Sulit na sulit ang 7 days Sex Contract sa pagitan nina Frey at Warren 'Dark' Samaniego dahil hinabol-habol ng milyonaryo ang ordinayong babae na gaya niya. He offered her all the things in the world, maliban sa kasal. Na hindi niya kailangan dahil kapag natapos ang paghihiganti niya, may sarili siyang plano kung paano maglalaho sa buhay ni Dark. May lugar ba ang pag ibig sa mga pusong pagod nang masaktan?
view moreFREY"KANINA ka pa ba?"7:30 ng gabi, gulat na gulat si Logan nang makita niya akong naghihintay sa labas ng sikat na pizza house. Binigyan niya ako nang pamatay na ngiti at nagbeso siya sa akin, pinagpagan ko naman ang alikabok sa uniform niya sa Food Panda.Ang isang bagay na sobra kong hinahangaan sa kanya ay napakatotoo niyang tao. Walang ere kahit dating mayaman at pinili ang napakahirap na buhay para maging malaya.Ang pakiramdam ng walang tali sa buhay ko ay isa sa ipagpapasalamat ko talaga nang lubos.Yong mahigit isang dekada na nakakulong ako sa mga bawal at ikinahon kami ni Ray ng nanay ko ang pinakamalala.Kaya alam ko kung gaano kahalaga sa akin ang pakiramdam na nagagawa mo ang lahat ng gusto mo.Hinuli ni Logan ang kamay ko at pinunasan ng panyo niya. "Ano ka ba? Hindi na tayo mga bata. Marurumihan ka niyan, eh." Ikinulong niya ang mukha ko sa loob ng mga kamay niya pagkatapos at pinakatitigan akong mabuti. "My God, mas lalo kang gumanda."Naaliw ako sa hitsura niya
"Alas siete ng gabi, puede ka ba?" Suwabe ang boses ni Logan kahit sa phone o dahil nakadikit sa kanya ang ilan sa magaganda at masasayang alaala ko kaya lagi siyang espesyal.Tiningnan ko ang wristwatch ko at nakita kong mag a-alas onse pa lang.Bakit, ganon, kapag kasama ko si Dark ang bilis ng oras? Bakit ngayong wala na siya sa paningin ko parang slow paced ang lahat sa mundo?Ang haba pa pala ng hihintayin ko."Sige, kahit 8pm na nang gabi okay lang. Huwag kang magmadali kung galing ka sa trabaho. Magpahinga ka muna, wala naman akong gagawin kaya puede ako kahit mas late pa."Tinapos ko agad ang tawag dahil alam kong busy siya.Naligo ako uli dahil napawisan ako nang todo sa gym. Para malito pagkatapos kung ano ang gagawin ko sa loob ng silid ko. Nahahati ako kung tutulong ako sa coop para gumawa ng alahas gaya ng regular kong routine araw-araw kapag wala akong trabaho o isipin pa rin ang tungkol kay Dark.Pakiramdam ko may dapat akong paghandaan bago ang deal namin kaya pinili
FREYKAILAN ang huling period ko?Naiwan sa isip ko ang huling tanong ni Dark kahit nakabalik na ako sa bahay.Inihagis ko sa ibabaw ng kama ko ang mga bagay na galing sa kanya bago kami maghiwalay at namaluktot ako sa ibabaw ng kama habang nakatitig sa mga yon.Susi ng beach house na puede raw naming bisitahin anytime at unlimited credit card.Nagagalit ako sa sarili ko dahil parang ang tanga tanga ko.Ano bang naisip ko at narito ako ngayon sa sitwasyong ito?At bakit naiinis ako dahil sa huling tanong na iyon ni Dark na ang dating sa akin ay sanay na sanay siya sa babae.Sabagay sa gaya niyang guapo, kaakit-akit at napakayaman siguro kahit hindi siya mag flirt sa ibang babae makakaiskor siya ng libreng orgasm.Ako nga, nakalimot agad sa harap niya dahil sa parehong dahilan. Nataranta ako at kung ano ano tuloy ang nasabi ko.Kailangan kong aminin yon dahil ako mismo ang naglagay sa sarili ko sa kabaliwang ito.Madali raw tanggapin ang mga bagay kung hindi ka maninisi ng ibang tao at
FREY Iyakin ang mama ko. Palibhasa galing sa pamilyang maykaya bago ikasal sa tunay kong ama. Si papa ay namatay sa aksidente elementary pa lang ako. Binangga ng ten wheeler truck ang kotse niya habang nakapara sa gilid ng hi-way. Hindi tumakas ang driver at nakulong. Nakita ko rin, sinasamantala ng ilang lalaki ang isang babaing wala ng asawa. Para akong bodyguard ni mama. Walang araw o oras na may nagpaparamdam sa amin na hindi raw kami mabubuhay na walang lalaking kasama sa bahay. At sa dinami-dami ng gustong pumalit sa tatay ko, nakapasok si Ray sa bahay namin makalipas lang ang libing ni papa nang halos dalawang buwan. Nagpakasal sila halos wala pang isang taon. Sukdulan ang sama ng loob ko kay mama dahil napakahina niya. Pero naunawaan ko na hindi pagmamahal kundi takot kaya niya pinakasalan si Ray. Narinig ko silang nag aaway sa gitna ng gabi. Karelasyon na siya ni mama bago pa mamatay ang tatay ko. Nang gabing 'yon hindi ko nagawang umiyak sa sobrang galit.
