Share

Chapter 8

“So this is for your father,” seryosong wika nito nakasandal ito subalit nakaharap sakin inaayus nito ang buhok kong nakaharang sa mukha ko.

“Yes so tell me about the proposal,” mahinang tanung ko.

“You will be my woman Yun lang,” sagot nito habang inaamoy ang kulot kong buhok “hindi ka pwedeng magkagusto sa iba hindi ka rin pwedeng dumikit kung kani kaninong lalaki.

“Tapos ano pa? Nababahala kong tanung.

“Im also allowed to kiss you,”

“We kiss lang? Muli kong tanung napangisi ito.

“Ano pa bang gusto mo? May tonong pangaasar ang tinig nito. “do you want me to destroy your virginity? Nanlaki ang mata ko at pinalo siya.

“B-bastos ka!” Nauutal na Singhal ko tumawa ito. Tila aliw na aliw sa pangaasar sa akin

“Hindi ko naman gagawin yun kung walang permiso mo unless you provoke me,”

Bahagya akong napaisip, parang girlfriend lang pala ang gusto nitong mangyari ang maganda nga lang dun ay doble ang bayad sakin. ang ordinaryong pharmacists kasi sa company nito base sa research ko ay 50,000 ang sahod kada buwan.

Nginitian ko siya “Syempre hindi kita ipoprovoke alangan namang ipahamak ko ang sarili ko diba,” tumawa ito ulit at umiling iling.

“Then! Tumikhim ako “deal ako dyan natural na wika ko. Ngumisi si Jervis “Deal! Nakangisi itong nakipag kamay sakin tapos ay nagnakaw pa ng halik.

Kunot noo ko siyang pinagmasdan

“Im allowed to do it ,” paalala nito hindi na ako nakapalag

Isipin mo nalang lyn na bayad bawat paghalik niya sayo mabango naman ang hininga niya. Sabi ng isipan ko

“You can go back to your family now,” tumayo na ito sa sofa tapos ay nakapamulsang tinalikuran nalang ako basta basta. may tinawagan itong kung sino, tapos ay lumabas na kami ng unit niya.pagbaba namin sa lobby ay may matandang lalaki na sumalubong samin nakangiti ito.

“Mang nestor please take her home safe,” utos ni Jervis sa matanda tapos ay tumingin ito sakin “take care,”

Parang hinaplos ang puso ko kahit na manyakis kasi ito ay maginoo rin pala ito, siya yung tipo ng lalaki na maginoo pero sobrang bastos.

“Makakaasa po kayo sir Jervis ihahatid ko po ang nobya nyo ng safe,” sagot nang matanda.

Gusto ko sanang umalma at batukan si kuya.

Nobya ka riyan.

Walang reaksyon si Jervis sa sinabi ng matanda.

Sumunod ako kay mang nestor at nilingon si jervis na nakapamulsa parin. Ngayon ko lang napansin ang suot nito kahit kanina pa kami magkasama polo na blue na hindi naka botones ang bandang taas. At maluwang na pants na di ko mawari kung pantulog ba o slacks kulay puti yun. napaka gwapo nito seryoso itong nakatingin sakin habang ako ay naglalakad palayo sa kanya.

Nginitian ko sya ng matipid subalit tumalikod na ito patungo sa elevator, hanggang sa byahe ay hindi ko makalimutan ang nangyari kanina sa kaibuturan ng puso ko gusto ko may mangyari higit dun.

“Ano bang iniisip mo lyn,” sigaw ng isip ko. Nakabalik na ako sa hospital pero ang isip ko lumilipad sa BGC

“Anak nakapag dialysis na ang papa mo pwede na tayong umuwi ginalaw ko muna ang savings ko para makauwi na tayo.” bumalik lang ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ni mama tumango ako. At nilingon ang gawi ni papa gising na ito.

“Tatlong beses sa isang linggo dapat madialysis ang papa mo,” umiiyak na wika ni mama “sana makaipon tayo ng pera para sa operasyon niya,”

“Kaya natin yan ma,” niyakap ko si mama “oo anak oo kaya natin magtulungan tayo.

Lumabas kami ng hospital at nakauwi na ng bahay pinagpahinga ko na sila mama at papa ako naman ay naligo na, hanggang sa bahay ay iniisip ko ang nangyari sa pagitan namin ni jervis.

“I keep recalling things we never did messy top lip kiss how i long for our tryst. Without ever touching his skin How can I be guilty as sin? Napahinto ako sa kantang yun ni taylor swift.

“Maski ba naman dito sa bahay,” ginugulo gulo ko ang buhok ko ang meaning kasi ng kanta na yun ay ang babaeng nagnanasa sa isang lalaki. Kinatulugan ko na lamang ang matinding pagiisip.

