lumipas ang isang linggo matapos ang naging paguusap namin ni Jervis. Bago pa nga kami maghiwalay nang araw na iyon ay ilang ulit pa niyang sinabi na ako daw ay Girlfriend na niya. binalik ko din ang ibang perang naideposito niya sa account ko nung una ay ayaw niyang tanggapin subalit pinilit ko paring ibalik sa kanya kinuha ko lamang ang amount na pinagusapan namin. Sa huli ay wala siyang nagawa. kunin ko nalang daw ulit pag kailangan ko na. Napapangiti nalang ako kapag naiisip ko ang mga sandaling iyon. At ito nga nakaupo kami ngayon sama sama nila mama at papa sa sala nanonood ng TV inaabangan ko ang guesting ni Jervis sa isang talkshow. Panoorin ko daw siya pinipilit pa nga akong isama sa studio pero tumanggi ako dahil hindi rin ako sanay sa mga ganun. Lumabas sa tv ang babaeng host na nakangiti. “Good evening everyone, Today is really special for me dahil sa wakas ay pumayag na rin na mag guest dito sa ating programa ang ceo ng isa sa pinaka matagumpay na pharmaceutical di
-A N G E L I C A’ S P O V- “Magsisisi kang babae ka bakit minahal mo ang lalaking pagaari ko na. Galit na galit akong pinapanood sila Jervis at Lyn habang ako ay nakasakay sa sasakyan ko malapit sa kanila. pasakay na ng sasakyan si Jervis nang halikan siya nito sa labi. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang mga ngiti ni lyn habang pinapanood si Jervis na sumakay ng sasakyan. Bakas sa babae ang kilig. Sino ba naman hindi kikiligin sa lalaking mapapangasawa ko?I met Jervis when I was in grade school. Simula noon ay hindi na ako tumigil sa pagpapapansin dito. Snob at masungit si Jervis halos hindi ito ngumingiti kaya hindi ko matanggap na isang hampaslupang kagaya lang ni Lyn ngingiti ang lalaking minamahal noon pa. Nag confess ako nang pag ibig ko kay Jervis nang nasa kolehiyo na kami. subalit ang sagot nito ay hindi daw niya ako gusto at hindi naging interesado sa akin grabe ang iniyak ko nun halos hindi na ako pumasok sa school dahil sa pag reject sa akin ni Jervis. pero Dahil a
Iminulat ko ang mata nang manuot sa ilong ko ang kaaya ayang amoy ng lavender na madalas maamoy sa mga hotel. Subalit agad ding napabalikwas nang mapagtanto ko na hindi ko kwarto ang tinulugan ko.Napatingin ako sa kasuotan ko naka sando na lamang ako. Ang uniform ko ay nagkalat sa paligid napapikit ako nang maalala ang lalaking nag spray ng pabango sa akin. Agad akong bumangon at dali daling nagbihis tapos ay lumabas na ng hotel na yun para umuwi sa bahay. Alas dose na pala ng madaling araw pag check ko nang cellphone ko naka 200 missed call na si Jervis si mama naman ay 10 beses. “Nagaalala na tong mga to,” napakamot ako sa ulo ko tapos ay pinara ang taxing dumaan. Pagdating ko sa bahay ay agad kong napansin si mama na nakaupo sa sofa, chinicheck nito ang mga gamot ni papa na nasa reseta agad itong napatingin sa akin ng maramdaman nito ang presensya ko. “Nawiwili ka nang umuwi ng gabi tapos ay di ka nagsasabi,” may bahid ng galit ang tinig ni mama ikukwento ko sana ang nangy
“Ano kaba naman Jervis, talagang kinareer mo yung manggulat noh? Singhal ko sa kanya pagkatapos ay nagpumiglas sa kanya dahil hawak niya ang magkabilang braso ko. “I Just wanna talk to you,” malumanay na wika nito inirapan ko ito agad. “Bakit? Tumaas ang kilay ko “Just get in the car,” utos nito napaismid ako sa kanya hindi ko sinunod ang gusto niya bagkus ay naglakad ako ng mabilis ramdam ko naman ang sasakyan niya na sumusunod sa likuran ko. “Baby, get in the car,” pakiusap nito pero nag bingi bingihan ako. Masama ang loob ko sa kumag na to. Maya maya ay naramdaman ko na binagsak nito ang pinto ng sasakyan niya nang lingunin ko ito ay nabigla ako nang mapagtantong palapit na pala ito sa akin. “Anong gagawin mo? Tanung ko sa kanya subalit hindi ito sumagot bagkus ay binuhat ako nito na parang isang sako ng bigas. “Ibaba mo nga ako! Sigaw ko sa kanya tapos ay hinampas ang likuran niya habang ito ay tuloy tuloy lang sa paglalakad pabalik sa sasakyan niya. Binuksa