FREY Nasa mata na naman ni Dark ang matinding gutom sa akin. Ang kontroladong paghinga niya habang nakatitig ay pagpapanggap lang sa gagahiblang pagtitimpi para liparin ang pagitan namin at gawin sa akin ang mga iniisip niya. Isang malupit na sex na sinegundahan ko pa kahapon. May isa pang problema, kapag natutulog ako, uniform ko na ang naiwang white nightgown ng nanay ko, hanggang singit at sira sira na. At huli na naman para magtago. Narito ba siya para itanong pa kung papasok ako o hindi na? Napaka imposible ko naman kung ako ang sisiw at siya ang agila pero magpapaikot ikot pa ako sa kulungan niya? Tumayo ako at hinablot ko ang makapal na roba. Ibinalot ko agad ang sarili ko na parang suman. "Labas tayo," aniyang ibinulsa ang mga kamay. Tila may gustong gawin ang mga yon pero dapat lang na pigilan. Ang loko, naglalaway rin sa legs ko na hindi pa nasilayan ng araw. Si mama ang nagturo na hindi ako puedeng mag shorts at dapat araw o gabi naka pajama lang mul
FREY "Nahihirapan akong mag isip ngayon. Kailangan ko ng sapat na oras para makapag desisyon." Para akong mababaliw. "Hindi. Hindi ganito," kumukumpas na ako sa hangin. "Bakit hindi pa natin deretsuhin? Na nasa plano mo talaga ang paikutin ako bilang secretary mo papunta sa kama mo." Gumuhit ang ngiti sa guwapo niyang mukha. Ang galing. Ginawa nga talaga niya akong challenge kung ang kislap sa mata niya ang pagbabasehan. "Masyado ka pa lang prangka," pinaraan niya ang mahahabang daliri sa pang ibabang labi, naaaliw. "Oo, tama ka. Mismo." Brutal ang pag amin niya. Makasalanan. Sandaling huminto ang puso ko sa pagtibok. "Magkano ang kaya mong ibayad kung...kung ikaw ang unang lalaki sa buhay ko?" Siya naman ang natulala sa sinabi ko. Nag enjoy rin ako sa pagbabago ng kulay ng mukha niya. Mula sa matinding pag aalala, parang arouse na arouse at kumalat ang pamumula sa buong katawan niya sa puntong nahihirapan na siyang huminga. Na turn on ba siya sa tapang ko? "Magkano
FREY (flashback) "FREY, huwag mo akong takasan..." Walang sinoman ang may kakayahang mag utos sa katawan ko gaya ni Dark. At insulto 'yon dahil katanghaliang tapat at unang araw ko pa lang siyang nakaharap nang personal. Nang ganito kalapit. Humigpit ang mga kamay niya sa siko ko nang magmatigas akong humarap kaagad. At walang kahirap-hirap niya akong naakit na tumingala sa kanya sa sumunod na segundo. Sigurado ako na ayoko sa kanya. Mayabang, brusko, womanizer, at pangit ang lahat ng naaalala ko tungkol sa kanya pero bakit ganito ang katawan ko? Sa loob ng organisasyon ng Black Beretta na nagtatago sa tarheta ng Rainbow City, tinuruan din ako ng self defense. Na walang inaasahang kahit anong gadget o gamit maliban sa sariling parte ng katawan mo. Kabisado ko ang pressure points ng tao para gawing imbalido o higit pa. Ang survival ay kakambal ng body instincts at matalas na reflexes na hinasa sa matitinding mga trainings. Mga trainings na hindi ipinagkakait sa lahat
FREY (flashback) "MAY boyfriend ka na ba?" Nakatayo ako sa harap ni Dark Samaniego dahil ipinatawag niya ako. Ako na sa dinami-dami ng mahuhusay na tauhan ng Samaniego Corporation ay halos saling pusa lang naman dito. Dati, tuwing sabado lumalabas ako para makipagdate kay James, supervisor ng isang departamento dito. Isang reyalidad na kapag mahirap ka, kailangan mo pa ng koneksyon sa mga bagay na gusto mong malaman. Pero nakakapagtaka na sa tuwing isinisingit ko ang tungkol sa agenda ko, iniiwasan ni James. Kailangan ko lang naman ng impormasyon kung nasaan ang step father ko na ang huli kong balita ay share holder sa kumpanyang ito. Info verification pa lang pahirapan na porke wala akong pera. At dahil wala na akong maisip na paraan, pumasok akong assistant to the secretary na ang totoo ay tagatimpla lang ng kape at errand girl. "Narito po ako para magtrabaho, sir. Walang kinalaman ang personal kong buhay." "Its part of the job. Hindi ito personal. Kailangan ko k
FREY HINDI ko kailangan ang kahit na sino. Sinasabi ko 'yon sa sarili ko habang inililigpit ang personal kong gamit sa resthouse. Nasa bag ko ang passbook kung saan naka-deposit ang 7 milyong piso sa unang beses na may nangyari sa aming dalawa. At para akong sinusunog nang buhay dahil sa pagmamadali. Tumatakas ako sa anino ni Dark. Sa pakiramdam na nag aalala ako sa kanya mula nang umalis siya kanina. Mas tumitindi iyon habang nag iisip ako kung ano na ang nangyari sa kanya. Malakas din ang kutob ko na hindi na niya ako babalikan kaya uunahan ko na siya. Napakagulo ng isip ko. Gaano ba kahirap na tawagan ako sa phone at sabihing tapos na kaming maglaro dahil nabisto na kami ng nanay niya? Miserable ang puso ko at ayoko nito. "Hi." Muntik na akong mapalundag sa gulat. May babae sa likuran ko at napakaganda. Ni hindi ko napansin dahil marami akong iniisip. Matangkad ito at mukhang mayaman. Ang ere na nakikita ko ay exceptional. Nasa ilalim ng cardigan ang contrast trim-top a
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments