Share

CHAPTER 16

Dumaan pa ang isang buwan hindi parin bumabalik si Jervis dito sa pilipinas. Hindi ko ginalaw ang perang naka deposito sa payroll ko. Balak ko sanang ibalik yung sobra sa kanya. Kung ano lang ang nasa kontrata yun lang ang ginalaw ko.

Malaking tulong din sa amin ang sinasahod ko. dahil hindi kami nagigipit kahit nagdidialysis si papa, nakakapag restock parin si mama ng mga gamot na tinitinda niya sa pharmacy niya.

Isa nanamang araw na papasok ako sa trabaho, Isang araw na sisikmurahin ang pahapyaw na pagpaparinig ni angelica. Hindi ko na ito masyadong pinagtutuunan ng pansin. Kung patulan ko man siya ay pahapyaw nalang din masyadong matalas ang tabas ng dila ko baka magwala lang siya kung di ko makokontrol ang salitang lalabas sa bibig ko.

Hindi ko masyadong napansin si Joseph ngayong araw na ito, madalas kasi itong nasa production. Hindi ko malaman pero madalas ko siyang napapansin na nakatingin sa akin.minsan mahuhuli ko itong kumukuha ng litrato sa gawi ko tapos ay tatawa tawa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status