Share

THE MONSTER IN HIS CLOSET

FREY

Ngumisi ako sa sinabi ni Dark.

"Sobra pa sa sapat ang ibinayad mo sa akin. At isa pa, nag enjoy ako sa kama mo kaya wala na akong dapat balikan pa." Huhulaan ko na hindi siya basta susuko kaya tumayo na ako para pumunta sa bathroom.

Nanlalagkit ako sa pawis at kailangan kong maligo.

Busog nga ako sa sex pero literal na gutom. Hindi rin ako nakakain nang maayos kagabi dahil sunod-sunod ang tawag sa phone niya at alam kong maraming problema.

Busy siya sa araw sa dami ng negosyo na hawak niya at ginagawa niya akong pahinga sa gabi.

Para siyang makina o dios at ako ang sobrang napapagod.

"Frey...."

"Nagugutom ako," angil ko sa kanya. "Wala akong ibang kailangan kundi pagkain."

"Naihanda ko na habang natutulog ka." Tinapunan niya ng tingin ang trolley sa paanan ng kama. Gaya ng mga unang araw, siya rin ang cook sa aming dalawa.

At ngayon ko lang napansin, nagliliwanag na sa labas ng bahay.

Kung ganon, isang maghapon na lang ang mayroon kami.

"Salamat."

"Handa akong maghintay sa tira-tira mong oras. Kahit gaano katagal kaya huwag mo sana akong pagtaguan."

Saan nanggaling 'yon?

"Nakalimutan mo ang nag iisa kong request bago ko pirmahan ang kontrata. Pagkatapos nito, hindi na tayo magkikita."

"Ginawa ang mga patakaran para baliin."

Hindi na ako sumagot. Sa mahabang panahon ng mga paghihirap ko kasama ang mama ko, natutunan ko ang isang bagay para hindi ako mabaliw.

Kaya kong magreset ng utak at sabihin sa sarili kong hindi nangyari ang lahat sa pagitan namin ni Dark gaano man kaganda ang lahat nang 'yon.

Paghihiganti lang ang dahilan kaya ako nabubuhay. At pag nagawa ko na 'yon wala na akong mahihiling pa.

Aaminin kong may mga oras na nakakalimot ako, pero iba na pala kapag may hawak ka nang pera:

Hahanapin ko si Ray at tatapusin ko siya.

Hinarap ako ni Dark dahil hindi ako sumagot pero biglang tumunog ang phone niya.

Nagmamadali siyang nagbihis at halos liparin ang palabas ng silid.

Gaya niyan, sa dami ng problema niya, dadagdag pa ba ako?

--------------

DARK

"KAHIT kailan hindi ako tumakas sa responsibilidad ko, mama. Bakit kailangan mo pa akong puntahan ngayon?"

Alam kong hindi nakakaintindi si Victoria kaya sasalubungin ko na siya bago pa umabot sa resthouse. "Kahit minsan ba hindi ko puedeng gawin ang gusto ko?"

Kahapon pa niya binubulabog ang phone ko.

Minsan ko na lang uli naramdaman na tao pala ako pero heto na naman kami. Sisirain na naman ang kaligayahan ko ngayon.

Si Frey.

Si Frey na hindi ko magawang itakas habang natutulog bago pa dumating si mama.

Wala akong karapatan na idamay siya sa drama ng buhay ko.

Minsan totoong ipinagpapasalamat ko na baliw ang aking ina at masaya na sa pagpapanggap na banal sa loob ng mga chapels pero madalas hinihiling ko na sana hindi na ako ipinanganak.

Kung wala lang ang mga kapatid ko, wala na rin sigurong dahilan para gustuhin ko pang mabuhay.

Sinakal ko ang manibela para imaniobra ang sasakyan palabas. Pero huli na dahil nakahambalang na sa entrada ng gate ang kotse ni mama.

Umikot ang utak ko sa pagkatuliro. Ang mga kapatid ko, tumulong sila sa akin para maging tahimik ang bakasyon ko na ito....ano kaya ang nangyari?

Huminto ang puso ko nang bumukas ang pintuan ng BMW. Pakiramdam ko sinakluban na naman ako langit.

Naunang lumabas si Simon, ang all around PA, bodyguard at Lawyer ng nanay ko. Na tumanda na lang sa paglilinis ng kalat at eskandalo ng una. One sided love affair ang namamagitan sa kanila kahit kasal sila.

At si Simon lang ang nagmamahal. Hindi ko masabing lover siya ni mama kahit siya ang nagpapanggap na tatay namin. Naming limang magkakapatid na anak ni Victoria sa iba't-ibang lalaki.

Diyosa at napakaganda pa rin ni Victoria sa edad na 55. Marami pa rin ang nakapila sa atensyon niya. Kaya naman wala na yatang pag asa na magbago.

Malignant narcissist ang aking ina.

Nauna itong pumasok sa loob kahit hindi pa ako tinatapunan nang tingin. Maingat na humahakbang sa sementadong pathway na parang walang delubyong dala.

Sumunod ako sa kanya, sa likuran ko si Simon.

At nagsimula na naman ako sa walk of shame.

Dear God, kelan ba ito matatapos?

------------------

FREY

ALAM na alam ko ang tunog nang sinasampal nang paulit-ulit. Dahil personal ko 'yong naranasan.

Kilalang pulitiko ang step-dad ko pero buktot at abusado.

Duwag naman si mama kaya kapag lango sa droga ang lalaking pinakasalan halos kalilibing lang ni papa, kahit ang umiyak nang tahimik naging talent na niya.

Nasa harap ko na ngayon ang almusal na inihanda ni Dark: sausages, bacon, sunny side up egg at fresh orange juice na titikman ko na sana pero naramdaman kong parang may taong dumating.

Narating ko agad ang upper landing ng matayog na hagdan.

Hindi ako nagkamali, may ibang tao sa ibaba at sinasampal si Dark.

Kumuyom ang palad ko at hindi ako makahinga. Pamilyar ako sa karahasan. At walang mintis nitong binubuhay ang galit ko sa mundo.

Galit na nagtutulak sa akin na hindi makapag isip gaya ngayon.

Wala akong pakialam kung sino ang babae pero nakita ko ang submission sa kilos niya.

Mama niya kaya?

Pero kahit tama ako, ayokong sinasaktan nang kahit sino si Dark.

May maliit na vase sa paanan ko ang nasagi ko nang dumungaw ako sa ibaba, tuluyan ko 'yong itinulak para matumba para makuha ko ang atensyon nila.

Hindi 'yon nabasag pero sapat ang ingay para mapansin nila ako.

Halos sabay na tumingala ang dalawa maging ang isa pang lalaki sa entrada ng pintuan pero hindi nangyari ang eskandalong inaasahan ko.

Ilang segundo lang akong tinitigan ng babae saka tahimik na umalis.

Ang binitiwan nitong handbag, pinulot ng kasama nitong lalaki at wala ring kibo na sumunod sa una.

Akala ko lalapitan ako ni Dark pero sumunod rin siya sa mga taong dumating.

Naiwan akong nanginginig at hindi makapaniwala.

Wala naman talaga akong pakialam pero bakit ako nag aalala?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status