.Naging costumer ko ba siya dati? Wala kasi akong maalala na nagkaroon ako ng costumer na isang bigatin o isang Hiraya. Isa pa, puro mga cake at pastries ang binibenta ko noon at hindi mga lutong ulam. Baka nagkamali lang siya sa iniisip niya. Paano kung pareho lang pala ang lasa namin sa mga lutong ulam ng babaeng chef na iyon na hinahanap niya?Naikwento kasi sa akin ng mga ka-trabaho ko na isang babaeng chef ang hinahanap ng aming CEO, bagaman hindi ito inilalagay bilang kwalipikasyon ng mag-a-apply sa trabaho. Isang eksklusibong bagay lamang ito na tanging ang mga nasa loob lamang ng kumpanya ang nakakaalam at hindi maaaring ilabas. Kung ano daw ang masasagap namin na kwento
(Kirtsy POV) ~5 YEARS LATERNAPANGITI ako sa aking nadatnan sa loob ng kwarto ni Suxi. Mahimbing na natutulog si Haze sa maliit na kama ni Suxi habang si Suxi naman ay natutulog din sa tabi ni Haze habang mahigpit na nakayakap sa kaniya. Napaka-cute tingnan ng mag-ama.Dinampot ko isa-isa ang mga nagkalat na crayons sa sahig at isinalay ko iyon ng maayos sa lalagyan ng mga gamit ni Suxi. Si Suxi ay apat na taong gulang na at magli-limang taong gulang na sa darating na buwan ng Nobyembre. Babae ang naging anak namin ni Luxe.Ilang buwan na ang lumipas nang lumipat kaming tatlo dito sa Manila. Balak ko kasing humanap ng magandang trabaho bilang isang chef dito sa siyudad. Iniisip ko lamang ang kinabukasan ng aking anak. Gusto kong magkaroon ako ng malaking kita at stable at successful na trabaho upang matustusan ko ang lahat ng pangangailangan ni Suxi habang lumalaki siya.Hindi naman ako nahihirapan dahil andiyan naman si Haze. Tinutulungan niya ako sa lahat ng bagay, ngunit ayoko nang
(Kirtsy POV)GAYA nga ng inaasahan ko ay naging positive ang aking ginawang pregnancy test. Excited at tuwang-tuwa na ibinalita ko ito sa aking mga magulang at mga kapatid. "Finally! Magiging Tito na din ako!" Pumapalakpak na saad ni Jerry."Congrats bunso!" Nakangiting bati naman sa akin ni Ate Sanza mula sa monitor ng aking computer. Kasalukuyang ka-video call namin siya. Nasa Manila kasi siya at nagtratrabaho bilang isang opthalmologist sa pinakamalaking hospital dito sa Pilipinas— ang Health Haven. Doon na siya halos namamalagi kasama ang kaniyang asawa at dalawang mga anak. Umuuwi lamang sila dito sa amin kapag magba-bakasyon.Maya-maya ay dumungaw sa screen si Kuya Christian, ang asawa ni Ate Sanza. "Sure ka na ba sa balak mo na hindi sabihin 'yang balita na 'yan kay Luxe?" Pag-uusisa niya."Malay mo 'yang dinadala mo ang maging tulay para maayos niyo ulit ni Luxe ang inyong pagsasama" dagdag niya pa. Tumatango-tangong napatingin na din sa akin si Ate Sanza. "Tama ang Kuya mo,
(Kirtsy POV) ~A WEEK LATERTAHIMIK lamang ako habang nakatingin sa botika na nasa harapan ko ngayon. Ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito? Hindi ko na talaga alam. Pumunta ako rito upang bumili ng pregnancy test upang kumpirmahin kung buntis nga ba talaga ako sa anak namin ni Luxe. Kahit alam kong oo ang sagot. Alam mo 'yun? Masaya ako dahil magkakaanak kami, ngunit kung sana ay nangyari ito noong buo at maayos pa kami. Sana hindi sa ganitong pagkakataon na kung kailan sira na ang aming pagsasama. Kapag naiisip ko si Luxe at ang magiging anak namin ay hindi ko mapigilan ang pagsikipan ng dibdib. Hanggang ngayon ay sarili ko pa din ang sinisisi ko sa mga nangyari. Ano nalang ang mukhang maihaharap ko sa anak namin kapag hinanap nito ang kaniyang tatay? Ano nalang ang sasabihin ko sa kaniya? Na dahil sa pride ko naaksidente ang kaniyang ama at kalaunan ay siyang ikinasira ng aming relasyon. Ako ang dahilan kung bakit lalaki siyang walang kagigisnan na ama."Papasok ka ba
(Kirtsy POV)PANGATLONG araw ko ngayon sa ospital kung saan naka-confine ang wala pa ring malay na si Luxe. Hindi na ako umuuwi sa aming bahay at dito na ako nagpapalipas ng buong araw ko. Sabi ni Tita ay may nabaling buto kay Luxe at kasalukuyang nasa coma siya ngayon."Gumising ka na, Luxe. I'm sorry" naiiyak na bulong ko sa kaniya habang mahigpit na hawak-hawak ko ang isa niyang kamay.Araw-araw nalang na nagbabadya ang aking mga luha. Maya't- maya na lang akong humihingi ng tawad sa kaniya. Sabi sa akin ni Mama at Tita ay hindi ko naman daw kasalanan ang nangyari. But still, I feel responsible for it.Tuwing gabi ay dumadaan ako saglit sa chapel ng hospital. Unaasa ako na didinggin ni Papa Jesus ang aking hiling na pagalingin na si Luke. Taimtim akong nagdadasal roon ng mga ilang minuto at pagkatapos ay babalik ako sa kwarto ni Luxe upang umidlip kahit papano. Naubos na ang laman na pera ng savings account namin. Sapat lang iyon na pangbili sa ilang mga gamot niya at saka bayad pa
