Share

Chapter 2

Nagising ako sa naririnig kong alon, hindi ko matukoy kung guni guni ko lang ba yun o talagang malapit ako sa dagat.

“Breakfast is ready,” agad akong napabalikwas ng bangon ng marinig ko ang baritonong boses ni jervis, nakapantulog ito pero ang pagkalalaki gising na gising.

Agad akong Umiwas nang tingin ng mapansin nya na dun ako nakatingin .ngumisi ito na parang aso.

“You want to touch it? Tanung nito inis ko siyang tinitigan. “ he missed you,”’ sinamaan ko ito ng tingin.

“What do you want from me!,” san mo ko dinala? Galit kong tanung sa kanya. Hindi ito sumagot bagkus ay umupo ito sa gilid ng kama at pinatong ang tray na may pagkain.

“ we are at balabac palawan,” sa wakas ay sinagot nito ang tanung ko. nanlaki ang mga mata ko.

“What! I hate you i hate you,” galit na galit ko siyang pinag hahampas nang marinig ko yun.

“Matatapon yung pagkain maaga ko pa naman niluto to para sayo! Mariin nitong sambit tapos ay hinawakan ang mga kamay ko.

Iniwas nya sakin ang pagkain hotdog yun at bacon tapos ay fried rice na nasa ibabaw ang egg may black coffee rin doon, alam na alam talaga nito ang gusto niyang almusal kaya naman nakaramdam na ako ng gutom, hindi lang ako nagpapahalata.

Tumigil ako sa pagpupumiglas tapos ay lumayo sa kanya, “hindi ako kakain! Sagot ko “magpapakamatay nalang ako sa gutom!”

Huminga si Jervis ng malalim tapos ay tumayo.

“Fine,” tapos ay kinuha ang hinanda nyang pagkain at akmang lalabas na nanlaki ang mga mata ko.

“Talagang ilalabas niya yung pagkain!”

“Hey! Sigaw ko sa kanya muli siyang lumingon.

“Akin na yang pagkain! Nagdadabog akong lumapit sa kanya at inagaw yun! “Bakit hindi mo yan iwanan dito kung sakaling magutom ako kakain ako! di ka nagiisip jervis!” Inis na inis kong usal.

“Ang sabi mo magpapakamatay ka sa gutom,” tila wala ito sa sarili lalo akong nainis.

“Ewan ko sayo lahat nalang nililiteral mo!

“Nagiinarte kapa kasi narinig ko naman kanina kumukulo yung tyan mo,” nahiya ako sa sagot niya inis ko siyang tinitigan.

“Oh narinig mo naman pala bakit dadalhin mo pa palabas! Pakikipag talo ko.

“Because you can come outside and eat if you want. “

“Ayoko lumabas!

“Ok,” matipid nitong sagot tapos ay tuluyan ng lumabas ng pintuan.

‘’Bwesit talaga yun,” bulong ko habang hawak hawak ko ang tray na dala ni jervis.

Pagkaupo ko sa maliit na table na naroon sa kwartong yun ay agad ko sinunggaban ang pagkain, “Ang sarap!”

Habang kumakain ay iginala ko ang mata sa buong kwarto, napaka laki nun may malaking puting aparador at malaking salamin meron ding tv.

Sa gilid ay kama na malaki din ang sukat kulay purple ang kulay ng bedsheet at kumot meron maliit na sidetable sa tabi nito. Ang pintura ng buong kwarto ay lavender.

Paborito kong kulay.

Pagkatapos ko kumain ay pumasok ako sa cr na nandun din sa loob ng kwarto may mga shampoo conditioner toothbrush at skin care na doon, at lahat yun ay ang palagi ko ginagamit.

Naplano talaga nang mokong ? Napapailing na wika ko habang nakatingin sa panghilamos Na lagi kong ginagamit.

Lahat ng kailangan ko ay nandito hindi ko na kailangan puntahan at sigawan si jervis sa kwarto niya para ibili ako, gusto ko sana siyang sumbatan bakit niya ako dinala dito tapos kulang kulang naman ang kailangan ko. pero wala hindi ko magagawa yun dahil nandito na lahat, ultimo tuwalya at tsinelas ay meron.

tinigil ko ang pagiisip Agad akong naligo at nagsipilyo wala pa akong ganang lumabas. Hindi ko alam kung ano motibo ni jervis sa pag kidnap niya sakin pero hindi dapat ako magtagal dito. lalo na at may nag aantay sa pag uwi ko.

pag labas ko ng banyo ay nagtungo ako sa malaking aparador na naroon, nasurpresa ako dahil punong puno yun ng damit pangbabae, may underwear at bra. Agad kong sinuot ang pulang dress na silk ang tela pagkatapos ay binuksan ko ang tv, agad kong nilagay yun sa balita nagbabakasali na naibalitang kinidnap na ako at wanted na si Jervis, subalit sa huli wala akong napala puro lang away pulitika ang laman nang mga balita.

Inantay kong pumasok si jervis dito sa loob, tapos ay aawayin ko siya. pero ilang oras na ata ang inantay ko hindi pa sya pumapasok ulit. Magtatanung lang naman siya bakit niya ako dinala sa kasulok sulukan ng pilipinas nakakairita.

Gustong gusto ko lumabas pero gusto ko rin panindigan ang sinasabi ko sa kanya na hindi ako lalabas sa kwartong to unless pilitin niya ako.

Nakakaburyo! Sigaw ko habang nakatingala sa kisame.

Maya maya pa ay nakaramdam na ako ng antok kaya naman ipinikit ko ang mga mata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status