(Kirtsy POV) ~A WEEK LATER
TAHIMIK lamang ako habang nakatingin sa botika na nasa harapan ko ngayon. Ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito? Hindi ko na talaga alam.Pumunta ako rito upang bumili ng pregnancy test upang kumpirmahin kung buntis nga ba talaga ako sa anak namin ni Luxe. Kahit alam kong oo ang sagot. Alam mo 'yun? Masaya ako dahil magkakaanak kami, ngunit kung sana ay nangyari ito noong buo at maayos pa kami. Sana hindi sa ganitong pagkakataon na kung kailan sira na ang aming pagsasama.Kapag naiisip ko si Luxe at ang magiging anak namin ay hindi ko mapigilan ang pagsikipan ng dibdib. Hanggang ngayon ay sarili ko pa din ang sinisisi ko sa mga nangyari. Ano nalang ang mukhang maihaharap ko sa anak namin kapag hinanap nito ang kaniyang tatay? Ano nalang ang sasabihin ko sa kaniya? Na dahil sa pride ko naaksidente ang kaniyang ama at kalaunan ay siyang ikinasira ng aming relasyon. Ako ang dahilan kung bakit lalaki siyang walang kagigisnan na ama."Papasok ka ba o diyan ka lang talaga sa pwesto mo?" Untag sa akin ni— hindi ko pa din pala alam ang kaniyang pangalan hanggang ngayon."Papasok" mahinang tugon ko."Edi, tara na!" Masigla niyang sabi sa akin. Habang tinitingnan ko siya na punong-puno ng buhay at sigla ay napangiti na lamang ako. Ako lang naman kasi ang gumagawa ng ikaka-nega ng araw ko, hayst! Tama na muna siguro.Nauna na siyang pumasok sa loob ng botika. Nagulat pa ako sa ginawa niya dahil pinanatili niyang nakabukas ang pintuan hanggang sa makapasok ako. Pagkatapos ay saka na niya ito tuluyang isinara.Sumalubong sa akin ang malamig na hangin ng aircon. Dumiretso ako sa counter upang magtanong ng pregnancy test kit. Kaagad naman akong inabutan ng babae habang may malawak na ngiti sa kaniyang mga labi. Siguro ay dahil natutuwa siya sa magandang balita kung positive nga na buntis ako.Sa mga araw na lumipas, napansin kong unti-unting nagbago ang pananaw ko patungkol sa aking pagbubuntis. Noong una, sa sobrang galit ko ay kinamumuhian ko ang kaisipan na magkaka-anak ako sa isang lalaking ngayon ay pinagtatabuyan ako. Ngunit ngayon, ipinagpapasalamat ko na ang pagdating ng aking anak sa aking buhay. Hindi na ako mag-iisa. Sa kaniya ko na lamang ilalaan ang buo kong pagmamahal. May mga doubts pa din ako ngunit mas lamang na ngayon ang kasiyahan na nararamdaman ko. Siguro tama na ang sisihin ko ang aking sarili at mag-isip ng puro mga negatibong bagay patungkol sa isang pangyayari na hindi ko naman ginusto.Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni— "Ano nga name mo?" Hindi ko na mapigilang maitanong sa kaniya. Humarap ako sa kaniya habang siya naman ay pinipigilan ang humagalpak ng tawa dahil sa naging tanong ko.Hinawakan niya ang name tag niya na nakadikit sa kaniyang uniporme. "Haze, nice to finally meet you Kirtsy!" Nangingiti niyang saad at saka inilahad niya sa akin ang kaniyang kanang kamay upang asarin ako. Ang mokong na 'to!Inirapan ko siya ng pabiro."Sungit!" pagpaparinig niya na lihim kong ikinangiti.Matapos kong bayaran ang binili ko ay dumiretso na ako palabas ng botika. Bago ko pa man mabuksan ang pintuan ng botika ay nauna na siyang pagbuksan ako. Ubod din naman ng gentleman ang isang 