Kinabukasan ay maaga akong pumasok ng trabaho. Balak ko kasing hanapin ang lalaking nagpaamoy sa akin ng pabango gusto kong ipakita sa kanila na mali ang banggain ako. Dinaanan ko ang lugar kong saan ako nacorner ng lalaki, bigo akong makita siya doon subalit malakas ang pakiramdam ko na naroon lamang ang lalaking yun. May nakita akong 7/11 sa paligid kaya pumasok ako para kumain. hindi ako nakakain sa bahay dahil sa pagmamadali ko, Nahihiya rin ako kay mama dahil ginabi nanaman ako ng uwi kagabi. Mukhang hindi naman ito nagalit sa akin pero nakakahiya dahil nasita na niya ako inulit ko nanaman. Umupo ako sa mesa na kita ang labas, tulala akong ininom ang kapeng binili ko sa vending machine na nandito sa 7/11 kumuha rin ako ng sandwich para mairaos ko ang almusal ko. Pinagmasdan ko ang mga taong dumaraan doon, may nagmamadali may tumatakbo at meron din naglalakad habang may kausap sa phone. Maya maya ay may napansin akong lalaki kaya naman pinagmasdan ko itong mabuti dito s
“You can't do that Jervis,” Wika in Angelica “You know my parents.” “Fuck your parents,” Singhal ni Jervis. Hindi na natuloy ni Angelica ang sasabihin. Kita ko ang gulat Sa mukha nito “Wala akong pakialam kahit anak kapa ni satanas get out of my fucking sight!” muling singhal ni Jervis tapos ay binaling ang tingin sa akin. “And you baby, I need to talk to you,” Mariing wika nito sa akin tapos ay lumapit at hinila ang kamay ko. Gusto kong pumalag dahil bahagya akong nasasaktan sa higpit ng pagkakahawak nya. Napatingin ako sa paligid habang hila parin ni Jervis ang kamay ko. naroon parin ang mga tao at pinapanood kami animo’y may nagaganap na shooting ang iba ay nagbubulungan pa. “All of you get back to work!” may awtoridad ang tinig na wika ni Jervis napasimangot ako kasi lunch break palang. Agad namang nagalisan ang mga nagkakagulo roon kabilang sila Mark Gemma at Jane. “Jervis masakit.” Reklamo ko sa kanya subalit tila bingi ito nagtungo kami sa elevator at gigil nitong pi
Kakagising ko lang nang biglang pumasok si mama sa kwarto ko, Hingal pa ito na akala mo ay may humahabol sa kanya. “May naghahanap sayo sa labas lyn.” Nagtaka ako sa tinuran ni mama kaya naman napakunot ang noo ko. “Sino?” Tanung ko kay mama. “Hindi ko alam mga naka business suit,” sagot ni mama tapos ay bigla akong dinuro at pinanlakihan ako ng mata “May utang kabang tinakbuhan mga mukhang maniningil ng utang e? “Luh si mama,” inismiran ko ito “sino naman uutangan ko,” nakangusong tanung ko sa kanya. Huminga ito ng malalim. “Mabuti naman akala ko ay may inutangan ka sige na harapin mo na ang mga taong yun.” Napailing nalang akong natawa sa kanya tapos ay lumabas na ito ng kwarto ko agad naman akong sumunod dito. Bahagya ko pang sinilip ang labas, may mga lalaki nga na nakaabang sa akin tapos ay naka shades pa. nakaramdam tuloy ako ng takot. Subalit nilabas ko parin sila kahit na wala akong suot na panloob. Manlalaban nalang ako kung sakaling may gawin silang masama sa
Ma’am Lyn mag cr kana po. Napalingon ako kay claire ng tawagin nya ang pangalan ko abala ako sa pag eemail dito sa back office para sa mga out of stocks na gamot, tatlo lang kasi kami ngayon dito sa pharmacy kaya naman hindi pwedeng sabay kaming mag ccr. Sige claire kayo muna bahala sa store babalik ako agad sasabog na pantog ko. “Okay ma’am. Nagmamadali akong lumabas para mag cr, halos takbuhin ko ang escalator dahil nasa 2nd floor pa ang banyo. Napalingon ako sa paligid, napapansin ko kasi yung mga janitor na nakatingin sakin pagkatapos ay parang nag raradyo. Hindi ko na gaanong pinag tuunan yun ng pansin inisip ko nalang na baka naguusap lang sila nang mga katrabaho nila. dumiretso ako sa cr.Pagpasok ko ay occupied ang isang cubicle na nasa unahan kaya naman sa katapat ng cubicle na yun ako nag cr.Whooo, usal ko ng mailabas ko ang kanina ko pa pinipigilan kung bakit ba naman kasi iniwanan ako ng supervisor ko ngayon, hindi kasi ito nagsipasok ngayon kaya naman nahirapan ako