Kinabukasan ay tinawagan na ako ng hr ng pedle/Vie pharmaceutical pumunta ako dun para mag contract signing ulit, nagpapasalamat ako dahil wala dun si jervis kundi ay baka abutin nanaman ito ng katakot takot na kamangyakan.

Magsisimula na din akong magtrabaho kinabukasan kaya naman naiuwi ko na rin ang uniform ko. Labgown un slacks at polo na limang pares meron ding eye protection glasses at isang box ng face mask.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, si mama ay naghahanda na ng almusal. tulala pa ako habang humihigop ng kape.

“Galingan mo anak ah! Palagi mong iisipin na pinaghirapan mong makapasok dyan.” si mama yun tumango ako.

“Makakaasa ka ma ako pa,” pagyayabang ko tapos ay ginalaw galaw ko ang kilay.

“Osige na kumilos kana baka mahuli ka unang araw mo sa trabaho.”

“Opo ma!

Naligo na ako at nagbihis ng uniform ang labgown ay inilagay ko sa bagpack ko nandun na din ang baon ko. Pabango sipilyo at kung ano anong anek anek.

Nakarating na ako sa pharmaceutical na pagtatrabahuan ko, napansin ko ang isang pamilyar na lalaki. naka salamin ito na malaki tapos mukhang pagod na pagod at pawis na rin, ito yung lalaking nakasabay ko sa interview.

“Hi,”ako na ang bumati sa kanya. Bigla naman nagiba ang ekspresyon ng mukha nito para itong nabigla maya maya pa ay dinuro ako nito.

“Ikaw yung magandang babae na nakasabay ko sa interview!” parang tangang sambit nito. “Nahired ka din pala mabuti nalang may kasabay ako,”

Nahiya ako sa papuri nito ipagsigawan ba naman. Napakamot na lamang ako sa noo.

Hinila ako nito sa loob, marami pa daw kasi kaming ritual baka daw malate kami, pagkatapos namin mag log sa receptionist ay agad kaming tumungo sa elevator.

Hawak parin nito ang pulsuhan ko nang mapalingon ako nanlaki pa ang mata ko nang makilala kung sino ang paparating.

“JERVIS,” agad kong binawi ang kamay ko na hawak hawak ng kasama ko, para kasing mapuputol ni Jervis ang kamay namin pareho sa nagaapoy nitong tingin. Nagiigting ang mga panga nito halatang hindi maganda ang mood. Diin din nitong pinindot ang button ng elevator.

Bahagya akong kinabahan kasama kasi sa usapan na hindi ako pwedeng sumama kung kani kaninong lalaki.

“Magdadahilan nalang ako.” sa isip ko

Magkaibang elevator ang sinakyan namin napahinga ako ng maluwang ng hindi napansin ng kasama ko ang sama ng titig ni Jervis sa kanya.

“Napaka gwapo ng CEO na yun,” parang kinikilig na usal ng kasama ko. Tumango lang ako dito at pilit na ngumiti.

“Manyakis yun,” sigaw ng isip ko.

“By the way, ako si mark Suarez, “ pagpapakilala nito na mukhang nahihiya “hinila hila pa kita kanina hindi pa pala ako nagpapakilala.

“It's fine my name is Adelyn Axelle dela Fuente pero lyn nalang itawag mo sakin.”

Bumukas ang elevator nakarating na rin kami sa floor kung saan kami magtatrabaho. Pinakilala na rin kami sa mga makakasama namin doon abala ang mga ito pero mukhang mababait naman sila dahil approachable maliban lang sa isang babae na tinawag nilang angelica.

“Si angelica,” si mark na bumulong sakin. “Mukhang attitude. Siniko ko siya “ baka marinig ka,” bulong ko. Habang nakatingin kay angelica na abala sa pakikipag usap

Ipinasyal kami sa buong production ng senior doon sa floor na yun. Tapos ay tinuro na rin samin ang locker pinagsuot na rin kami ng eye protection glasses at face mask. Sinuot ko na din ang labgown ko.

Sa quality control kami naassign ni mark, next week daw ay sa ibang department naman kami iaasign, mabuti nalang at may kunting knowledge na rin ako sa trabahong yun dahil nag ojt na rin ako sa ibang pharmaceutical nung nagaaral pa ako.

May nag assist Sa Amin at tinuturo ang mga dapat sa pag checheck ng quality ng gamot. naging abala kami ni mark sa pakikinig at paguusisa nang may lumapit na supervisor sa amin.

“Lyn right? Tanung nito kinakabahan akong tumango parang nananakot kasi ang ekspresyon ng mukha nito.

“Pinapatawag ka ni Sir Jervis..

Patay.

Heto na nga…

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status