'to."Ninong ako, ha!" pangungulit niya sa akin. Huminto ako sa aking paglalakad at humarap sa kaniya."Ang kulit mo baga" saad ko sa kaniya na ikinakamot niya ng kaniyang ulo. Napakainosente ng kaniyang hitsura."Atleast gwapo" mayabang niyang saad at nagpogi sign pa siya sa akin. Ayun! Hinangin na namam po siya."Asan ang konek dun?" pambabara ko sa kaniya na ikinasimangot niya."'Parang hindi friend, ah!""Mag-friend ba tayo?"Lalo siyang sumimangot. "Sobra ka na!" Parang bata niyang saad.Ipinagpatuloy na namin ang paglalakad sa kahabaan ng side walk ng Vinzons Street. "Wala ka bang balak ipaalam sa kaniya na magkakaanak na kayo?" Maya-maya ay seryoso niyang tanong.Wala. Aminado ako sa mali ko ngunit pilit kong hinahagilap ang kasagutan sa tanong na bakit kailangan umabot kami sa puntong ayaw na niya akong makita. Ganun nalang ba 'yun? Madali nalang bang itapon ang lahat ng binuo namin? Mas mahalaga ba 'yung galit niya kesa sa makipag-ayos sa akin? Oo nga pala naalala ko, ganiyan din pala ako ng gabing bago mangyari ang aksidente.Tao 'din naman ako. Nasasaktan ako at 'yung sakit na nararamdaman ko ngayon sa pagtatabuyan niya sa'kin ang nagiging dahilan upang itago ko na lamang sa kaniya ang katotohanan na may anak kami.May mababago ba kung malalaman niya? Baka ang mangyari ay kunin niya lang sa akin ang aming anak at 'yun ang hindi ko hahayaan mangyari kahit saan pa kami umabot."Naiintindihan ko ang desisyon mo" pag-aalo niya sa akin ng hindi ko sinagot ang kaniyang tanong. Alam na kasi niya ang sagot ko sa tanong na iyon dahil hindi ito ang unang beses na itinanong niya iyon sa akin."Salamat, kahit papano gumagaan ang pakiramdam ko dahil sa mga kalokohan mo" nakangiti kong saad sa kaniya. Kunwari ay napasimangot na naman siyang muli dahil sa sinabi ko."Hayst, ang sama talaga ng tingin mo sa'kin""Teka, sasama ka ba sa'kin hanggang sa bahay?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.Parehas kaming napatigil sa aming paglalakad. Napakamot na naman siya sa kaniyang ulo at natatawang napatingin sa akin."Oo nga pala! May pinapabili pala sa'kin si Tito na gamot sa botika kaya ako nagpunta doon. Hayst, ikaw kasi!""Ako pa talagang sinisi mo. Wala ako diyang kinalaman" depensa ko."Umalis ka na nga" dagdag ko pa. Hinawakan ko ang magkabila niyang braso at ipinihit ko siya sa direksyon na aming pinanggalingan."Ang bait mo talaga" saad niya bago siya tuluyang kumaripas ng takbo pabalik sa botika. Napailing-iling na lamang ako habang tinatanaw ko siya.(3rd person POV) ~10 DAYS AGONAKATINGIN lamang ako sa naging last na convo namin ni Jerry. Hindi ko na siya makontak. Hindi na siya nagparamdam sa akin buhat ng maaksidente si Luxe. Kung kailan naman kailangan ko siya ay saka pa siya naglaho na parang bula.Pero 'di bale. Hindi naman siya malaking kawalan sa akin. Nagustuhan ko naman talaga siyang tunay ngunit hindi ko siya nagawang mahalin. Ewan ko ba, dakilang tanga pa rin ako kay Kenji. Hindi ko na siya magawang palitan pa kahit anong pilit ko.Maya-maya ay inalis ko na ang tingin ko sa aking cellphone. Napatingin ako sa labas ng coffee shop na aking kinaroroonan. Unang nahagip ng aking mga mata ang malaking poster kung saan makikita ang half body shot ni Kenji na ini-endorso niya ang kaniyang kumpanya. Mariin kong naipikit ang aking mga mata.Ibinaling ko sa ibang direksyon ang aking paningin. Sa tv na nasa loob ng coffee shop. Sa kamalas-malasan ay ang kasalukuyang pinapalabas roon ay ang interview kay Kenji. Ano bang meron at parang hindi na nawawala si Kenji kahit saang banda ako tumingin?~PAGBABALIK TANAW"MAHAL ko po ang inyong anak! Wala po kayong karapatan na pigilan ang nararamdaman namin para sa isa't isa!" Pagmamatigas ko. Sinalubong ko ang matatalim na mga titig sa akin ng aking biyenan.Maya-maya ay humagalpak siya ng tawa. "Really? Hanggang saan kaya ninyo kayang ipaglaban ang pag-ibig na 'yan. Tatanggalan ko ng mana si Kenji at palalayasin ko siya dito sa aking pamamahay—May kinuha siya sa ilalim ng kaniyang lamesa. Nang tumayo siya ay nakatago ang isa niyang kamay sa kaniyang likod. Kinabahan ako sa kaniyang hitsura. Nang makalapit na siya sa akin ay itinutok niya sa aking sentido ang bunganga ng isang baril na hindi ko alam kung anong tawag ba sa klase ng baril na iyon. Damang-dama ko ang kalamigan niyon sa aking sentido."At ikaw naman ay hindi na dito makakalabas pa ng buhay" dugtong niya sa kaniyang sinasabi kanina.Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tahimik lamang ako. Isang maling galaw ko at baka ikamatay ko na. Naninigas ang buo kong katawan. Hindi ko alam ang gagawin. Naitanong ko na lamang, anong klaseng tao ang aking biyenan? Napakalayo ng ugali niya kay Kenji."Pwede ka ng lumabas ng aking pamamahay. Huwag ka ng magpapakita sa anak ko!"Tulala at wala sa sariling lumakad ako palabas ng kaniyang magarang mansyon. Wala akong dinala ni isa sa mga gamit ko. Ang gusto ko lang ng mga panahon na iyon ay makalayo sa demonyita kong biyenan. Ang hirap iwanan ni Kenji ngunit kailangan ko din itong gawin para sa kaniya. Hindi ko gugustuhin na masadlak siya sa kahirapan dahil lamang sa aming pagmamahalan.Maluha-luha ako habang tinatahak ko ang tahimik na tabing-kalsada. Gustong-gusto kong magwala sa galit ng mga oras na ito. Gusto kong gawan ng masama ang aking biyenan. Ang galing niya talaga! Inantay niya pa talagang makasal kami ni Kenji bago niya ako tuluyang palayasin. Noon pa man ay tutol siya ngunit ngayon niya lamang ako ginamitan ng dahas at pananakot. Parang pinatikim niya lamang sa amin ni Kenji ang buhay namin bilang mag-asawa.Nagpakalayo-layo ako sa siyudad. Namuhay ako sa probinsya. Mabuti na lamang at may naitabi akong pera na siyang nagamit ko upang makapagsimula ako ng aking bagong buhay. Kalaunan ay napagtanto ko na buntis ako. Ipinagpapasalamat ko na tama ang naging desisyon ko na umalis sa bahay na iyon at huwag isakripisyo ang aking buhay para lamang sa pagmamahal na kahit anong gawin namin ay hindi na namin maipaglalaban. Kung nagkataon na nabulag ako ay pati ang inosente naming anak ay madadamay sa mali kong desisyon.Malaki ang naging tuwa ko ng malaman kong buntis pala ako. Hindi naman pala ako mag-iisa. May naiwan pa din na isang magandang ala-ala sa akin si Kenji. Pinalaki ko ng maayos ang aking anak na si Luxe. Napakasimple lamang ng aming buhay ngunit kuntento na kami sa kung anong meron kami.Nang lumalaki na siya ay unti-unti na niyang hinahanap ang kaniyang ama. Hindi ako nagsinungaling sa kaniya. Sinabi ko sa kaniya ang nangyari sa amin ngunit hiniling ko sa kaniya na huwag na muna niyang kilalanin ang kaniyang ama upang kahit papano ay malayo kami sa panganib.Kilala ko ang aking biyenan. Hindi ko gugustuhin na malantad ang pagkatao ni Luxe sa kaniyang kaalaman. Maaaring ipapatay niya kami o kung hindi naman ay kunin niya sa akin ang aking anak. Hindi ko hahayaang mawala sa akin ang aking anak kahit umabot pa kami sa hukay. Kung nagawa niya sa akin na ipagkait si Kenji, pwes hindi ang anak ko.(Kirtsy POV)GAYA nga ng inaasahan ko ay naging positive ang aking ginawang pregnancy test. Excited at tuwang-tuwa na ibinalita ko ito sa aking mga magulang at mga kapatid. "Finally! Magiging Tito na din ako!" Pumapalakpak na saad ni Jerry."Congrats bunso!" Nakangiting bati naman sa akin ni Ate Sanza mula sa monitor ng aking computer. Kasalukuyang ka-video call namin siya. Nasa Manila kasi siya at nagtratrabaho bilang isang opthalmologist sa pinakamalaking hospital dito sa Pilipinas— ang Health Haven. Doon na siya halos namamalagi kasama ang kaniyang asawa at dalawang mga anak. Umuuwi lamang sila dito sa amin kapag magba-bakasyon.Maya-maya ay dumungaw sa screen si Kuya Christian, ang asawa ni Ate Sanza. "Sure ka na ba sa balak mo na hindi sabihin 'yang balita na 'yan kay Luxe?" Pag-uusisa niya."Malay mo 'yang dinadala mo ang maging tulay para maayos niyo ulit ni Luxe ang inyong pagsasama" dagdag niya pa. Tumatango-tangong napatingin na din sa akin si Ate Sanza. "Tama ang Kuya mo,
(Kirtsy POV) ~5 YEARS LATERNAPANGITI ako sa aking nadatnan sa loob ng kwarto ni Suxi. Mahimbing na natutulog si Haze sa maliit na kama ni Suxi habang si Suxi naman ay natutulog din sa tabi ni Haze habang mahigpit na nakayakap sa kaniya. Napaka-cute tingnan ng mag-ama.Dinampot ko isa-isa ang mga nagkalat na crayons sa sahig at isinalay ko iyon ng maayos sa lalagyan ng mga gamit ni Suxi. Si Suxi ay apat na taong gulang na at magli-limang taong gulang na sa darating na buwan ng Nobyembre. Babae ang naging anak namin ni Luxe.Ilang buwan na ang lumipas nang lumipat kaming tatlo dito sa Manila. Balak ko kasing humanap ng magandang trabaho bilang isang chef dito sa siyudad. Iniisip ko lamang ang kinabukasan ng aking anak. Gusto kong magkaroon ako ng malaking kita at stable at successful na trabaho upang matustusan ko ang lahat ng pangangailangan ni Suxi habang lumalaki siya.Hindi naman ako nahihirapan dahil andiyan naman si Haze. Tinutulungan niya ako sa lahat ng bagay, ngunit ayoko nang
(Kirtsy POV)IT was been almost months since I started working as a chef dito sa company ng mga Hiraya. Isang himala na lang talaga na hanggang ngayon ay mukhang walang balak na sisantehin ako ng kanilang CEO. Pero kung ang luto ko na nga ang matagal nang hinahanap na lasa ng CEO, hindi ko maiwasang mapag-isip.Naging costumer ko ba siya dati? Wala kasi akong maalala na nagkaroon ako ng costumer na isang bigatin o isang Hiraya. Isa pa, puro mga cake at pastries ang binibenta ko noon at hindi mga lutong ulam. Baka nagkamali lang siya sa iniisip niya. Paano kung pareho lang pala ang lasa namin sa mga lutong ulam ng babaeng chef na iyon na hinahanap niya?Naikwento kasi sa akin ng mga ka-trabaho ko na isang babaeng chef ang hinahanap ng aming CEO, bagaman hindi ito inilalagay bilang kwalipikasyon ng mag-a-apply sa trabaho. Isang eksklusibong bagay lamang ito na tanging ang mga nasa loob lamang ng kumpanya ang nakakaalam at hindi maaaring ilabas. Kung ano daw ang masasagap namin na kwento
