Share

Chapter 6

Wala sa sariling umupo ako muntik pa nga ako matumba dahil hindi ko napansin na malayo pa pala sakin ang upuan.

“Hays nakakawala ng poise,” bulong ko sa sarili.

Lumapit ang lalaki at umupo sa mesa kaharap ko kinuha ang resume ko at binasa, walang emosyon ang mga mukha nito at parang hindi na eempress sa nakikita.

Wala ring emosyon ang mga mata nitong tumingin sakin nagtama ang paningin namin, dumagongdong sa kaba ang puso ko pero hindi ako nagpa halata gusto kong makapasa dito kahit anong mangyari.

“ My company need experienced workers and you don’t have any working experience yet so how can you changed my mind and hired you?”

Sandalı akong natigilan sa tanung niya unang tanung palang ay parang mangungulelat na ako, alam ko naman na experienced ang hinahanap nila subalit nagpasa parin ako nagbabakasakali na matawag para sa interview hindi naman ako nabigo.

As a fresher, I bring a lot to the table in terms of skill and ability. I am very flexible and adaptive to learning new things, which means I will be able to contribute something capable to the growth of the company. Sagot ko.

sumilay ang nakakalokong ngiti ng kausap ko. Halos mamutla na rin ako sa sobrang kaba.

“Okay so you are applying as pharmacist right? Tumango ako.

“Im sorry, you are not qualified for this position-

“Pano pong hindi? Naginit ang tenga at mukha ko sa inis ng sabihin niya yun, hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita. Nagtagalog na ako at tumayo inilagay ko ang dalawang kamay sa mesa na nakaharap sa kanya. “im a licensed pharmacist naman po?

Inayos naman nito ang necktie at tumayo rin nilapit nito ang mukha niya sa mukha ko dahilan para halos magka duling ako.

“Being licensed is not enough in my company you need a lot of experience to qualify,” anas nito tapos ay ibinaba na ang resume ko.

“Then hired me, hamon ko” ipapakita ko sayo yung skills na mas magaling sa mga experienced na,” lumayo ako sa kanya bago nagsalita mahirap na baka may amoy na bibig ko wala pa akong kain.

Tumawa ito ng mahina at kagat ang labing umiling,” i like your confidence huh.

“Yes sir because i know what my capabilities. hindi po ako gagraduate na magna cumlaude ng wala lang,” pagyayabang ko.

“HAHAHA! lalo lang ako nainis sa tawa nito. umalis ito sa mesa at lumapit sakin medyo natakot pa nga ako sa paraan ng pagtingin niya, Subalit hinayaan ko siyang tuluyang makalapit sakin binaba nito ang ulo sa bandang tenga ko

“You’re hired,” bulong nito sakin nanlaki ang mata ko sa tuwa.

Lumabas ako nang Ceo’s Office na abot langit ang ngiti,hanggang sa paguwi ko ay hindi parin napapawi ang saya nang araw na iyon.

nasa tapat na ako ng botika namin ng makita ko si mama na abala sa pag bebenta ng gamot pharmacist din si mama pero mas pinili nito na magtayo ng botika para daw hawak niya ang oras niya. agad akong lumapit sa kanya at binalita ang magandang nangyari sakin.

“Ma nakapasa ako!!! Sigaw ko sa harap ng botika namin saglit na nagulat si mama pero agad ding rumihestro ang saya sa mukha niya.

“Congratulations anak! Sigaw din ni mama.

Umalis ako sa harap ng botika namin nang mapansin ko na nagulat ang isang customer ni mama pumasok nalang ako sa bahay at doon ay masaya kong ibinalita sa kanila ang nangyari.

Ipinamalita ko rin yun sa mga kaibigan ko agad nila akong binati at sinabing sana all daw hindi kasi sila pumasa dun nung nag attempt sila kaya pakiramdam ko ay sobra sobra ang swerte ko.

Kinabukasan ay bumalik ako sa pharmaceutical para pumirma ng kontrata kahapon kasi ay nag email sila sakin. nanlaki pa nga ang mga mata ko sa salary offer nila sakin.

“PHP150,000 shit totoo ba to? Bulong ko sa sarili tapos ay pinirmahan agad yung contract mahirap na baka bawiin irereklamo ko sila pag binabaan pa nila yan.

Abala ako pagpirma nang maamoy ko ang pamilyar na pabango, yung lalaking kasabay ko sa elevator kahapon. Inangat ko ang tingin ko at agad nagsalubong ang tingin naming dalawa.

“Did you read it before you signed it? Tanung nito tumango ako pero ang totoo hindi ko talaga binasa . ang haba haba kasi english pa ang importante lang sakin ay yung may kaugnayan sa salary yun lang binasa ko.

Sumilay ang munting ngiti sa labi ng lalaki tapos ay umupo sa harapan ko.

“You’re not just a pharmacist now,” sambit nito “you are also my woman.” Tapos ay hinablot ang kontratang kanina ay pinipirmahan ko.

Parang nabingi ako sa sinabi niya taka akong tiningnan ang mukha niya.

“For now on you are not allowed to talk with other men unless they are your co worker its clear because you signed the contract. “

Natigilan ako, shit! Ngayon palang ay gusto ko nang bawiin at basahin muna ang kontrata kaya pala ganun ang offer niya sakin yun pala ay may iba pa tong agenda.

“Pwede paba akong tumanggi? Tanung ko ngumisi siya.

“Yes pero hindi ka na magtatrabaho sa company ko.”

Nalungkot ako sa narinig ko natanggap nga ako hindi lang pala pharmacist ang kailangan niya. Ibang skills at experience pa nga ata ang gusto nito

Tumayo ako at inirapan siya inagaw ko yung papel at pinunit sa harapan niya.

“Hindi nabibili ang dignidad ko! Angil ko sa kanya tapos ay agad siyang tinalikuran.

“You can call me pag nagbago isip mo i will emailed you my number,” pahabol nito bago ako tuluyang makalabas ng pinto.

Nanlulumo akong umuwi sa bahay, kahapon lang ay masaya ako dahil natanggap ako kabaligtaran naman ngayon malapit na ako sa bahay nang marinig ko ang pagsigaw ni mama. nagmamadali akong pumasok sa bahay naabutan ko na nakahandusay si papa sa sahig at walang malay.

Pa! Tarantang sigaw ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status