Share

Chapter 3

Dein Leigh! Sigaw ko habang tumatakbo palapit sa anak ko.

Dein wag ka lumayo! Sigaw ako ng sigaw subalit malungkot ang mata ng batang naglakad patungo sa dilim.

Dein! Iyak ako ng iyak ng mawala siya sa paningin ko.

Dein dein!!!

Lyn wake up!” Pagmulat ng mata ko ay mukha ni jervis ang nakita ko, habol ko ang hininga na parang nakipag habulan. Lumingon ako kay jervis na puno ng galit tapos ay agad na dinapuan ng palad ito sa mukha.

Fuck you jervis! Singhal ko sa kanya “bakit mo ako dinala dito are you trying to ruin my life!?” Umiiyak kong sambit sa kanya.

Malamig ang tinging ipinukol niya sakin.

“Because i want you to stay with me forever,”

Selfish ka Sigaw ko! Lumapit ako sa kanya at sinutok suntok ang dibdib niya hindi niya ako pinigilan subalit ramdam ko ang pagpipigil nya ng galit sa ginagawa ko. Ang mga panga niya ay nag iigtingan.

“Ako pa ang selfish ngayon lyn? After what you did to me,” may hinanakit sa tinig nito.

hindi ako nakasagot dun, kaya sa galit ko ay lumabas ako ng kwarto, kailangan ko makaalis sa lugar na ito dahil inaantay ako ng anak ko.

Pag labas ko ng kwarto ay agad akong bumaba nang hagdan dahil nasa ikalawang palapag pala ang kwartong pinag stayhan ko.

“Good evening ma’am,” naabutan ko ang isang matanda na mukhang kakagaling lang sa kusina basa ang kamay nito at kasalukuyang pinupunasan. “Kumain na ho kayo ipaghahanda ko po kayo,” nakangiting wika nito.

“Hindi ako kakain asan ang pintuan palabas?! Tanung ko rito. Nagtataka man ay tinuro nito iyon

Agad ako lumabas sa pintuang itinuro ng matanda, at laking gulat ko nga nang mapagtanto kung anong klaseng lugar ako dinala ni Jervis.

“Nooooo! Pano ko makakaalis dito,” umiiling na wika ko habang inililibot ang tingin sa lugar, nasa gitna kami ng karagatan isang maliit na isla ang pinaglalagakan ng bahay na ngayon ay tinitirhan ko. Madilim ang paligid at tanging buwan at ilaw lang ng bahay ang nagbibigay liwanag.

Halos manlumo ako sa kawalan ng pagasa.

“Lyn! Gigil na pagtawag saakin ni Jervis Nilingon ko ito ang mga mata nito ay nagaapoy sa galit. Subalit tinalikuran ko ito at tarantang nagtatatakbo habang lumilinga linga sa pagasang makakita kahit bangka man lang.

“You can’t escape here! Sigaw nito sakin hindi ko ito pinansin tuloy tuloy lamang ako sa pagtakbo hanggang sa marating ko ang dalampasigan.

“Tangina walang bangka,” napasambunot ako sa sariling buhok at nasapo na lamang ang ulo. “Kailangan ko ng umalis dito.” Tumulo ang luha ko sa kawalan ng pag asa

“I Told you You cant escape here,” Si jervis yun muli ko itong nilingon palapit na ito saakin, kahit madilim ay kita ko ang pag igting ng panga nito ang mga kamao nito ay nakakuyom kaya naman sa takot ko ay muli akong luminga linga. Nakita ko ang isang malaking kahoy na inaanod kaya naman agad akong tumalon doon.

Subalit agad din lumubog ang kahoy dahil sa bigat ko at rupok na rin nito, hindi ako marunong lumangoy kaya naman agad na lumubog sa tubig ang katawan ko.

Agad akong tinangay ng alon palayo sa dalampasigan, natataranta akong naghanap ng maaapakan pero napagod na lamang ang mga binti ko wala man lamang ako naapakan na bato.

“LYN! Rinig kong Bulalas ni Jervis pasigaw ang tinig nito pero punong puno nang pagaalala yun hirap man ay pinilit ko siyang tingnan, hinubad nito ang pangibabaw na puting pantulog at saka dali daling lumubog sa tubig.

Bago tuluyang lumubog sa tubig ay nakita ko pang lumalangoy palapit saakin si Jervis, hirap itong lapitan ako dahil sa malalaking alon na humahampas sa kanya.

Nakainom na ako ng tubig, naramdaman ko ang mga braso ni Jervis na yumakap sa tiyan ko. Wala na akong lakas kaya naman hinayaan ko na si Jervis na hilain ako patungo sa dalampasigan.

Pikit ang mga mata ko nang sa wakas ay nahiga kami sa buhangin, nanghihina na ako at hindi na makahinga.

“Fuck lyn! Fuck! Natatarantang sigaw ni Jervis habang sinusubukan ako nitong I-Cpr “Please Wake up baby hindi ko na kakayanin pag nawala kapa,” pagsusumamo nito habang tuloy tuloy sa pag ccpr sakin.

“Come on! “ aniya pa.

Paupo kong Nailabas ang tubig na nainom ko, habang nauubo ay pinagmasdan ko pa ang mukha ni Jervis na punong puno ng pagaalala.

“Baby akala ko mawawala ka na sakin,” nabigla ako ng yakapin ako ni jervis. Natahimik ako habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya sakin. “Bakit kaba ganyan palagi mo nalang akong pinapahirapan,” basag ang tinig na wika nito “hindi mo alam ang paghihirap at pagtitiis ko bago kita nakasama ulit.” Aniya pa.

Kumalas sa pagkakayap si Jervis at masuyong hinawakan ang mukha ko nang magkabila niyang palad, naramdaman ko ang init nun kahit na basa siya napapikit na lamang ako.

May malambot na dumapo sa labi ko alam kong labi ni Jervis yun hindi ko siya pinigilang halikan ako bagkus ay sabik kong tinugon ang halik niya.

Sandaling naging mapusok ang halikan naming dalawa, ipinasok nito ang dila sa loob ng bibig ko idiniin niya ang ulo ko para mas lalo niya masakop ang labi ko, akala ko san yun makakarating ngunit ilang sandali lang ay huminto na siya.

Pumasok na tayo baka sipunin kapa,” muling lumamig ang tono nito tumayo ito at nauna nang lumakad.

Nakaupo parin ako habang pinagmamasdan siyang makalayo maya maya ay tumayo na rin ako at sinundan ito, yakap ko ang sarili lamig na lamig.

Natanaw ko ang matandang babae na naghihintay sa amin, may hawak itong dalawang tuwalya inabot nito ang isa kay Jervis na tuloy tuloy sa pagpasok ng bahay.

Taka pa itong tiningnan ni manang, subalit muli nitong ibinaling saakin ang tingin at inabot ang isang tuwalya.

“Maligo ka iha,” si manang yun “ano ba naman kasing naisip nyo at naligo kayo sa dagat nang ganitong oras high tide pa man din,” wika nito

Hindi na ako sumagot kahit na sa isip ko ay naiinis sa kanya, ganito na nga ang kalagayan ko pagagalitan pa ako.

Pumasok ako nang bahay at pumasok na sa kwarto ko, habang naliligo ay inalala ko ang nangyari kanina maging ang sinabi ni Jervis ay palaisipan din sa akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status