I rested my head on my desk as I stared at Ethan, who’s quietly reading his book. Wala itong ibang ginagawa kun’di magbasa ng magbasa lang. Ilag rin sa mga tao—stupid people to be exact. Ayaw na ayaw niya ng gano’ng tao, well except for me.
“Tantan! Lunch! Let’s go!” nakangiting saad ko sa kanya sabay hila ng kamay nito para mapatayo siya sa kinauupuan niya.
“I’m not hungry.” Malamig nitong wika.
I leaned closer to his face, but he didn’t flinch. Sanay na ito sa paganito ko sa kanya, kaya hindi na ito nagugulat pa. Ngumiti ako sa, tsaka ko pinitik ang noo niya. Napapikit siya, at huminga ng malalim, halata ang inis sa mukha niya ng gawin ko iyon sa kanya. I giggled when I saw that he’s controlling his anger towards me. Hindi niya naman magawang nagalit sa akin, ako pa.
“I told you, Sera, I’m not hungry.”
Ngumuso ako sa kanya pero hindi ako nagpatalo. I grabbed his book and immediately ran outside of our classroom. Narinig ko pa ang pagsigaw nito sa pangalan ko, kaya sumilip ako sa kanya sa pintuan.
“You’ll have this once you catch me, Ethan!” I giggled. Napabelat rin ako sa kanya pero hindi niya na ako pinansin muli at kumuha ng panibagong libro.
“Stop that, Sera.” Nagulat ako nang may baba akong nararamdaman sa ulo ko.
Itinaas ko ang ulo ko tsaka ko nakita si Liam, ang kaklase namin. Maraming nagsasabi na may gusto daw si Liam sa akin, pero hindi ko na binigyan ng pansin iyon. Liam and I we’re friends. Hangga’t hindi siya umaamin, I will not consider their rumors about him crushing on me.
Napanguso ako kay Liam, pero pinitik nito ang noo ko. “Liam!” Inis kong saad sa kanya.
Napansin ko ang pagtingin ni Ethan sa amin, kaya nang linungin ko siya ay kaagad itong umiwas ng tingin.
Ethan and I were childhood friends. Kaibigan ni mama ang mama ni Ethan, kaya naging kaibigan ko narin ang mga Sierra. But I am more drawn into Ethan. Ewan. May something sa kanya na hindi ko maintindihan.
Gwapo siya, oo. Pero lahat naman ata ng mga Sierra. Halo-halo kasi ang lahi nila. His grandfather, Don Antonio is a pure spanish na dito na lumaki sa Pilipinas. Ang naging asawa naman nito ay may halong Pinay at American. Tita Karina is also a half-american, pero lutang ang pagiging espanyol ng mga anak nito, at mas kuhang-kuha iyon ni Ethan.
“Tara, kakain ka na ba? My treat,” saad ni Liam.
Napatingin ako kay Ethan na busy pa rin sa pagbabasa ng libro. Muli akong napatingin kay Liam, na may kinang sa mga mata nang marinig kong ililibre niya ako.
“Isasauli ko lang ‘to. Basta libre mo ha!” I giggled again as I ran back to Ethan to return his book.
I gently placed the book on top of his table. Napaangat naman siya ng tingin sa’kin, pero muli ding tinuon ng pansin ang librong binabasa. Fundamental Law of Business. Napanguso ako kasi halos lahat ata ng mga libro ni Ethan ay about sa business and investments.
“Ayaw mo talagang kumain? I’ll buy you nalang. Pero sekret lang ‘yon kasi libre naman daw ni Liam!” Mahinang saad ko kay Ethan.
Ethan has no interest in other things. Babad ito lagi sa mga libro niya. Ni mga babaeng nagkakagusto sa kanya ay hindi niya pinapansin—well, ako lang ang babaeng may gusto sa kanya na pinapansin niya. Perks of growing up with him.
Hindi naman siya sumagot kaya pinisil ko ang magkabilang pisngi ni Ethan bago tumakbo papalapit kay Liam, muli akong bumaling kay Ethan na masama na ang titig sa akin habang hanaplos ang pisngi. Nag-belat ako sa kanya tsaka tuluyang umalis.
Natawa naman si Liam sa ginawa ko tsaka ako inakbayan papuntang cafeteria. “Ang kulit mo talaga, Sera,” aniya.
“Well,” tanging saad ko na lang.
Hindi naman talaga ako makulit—tanging kay Ethan at Liam lang. They’re my close friends. Walang ibang lumalapit sa akin para makipagkaibigan dahil lahat sila ay nagseselos dahil sa pagigiging malapit ko kina Ethan at Liam. Well, kasalanan ko bang lumaki akong kasama sila?
Nakarating kami ni Liam sa cafeteria, medyo maraming tao pero keri naman ang dami. Sanayan nalang din talaga dahil napakaraming estudyante dito sa Smith International School. It’s an international school, kaya iba’t ibang mga lahi ang nandidito and 90% of it’s population are born rich. May mga scholarships na binibigay ang SIA, at may mga estudyante ding sponsor ang mga Sierra at Devin.
“Hanap ka ng upuan, ako na kukuha ng meals natin,” aniya tsaka dederetso na sana papuntang counter nang tawagin ko siyang muli.
“Vege salad, clubhouse sandwich—”
“—sandwich and Mango shake. Anything?”
I giggled when Liam memorized my meal. Umiling ako tsaka ngumiti sa kanya. Ginulo niya naman ang buhok ko bago lumakad papalapit sa counter. Ako naman ay maghanap ng pwedeng mauupuan, at sakto, may bakante sa dulo na malapit sa greenhouse ng school.
Manghang-mangha ako nang makita ang mga iba’t ibang kulay ng paru-parung lumilipad sa paligid. Our school is eco-friendly. Hindi ko naman mahawakan dahil nasa loob kami ng cafeteria. May glass kasing humaharang sa pagitan ng cafeteria at greenhouse.
May malawak na garden ang school kung saan minsan ay tinatambayan ng mga estudyante dahil sa sariwang hangin mula sa mga nagsisitaasang puno at mga iba’t ibang klase ng bulaklak na pampagana talaga sa pag-aaral.
Habang hinihintay ko si Liam ay nakarinig naman ako ng tili sa paligid. Hindi ko na iyon pinansin dahil alam kong mga Sierra lang naman iyon. Wala namang ibang pinagkakaguluhan sa SIA kun’di ang mga Sierra at mga barkada nila.
I took my phone out to take photos of these little creatures. At habang ginagawa ko iyon ay may nilapag na tray sa lamesa.
Hindi ko na iyon nilingon dahil alam kong si Liam lang naman, pero nagtaka ako nang hindi ito nagsalita, knowing Liam is talkative too just like me, kaya nilingon ko iyon at nagulat ako nang makita ko si Ethan.
May dalawang tray sa lamesa. May egg soup, vege salad, grilled salted fish fillet, rice, and a mango shake.
“Stop eating just sandwiches, Seraphina.”
I gulped when I heard his cold and deep husky voice that sends shivers to my spine. Pero imbes na lamigin ako, ay mas uminit ang nararamdaman ko.
His words and actions are so thoughtful. And somehow, it gives me comfort. Hindi ko naman kasi aakalaing magiging ganito si Ethan, lalo na’t kilala naman siya ng lahat bilang “Ice Prince”.
“Why? Sandwiches are carbo too—” natigilan ako nang napaangat ito ng tingin at binigyan ako ng masamang tingin.
“Just eat.”
Hindi ko alam pero biglang lumakas ang pagkakatibok ng puso ko. I blinked several times because of his uncasual actions towards me.
