“Oh anak okay naba ang pakiramdam mo?” naabutan ko si mama sa sala na naghahanda ng pagkain sa mesa. “Opo ma,” sagot ko dahan dahan akong nagtungo sa mesa at agad na umupo mahirap na baka mapansin nito ang kakaibang lakad ko. Tumango lang ito at umupo na rin sa mesa, pinanood ko itong pagsandukan si papa na tahimik lang. “Kamusta ka pa?” usisa ko dito lumingon ito sa akin. “Ayos lang ako anak,” matipid nitong sagot tumango na lang ako kakaiba ang pagiging tahimik ni papa. “Kung may nararamdaman ka pa magsabi ka lang ah. “ paalala ko dito nginitian lang ako nito “So anak maiba tayo,” si mama yun “bakit magkasama kayo ng boss mo?” agad akong kinabahan sa tanung na yun ni mama. “M-may napagusapan lang po.” nauutal na wika ko tapos ay tumingin sa makinis na platong nasa harap ko. “Dun ka nagpalipas ng gabi nagusap lang kayo? Napa kagat labi ako, naginit ang mukha ko dahil sa hiya lalo na kaharap namin si papa sa hapag kainan. “Mama ano ba ang dapat naming gawin? Ta
Kasalukuyan kaming nag lu lunch na magkakaibigan as usual magkakasama kaming apat. Katabi ko si Mark kaharap ko naman si Gemma at Jane. “Lyn,” tawag sakin ni Gemma “Hmmm? Sagot ko habang nginunguya ang kinakain. “May relasyon ba kayo ni boss Jervis? Naubo ko ang kinakain ko, tumalsik pa nga yun sa pagkain ni Mark na agad akong sinamaan ng tingin. Maluha luha akong uminom ng tubig at muling hinarap si Gemma. “Wala ah,” tanggi ko “Bakit baby ang tawag niya sayo wag mo itanggi narinig ko siya kanina.” Hindi ako nakaimik, Si mark at Jane ay tahimik lang na nakatingin sa amin. Inaantay ang isasagot ko napa buntong hininga na lamang ako. “D-Don't tell this to anybody please lang,” mahinang bulong ko sa kanila inilapit nila ang mukha sa akin. Kitang kita ang kuryusidad sa mga itsura nila. “Pano ko ba sisimulan.” napakamot ako sa noo at luminga linga baka kasi may iba pang tao na nakikinig sa amin. “Pabitin naman! Asik ni mark. “Magantay ka chismoso! Sagot ko sa kan
Kinabukasan ay maagang umalis sila Mama para mag tungo sa dialysis center, kaya pag gising ko ay nakatakip na pagkain nalang ang naabutan ko. Maging ang pharmacy namin ay sarado pa kasi wala naman kaming ibang aasahan sa pagtitinda doon pag wala si mama. Kumain ako naligo at agad na umalis patungo sa trabaho, nakahanda na din ako kung sakali mang tatanggalin na ako ni Jervis dahil sa nangyari kahapon. Maghahanap nalang ako kaagad ng trabaho kahit community pharmacy lang. Pagkadating ko sa elevator dito sa aking pinagtatrabahuan ay agad kong pinindot ang up button. Habang nagaantay ay napansin ko ang mga nagbubulungan sa paligid habang nakatingin sa direksyon palabas. paglingon ko ay agad nagsalubong ang tingin namin ng lalaking patungo sa pwesto ko May pagkakahawig kay Jervis ang lalaki. pero para sa akin ay mas Gwapo si Jervis mukhang mas bata ito ng ilang taon kay Jervis. Matangkad din ito pero mas maliit ang katawan nito. Mukhang nag aabang din ito ng elevator paakyat, m
Dumaan pa ang isang buwan hindi parin bumabalik si Jervis dito sa pilipinas. Hindi ko ginalaw ang perang naka deposito sa payroll ko. Balak ko sanang ibalik yung sobra sa kanya. Kung ano lang ang nasa kontrata yun lang ang ginalaw ko. Malaking tulong din sa amin ang sinasahod ko. dahil hindi kami nagigipit kahit nagdidialysis si papa, nakakapag restock parin si mama ng mga gamot na tinitinda niya sa pharmacy niya. Isa nanamang araw na papasok ako sa trabaho, Isang araw na sisikmurahin ang pahapyaw na pagpaparinig ni angelica. Hindi ko na ito masyadong pinagtutuunan ng pansin. Kung patulan ko man siya ay pahapyaw nalang din masyadong matalas ang tabas ng dila ko baka magwala lang siya kung di ko makokontrol ang salitang lalabas sa bibig ko. Hindi ko masyadong napansin si Joseph ngayong araw na ito, madalas kasi itong nasa production. Hindi ko malaman pero madalas ko siyang napapansin na nakatingin sa akin.minsan mahuhuli ko itong kumukuha ng litrato sa gawi ko tapos ay tatawa tawa
Ma’am Lyn mag cr kana po. Napalingon ako kay claire ng tawagin nya ang pangalan ko abala ako sa pag eemail dito sa back office para sa mga out of stocks na gamot, tatlo lang kasi kami ngayon dito sa pharmacy kaya naman hindi pwedeng sabay kaming mag ccr. Sige claire kayo muna bahala sa store babalik ako agad sasabog na pantog ko. “Okay ma’am. Nagmamadali akong lumabas para mag cr, halos takbuhin ko ang escalator dahil nasa 2nd floor pa ang banyo. Napalingon ako sa paligid, napapansin ko kasi yung mga janitor na nakatingin sakin pagkatapos ay parang nag raradyo. Hindi ko na gaanong pinag tuunan yun ng pansin inisip ko nalang na baka naguusap lang sila nang mga katrabaho nila. dumiretso ako sa cr.Pagpasok ko ay occupied ang isang cubicle na nasa unahan kaya naman sa katapat ng cubicle na yun ako nag cr.Whooo, usal ko ng mailabas ko ang kanina ko pa pinipigilan kung bakit ba naman kasi iniwanan ako ng supervisor ko ngayon, hindi kasi ito nagsipasok ngayon kaya naman nahirapan ako
Nagising ako sa naririnig kong alon, hindi ko matukoy kung guni guni ko lang ba yun o talagang malapit ako sa dagat. “Breakfast is ready,” agad akong napabalikwas ng bangon ng marinig ko ang baritonong boses ni jervis, nakapantulog ito pero ang pagkalalaki gising na gising. Agad akong Umiwas nang tingin ng mapansin nya na dun ako nakatingin .ngumisi ito na parang aso. “You want to touch it? Tanung nito inis ko siyang tinitigan. “ he missed you,”’ sinamaan ko ito ng tingin. “What do you want from me!,” san mo ko dinala? Galit kong tanung sa kanya. Hindi ito sumagot bagkus ay umupo ito sa gilid ng kama at pinatong ang tray na may pagkain. “ we are at balabac palawan,” sa wakas ay sinagot nito ang tanung ko. nanlaki ang mga mata ko. “What! I hate you i hate you,” galit na galit ko siyang pinag hahampas nang marinig ko yun. “Matatapon yung pagkain maaga ko pa naman niluto to para sayo! Mariin nitong sambit tapos ay hinawakan ang mga kamay ko. Iniwas nya sakin ang pa
Dein Leigh! Sigaw ko habang tumatakbo palapit sa anak ko. Dein wag ka lumayo! Sigaw ako ng sigaw subalit malungkot ang mata ng batang naglakad patungo sa dilim. Dein! Iyak ako ng iyak ng mawala siya sa paningin ko. Dein dein!!! Lyn wake up!” Pagmulat ng mata ko ay mukha ni jervis ang nakita ko, habol ko ang hininga na parang nakipag habulan. Lumingon ako kay jervis na puno ng galit tapos ay agad na dinapuan ng palad ito sa mukha. Fuck you jervis! Singhal ko sa kanya “bakit mo ako dinala dito are you trying to ruin my life!?” Umiiyak kong sambit sa kanya.Malamig ang tinging ipinukol niya sakin. “Because i want you to stay with me forever,” Selfish ka Sigaw ko! Lumapit ako sa kanya at sinutok suntok ang dibdib niya hindi niya ako pinigilan subalit ramdam ko ang pagpipigil nya ng galit sa ginagawa ko. Ang mga panga niya ay nag iigtingan. “Ako pa ang selfish ngayon lyn? After what you did to me,” may hinanakit sa tinig nito. hindi ako nakasagot dun, kaya sa galit ko ay lumabas
Kinabukasan ay nagising ako dahil sa sama ng pakiramdam ko, tila mainit ang ilong ko at parang sisipunin. Bumangon ako dumiretso sa banyo at nakapikit na nag sipilyo, pumapasok sa isip ko ang nangyari kagabi kung di kaba naman tanga lyn bakit ka kasi tumalon. Nanghinina akong lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdan, naabutan ko pa nga si manang na naghahanda ng almusal, kumalam tuloy ang sikmura ko hindi kasi ako nakakain kagabi dahil sa nangyari. “Magandang umaga po ma’am,” nakangiting bati nito sakin ngumiti din ako sa kanya. “Good morning po,” bati ko rin dito “Upo kana ma’am ipinagluto ko na po kayo binilin po ito saakin kanina ni sir Jervis sabi niya paborito mo raw ho ito,” nakangiting wika nito. “So gising na siya?” Tumaas ang kilay ko. “Opo ma’am nagtatrabaho po siya ngayon,” sagot ni manang. Hindi na ako sumagot, bagkus ay umupo na lamang ako at pinagmasdan si manang na ihanda ang pagkain sa hapag. Meron doong hotdog itlog fried rice at pusit na tuyo mulin