"Luxe?!" Nanlalaki ang mga mata at gulat na gulat na binanggit ni Kirtsy ang pangalan ng kaniyang dating nobyo na ngayon ay nasa harapan niya. Disente itong nakaupo sa isang swivel chair habang nakatitig sa kaniya. Sa lamesa sa may harapan nito ay may nakalagay na 'Office of the CEO, Mr. Luxe Hiraya'."Ah yes, Ako nga si Luxe Hiraya. I just want you to meet personally kasi talagang gustong-gusto ko ang lasa ng mga niluluto mo, Chef Kirsty!" Saad nito na hindi man lamang nagtaka sa kaniyang naging gulat na reaksyon. Pinilit niyang i-pormal ang kaniyang sarili. Binigyan niya ito ng sapilitang ngiti na kalaunan ay naging isang ngiwi ang kinalabasan. "Mabuti at nagugustuhan mo ang lasa ng mga niluluto ko Mr? Luxe Hi—saglit siyang napalunok ng kaniyang laway—Hiraya!" Hindi niya mapigilan ang mautal sa pagsasalita dahil sa rebelasyon na nasa kaniyang harapan. All those years, hinanap niya ang lalaki. Handa naman siyang tanggapin ang galit nito sa kaniya dahil may karapatan naman ito ngunit
(Kirtsy POV)MAINGAT at mabusisi na nilagyan ko ng icing na design ang paligid ng 3-layered cake na aking ginagawa. Order ito ng aking matagal ng suki para sa kanilang golden wedding anniversary. Ang tema ng cake ay kumikinang na gold at sa tuktok nito ay may maliit na pigura ng magkasintahan na nakasuot ng pang-kasal. Tuluyan na akong napangiti ng matapos ko na ang final look nito. Tiyak na matutuwa ang mag-asawa kapag nakita na nila ito. Binuhos ko talaga ang creativity at atensyon ko upang magawa ng perpekto ang cake na ito. I just wanted to make them the most happiest couple upon seeing my creation cake for their very special day.Sana ay maging kagaya din namin sila ni Luke. Sana ay umabot din kami sa aming golden wedding anniversary. Ngunit bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang may pagdududa kung maaabot nga namin 'yun. Nitong mga nakalipas na semana ay puro pag-aaway nalang ang nangyayari sa tuwing nagkakasama kami. Ako kasi, wala akong balak sukuan ang relasyon namin kahit
(Kirtsy POV)Kinabukasan ay nagising ako na halos hindi ako makahinga sa sobrang paninikip ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit ito nangyayari sa akin. Wala naman akong sakit sa puso. Hindi kaya dahil pa din ito sa nangyari kagabi? Pero pakiramdam ko ay parang hindi. Dahan-dahan akong bumangon mula sa aking kama. Hinanap ko sa buong bahay si Luxe ngunit wala pa din siya. Nang makarating ako sa kusina ay uminom ako ng isang basong tubig para kahit papaano ay gumaan ang aking pakiramdam.Mabilis na bumalik ako sa aking kwarto. Inabot ko ang aking cellphone na nakapatong sa aming study table at nang buksan ko iyon ay tumambad sa akin ang napakadaming tawag at text na nanggaling kay Mama at kay Tita Yolanda— ang ina ni Luxe.Saglit akong natigilan at mas lalong lumakas ang kaba na nararamdaman ko. Muntik ko pang mabitiwan ang aking cellphone ng mabasa ko ang isa sa mga text ni mama.(NAAKSIDENTE SI LUXE. NASA ST. JOHN HOSPITAL KAMI NGAYON.)Hindi pa man nga nakakahuma sa pagkakamugto an