Crush na ba ako ni Ethan? Nagiging delulu na ba ako? Impossible kasi wala naman interesado si Ethan sa lahat ng bagay—kun’di ang pag-aaral lang!
Dumating si Liam pero lukot na ang mukha nitong umupo sa tabi ko dala ang mga pagkain namin.
Ngumiti ako sa kanya at kinuha ang pagkain na para sa akin at nilagay ko sa tapat ko. “Gutom pala ako. Mauubos ko ‘to.”
I’m really hungry. Hindi kasi ako nakapag-almusal kanina kakamadali nang nahuli ako ng gising.
Pagkatapos kumain ni Ethan ay nauna na itong umalis, kaya sinundan ko ito ng tingin. His back really amazes me. Hindi naman siya itong tipong pala-gym na tao, pero ang ganda ng likod niya. And the way he walks, screams authority, tipong mapapaluhod ka na lang kapag nadaanan ka.
Pinitik naman ako ni Liam sa noo dahilan para mapangiwi ako sa sakit at mapatingin sa kanya.
“Para saan ‘yon?!” Singhal ko sa lalaki.
“Tapusin mo na pagkain mo at magsisimula na ang klase!” I pouted my lips on him, pero nagulat ako nang biglang ilapit ni Liam ang mukha nito sa akin. Mas nagulat ako nang bumaba ang tingin nito sa labi ko kaya abot langit na ang kaba ko.
Napalunok ako habang umaatras sa kanya. Napapikit naman itong umatras palayo sa akin, tsaka kinuha ang tray niya at naglakad papuntang lagayan ng mga pinaggamitan ng mga tray.
Pero nang sundan ko ng tingin si Liam, nagtama naman ang mga mata namin ni Ethan. He’s staring at me. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya dahil sa sobrang lamig nito.
Di… Did I do something bad to make him stared at me like that? Galit ba siya kasi muntikan na akong halikan ni Liam?
Hindi ko alam, but with my thoughts of him being mad, it makes me happy… At least now I know that he has feelings for me too? Or... Am I just being a delulu?
“Ethan! Wait up!” I shouted at him. Nagmamadali akong ligpitin ang mga gamit ko para mahabol ko si Ethan. Bakit ba kasi nakaligpit na ang mga gamit niya? Hindi naman siya mukhang excited umuwi ano?!As soon as I finished picking up my things, ay kaagad din akong tumakbo para habulin si Ethan nang may humila sa bag ko. Nilingon ko iyon at nakita ko ang nakangisi na si Liam, kaya sumimangot ako. “It’s Friday, pupunta ako ng mall, sama ka?” Aniya.Napatigil ako saglit sa sinabi niya, at tinignan ang direksyon ni Ethan, pero wala na ito sa paningin namin.“Libre mo ba?” Tanong ko kay Liam. Kinuha niya ang mga librong hawak ko, maging ang bag ko, na siyang lagi niya namang ginagawa sa tuwing pauwi na kami.“Oo naman, bakit hindi? Ikaw pa e, malakas ka sa akin!” Natatawang sabi ni Liam.I grinned at him. “Sige! Sabi mo e!” I giggled.Nakarating kami sa parking lot, pero nagulat ako nang makita si Ethan na nakasandal sa sasakyan nito, na para bang may hinihintay. Nakapamulsa siya at nakay
Naging maayos ang lagay ni mama noong sumapit ang sabado. Kaya naman ay pumasok na ako ulit sa school. Ethan brought me his notes and assignments at tinuruan din ako lalo na sa math namin, dahil may quiz daw kami ngayong Lunes.Hindi ako matalino, inaamin ko. And having Ethan as a friend who could teach me is really a blessing for me.“Ethan~” I called out his name when I saw him walking in the hallway. Hindi ito lumingon kaya tumakbo ako papalapit sa kanya at kinabit ang braso ko sa braso niya. Napatingin siya saglit sa akin, at muling napatingin sa harapan.