Share

THE POSSESIVE BOSS

FREY

"KANINA ka pa ba?"

7:30 ng gabi, gulat na gulat si Logan nang makita niya akong naghihintay sa labas ng sikat na pizza house.

Binigyan niya ako nang pamatay na ngiti at nagbeso siya sa akin, pinagpagan ko naman ang alikabok sa uniform niya sa Food Panda.

Ang isang bagay na sobra kong hinahangaan sa kanya ay napakatotoo niyang tao. Walang ere kahit dating mayaman at pinili ang napakahirap na buhay para maging malaya.

Ang pakiramdam ng walang tali sa buhay ko ay isa sa ipagpapasalamat ko talaga nang lubos.

Yong mahigit isang dekada na nakakulong ako sa mga bawal at ikinahon kami ni Ray ng nanay ko ang pinakamalala.

Kaya alam ko kung gaano kahalaga sa akin ang pakiramdam na nagagawa mo ang lahat ng gusto mo.

Hinuli ni Logan ang kamay ko at pinunasan ng panyo niya. "Ano ka ba? Hindi na tayo mga bata. Marurumihan ka niyan, eh." Ikinulong niya ang mukha ko sa loob ng mga kamay niya pagkatapos at pinakatitigan akong mabuti. "My God, mas lalo kang gumanda."

Naaliw ako sa hitsura niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status