(Kirtsy POV)PANGATLONG araw ko ngayon sa ospital kung saan naka-confine ang wala pa ring malay na si Luxe. Hindi na ako umuuwi sa aming bahay at dito na ako nagpapalipas ng buong araw ko. Sabi ni Tita ay may nabaling buto kay Luxe at kasalukuyang nasa coma siya ngayon."Gumising ka na, Luxe. I'm sorry" naiiyak na bulong ko sa kaniya habang mahigpit na hawak-hawak ko ang isa niyang kamay.Araw-araw nalang na nagbabadya ang aking mga luha. Maya't- maya na lang akong humihingi ng tawad sa kaniya. Sabi sa akin ni Mama at Tita ay hindi ko naman daw kasalanan ang nangyari. But still, I feel responsible for it.Tuwing gabi ay dumadaan ako saglit sa chapel ng hospital. Unaasa ako na didinggin ni Papa Jesus ang aking hiling na pagalingin na si Luke. Taimtim akong nagdadasal roon ng mga ilang minuto at pagkatapos ay babalik ako sa kwarto ni Luxe upang umidlip kahit papano. Naubos na ang laman na pera ng savings account namin. Sapat lang iyon na pangbili sa ilang mga gamot niya at saka bayad pa

(Kirtsy POV)GAYA nga ng inaasahan ko ay naging positive ang aking ginawang pregnancy test. Excited at tuwang-tuwa na ibinalita ko ito sa aking mga magulang at mga kapatid. "Finally! Magiging Tito na din ako!" Pumapalakpak na saad ni Jerry."Congrats bunso!" Nakangiting bati naman sa akin ni Ate Sanza mula sa monitor ng aking computer. Kasalukuyang ka-video call namin siya. Nasa Manila kasi siya at nagtratrabaho bilang isang opthalmologist sa pinakamalaking hospital dito sa Pilipinas— ang Health Haven. Doon na siya halos namamalagi kasama ang kaniyang asawa at dalawang mga anak. Umuuwi lamang sila dito sa amin kapag magba-bakasyon.Maya-maya ay dumungaw sa screen si Kuya Christian, ang asawa ni Ate Sanza. "Sure ka na ba sa balak mo na hindi sabihin 'yang balita na 'yan kay Luxe?" Pag-uusisa niya."Malay mo 'yang dinadala mo ang maging tulay para maayos niyo ulit ni Luxe ang inyong pagsasama" dagdag niya pa. Tumatango-tangong napatingin na din sa akin si Ate Sanza. "Tama ang Kuya mo,
(Kirtsy POV) ~A WEEK LATERTAHIMIK lamang ako habang nakatingin sa botika na nasa harapan ko ngayon. Ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito? Hindi ko na talaga alam. Pumunta ako rito upang bumili ng pregnancy test upang kumpirmahin kung buntis nga ba talaga ako sa anak namin ni Luxe. Kahit alam kong oo ang sagot. Alam mo 'yun? Masaya ako dahil magkakaanak kami, ngunit kung sana ay nangyari ito noong buo at maayos pa kami. Sana hindi sa ganitong pagkakataon na kung kailan sira na ang aming pagsasama. Kapag naiisip ko si Luxe at ang magiging anak namin ay hindi ko mapigilan ang pagsikipan ng dibdib. Hanggang ngayon ay sarili ko pa din ang sinisisi ko sa mga nangyari. Ano nalang ang mukhang maihaharap ko sa anak namin kapag hinanap nito ang kaniyang tatay? Ano nalang ang sasabihin ko sa kaniya? Na dahil sa pride ko naaksidente ang kaniyang ama at kalaunan ay siyang ikinasira ng aming relasyon. Ako ang dahilan kung bakit lalaki siyang walang kagigisnan na ama."Papasok ka ba