Share

Chapter 4

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sama ng pakiramdam ko, tila mainit ang ilong ko at parang sisipunin.

Bumangon ako dumiretso sa banyo at nakapikit na nag sipilyo, pumapasok sa isip ko ang nangyari kagabi kung di kaba naman tanga lyn bakit ka kasi tumalon.

Nanghinina akong lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan, naabutan ko pa nga si manang na naghahanda ng almusal, kumalam tuloy ang sikmura ko hindi kasi ako nakakain kagabi dahil sa nangyari.

“Magandang umaga po ma’am,” nakangiting bati nito sakin ngumiti din ako sa kanya.

“Good morning po,” bati ko rin dito

“Upo kana ma’am ipinagluto ko na po kayo binilin po ito saakin kanina ni sir Jervis sabi niya paborito mo raw ho ito,” nakangiting wika nito.

“So gising na siya?” Tumaas ang kilay ko.

“Opo ma’am nagtatrabaho po siya ngayon,” sagot ni manang.

Hindi na ako sumagot, bagkus ay umupo na lamang ako at pinagmasdan si manang na ihanda ang pagkain sa hapag. Meron doong hotdog itlog fried rice at pusit na tuyo muling kumalam ang sikmura ko.

“Oh Sir Jervis! Tapos na po ba kayong magtrabaho? Napaigtad ako nang banggitin ni manang si Jervis nakatingin ito sa likuran ko kaya naman alam kong nandoon yun ngayon.

“Hindi pa po may meeting pa po ako mamaya,” tugon nito.

“Ah ganun po ba kumain po muna kayo sir para naman hindi kayo magutom,” paanyaya ni manang hindi ito sumagot subalit maya maya lamang ay gumalaw ang katabi kong upuan. Si Jervis yun na akmang uupo na sa tabi ko.

Pasimple ko itong pinagmasdan sa peripheral vision ko, naka pantulog ito na kulay navy blue na kung di ako nagkakamali ay cotton ang tela. Medyo magulo ang maalon nitong buhok.

“Want some coffee baby?” Baritonong boses nito ang gumulat sa lumilipad kong utak dahan dahan ko siyang nilingon.

“Y-yeah,” nauutal na wika ko tapos ay binaling ang tingin kay manang na pinagmamasdan kaming dalawa nakangiti ito at parang kinikilig sa pinapanood.

“Ako na po magtitimpla ng kape nyo ma-

“No manang,” pigil ni Jervis kay manang “ako na po ang magtitimpla para sa kanya,”

Pinagmasdan ko ang pagtayo ni Jervis at ang pagkuha nito ng asukal at kape alam nitong black coffee lang ang iniinom ko kaya hindi na ito nagtanung pa.

Hinalo halo nito ang kape at maingat na inabot sakin.

“T-thanks,” nauutal na wika ko tapos ay ininom nalang basta ang kape dahil sa kaba “aray ang init!”

Narinig ko ang buntong hininga ni Jervis “hindi ka nagiingat,”

Napasimangot ako at inis na ibinaling sa bintana ang tingin. Napaso na nga lahat papagalitan pa ako.

“Ma’am totoo nga pong ang ganda ganda nyo po,” pambabasag ni manang ng katahimikan. “Ang ganda ng buhok mo natural po ba ang kulot niyan?

“O-opo manang.”

“Ang ganda mo po pwede po kayong sumali sa miss universe matangkad po kayo, sexy at mukhang matalino,” papuri pa nito naginit ang mukha ko sa kahihiyan.

Inabot saakin ni manang ang plato tapos ay umupo na rin ito, maliit lang ang mesa kaya mabilis lang namin makukuha ang mga nakahain dun bilugan din iyon na kulay puting marmol.

Aabutin ko sana ang fried rice nang kuhain yun ni Jervis, inantay ko siyang maglagay nun sa plato niya subalit ako pala ang pagsasandukan niya.

Tahimik lang ito sa ginagawa pagkatapos nitong lagyan ako ng kanin inilapag niya iyon at kinuha ang lagayan ng hotdog at itlog at inilagay din sa plato ko.

“Salamat,” wika ko hindi ito sumagot nagsisimula na rin itong maglagay ng itlog at hotdog sa plato niya hindi ito mahilig kumain ng rice, mas healthy living nga ito kumpara saakin dahil ang tinapay na kinakain nito ay wheat bread.

Nagsimula na kaming kumain tanging ingay lang ng kutsara at tinidor ang lumilikha ng ingay sa hapag, maging si manang ay abala sa pagkain. Nang malapit na kaming matapos ay biglang nagsalita si manang.

“Maam ano po palang pangalan nyo at ano pong gusto nyong itawag ko sa inyo? “

“Lyn nalang po manang,”’tumango tango ito at di na muling nagsalita.

Natapos kaming kumain tinulungan ko si manang magayus nang hapag nung una ay ayaw pa nga nito magpatulong pero dahil wala akong magawa ay hindi ako nagpapigil.

Si Jervis naman ay Agad na umakyat sa itaas patungo sa kwarto nito, nagmamadali pa nga ito.

Nasa kusina na si manang nang mapaupo ako sa coach na naroon, binuksan ko ang tv pero walang channel na interesante sa akin sa huli ay pinatay ko na lamang yun at natagpuan ang sariling pumupunta sa direksyon kung nasaan ang kwarto ni Jervis.

Pinihit ko ang door knob ng kwarto niya, bukas ito pag tulak ko ng pinto ay bumungad saakin ang mesa kung saan nakaupo si Jervis naka earphone ito ang kanang kamay nito ay nasa bandang baba niya nagsasalita ito nang tapunan ako nito ng tingin.

Isinarado ko ang pinto at tuluyang pumasok sa kwarto ni Jervis, palakad lakad ako dun at pinagmamasdan ang buong kwarto niya, maaliwalas yun. gray and black ang kulay ng dingding nito medyo madilim rin ang mga ilaw. sinusundan ako nang tingin ni jervis habang may kausap ito. hindi ko rinig ang paguusap nila pero alam kong trabaho yun.

Inantay ko siyang matapos sa ginagawa, inabot din nang isang oras ang paghihintay ko pagtayo nito ay agad akong lumapit sa kanya para makiusap na pauwiin na ako.

“J-Jervis can we talk?” Malumanay na wika ko. Isinuklay naman nito ang kamay sa buhok tapos ay bumuntong hininga.

“Kung tungkol man yan sa paguwi mo wag kana mag aksaya pa ng laway kasi hindi ako papayag,” sagot nito tapos ay nilampasan ako nagtungo ito sa closet niya naghahanp nang susuotin.

Agad na naginit ang ulo ko, pasugod ko siyang nilapitan “Ano ba gusto ko ng umuwi hindi mo ba ako naiintindihan tagalog na nga sinasabi ko!” Singhal ko rito subalit wala akong narinig na sagot inihanda nito ang damit at ipinatong sa kama niya.

“Jervis! Muling tawag ko sa kanya “ano ba!

“I said no!” Maikling tugon nito kinuha nito ang itim na towel mukhang maliligo na ito, hinarangan ko ang daraan nito kaya napapikit na lamang sa inis si Jervis.

“How many times do i have to tell you hindi ka aalis dito,” mukhang napuno na nga ito nagiigting ang panga nito at madilim na ang mukha “whether you like it or not you are going to stay with me here forever. “

“We cant stay here forever Jervis! Hindi ko nagustuhan yung sinabi niya “May sarili rin akong buhay ano bang iniisip mo!”

“My decision is final,” tanging sagot ni Jervis “unless you tell me the reason why you left,” natigilan ako

Walang emosyon ang mukha at mata ni Jervis, hindi rin ako handang sabihin sa kanya ang lahat.

“ if you’re going to tell me what happened baka pagbigyan ko ang gusto mo,” aniya pa napaatras ako ng unti unti itong lumalapit sa akin. “make me understand why you left 5 years ago.”

Napasinghap na lamang ako nang wala na akong maatrasan, sinalubong ko ang tingin ni Jervis na ngayon ay sobrang lapit sa akin ang mga kamay nito ay sinandal sa ibabaw ng ulo ko.

“Tell me,” muling sambit nito agad na nangilid ang luha ko kinakabahan man ay sinalubong ko ang tingin ni Jervis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status