Share

BLOOD AND TIES

DARK

TINAWAGAN ko si Reon.

"Kuya, nasundan ako ni mama sa resthouse. Ano ba'ng nangyari?"

Ang dami ko ring pinagdaanan para makapagtago kami ni Frey pero wala rin palang silbi.

Alam kong darating si mama sa resthouse kaya kagabi pa ako hindi mapakali.

Pakiramdam ko hindi ko na uli makikita si Frey.

Masama talaga ang loob ko dahil ni hindi ko nagawang magpaalam sa babaing gusto ko. Pakiramdam ko mababa pa ang halaga ko sa tubig sa imburnal o sa laman ng poso negro.

Wala akong kuwenta.

Isusumpa ako ng babaing 'yon sigurado ako.

Pero kung mas magagalit si mama, baka hindi ko rin mapatawad ang sarili ko. Sasaktan nito ang sarili nito o maglalaslas ng pulso sa paraang hindi naman ito mamamatay.

Gagawin nito ang lahat para mag alala ako hanggang sa sumunod ako sa mga kapritso nito, damay ang mga taong nasa paligid.

Endless ang kayang gawin ng nanay ko makuha lang ang atensyon ng sinoman sa kanyang mga supply.

Sanay na kami dito pero hanggang ngayon hindi pa rin 'yon maiwasan.

Hirap na hirap kaming lima para kahit paano ay mamuhay kami nang normal.

Dahil para sa narcs, mga dios sila at wala kang karapatan na maunang tumalikod.

Gamit ka lang kahit anak ka kahit pa iisa kayo ng dugo at laman.

Kailangan ko rin ng leverage bago umabot sa bargaining mamaya.

Kung wala akong maibibigay kapalit ng pagkakamali ko, may hihingin itong pabor na mahirap gawin.

Napakadaya kasi dahil ang mga kapatid ko hindi nahuhuli ni mama sa mga ganito.

O akala ko lang 'yon?

"Mas malaki ang problema ni, Khal." Ikatlo sa aming magkakapatid. "Buntis ang gf niya at nakunan dahil din kay mama. Pagdating ninyo sa bahay, ungkatin mo ang tungkol sa merger ng kumpanya ko at kumpanyang hawak mo. Hindi ka niya matatanggihan."

"Ano ang puede kong sabihin para maniwala siya sa akin tungkol dito."

"Sabihin mong unahin niya ang problema ni Simon. He was ill for the longest time. Mukhang balak ni mama na sa poder pa niya malagutan ng hininga ang masokistang lalaki na 'yon "

Sa gitna naming lahat siya ang pinakamatibay na haligi. Nakakainggit ang disposisyon niya sa buhay.

Kaya naman batas ang salita niya at nag iisang kinatatakutan ni mama.

Lahat ng kapatid ko, sampu ng pag aari nila ay bunga ng sariling sikap, pawis at dugo habang nakikipagpatintero kami sa eskandalo.

Dahil panganay, si Reon ang gumawa ng paraan para makawala sa anino ni mama ang 3 pa naming kapatid dahil isinusuka niya ang mental health condition nito.

Ako lang ang naiiba dahil hawak ko ang lahat ng nahuthot ni mama sa mga lalaking nakarelasyon nito.

Nakatali sa yaman na iyon ang katinuan ng aking ina. Mababaliw ito kapag bumababa ang kita nito at pakinabang kaya hindi ako puedeng magpabaya.

Alam ko ring isa sa mga araw na ito puede nito akong ipakasal kahit kanino.

Hindi lang nito magawang panggigilan ang issue dahil kay Reon.

"Kamusta ang girlfriend mo?" si Reon sa gitna ng paglipad ng isip ko.

"Kakausapin ko si Sky kung matutulungan niya ako."

Si Sky ang nag iisang hybrid sa pamilya namin. Bunso pero mortal na kaaway ni mama. Siya lang ang nag iisang nakakabasa kung paano mag isip ang huli.

Si Martin, ang sumunod kay Reon ay mahirap mahagilap dahil Tech Business nito sa loob at labas ng bansa.

"Ako na ang bahala. Mag focus ka sa pag uusap ninyo ni mama."

Nawala na siya sa kabilang linya.

Medyo gumaan na agad ang loob ko dahil may mga kapatid akong maaasahan.

Malakas rin ang kutob ko na pareho kami ni Frey ng nararamdaman.

At kaunting panahon lang ang kailangan para marealize niyon na ako ang lalaking para sa kanya.

Ako lang at wala ng iba.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status