Kakagising ko lang nang biglang pumasok si mama sa kwarto ko, Hingal pa ito na akala mo ay may humahabol sa kanya. “May naghahanap sayo sa labas lyn.” Nagtaka ako sa tinuran ni mama kaya naman napakunot ang noo ko. “Sino?” Tanung ko kay mama. “Hindi ko alam mga naka business suit,” sagot ni mama tapos ay bigla akong dinuro at pinanlakihan ako ng mata “May utang kabang tinakbuhan mga mukhang maniningil ng utang e? “Luh si mama,” inismiran ko ito “sino naman uutangan ko,” nakangusong tanung ko sa kanya. Huminga ito ng malalim. “Mabuti naman akala ko ay may inutangan ka sige na harapin mo na ang mga taong yun.” Napailing nalang akong natawa sa kanya tapos ay lumabas na ito ng kwarto ko agad naman akong sumunod dito. Bahagya ko pang sinilip ang labas, may mga lalaki nga na nakaabang sa akin tapos ay naka shades pa. nakaramdam tuloy ako ng takot. Subalit nilabas ko parin sila kahit na wala akong suot na panloob. Manlalaban nalang ako kung sakaling may gawin silang masama sa
Ma’am Lyn mag cr kana po. Napalingon ako kay claire ng tawagin nya ang pangalan ko abala ako sa pag eemail dito sa back office para sa mga out of stocks na gamot, tatlo lang kasi kami ngayon dito sa pharmacy kaya naman hindi pwedeng sabay kaming mag ccr. Sige claire kayo muna bahala sa store babalik ako agad sasabog na pantog ko. “Okay ma’am. Nagmamadali akong lumabas para mag cr, halos takbuhin ko ang escalator dahil nasa 2nd floor pa ang banyo. Napalingon ako sa paligid, napapansin ko kasi yung mga janitor na nakatingin sakin pagkatapos ay parang nag raradyo. Hindi ko na gaanong pinag tuunan yun ng pansin inisip ko nalang na baka naguusap lang sila nang mga katrabaho nila. dumiretso ako sa cr.Pagpasok ko ay occupied ang isang cubicle na nasa unahan kaya naman sa katapat ng cubicle na yun ako nag cr.Whooo, usal ko ng mailabas ko ang kanina ko pa pinipigilan kung bakit ba naman kasi iniwanan ako ng supervisor ko ngayon, hindi kasi ito nagsipasok ngayon kaya naman nahirapan ako
Nagising ako sa naririnig kong alon, hindi ko matukoy kung guni guni ko lang ba yun o talagang malapit ako sa dagat. “Breakfast is ready,” agad akong napabalikwas ng bangon ng marinig ko ang baritonong boses ni jervis, nakapantulog ito pero ang pagkalalaki gising na gising. Agad akong Umiwas nang tingin ng mapansin nya na dun ako nakatingin .ngumisi ito na parang aso. “You want to touch it? Tanung nito inis ko siyang tinitigan. “ he missed you,”’ sinamaan ko ito ng tingin. “What do you want from me!,” san mo ko dinala? Galit kong tanung sa kanya. Hindi ito sumagot bagkus ay umupo ito sa gilid ng kama at pinatong ang tray na may pagkain. “ we are at balabac palawan,” sa wakas ay sinagot nito ang tanung ko. nanlaki ang mga mata ko. “What! I hate you i hate you,” galit na galit ko siyang pinag hahampas nang marinig ko yun. “Matatapon yung pagkain maaga ko pa naman niluto to para sayo! Mariin nitong sambit tapos ay hinawakan ang mga kamay ko. Iniwas nya sakin ang pa
Dein Leigh! Sigaw ko habang tumatakbo palapit sa anak ko. Dein wag ka lumayo! Sigaw ako ng sigaw subalit malungkot ang mata ng batang naglakad patungo sa dilim. Dein! Iyak ako ng iyak ng mawala siya sa paningin ko. Dein dein!!! Lyn wake up!” Pagmulat ng mata ko ay mukha ni jervis ang nakita ko, habol ko ang hininga na parang nakipag habulan. Lumingon ako kay jervis na puno ng galit tapos ay agad na dinapuan ng palad ito sa mukha. Fuck you jervis! Singhal ko sa kanya “bakit mo ako dinala dito are you trying to ruin my life!?” Umiiyak kong sambit sa kanya.Malamig ang tinging ipinukol niya sakin. “Because i want you to stay with me forever,” Selfish ka Sigaw ko! Lumapit ako sa kanya at sinutok suntok ang dibdib niya hindi niya ako pinigilan subalit ramdam ko ang pagpipigil nya ng galit sa ginagawa ko. Ang mga panga niya ay nag iigtingan. “Ako pa ang selfish ngayon lyn? After what you did to me,” may hinanakit sa tinig nito. hindi ako nakasagot dun, kaya sa galit ko ay lumabas
