“Ano kaba naman Jervis, talagang kinareer mo yung manggulat noh? Singhal ko sa kanya pagkatapos ay nagpumiglas sa kanya dahil hawak niya ang magkabilang braso ko. “I Just wanna talk to you,” malumanay na wika nito inirapan ko ito agad. “Bakit? Tumaas ang kilay ko “Just get in the car,” utos nito napaismid ako sa kanya hindi ko sinunod ang gusto niya bagkus ay naglakad ako ng mabilis ramdam ko naman ang sasakyan niya na sumusunod sa likuran ko. “Baby, get in the car,” pakiusap nito pero nag bingi bingihan ako. Masama ang loob ko sa kumag na to. Maya maya ay naramdaman ko na binagsak nito ang pinto ng sasakyan niya nang lingunin ko ito ay nabigla ako nang mapagtantong palapit na pala ito sa akin. “Anong gagawin mo? Tanung ko sa kanya subalit hindi ito sumagot bagkus ay binuhat ako nito na parang isang sako ng bigas. “Ibaba mo nga ako! Sigaw ko sa kanya tapos ay hinampas ang likuran niya habang ito ay tuloy tuloy lang sa paglalakad pabalik sa sasakyan niya. Binuksa
Kinabukasan ay maaga akong pumasok ng trabaho. Balak ko kasing hanapin ang lalaking nagpaamoy sa akin ng pabango gusto kong ipakita sa kanila na mali ang banggain ako. Dinaanan ko ang lugar kong saan ako nacorner ng lalaki, bigo akong makita siya doon subalit malakas ang pakiramdam ko na naroon lamang ang lalaking yun. May nakita akong 7/11 sa paligid kaya pumasok ako para kumain. hindi ako nakakain sa bahay dahil sa pagmamadali ko, Nahihiya rin ako kay mama dahil ginabi nanaman ako ng uwi kagabi. Mukhang hindi naman ito nagalit sa akin pero nakakahiya dahil nasita na niya ako inulit ko nanaman. Umupo ako sa mesa na kita ang labas, tulala akong ininom ang kapeng binili ko sa vending machine na nandito sa 7/11 kumuha rin ako ng sandwich para mairaos ko ang almusal ko. Pinagmasdan ko ang mga taong dumaraan doon, may nagmamadali may tumatakbo at meron din naglalakad habang may kausap sa phone. Maya maya ay may napansin akong lalaki kaya naman pinagmasdan ko itong mabuti dito s
“You can't do that Jervis,” Wika in Angelica “You know my parents.” “Fuck your parents,” Singhal ni Jervis. Hindi na natuloy ni Angelica ang sasabihin. Kita ko ang gulat Sa mukha nito “Wala akong pakialam kahit anak kapa ni satanas get out of my fucking sight!” muling singhal ni Jervis tapos ay binaling ang tingin sa akin. “And you baby, I need to talk to you,” Mariing wika nito sa akin tapos ay lumapit at hinila ang kamay ko. Gusto kong pumalag dahil bahagya akong nasasaktan sa higpit ng pagkakahawak nya. Napatingin ako sa paligid habang hila parin ni Jervis ang kamay ko. naroon parin ang mga tao at pinapanood kami animo’y may nagaganap na shooting ang iba ay nagbubulungan pa. “All of you get back to work!” may awtoridad ang tinig na wika ni Jervis napasimangot ako kasi lunch break palang. Agad namang nagalisan ang mga nagkakagulo roon kabilang sila Mark Gemma at Jane. “Jervis masakit.” Reklamo ko sa kanya subalit tila bingi ito nagtungo kami sa elevator at gigil nitong pi
Kakagising ko lang nang biglang pumasok si mama sa kwarto ko, Hingal pa ito na akala mo ay may humahabol sa kanya. “May naghahanap sayo sa labas lyn.” Nagtaka ako sa tinuran ni mama kaya naman napakunot ang noo ko. “Sino?” Tanung ko kay mama. “Hindi ko alam mga naka business suit,” sagot ni mama tapos ay bigla akong dinuro at pinanlakihan ako ng mata “May utang kabang tinakbuhan mga mukhang maniningil ng utang e? “Luh si mama,” inismiran ko ito “sino naman uutangan ko,” nakangusong tanung ko sa kanya. Huminga ito ng malalim. “Mabuti naman akala ko ay may inutangan ka sige na harapin mo na ang mga taong yun.” Napailing nalang akong natawa sa kanya tapos ay lumabas na ito ng kwarto ko agad naman akong sumunod dito. Bahagya ko pang sinilip ang labas, may mga lalaki nga na nakaabang sa akin tapos ay naka shades pa. nakaramdam tuloy ako ng takot. Subalit nilabas ko parin sila kahit na wala akong suot na panloob. Manlalaban nalang ako kung sakaling may gawin silang masama sa
