Ilang araw ang nagdaan at hindi pa rin tumatawag sila mama at papa. Kinakabahan na ako sa kanila at sa tuwing tatawag ako ay ayaw rin sagutin ang tawag ko.
Am I really alone now? Tinawagan ako ni Liam para magpa-enroll kaming dalawa. Kaya ay sumang-ayon ako sa kanya, kesa maboryo ako rito sa bahay. Sinundo ako ni Liam pagkatapos kong mag-ayos. “Hindi pa rin ba sila umuuwi?” Liam asked as he drove the car on the way to our school. Tumango lang ako habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. Alam ni Liam ang nangyari sa mga magulang ko. Kaya pati siya ay nag-aalala para sa akin. Kaya halos samahan na niya ako araw-araw para hindi ako makapag-isip ng kung ano-ano, lalo na’t summer e wala talaga akong magawa sa bahay. “Papansinin mo ba sila kapag nakauwi sila?” Natawa ako sa tanong ni Liam. “Oo naman bakit hindi? Mga magulang ko pa rin sila.” “Paano kapag hindi na sila umuwi?” Natigilan ako. Hindi ko talaga alam ang isasagot. I’ve been questioning myself with the same question for days now. “Edi magpapaampon na lang ako kay Tita Karina,” I joked and giggled. Ngumiti lang si Liam. Ilang sandali lang ay nakarating kami sa school para magpa-enroll. Medyo marami na ring mga estudyanteng nagpapaenroll, minsan ay mga yaya lang nila ang nandirito para ipa-enroll ang mga alaga nila. Manang Jona can do that for me too, but I was so bored at home. Mabuti na lang din nang ayain ako ni Liam, para kahit paano ay maka-exercise ako. “Anong strand ka?” Tanong ni Liam hahang napila kami sa cashier para magbayad. “ABM, ikaw?” Ngumuso naman si Liam kaya napataas ako ng kilay. “STEM. My dad wants me to be an engineer.” Sagot nito pero halata ang lungkot sa kanyang mukha. “Ano ba gusto mo?” Tanong ko sa kanya. “Ikaw.” Pareho kaming natigilan sa sagot niya. Oo, pati siya na para bang hindi sinasadya ang sagot nito sa akin. “Ako?” Takang tanong ko. Trying to clarify if from him. Tumikhim ito, tsaka dumiretso ang tingin sa harap. “I mean, hindi ko din alam. Siguro kung nasaan ka.” Halata ang panginginig sa boses nito kaya medyo natawa ako. “Sus, nasa iisang school lang din naman ako kaya makikita mo pa rin naman ako.” Nang matapos kami ay nag-food trip kami ni Liam sa may Osmeña Circle. Maraming mga street foods doon, pungko-pungko etc. nagulat nga siya bakit iyon ang gusto ko. Mas masarap kasi iyon, tsaka isa pa nagsasawa na ako sa mga pagkain sa restaurant. Umikot-ikot din kami si Liam hanggang sa nakarating kami sa Sto. Niño Cathedral church, para magsimba. Madilim na nag matapos ang misa, pero muli kaming nag-ikot ni Liam sa Colon. Ang daming mga murang gamit dito, kung kaya’y nakakabili din ako. Reklamo naman ng reklamo si Liam kasi peke naman daw ang mga pinagbibili ko, pero it doesn’t matter kasi gamit rin naman iyon, lahat naman ng gamit ay nasisira, unless kung aalagaan mo iyon ng mabuti. Nag-food trip ulit kami ni Liam sa night market. Halos i-try na namin ang lahat ng pagkain sa paligid. Bale isa lang binibili namin, at pinaghahatian na lang namin iyon in case na hindi namin maubos ang mga pagkain. Hinatid na rin ako ni Liam pauwi ng bahay bago pa lumalim ang gabi. Pagpasok ko ay nagulat ako nang makita ko si mama na nakaupo sa sofa, may mga gamit na nakakalat sa salat at binibigyan ng mga pasalubong ang mga kasambahay na lagi niyang ginagawa sa tuwing uuwi ito mula abroad. Sobrang bilis ng pagkakatibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung tatakbo ba ako palapit sa kanya at yayakapin siya, o magtatampo. Pero alam kong galit ako sa kanya, at sana hindi umiral iyon. Pero mukhang nagkakamali ako. “Sera, anak.” Tumayo si mama para lapitan ako nang napaatras ako. Bakas ang gulat sa mukha ni mama sa ginawa ko. May kung ano sa puso ko nang tawagin ako ni mama. Umiwas ako ng tingin sa kanya at aakyat na sana ng hagdan nang magsalita ito muli. “I’m sorry, I missed your birthday… Pero may pasalubong ako para sa—” “Pasalubong? Do I ever want that from you, ma? Isang buwan mahigit kang walang paramdam sa’kin. And do you think you can just get me with those pasalubongs?” Ayokong magmukhang galit kay mama, pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko. And I chose na magtampo. Hindi naman masama kung magtatampo ako hindi ba? Valid naman ang