Share

HIS PURE DESIRE

FREY (flashback)

"MAY boyfriend ka na ba?"

Nakatayo ako sa harap ni Dark Samaniego dahil ipinatawag niya ako. Ako na sa dinami-dami ng mahuhusay na tauhan ng Samaniego Corporation ay halos saling pusa lang naman dito.

Dati, tuwing sabado lumalabas ako para makipagdate kay James, supervisor ng isang departamento dito.

Isang reyalidad na kapag mahirap ka, kailangan mo pa ng koneksyon sa mga bagay na gusto mong malaman.

Pero nakakapagtaka na sa tuwing isinisingit ko ang tungkol sa agenda ko, iniiwasan ni James.

Kailangan ko lang naman ng impormasyon kung nasaan ang step father ko na ang huli kong balita ay share holder sa kumpanyang ito.

Info verification pa lang pahirapan na porke wala akong pera.

At dahil wala na akong maisip na paraan, pumasok akong assistant to the secretary na ang totoo ay tagatimpla lang ng kape at errand girl.

"Narito po ako para magtrabaho, sir. Walang kinalaman ang personal kong buhay."

"Its part of the job. Hindi ito personal. Kailangan ko kasi ng pansamantalang secretary dahil naka leave ang secretary ko. Mangangak siya ngayong linggo."

Tumaas ang kilay ko. Sa dami ng milyones niya puede siyang mag hire ng mas qualified.

"Bakit po ako? Wala akong alam sa trabaho ng isang secretary to the CEO. Wala rin akong communication skills at hindi sapat ang panahon para sa training na kailangan ko kung agad agad."

"Naihanda na niya ang lahat bago umalis. I just need someone who isn't tied to her personal life dahil kapag weekends kailangan ko ng kasama."

"Pero----"

"I can double your salary. Or you can name your price."

Umawang ang bibig ko para muling sumara. Naalala ko ang sinabi ng ilang co-worker na madalas nakatitig sa akin ang lalaking ito sa tuwing nasa station ako.

At hindi ko lang pinapansin ilang buwan ko nang nararamdaman na pinagmamasdan nga niya ako basta may pagkakataon.

Mga pagkakataon na ilang beses nang naglagay sa akin sa pangit na sitwasyon.

Na-bully ako sa ladies' room, sa canteen at kahit noong nasa nesting period ako bilang utusan ng secretary niya.

Kung hindi mabait sa akin si Leila, ang personal secretary niya baka hindi na rin ako pumasok pa.

"Sorry pero hindi po ako intresado, Sir."

Hindi ko na rin sasabihin na nakita ko siya kahapon na binuhusan ng isang babae ng tubig sa mukha dahil cheater.

Nag eskandalo pa nga ang pobre habang umiiyak dahil nahuli siya sa akto na may iba pang ka-date.

Hudas.

Wala sa bokabularyo ko na sayangin ang buhay ko dahil hindi ako pusa na may siyam na buhay.

"Okay." Nabasa niya siguro sa mukha ko na walang patutunguhan ang pag uusap namin kaya dumukot na lang ng calling card at iniabot sa akin. "Give me a call sakaling magbago ang isip mo. O baka magbago na ngayon pa lang kung sasabihin kong sayang ang 100 thousand pesos per month na salary kung tatanggapin mo ito."

Halos mapanganga ako.

"Ganon kalaki? Ano ba ang gagawin ko, magbebenta ng drugs?" matalim talaga ang bibig ko dahil siguro ay wala akong amo sa matagal na panahon.

Kinikita ko rin sa online store ng alahas ang ano mang kailangan ko. Isa yong cooperative sa loob ng isla. At kung kaya ko nga lang magbayad ng private investigator, wala ako dito ngayon.

Nanghinayang ako sa lalaking kaharap ko. May sira yata sa ulo. Sayang dahil parang dios kahit nakaupo. Matikas, matipuno, lalaking lalaki at napakabango kahit malayo ako.

Sa loob ng mamahaling suit, sigurado na ako walang tipak ng taba sa katawan. At ang mukha, sabi nga ng iba, kanin na lang ang kulang.

Magfi-fiesta ang mga sculptor sa prominenteng hugis ng panga na sa Gradiator movies ko lang naaalala. Ito yong tipo na kahit makalbo sa future, masarap pa ring titigan at masarap kasama sa panaginip mo.

Yon lang, may hangin sa utak.

Humalakhak ang guwapong impakto.

Nag flash sa mata ko ang pantay pantay at nakakasilaw na ngipin. Mahihiya ang model ng toothpaste sa mga TV commercials.

At oo, sa dami pa ng katangian niya, ayoko nang isa-isahin.

Wala akong pakialam.

"Mas mabigat sa trabahong yan ang mag stay at makasama ang pamilya ko kapag weekend. Why would I spend my fortune concealing my family secrets if it is not a big deal?"

Bakit ba nag uusap kami na parang magkakilala?

"I agree. Pero mas maiintindihan ko siguro kung bibigyan mo ako ng idea."

Walang dumaan na pagtatalo sa isip niya. "Bawal ang may kapintasan sa pamilya ko. And you are fit for the job dahil...maganda ka. Sexy at bata," ayokong maging exaggerated pero hinihingal siya habang sinasabi ang mga 'yon na mas nagpailang sa akin. "Ligtas ka sa mga aatake sa akin maliban sa mama ko. Wala ka namang kailangang gawin kundi manatiling maganda at matapang."

Paano niya naman nalaman na matapang ako?

Sinagot niya ang tanong na dumaan sa mata ko. "Mas madali siguro kitang nakukumbinsi kung bibisita ka sa Rainbow City."

Sapat na yon para mayanig niya ako ng todo. Sa halos sampung taon ko sa lungsod, wala pang nakakaalam sa ikalawang tahanan ko.

Krimen ang malaman 'yon ng iba.

Ang pagkamangha ko habang nakatitig sa kanya ang nagsabi na higit sa sinabi niya ang nalalaman niya. At oo, kasalanan ko na rin dahil sa ekspresyon ko ngayon nakasulat na sa noo ko ang mas maraming bagay.

Pagtakas lang ang una kong naisip gawin.

Tinalikuran ko siya at nagmartsa ako palabas.

Sana.

Pero nahuli niya ako sa pulso, at nagawa niya akong ipihit paharap sa kanya.

"Huwag mo akong takasan, Frey."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status