(Kirtsy POV)Kinabukasan ay nagising ako na halos hindi ako makahinga sa sobrang paninikip ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa akin. Wala naman akong sakit sa puso. Hindi kaya dahil pa din ito sa nangyari kagabi? Pero pakiramdam ko ay parang hindi. Dahan-dahan akong bumangon mula sa aking kama. Hinanap ko sa buong bahay si Luxe ngunit wala pa din siya. Nang makarating ako sa kusina ay uminom ako ng isang basong tubig para kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam.Mabilis na bumalik ako sa aking kwarto. Inabot ko ang aking cellphone na nakapatong sa aming study table at nang buksan ko iyon ay tumambad sa akin ang napakadaming tawag at text na nanggaling kay Mama at kay Tita Yolanda— ang ina ni Luxe.Saglit akong natigilan at mas lalong lumakas ang kaba na nararamdaman ko. Muntik ko pang mabitiwan ang aking cellphone ng mabasa ko ang isa sa mga text ni mama.(NAAKSIDENTE SI LUXE. NASA ST. JOHN HOSPITAL KAMI NGAYON.)Hindi pa man nga nakakahuma sa pagkakamugto an
(Kirtsy POV)MAINGAT at mabusisi na nilagyan ko ng icing na design ang paligid ng 3-layered cake na aking ginagawa. Order ito ng aking matagal ng suki para sa kanilang golden wedding anniversary. Ang tema ng cake ay kumikinang na gold at sa tuktok nito ay may maliit na pigura ng magkasintahan na nakasuot ng pang-kasal. Tuluyan na akong napangiti ng matapos ko na ang final look nito. Tiyak na matutuwa ang mag-asawa kapag nakita na nila ito. Binuhos ko talaga ang creativity at atensyon ko upang magawa ng perpekto ang cake na ito. I just wanted to make them the most happiest couple upon seeing my creation cake for their very special day.Sana ay maging kagaya din namin sila ni Luke. Sana ay umabot din kami sa aming golden wedding anniversary. Ngunit bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang may pagdududa kung maaabot nga namin 'yun. Nitong mga nakalipas na semana ay puro pag-aaway nalang ang nangyayari sa tuwing nagkakasama kami. Ako kasi, wala akong balak sukuan ang relasyon namin kahit
"Luxe?!" Nanlalaki ang mga mata at gulat na gulat na binanggit ni Kirtsy ang pangalan ng kaniyang dating nobyo na ngayon ay nasa harapan niya. Disente itong nakaupo sa isang swivel chair habang nakatitig sa kaniya. Sa lamesa sa may harapan nito ay may nakalagay na 'Office of the CEO, Mr. Luxe Hiraya'."Ah yes, Ako nga si Luxe Hiraya. I just want you to meet personally kasi talagang gustong-gusto ko ang lasa ng mga niluluto mo, Chef Kirsty!" Saad nito na hindi man lamang nagtaka sa kaniyang naging gulat na reaksyon. Pinilit niyang i-pormal ang kaniyang sarili. Binigyan niya ito ng sapilitang ngiti na kalaunan ay naging isang ngiwi ang kinalabasan. "Mabuti at nagugustuhan mo ang lasa ng mga niluluto ko Mr? Luxe Hi—saglit siyang napalunok ng kaniyang laway—Hiraya!" Hindi niya mapigilan ang mautal sa pagsasalita dahil sa rebelasyon na nasa kaniyang harapan. All those years, hinanap niya ang lalaki. Handa naman siyang tanggapin ang galit nito sa kaniya dahil may karapatan naman ito ngunit
"Luxe?!" Nanlalaki ang mga mata at gulat na gulat na binanggit ni Kirtsy ang pangalan ng kaniyang dating nobyo na ngayon ay nasa harapan niya. Disente itong nakaupo sa isang swivel chair habang nakatitig sa kaniya. Sa lamesa sa may harapan nito ay may nakalagay na 'Office of the CEO, Mr. Luxe Hiraya'."Ah yes, Ako nga si Luxe Hiraya. I just want you to meet personally kasi talagang gustong-gusto ko ang lasa ng mga niluluto mo, Chef Kirsty!" Saad nito na hindi man lamang nagtaka sa kaniyang naging gulat na reaksyon. Pinilit niyang i-pormal ang kaniyang sarili. Binigyan niya ito ng sapilitang ngiti na kalaunan ay naging isang ngiwi ang kinalabasan. "Mabuti at nagugustuhan mo ang lasa ng mga niluluto ko Mr? Luxe Hi—saglit siyang napalunok ng kaniyang laway—Hiraya!" Hindi niya mapigilan ang mautal sa pagsasalita dahil sa rebelasyon na nasa kaniyang harapan. All those years, hinanap niya ang lalaki. Handa naman siyang tanggapin ang galit nito sa kaniya dahil may karapatan naman ito ngunit...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments