Share

THE UNWANTED LOVE

"Alas siete ng gabi, puede ka ba?" Suwabe ang boses ni Logan kahit sa phone o dahil nakadikit sa kanya ang ilan sa magaganda at masasayang alaala ko kaya lagi siyang espesyal.

Tiningnan ko ang wristwatch ko at nakita kong mag a-alas onse pa lang.

Bakit, ganon, kapag kasama ko si Dark ang bilis ng oras? Bakit ngayong wala na siya sa paningin ko parang slow paced ang lahat sa mundo?

Ang haba pa pala ng hihintayin ko.

"Sige, kahit 8pm na nang gabi okay lang. Huwag kang magmadali kung galing ka sa trabaho. Magpahinga ka muna, wala naman akong gagawin kaya puede ako kahit mas late pa."

Tinapos ko agad ang tawag dahil alam kong busy siya.

Naligo ako uli dahil napawisan ako nang todo sa gym. Para malito pagkatapos kung ano ang gagawin ko sa loob ng silid ko.

Nahahati ako kung tutulong ako sa coop para gumawa ng alahas gaya ng regular kong routine araw-araw kapag wala akong trabaho o isipin pa rin ang tungkol kay Dark.

Pakiramdam ko may dapat akong paghandaan bago ang deal namin kaya pinili
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status