“Thank you!” Saad ko sa kanya. Hindi ko kasi siya napasalamatan sa pagtuturo niya sa akin at sa pagyakap ko sa kanya.Wala naman siyang sinabi, pero lumawak ang ngiti ko. Maybe mama saw us that night, kaya nag-decide siya na magpagaling ng tuluyan para sa akin. Hindi pa rin nakakapagsalita si mama, pero ngumingiti na ito. Umuuwi naman si papa, pero hindi siya pinapansin ni mama. Halata naman sa mukha ni papa ang pag-sisisi.“S
Kaagad kong inayos ang tayo ko at parang bumalik sa dati ang takbo ng paligid. Napakurap akong napatingin kay Ethan na ngayon ay naglalakad na palayo sa akin.I ran again towards him at bigla akong tumalon sa likod niya.“Buhatin mo ako, masakit ang paa ko dahil sa batong iyon!” Pagdadahilan ko.Natigilan si Ethan at narinig ko pa ang mahinang mura niya kaya napatingin ako sa kanya pero hindi pa ako nakakalingon ay inayos niya na ang pagkakabuhat sa akin, tsaka ito lumakad.“Don’t do that again, Seraphina.” He muttered.“Alin?” Tanong ko sa kanya, pero itinago ko ang ulo ko sa leeg ni Ethan dahil nakita ko ang mga masamang titig ng mga schoolmates namin.Bakit hindi, e may mga gusto sila kay Ethan! Hindi nga lang nila magawang makalapit sa kanya dahil sa takot nila kay Ethan. But not me. Ako lang ata ang tanging babae na nakakalapit kay Ethan.Natigilan si Ethan at muli itong napamura ng mahina, pero rinig ko naman. “Can you walk now, Sera?” Tanong nito kaya napatingin ako sa kanya, k
Ethan rolled me to the other side dahilan para ako na itong nakahiga sa kama, habang siya naman ay nasa ibabaw ko. His hands roamed around my body with gentleness, and he’s kissing me torridly. Parang uhaw na uhaw kami sa isa’t isa at halos ayaw nang bitawan ang mga sarili.Hingal na hingal kaming pareho nang mapabitaw si Ethan ng halik. Napamura ito tsaka lumayo sa akin. Napansin ko ang pamumula ng tenga ni Ethan, bago ito tumalikod sa akin.Habang ako naman ay napatulala at napatitig sa kesame tsaka napahawak sa labi. Ilang saglit lang, after processing what just happened. I screamed. Hindi dahil sa gulat, kun’di dahil sa kilig.Kaagad namang tinakpan ni Ethan ang bibig ko para hindi ako marinig ng mga tao sa mansyon nila.“Shut up, Sera!” Inis na saad nito sa akin.Kaagad ko namang tinanggal ang kamay nito sa bibig ko. “Edi tayo na?” I asked. Hindi sa pagiging delulu ha, pero hindi niya naman ako hahalikan nang wala siyang gusto sa akin hindi ba?“What?” Gulat na tanong niya.“You
“Can you stay?” I asked Ethan, who was tucking me into bed.“No,” Ethan fixed my comforter, “but I’ll stay until you fall asleep. Now, sleep.” Malamig na saad ni Ethan. Tumalikod ako sa kanya at niyakap ang unan ko. Naiiyak ako. It’s my birthday, yet Mama and Papa didn’t greet me. Nakakatampo sila. I miss them. I miss my old family.Napapikit ako nang tumulo ang luha ko. Pilit na makatulog kahit iyak na iyak na ako. At habang pilit na makatulog, Ethan humms me a song while gently caressing my hand to make me fall asleep.Just as I was drifting to sleep, I heard Ethan’s voice and his kiss on my forehead. “Goodnight, clumsy. Happy birthday.”MAAGA akong nagising at kaagad na napatakbo sa baba para salubungin sila mama, pero nagulat ako nang si Manang Jona lang ang nakita ko sa kusina na naghahanda ng almusal.“Hindi pa rin po ba nakakauwi sila mama?” Tanong ko.Malungkot na napailing si Manang Jona.Napatingin ako sa pintuan. Pero wala talaga. Akala ko, they will prank me like they used