Ma’am Lyn mag cr kana po. Napalingon ako kay claire ng tawagin nya ang pangalan ko abala ako sa pag eemail dito sa back office para sa mga out of stocks na gamot, tatlo lang kasi kami ngayon dito sa pharmacy kaya naman hindi pwedeng sabay kaming mag ccr. Sige claire kayo muna bahala sa store babalik ako agad sasabog na pantog ko. “Okay ma’am. Nagmamadali akong lumabas para mag cr, halos takbuhin ko ang escalator dahil nasa 2nd floor pa ang banyo. Napalingon ako sa paligid, napapansin ko kasi yung mga janitor na nakatingin sakin pagkatapos ay parang nag raradyo. Hindi ko na gaanong pinag tuunan yun ng pansin inisip ko nalang na baka naguusap lang sila nang mga katrabaho nila. dumiretso ako sa cr.Pagpasok ko ay occupied ang isang cubicle na nasa unahan kaya naman sa katapat ng cubicle na yun ako nag cr.Whooo, usal ko ng mailabas ko ang kanina ko pa pinipigilan kung bakit ba naman kasi iniwanan ako ng supervisor ko ngayon, hindi kasi ito nagsipasok ngayon kaya naman nahirapan ako
Nagising ako sa naririnig kong alon, hindi ko matukoy kung guni guni ko lang ba yun o talagang malapit ako sa dagat. “Breakfast is ready,” agad akong napabalikwas ng bangon ng marinig ko ang baritonong boses ni jervis, nakapantulog ito pero ang pagkalalaki gising na gising. Agad akong Umiwas nang tingin ng mapansin nya na dun ako nakatingin .ngumisi ito na parang aso. “You want to touch it? Tanung nito inis ko siyang tinitigan. “ he missed you,”’ sinamaan ko ito ng tingin. “What do you want from me!,” san mo ko dinala? Galit kong tanung sa kanya. Hindi ito sumagot bagkus ay umupo ito sa gilid ng kama at pinatong ang tray na may pagkain. “ we are at balabac palawan,” sa wakas ay sinagot nito ang tanung ko. nanlaki ang mga mata ko. “What! I hate you i hate you,” galit na galit ko siyang pinag hahampas nang marinig ko yun. “Matatapon yung pagkain maaga ko pa naman niluto to para sayo! Mariin nitong sambit tapos ay hinawakan ang mga kamay ko. Iniwas nya sakin ang pa
Dein Leigh! Sigaw ko habang tumatakbo palapit sa anak ko. Dein wag ka lumayo! Sigaw ako ng sigaw subalit malungkot ang mata ng batang naglakad patungo sa dilim. Dein! Iyak ako ng iyak ng mawala siya sa paningin ko. Dein dein!!! Lyn wake up!” Pagmulat ng mata ko ay mukha ni jervis ang nakita ko, habol ko ang hininga na parang nakipag habulan. Lumingon ako kay jervis na puno ng galit tapos ay agad na dinapuan ng palad ito sa mukha. Fuck you jervis! Singhal ko sa kanya “bakit mo ako dinala dito are you trying to ruin my life!?” Umiiyak kong sambit sa kanya.Malamig ang tinging ipinukol niya sakin. “Because i want you to stay with me forever,” Selfish ka Sigaw ko! Lumapit ako sa kanya at sinutok suntok ang dibdib niya hindi niya ako pinigilan subalit ramdam ko ang pagpipigil nya ng galit sa ginagawa ko. Ang mga panga niya ay nag iigtingan. “Ako pa ang selfish ngayon lyn? After what you did to me,” may hinanakit sa tinig nito. hindi ako nakasagot dun, kaya sa galit ko ay lumabas
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sama ng pakiramdam ko, tila mainit ang ilong ko at parang sisipunin. Bumangon ako dumiretso sa banyo at nakapikit na nag sipilyo, pumapasok sa isip ko ang nangyari kagabi kung di kaba naman tanga lyn bakit ka kasi tumalon. Nanghinina akong lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan, naabutan ko pa nga si manang na naghahanda ng almusal, kumalam tuloy ang sikmura ko hindi kasi ako nakakain kagabi dahil sa nangyari. “Magandang umaga po ma’am,” nakangiting bati nito sakin ngumiti din ako sa kanya. “Good morning po,” bati ko rin dito “Upo kana ma’am ipinagluto ko na po kayo binilin po ito saakin kanina ni sir Jervis sabi niya paborito mo raw ho ito,” nakangiting wika nito. “So gising na siya?” Tumaas ang kilay ko. “Opo ma’am nagtatrabaho po siya ngayon,” sagot ni manang. Hindi na ako sumagot, bagkus ay umupo na lamang ako at pinagmasdan si manang na ihanda ang pagkain sa hapag. Meron doong hotdog itlog fried rice at pusit na tuyo mulin