Kinabukasan ay maagang umalis sila Mama para mag tungo sa dialysis center, kaya pag gising ko ay nakatakip na pagkain nalang ang naabutan ko. Maging ang pharmacy namin ay sarado pa kasi wala naman kaming ibang aasahan sa pagtitinda doon pag wala si mama. Kumain ako naligo at agad na umalis patungo sa trabaho, nakahanda na din ako kung sakali mang tatanggalin na ako ni Jervis dahil sa nangyari kahapon. Maghahanap nalang ako kaagad ng trabaho kahit community pharmacy lang. Pagkadating ko sa elevator dito sa aking pinagtatrabahuan ay agad kong pinindot ang up button. Habang nagaantay ay napansin ko ang mga nagbubulungan sa paligid habang nakatingin sa direksyon palabas. paglingon ko ay agad nagsalubong ang tingin namin ng lalaking patungo sa pwesto ko May pagkakahawig kay Jervis ang lalaki. pero para sa akin ay mas Gwapo si Jervis mukhang mas bata ito ng ilang taon kay Jervis. Matangkad din ito pero mas maliit ang katawan nito. Mukhang nag aabang din ito ng elevator paakyat, m
Dumaan pa ang isang buwan hindi parin bumabalik si Jervis dito sa pilipinas. Hindi ko ginalaw ang perang naka deposito sa payroll ko. Balak ko sanang ibalik yung sobra sa kanya. Kung ano lang ang nasa kontrata yun lang ang ginalaw ko. Malaking tulong din sa amin ang sinasahod ko. dahil hindi kami nagigipit kahit nagdidialysis si papa, nakakapag restock parin si mama ng mga gamot na tinitinda niya sa pharmacy niya. Isa nanamang araw na papasok ako sa trabaho, Isang araw na sisikmurahin ang pahapyaw na pagpaparinig ni angelica. Hindi ko na ito masyadong pinagtutuunan ng pansin. Kung patulan ko man siya ay pahapyaw nalang din masyadong matalas ang tabas ng dila ko baka magwala lang siya kung di ko makokontrol ang salitang lalabas sa bibig ko. Hindi ko masyadong napansin si Joseph ngayong araw na ito, madalas kasi itong nasa production. Hindi ko malaman pero madalas ko siyang napapansin na nakatingin sa akin.minsan mahuhuli ko itong kumukuha ng litrato sa gawi ko tapos ay tatawa tawa
“Baby let's talk,” Masamang masama ang tinging ipinukol ko sa kanya Habang nakatingin kami sa isat isa, Subalit sa Tindi ng hilo ko ay hindi na ako makatanggi sa kanya. iniwas ko na lamang ang tingin at tinalikuran siya. Tuluyan na nga nitong minaneho ang sasakyan nya.Sa daan ay nakatingin lang ako sa mga ilaw ng sasakyan na kasabay namin. bumibigat ang mga mata ko sa antok pero ayokong matulog. Hindi koSiya gustong makausap. pakiramdam ko kasi ay bibigay nanaman ang puso ko sa pananabik ko sa kanya.Subalit hindi ko na kinaya ang hilo at antok na nararamdaman. bago ko ipikit ang mga mata ay napansin ko na ipinarada nito ang sasakyan sa parking lot ng kanyang condominium.Nagising ako sa matinding pananakit ng ulo, iginala ko ang paningin nang mapagtanto na dinala ako ni Jervis sa unit niya. Agad akong bumangon at handa ng umalis ng pumasok ito sa kwarto. Nakapantulog pa itong kulay silver na silk ang tela. ang buhok ay medyo magulo at mukhang kagigising lang may dala itong tray ng
lumipas ang isang linggo matapos ang naging paguusap namin ni Jervis. Bago pa nga kami maghiwalay nang araw na iyon ay ilang ulit pa niyang sinabi na ako daw ay Girlfriend na niya. binalik ko din ang ibang perang naideposito niya sa account ko nung una ay ayaw niyang tanggapin subalit pinilit ko paring ibalik sa kanya kinuha ko lamang ang amount na pinagusapan namin. Sa huli ay wala siyang nagawa. kunin ko nalang daw ulit pag kailangan ko na. Napapangiti nalang ako kapag naiisip ko ang mga sandaling iyon. At ito nga nakaupo kami ngayon sama sama nila mama at papa sa sala nanonood ng TV inaabangan ko ang guesting ni Jervis sa isang talkshow. Panoorin ko daw siya pinipilit pa nga akong isama sa studio pero tumanggi ako dahil hindi rin ako sanay sa mga ganun. Lumabas sa tv ang babaeng host na nakangiti. “Good evening everyone, Today is really special for me dahil sa wakas ay pumayag na rin na mag guest dito sa ating programa ang ceo ng isa sa pinaka matagumpay na pharmaceutical di