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sama ng pakiramdam ko, tila mainit ang ilong ko at parang sisipunin. Bumangon ako dumiretso sa banyo at nakapikit na nag sipilyo, pumapasok sa isip ko ang nangyari kagabi kung di kaba naman tanga lyn bakit ka kasi tumalon. Nanghinina akong lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan, naabutan ko pa nga si manang na naghahanda ng almusal, kumalam tuloy ang sikmura ko hindi kasi ako nakakain kagabi dahil sa nangyari. “Magandang umaga po ma’am,” nakangiting bati nito sakin ngumiti din ako sa kanya. “Good morning po,” bati ko rin dito “Upo kana ma’am ipinagluto ko na po kayo binilin po ito saakin kanina ni sir Jervis sabi niya paborito mo raw ho ito,” nakangiting wika nito. “So gising na siya?” Tumaas ang kilay ko. “Opo ma’am nagtatrabaho po siya ngayon,” sagot ni manang. Hindi na ako sumagot, bagkus ay umupo na lamang ako at pinagmasdan si manang na ihanda ang pagkain sa hapag. Meron doong hotdog itlog fried rice at pusit na tuyo mulin
— F L A S H B A C K —Masakit ang mga paang napatingin ako sa mataas na building ng Pedle/Vie⚕️ Pharmaceutical ilang minuto nalang late na ako sa appointment ko. Pumasok ako sa building agad hiningi ng guard ang id ko at pinaglog, nakakainis ang daming checheburetche nang matapos ay agad akong tumakbo Hapong hapo ako at nagmamadaling pinindot ang elevator. “Kainis nakaakyat na!,” pagdadabog ko. Ilang minuto pa ang inantay ko bago magbukas ang isang elevator agad akong pumasok dun pero bago yun magsara ay may kamay na pumigil dun. ‘’Wala akong time maging mabait ngayon. “ angil ko balak ko pa sanang pindutin ang button para sumara ng tuluyan yung elevator pero Muling bumukas yun na ikinatangis ng bagang ko.Nagkasalubong kami ng tingin ng lalaking pumasok sa elevator handa akong ipakita ang nakasimangot kong mukha subalit halos malaglag ang panty kong suot nang masilayan ko kung gano ito kagwapo nakadagdag pa ang suot nitong itim na business suit. He was, well, different from all
Wala sa sariling umupo ako muntik pa nga ako matumba dahil hindi ko napansin na malayo pa pala sakin ang upuan. “Hays nakakawala ng poise,” bulong ko sa sarili. Lumapit ang lalaki at umupo sa mesa kaharap ko kinuha ang resume ko at binasa, walang emosyon ang mga mukha nito at parang hindi na eempress sa nakikita. Wala ring emosyon ang mga mata nitong tumingin sakin nagtama ang paningin namin, dumagongdong sa kaba ang puso ko pero hindi ako nagpa halata gusto kong makapasa dito kahit anong mangyari. “ My company need experienced workers and you don’t have any working experience yet so how can you changed my mind and hired you?” Sandalı akong natigilan sa tanung niya unang tanung palang ay parang mangungulelat na ako, alam ko naman na experienced ang hinahanap nila subalit nagpasa parin ako nagbabakasakali na matawag para sa interview hindi naman ako nabigo. As a fresher, I bring a lot to the table in terms of skill and ability. I am very flexible and adaptive to learn
Mahina na po ang kidney ng asawa nyo misis mag didialysis na po sya, anang doctor, pinapakinggan ko lang ang sinasabi niya habang nakatingin sa papa kong walang malay. “Kung may mag dodonate naman po ng kidney sa asawa nyo ay maaari natin siyang operahan, yung nga lang po malaki po talaga ang gastusan nun.” Saad pa ng doctor na lalong nagpaiyak sa mama ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa narinig ko, parang doble ang dagok na nangyari sakin ngayong araw na to. Yung manyakis na may ari ng pedle/Vie pharmaceutical na gusto ako maging slave. tapos ngayon si papa mag didialysis. Inihiga ko ang ulo sa hospital bed nang mag vibrate ang cellphone ko. May email na pumasok sakin napa buntong hininga ako ng makita ko na inemail nga sakin ng manyakis ang number niya. “Mga magkano po kaya ang magiging gastos sa operasyon dok? “ rinig ko pang tanung ni mama. “Estimated po 1.5 to 2 million pesos. Anang doctor tumulo nalang ang luha ko sa narinig, humagulgol si mama na para bang