Ilang araw ang nagdaan at hindi pa rin tumatawag sila mama at papa. Kinakabahan na ako sa kanila at sa tuwing tatawag ako ay ayaw rin sagutin ang tawag ko. Am I really alone now? Tinawagan ako ni Liam para magpa-enroll kaming dalawa. Kaya ay sumang-ayon ako sa kanya, kesa maboryo ako rito sa bahay. Sinundo ako ni Liam pagkatapos kong mag-ayos. “Hindi pa rin ba sila umuuwi?” Liam asked as he drove the car on the way to our school. Tumango lang ako habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. Alam ni Liam ang nangyari sa mga magulang ko. Kaya pati siya ay nag-aalala para sa akin. Kaya halos samahan na niya ako araw-araw para hindi ako makapag-isip ng kung ano-ano, lalo na’t summer e wala talaga akong magawa sa bahay. “Papansinin mo ba sila kapag nakauwi sila?” Natawa ako sa tanong ni Liam. “Oo naman bakit hindi? Mga magulang ko pa rin sila.” “Paano kapag hindi na sila umuwi?” Natigilan ako. Hindi ko talaga alam ang isasagot. I’ve been questioning myself with the same question for
Hindi ako umuwi sa bahay, at pinagpaalam naman ako ni Tita Karina kay mama, para hindi ito mag-alala. Nasa kwarto na ako na nilaan ni Tita para sa akin, kasama si Samantha ang fiancé ni Eros.“Do you love him?” I suddenly asked Samantha. Napatingin naman siya sa akin na nagtataka kaya napadapa ako para tignan siya na nasa kabilang kama.“I mean, engage kayo ni Eros, right? At alam ko naman na dahil lang sa parents mo at sa lolo ni Eros. But… Do you have feelings for him?” Napatitig naman si Samantha sa kesame, tsaka ito nagsalita. “Oo, pero I don’t think that he felt the same way.” Tumango naman ako sa sinabi niya. Natatakot ako. Kasi Ethan will know his fiancé too once he reaches 18. At hindi ako iyon, dahil hindi naman kami kasing yaman ng mga Sierra para maging fiancé niya ako.“Do you love Ethan?” tanong ni Sam. Tumango ako kaagad sa kanya at napaupo sa kama. “Kaso mukhang hindi niya rin ako mahal,” sagot ko dahilan para mapaupo din si Samantha sa kama.Pareho kaming natawa dahil
Ethan celebrated his birthday with his family and friends. Pero ‘yon ang buong akala ko dahil may mga well-known families din ang nagsidatingan na pinapakilala kay Ethan, naghahanap ng ipapangasawa sa kanya. Lukot na lukot naman ang mukha kong nakaupo sa gilid nang lapitan ako ni Sam. Napatawa ito ng marahan nang makita ko. “Oh, lukot ‘yan? Kulang nalang plantsahin na ni Ethan,” natatawang saad nito tsaka ako inabutan ng strawberry shake. Kinuha ko iyon at nagpasalamat tsaka ko ininom kaagad at medyo gumaan ang pakiramdam ko. “Ethan will find a new girl in a matter of time,” I muttered as I watched Ethan with his grandfather, Don Antonio, engaging with high-class families to find a perfect girl for him. I mean, Ethan deserves one. It’s just… I can’t bear him seeing another girl by his side beside me. Sino ba naman ako para itapat sa nag-iisang Ethan Sierra? Clumsy, hindi katalinuhan, makulit, hindi kasing yaman ng mga Sierra. Ethan is every girl’s dream—matalino, gwapo, mayaman—w