-A N G E L I C A’ S P O V- “Magsisisi kang babae ka bakit minahal mo ang lalaking pagaari ko na. Galit na galit akong pinapanood sila Jervis at Lyn habang ako ay nakasakay sa sasakyan ko malapit sa kanila. pasakay na ng sasakyan si Jervis nang halikan siya nito sa labi. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang mga ngiti ni lyn habang pinapanood si Jervis na sumakay ng sasakyan. Bakas sa babae ang kilig. Sino ba naman hindi kikiligin sa lalaking mapapangasawa ko?I met Jervis when I was in grade school. Simula noon ay hindi na ako tumigil sa pagpapapansin dito. Snob at masungit si Jervis halos hindi ito ngumingiti kaya hindi ko matanggap na isang hampaslupang kagaya lang ni Lyn ngingiti ang lalaking minamahal noon pa. Nag confess ako nang pag ibig ko kay Jervis nang nasa kolehiyo na kami. subalit ang sagot nito ay hindi daw niya ako gusto at hindi naging interesado sa akin grabe ang iniyak ko nun halos hindi na ako pumasok sa school dahil sa pag reject sa akin ni Jervis. pero Dahil a
Iminulat ko ang mata nang manuot sa ilong ko ang kaaya ayang amoy ng lavender na madalas maamoy sa mga hotel. Subalit agad ding napabalikwas nang mapagtanto ko na hindi ko kwarto ang tinulugan ko.Napatingin ako sa kasuotan ko naka sando na lamang ako. Ang uniform ko ay nagkalat sa paligid napapikit ako nang maalala ang lalaking nag spray ng pabango sa akin. Agad akong bumangon at dali daling nagbihis tapos ay lumabas na ng hotel na yun para umuwi sa bahay. Alas dose na pala ng madaling araw pag check ko nang cellphone ko naka 200 missed call na si Jervis si mama naman ay 10 beses. “Nagaalala na tong mga to,” napakamot ako sa ulo ko tapos ay pinara ang taxing dumaan. Pagdating ko sa bahay ay agad kong napansin si mama na nakaupo sa sofa, chinicheck nito ang mga gamot ni papa na nasa reseta agad itong napatingin sa akin ng maramdaman nito ang presensya ko. “Nawiwili ka nang umuwi ng gabi tapos ay di ka nagsasabi,” may bahid ng galit ang tinig ni mama ikukwento ko sana ang nangy
“Ano kaba naman Jervis, talagang kinareer mo yung manggulat noh? Singhal ko sa kanya pagkatapos ay nagpumiglas sa kanya dahil hawak niya ang magkabilang braso ko. “I Just wanna talk to you,” malumanay na wika nito inirapan ko ito agad. “Bakit? Tumaas ang kilay ko “Just get in the car,” utos nito napaismid ako sa kanya hindi ko sinunod ang gusto niya bagkus ay naglakad ako ng mabilis ramdam ko naman ang sasakyan niya na sumusunod sa likuran ko. “Baby, get in the car,” pakiusap nito pero nag bingi bingihan ako. Masama ang loob ko sa kumag na to. Maya maya ay naramdaman ko na binagsak nito ang pinto ng sasakyan niya nang lingunin ko ito ay nabigla ako nang mapagtantong palapit na pala ito sa akin. “Anong gagawin mo? Tanung ko sa kanya subalit hindi ito sumagot bagkus ay binuhat ako nito na parang isang sako ng bigas. “Ibaba mo nga ako! Sigaw ko sa kanya tapos ay hinampas ang likuran niya habang ito ay tuloy tuloy lang sa paglalakad pabalik sa sasakyan niya. Binuksa
Kinabukasan ay maaga akong pumasok ng trabaho. Balak ko kasing hanapin ang lalaking nagpaamoy sa akin ng pabango gusto kong ipakita sa kanila na mali ang banggain ako. Dinaanan ko ang lugar kong saan ako nacorner ng lalaki, bigo akong makita siya doon subalit malakas ang pakiramdam ko na naroon lamang ang lalaking yun. May nakita akong 7/11 sa paligid kaya pumasok ako para kumain. hindi ako nakakain sa bahay dahil sa pagmamadali ko, Nahihiya rin ako kay mama dahil ginabi nanaman ako ng uwi kagabi. Mukhang hindi naman ito nagalit sa akin pero nakakahiya dahil nasita na niya ako inulit ko nanaman. Umupo ako sa mesa na kita ang labas, tulala akong ininom ang kapeng binili ko sa vending machine na nandito sa 7/11 kumuha rin ako ng sandwich para mairaos ko ang almusal ko. Pinagmasdan ko ang mga taong dumaraan doon, may nagmamadali may tumatakbo at meron din naglalakad habang may kausap sa phone. Maya maya ay may napansin akong lalaki kaya naman pinagmasdan ko itong mabuti dito s