Share

HER HIDDEN DESIRE

FREY

KAILAN ang huling period ko?

Naiwan sa isip ko ang huling tanong ni Dark kahit nakabalik na ako sa bahay.

Inihagis ko sa ibabaw ng kama ko ang mga bagay na galing sa kanya bago kami maghiwalay at namaluktot ako sa ibabaw ng kama habang nakatitig sa mga yon.

Susi ng beach house na puede raw naming bisitahin anytime at unlimited credit card.

Nagagalit ako sa sarili ko dahil parang ang tanga tanga ko.

Ano bang naisip ko at narito ako ngayon sa sitwasyong ito?

At bakit naiinis ako dahil sa huling tanong na iyon ni Dark na ang dating sa akin ay sanay na sanay siya sa babae.

Sabagay sa gaya niyang guapo, kaakit-akit at napakayaman siguro kahit hindi siya mag flirt sa ibang babae makakaiskor siya ng libreng orgasm.

Ako nga, nakalimot agad sa harap niya dahil sa parehong dahilan. Nataranta ako at kung ano ano tuloy ang nasabi ko.

Kailangan kong aminin yon dahil ako mismo ang naglagay sa sarili ko sa kabaliwang ito.

Madali raw tanggapin ang mga bagay kung hindi ka maninisi ng ibang tao at
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status