“Ethan! Wait up!” I shouted at him.
Nagmamadali akong ligpitin ang mga gamit ko para mahabol ko si Ethan. Bakit ba kasi nakaligpit na ang mga gamit niya? Hindi naman siya mukhang excited umuwi ano?!
As soon as I finished picking up my things, ay kaagad din akong tumakbo para habulin si Ethan nang may humila sa bag ko. Nilingon ko iyon at nakita ko ang nakangisi na si Liam, kaya sumimangot ako.
“It’s Friday, pupunta ako ng mall, sama ka?” Aniya.
Napatigil ako saglit sa sinabi niya, at tinignan ang direksyon ni Ethan, pero wala na ito sa paningin namin.
“Libre mo ba?” Tanong ko kay Liam.
Kinuha niya ang mga librong hawak ko, maging ang bag ko, na siyang lagi niya namang ginagawa sa tuwing pauwi na kami.
“Oo naman, bakit hindi? Ikaw pa e, malakas ka sa akin!” Natatawang sabi ni Liam.
I grinned at him. “Sige! Sabi mo e!” I giggled.
Nakarating kami sa parking lot, pero nagulat ako nang makita si Ethan na nakasandal sa sasakyan nito, na para bang may hinihintay. Nakapamulsa siya at nakayuko habang sinisipa ang mga maliliit na bato. Ang cute niyang tignan kapag ginagawa niya iyon! Mukha siyang nagtatampo na malamig ang expression sa mukha.
“Ethan!” Tawag ko sa kanya. I waved at him, napaangat ng tingin si Ethan, but he showed no emotions at all. Napatingin siya kay Liam at muli siyang napatingin sa akin.
Kaagad itong umayos ng tayo at lumakad papuntang driver’s seat niya. Lalapit pa sana ako nang kaagad itong pinatakbo ang sasakyan. Anong nangyari doon? Did he really wait for me?
Nahila naman ako kaagad ni Liam para itabi. “Tsk. Be careful, Sera.”
I blinked twice as Ethan’s car disappeared from my sight. Hindi ko siya maintindihan. Never ko talaga siyang maiintindihan! Pero crush ko pa rin siya! At hinding-hindi magbabago iyon!
Tulad ng sabi ni Liam ay gumala kami sa mall. Nag-iikot kami, dinala ko siya sa bilihan ng mga skin essentials, dahil paubos na ang night skin care ko. Babayaran ko na sana nang binigay kaagad ni Liam ang card niya sa cashier.
Napanguso ako sa kanya, “I have money, Liam. Isa pa gamit ko iyon, bakit ikaw magbabayad?”
Ginulo naman ni Liam ang buhok ko habang tawang-tawa naman. “I told you, it’s my treat.”
Almost five thousand din ang na-save ko dahil kay Liam. Kaya nagpasalamat ako sa kanya.
“Gusto ko ng ice cream!”
Ginulo naman ni Liam ang buhok ko, kaya nakanguso akong inayos iyon. “Sure, mango flavor?”
I nodded enthusiastically. Napatawa naman si Liam tsaka kami lumapit sa ice cream store.
Nang makaorder na si Liam ay napaupo kami para makain namin ng maayos ang ice cream.
“Do you really like Ethan?” Tanong niya bigla dahilan para mabilaukan ako.
Kaagad naman akong inalalayan ni Liam at inabutan ng tubig. Nang mainom ko iyon ay tinignan ko si Liam na nakakunot ang noo, may pag-aalala sa kanyang mukha.
“Oo,” hindi ko iyon itatanggi.
Alam ng lahat kung gaano ko ka-gusto si Ethan. Simula elementary ay may gusto na ako sa kanya. Pero hindi ko naman siya pinipilit na gustuhin ako. I knew my limits and boundaries.
“Tsk.”
Napatingin ako kay Liam kung bakit gano’n ang reaksyon nito sa sinabi ko.
“Bakit?” Tanong ko sa kanya.
Umiwas lang ng tingin si Liam tsaka tinuloy ang pagkain ng ice cream.
Matapos namin kumain ay nag-arcade pa kami at nakakuha siya ng malaking teddy bear tsaka niya binigay iyon sa akin. Tuwang-tuwa ako kasi first time kong makatanggap ng gano’n.
“Ihahatid na kita sa inyo,” aniya nang napansin naming mag aalas siyete na pala ng gabi.
Nanlaki ang mga mata kong maalala na hindi pala ako nakapagpaalam kay mama. Mag-aalala iyon. Sa tuwing matatagalan kasi ako ng uwi ay nagte-text talaga ako kay mama para hindi siya mag-aalala. May one time ngang halos tumawag na siya ng mga pulis nang hindi ako mahagilap. Nasa bahay lang naman ako ng classmate ko, gumagawa ng group project.
Hinatid nga ako ni Liam sa amin, pero labas pa lang ng bahay namin ay rinig na rinig ko na ang pagtatalo nila mama at pala.
“Sige na, Liam salamat sa paghatid sa akin. Thank you din dito!” Nakangiting sabi ko kay Liam.
Napatingin naman ito sa akin na may pagtataka at pag-aalala, but I pushed him away. Nagdadalawang isip pa itong umalis, pero ningitian ko lang siya kaya ay umalis na rin siya.
Pumasok ako sa loob ng gate. At ramdam na ramdam ko na ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa palitan nilang sigawan, at mga basag na gamit sa loob. Naiiyak ako, pero mas pinilit kong ngumiti. Hindi naman bago sa’kin na nag-aaway sila mama at papa, pero ang mga basag na gamit sa loob ay iyon ang bago.
“Miss Sera, nandiyan ka na po pala,” ani Manang Jona.
“A-ano pong nangyayari, manang?” Kinakabahan kong tanong.
Hinila ako ni Manang Jona papunta sa likod ng bahay para hindi ako madamay ni papa. Gano’n kasi ito sa tuwing makikisali ako sa away nila ni mama.
“Nako, hindi ko din alam e. Pero mukhang may kabit ang tatay mo, Miss Sera.”
My whole world sank. Kabit? Gusto kong matawa kasi ang tanda-tanda na ni papa para mangabit. Where did he get the audacity to have a mistress? Now that I am growing old? Fvk.
Nabitawan ko lahat ng gamit ko at tumakbo papasok sa loob. Nakita ko si mama na umiiyak na nakaupo sa sahig. Nilapitan ko si mama para yakapin. Yumakap si mama sa akin, mas lalong lumakas ang pagkakahikbi nito nang maramdaman ako.
Napatingin ako kay papa, pero namumula ang buong mukha, hingal na hingal din dahil sa kakasigaw nito kay mama at maging siguro kakatapon ng mga gamit sa paligid.
“Ma, nandito na ako, I won’t let anyone harm you!” I whispered.
Kaagad kong inalalayan si mama patayo, pero napasinghap ako nang may dugong umaagos pababa sa kanyang binti. Panic surged through me. Pati si papa ay nagulat nang may makitang dugo sa pagitan ng mga binti ni mama.
“Ma…” nagulat kong saad. Maging si mama ay nagulat rin at naramdaman ko ang pagbigat ng katawan ni mama, na para bang gusto niya nalang na umupo sa sahig.
Napasinghap akong muli nang ma-realize ko ang nangyayari.
Kaagad naming isinugod si mama but it was too late. She lost my baby sister or brother. I just lost a sibling.
Ilang beses na napasuntok si papa sa dingding nang malamang nawalan ito ng anak.
I scoffed.
Really? May gana pa siyang magalit pagkatapos kong mawalan ng kapatid? After what he did to my mom, to us?
“Umalis ka na dito,” malamig kong saad kay papa. Natigilan ito at napatingin sa akin.
Malungkot ang mga mata nito at gulat ring nang pinapalayas ko siya.
“H-hindi ko sinasadya, Sera… I… I don’t know that your mom is pregnant—”
“Hindi sinasadya? But you have the audacity to cheat on her? Pa, I’m turning sixteen this year! How could… How could you do that to her?!” I shouted. Umalingawngaw ata sa buong hallway ang sigaw ko dahil sa galit ko sa ama ko.
I used to be proud of him. Kahit na may pagkakataong nag-aaway sila ni mama, dahil sa mga bagay-bagay na hindi ko alam, still, I loved him dahil ama ko siya. Dahil tumatak sa isip ko kung paano siya naging mabuting ama sa akin. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya nagawa sa amin iyon.
“I…” dad couldn’t find the right words to say.
“Umuwi ka na dad, ako na magbabantay kay mama. I bet she doesn’t want to see your face right now. It’s for the better.”
Tumalikod ako kay papa, tsaka pumasok sa loob ng room ni mama. Nakita ko itong tulog na tulog, pero kumirot ang puso ko nang may makitang luha sa gilid ng kanyang mga mata.
Ilang araw din kaming nasa ospital. Mama couldn’t speak, and the doctor said it’s because of the trauma of losing a child. Halos hindi din kumikibo si mama at palaging tulog.
Isang linggo narin akong absent sa school para mabantayan si mama, dahil natatakot ako na baka may gawing iba si mama, dahil prone si mama sa suicidal attempts. She not only lost her child but also a husband.
“Miss Sera, may naghahanap po sa inyo.” Ani Manang Jona.
Kaagad naman akong napatingin sa bintana ng kwarto ni mama at halos tumalon ang puso ko nang makita ko si Ethan sa labas, nakasandal sa kanyang sasakyan, at boryong-boryo na naghihintay. Bakit siya nandito?
“Papasukin niyo po, manang. Mag-aayos lang ako tapos bababa narin.”
Napatingin ako kay mama na mahimbing na natutulog. Hindi pa rin ito nakakapagsalita o talagang ayaw niya lang kaming kausapin.
Nag-ayos ako dahil mukha na akong bruha kakaalaga kay mama. May mga eyebags na nga ako dahil sa walang maayos na tulog. Bumaba rin ako kaagad at inutusan si Manang na bantayan muna si mama saglit. Nakita ko naman si Ethan na nakatayo sa tapat ng grand piano at kinuha ang isang litrato na nakapatong doon.
Lumapit ako sa kanya at nakita kong hawak niya ang picture frame naming dalawa nang mga bata pa lang kami.
Sa picture, nasa harapan siya, habang ako naman ay nasa kanyang likuran at pinisil ko ang magkabilang pisngi, para mapangiti siya, pero wala pa rin itong reaksyon.
And I did that to him right now. Pero kaagad ding natigilan nang hawakan ni Ethan ang kamay ko, sending sparks throughout my body. Ramdam ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa ginawa niya, kaya napabitaw ako kaagad pero nahuli ni Ethan ang mga kamay ko.
“How are you?” Tanong nito nang hindi man lang humaharap sa akin.
How are you?
Tanong na hindi ko inaasahan mula sa kanya, pero siyang dahilan para tumulo ang mga luhang ilang araw ko nang pinipigilan.
“Can I hug you?”
Hindi sumagot si Ethan, pero gumalaw ang mga kamay niyang hawak ang kamay ko, tsaka niya iyon nilagay sa bewang niya.
Ethan might be cold, but he really has this side. Side that he never showed to anyone unless it’s about his family... and to me.
Tahimik akong napaiyak sa likod ni Ethan. Humigpit pa ang pagkakayakap ko sa kanya dahil kailangan na kailangan ko iyon.
Ethan remained silent. And it doesn’t need a word, para kumalma ako. Just him. Siya lang ay ayos na ako.
Naging maayos ang lagay ni mama noong sumapit ang sabado. Kaya naman ay pumasok na ako ulit sa school. Ethan brought me his notes and assignments at tinuruan din ako lalo na sa math namin, dahil may quiz daw kami ngayong Lunes.Hindi ako matalino, inaamin ko. And having Ethan as a friend who could teach me is really a blessing for me.“Ethan~” I called out his name when I saw him walking in the hallway. Hindi ito lumingon kaya tumakbo ako papalapit sa kanya at kinabit ang braso ko sa braso niya. Napatingin siya saglit sa akin, at muling napatingin sa harapan.“Thank you!” Saad ko sa kanya. Hindi ko kasi siya napasalamatan sa pagtuturo niya sa akin at sa pagyakap ko sa kanya.Wala naman siyang sinabi, pero lumawak ang ngiti ko. Maybe mama saw us that night, kaya nag-decide siya na magpagaling ng tuluyan para sa akin. Hindi pa rin nakakapagsalita si mama, pero ngumingiti na ito. Umuuwi naman si papa, pero hindi siya pinapansin ni mama. Halata naman sa mukha ni papa ang pag-sisisi.“S
Kaagad kong inayos ang tayo ko at parang bumalik sa dati ang takbo ng paligid. Napakurap akong napatingin kay Ethan na ngayon ay naglalakad na palayo sa akin.I ran again towards him at bigla akong tumalon sa likod niya.“Buhatin mo ako, masakit ang paa ko dahil sa batong iyon!” Pagdadahilan ko.Natigilan si Ethan at narinig ko pa ang mahinang mura niya kaya napatingin ako sa kanya pero hindi pa ako nakakalingon ay inayos niya na ang pagkakabuhat sa akin, tsaka ito lumakad.“Don’t do that again, Seraphina.” He muttered.“Alin?” Tanong ko sa kanya, pero itinago ko ang ulo ko sa leeg ni Ethan dahil nakita ko ang mga masamang titig ng mga schoolmates namin.Bakit hindi, e may mga gusto sila kay Ethan! Hindi nga lang nila magawang makalapit sa kanya dahil sa takot nila kay Ethan. But not me. Ako lang ata ang tanging babae na nakakalapit kay Ethan.Natigilan si Ethan at muli itong napamura ng mahina, pero rinig ko naman. “Can you walk now, Sera?” Tanong nito kaya napatingin ako sa kanya, k
Ethan rolled me to the other side dahilan para ako na itong nakahiga sa kama, habang siya naman ay nasa ibabaw ko. His hands roamed around my body with gentleness, and he’s kissing me torridly. Parang uhaw na uhaw kami sa isa’t isa at halos ayaw nang bitawan ang mga sarili.Hingal na hingal kaming pareho nang mapabitaw si Ethan ng halik. Napamura ito tsaka lumayo sa akin. Napansin ko ang pamumula ng tenga ni Ethan, bago ito tumalikod sa akin.Habang ako naman ay napatulala at napatitig sa kesame tsaka napahawak sa labi. Ilang saglit lang, after processing what just happened. I screamed. Hindi dahil sa gulat, kun’di dahil sa kilig.Kaagad namang tinakpan ni Ethan ang bibig ko para hindi ako marinig ng mga tao sa mansyon nila.“Shut up, Sera!” Inis na saad nito sa akin.Kaagad ko namang tinanggal ang kamay nito sa bibig ko. “Edi tayo na?” I asked. Hindi sa pagiging delulu ha, pero hindi niya naman ako hahalikan nang wala siyang gusto sa akin hindi ba?“What?” Gulat na tanong niya.“You
“Can you stay?” I asked Ethan, who was tucking me into bed.“No,” Ethan fixed my comforter, “but I’ll stay until you fall asleep. Now, sleep.” Malamig na saad ni Ethan. Tumalikod ako sa kanya at niyakap ang unan ko. Naiiyak ako. It’s my birthday, yet Mama and Papa didn’t greet me. Nakakatampo sila. I miss them. I miss my old family.Napapikit ako nang tumulo ang luha ko. Pilit na makatulog kahit iyak na iyak na ako. At habang pilit na makatulog, Ethan humms me a song while gently caressing my hand to make me fall asleep.Just as I was drifting to sleep, I heard Ethan’s voice and his kiss on my forehead. “Goodnight, clumsy. Happy birthday.”MAAGA akong nagising at kaagad na napatakbo sa baba para salubungin sila mama, pero nagulat ako nang si Manang Jona lang ang nakita ko sa kusina na naghahanda ng almusal.“Hindi pa rin po ba nakakauwi sila mama?” Tanong ko.Malungkot na napailing si Manang Jona.Napatingin ako sa pintuan. Pero wala talaga. Akala ko, they will prank me like they used
Ilang araw ang nagdaan at hindi pa rin tumatawag sila mama at papa. Kinakabahan na ako sa kanila at sa tuwing tatawag ako ay ayaw rin sagutin ang tawag ko. Am I really alone now? Tinawagan ako ni Liam para magpa-enroll kaming dalawa. Kaya ay sumang-ayon ako sa kanya, kesa maboryo ako rito sa bahay. Sinundo ako ni Liam pagkatapos kong mag-ayos. “Hindi pa rin ba sila umuuwi?” Liam asked as he drove the car on the way to our school. Tumango lang ako habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. Alam ni Liam ang nangyari sa mga magulang ko. Kaya pati siya ay nag-aalala para sa akin. Kaya halos samahan na niya ako araw-araw para hindi ako makapag-isip ng kung ano-ano, lalo na’t summer e wala talaga akong magawa sa bahay. “Papansinin mo ba sila kapag nakauwi sila?” Natawa ako sa tanong ni Liam. “Oo naman bakit hindi? Mga magulang ko pa rin sila.” “Paano kapag hindi na sila umuwi?” Natigilan ako. Hindi ko talaga alam ang isasagot. I’ve been questioning myself with the same question for
Hindi ako umuwi sa bahay, at pinagpaalam naman ako ni Tita Karina kay mama, para hindi ito mag-alala. Nasa kwarto na ako na nilaan ni Tita para sa akin, kasama si Samantha ang fiancé ni Eros.“Do you love him?” I suddenly asked Samantha. Napatingin naman siya sa akin na nagtataka kaya napadapa ako para tignan siya na nasa kabilang kama.“I mean, engage kayo ni Eros, right? At alam ko naman na dahil lang sa parents mo at sa lolo ni Eros. But… Do you have feelings for him?” Napatitig naman si Samantha sa kesame, tsaka ito nagsalita. “Oo, pero I don’t think that he felt the same way.” Tumango naman ako sa sinabi niya. Natatakot ako. Kasi Ethan will know his fiancé too once he reaches 18. At hindi ako iyon, dahil hindi naman kami kasing yaman ng mga Sierra para maging fiancé niya ako.“Do you love Ethan?” tanong ni Sam. Tumango ako kaagad sa kanya at napaupo sa kama. “Kaso mukhang hindi niya rin ako mahal,” sagot ko dahilan para mapaupo din si Samantha sa kama.Pareho kaming natawa dahil
Ethan celebrated his birthday with his family and friends. Pero ‘yon ang buong akala ko dahil may mga well-known families din ang nagsidatingan na pinapakilala kay Ethan, naghahanap ng ipapangasawa sa kanya. Lukot na lukot naman ang mukha kong nakaupo sa gilid nang lapitan ako ni Sam. Napatawa ito ng marahan nang makita ko. “Oh, lukot ‘yan? Kulang nalang plantsahin na ni Ethan,” natatawang saad nito tsaka ako inabutan ng strawberry shake. Kinuha ko iyon at nagpasalamat tsaka ko ininom kaagad at medyo gumaan ang pakiramdam ko. “Ethan will find a new girl in a matter of time,” I muttered as I watched Ethan with his grandfather, Don Antonio, engaging with high-class families to find a perfect girl for him. I mean, Ethan deserves one. It’s just… I can’t bear him seeing another girl by his side beside me. Sino ba naman ako para itapat sa nag-iisang Ethan Sierra? Clumsy, hindi katalinuhan, makulit, hindi kasing yaman ng mga Sierra. Ethan is every girl’s dream—matalino, gwapo, mayaman—w
Mama didn’t come home to explain everything to me. And Dad, since that night, didn’t come home either. And I was left alone. Again.“Kumain ka, Miss Sera, ilang araw ka na hindi kumakain, hija. Baka mapano ka n’yan,” Manang Jona said softly as she placed the food tray on the center table inside of my room, where an untouch food is placed too.“Wala ho akong ganang kumain, Manang.” I replied, my voice cracked since my throat was too dry. I also felt the cracks on my lips as I hadn’t drunk any water that day.“Pero, Miss Sera… Ilang araw ka nang hindi kumakain at… pasukan na sa susunod na araw…” nag-aalalang saad ni manang.Mas humigpit ang pagkakayakap ko sa unan ko at nagtago sa kumot ko. Wala na ata akong mailalabas na luha. Binagsak ko na ang lahat ng iyon nang gabing umuwi si papa at nalaman ko ang pinaggagawa ni mama.Ilang araw na ba akong nagkukulong sa kwartong ito? Dalawa? Tatlo? Hindi ko na mabilang. Pati nga’y pagligo ay hindi ko na nagawa. Been sulking in my room for days. S