nararamdaman ko hindi ba? “I’m sorry, ‘nak naging busy—” “Busy? Busy saan ma? Na hindi mo man lang nakuhang tawagan ako pabalik. Been calling you. I even baked a cake for you kasi akala ko uuwi ka na tulad ng sabi mo. Pero you ignored me for a million times. It’s been over a month, ma. Ni isang tawag wala.” Hindi ko mapigilang tumulo ang mga luha ko sa mga pinagsasabi ko sa kanya. I don’t want to get mad at her. Siya lang ang kakampi ko e. But she gave me reasons to get mad at her. “You two left me alone, na para bang wala kayong anak na uuwian.” I said, my voice breaking and so my heart is. “Sana hindi ka na lang umuwi. Okay na ako e. Nasanay na ako na wala kayo sa tabi ko.” I said before turning my back on her. Mabilis akong nakarating sa kwarto ko at doon ko binuhos ng lahat ng sama ng loob ko. I grabbed my phone to call Ethan. Sinagot niya naman kaagad iyon, pero hindi siya nagsalita. Hindi rin ako nagsalita pero umiiyak ako sa kanya. Ethan didn’t hang up the phone call and just listened to my sobs. Ayos na ako sa gano’n. I don’t need verbal to comfort me. Malabas ko lang sama ng loob ko. And I was so lucky to have him as a friend. People would never understand him, but I do. Behind his cold demeanor, may Ethan na malambing at mabait na nakatago sa kanya, na nilalabas niya lang kung nanaisin niya—but mostly, to me. Hindi ko mapigilang kiligin sa tuwing iniisip ko ang mga maliit na bagay na ginagawa niya, pero sobrang laki na ng impact sa akin, or maybe dahil may gusto ako sa kanya kaya gano’n kalaki ang impact na iyon sa’kin? “She went home. My mama went home.” I chuckled. A bitter laugh. “Humingi ng sorry, may dalang pasalubong. Ayoko sanang magalit sa kanya, Tantan e. Pero… hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko. I talked back to her.” I rant to Ethan. And he stayed, he listened hanggang sa makatulog ako. Pero maging sa paggising ko ay napansin kong nasa kabilang linya pa rin si Ethan. “Good morning,” masiglang bati ko kay Ethan. “Morning. Eat.” Tipid nitong saad. Kinilig naman ako sa bati nito. Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang mga mata kong namamaga kakaiyak kagabi. “Ang pangit ko na! Namamaga mga mata ko!” I ranted once again. “I know.” Napanguso naman ako sa sagot ni Ethan. “Ang sama mo talaga!” singhal ko sa lalaki, tsaka ko siya pinandilatan ng mga mata, pero wala namang epekto iyon sa kanya. “I already know that, Sera. Tell me something that I don’t know.” I giggled and grabbed my phone. “I love you.” Hindi ko alam kung natigilan ba siya sa sinabi ko dahil natahimik siya. “Joke lang!” Pagbawi ko. Pero kaagad akong napasapo sa noo, dahil I already told him that he’s mine! And I said to him that I love him! Tapos bigla mong babawiin, Sera? Baliw ka ba? “Nasa Manila ka pa rin ba?” Tanong ko at naghanda ng masusuot dahil feel ko hindi ko kayang mag-stay dito sa bahay na kasama si mama. “Yeah,” malamig na sagot nito. Napaismid ako. “Pwedeng tumambay sa inyo? Ayoko dito e,” sabi ko sabay kuha ng tuwalya ko. “Sila Errol lang nasa bahay, you sure you want to stay there?” “Oo! Makikipaglaro na lang ako kina Zeke at Elio.” I giggled. “Baba mo na, para makaligo na ako at makapunta sa inyo. Or kung gusto mo kong samahan sa ban—” Napatawa ako ng malakas nang biglang ibaba ni Ethan ang tawag nang hindi pa ako nakakatapos sa pagsasalita. I giggled as I ran towards the bathroom. Mabilis din akong kumilos para makarating sa mansyon nila. Pagkadating ko ay busy na ang buong mansyon dahil birthday ni Ethan bukas. Isa sa dahilan kung bakit ako nandirito para salubungin ang birthday niya ng madaling araw. “Sera!” Bati ni Tita Karina nang makapasok ako sa kanila. “Tita!” I giggled and ran towards her. Napatawa pa si Tita nang yakapin ko siya. “Buti dumalaw ka,” aniya. Ningitian ko lang si Tita. Pero kaagad na naagaw ng pansin namin ang umiiyak na Elio, kaya’y napatingin kami roon at nakita naming inaasar ni Emman si baby Elio. Elio is just five. Ang cute niya, kasi ang taba ng cheeks ni Elio, sarap kurutin! Lalo na ngayon na umiiyak ito, namumula ang mga pisngi. Natatawa akong lumapit kay Elio at pinunasan ang luha niya. Pero kaagad ko ring pinisil ang pisngi kaya muli siyang umiyak. Rinig ko ang pagtawa ni Tita Karina sa ginawa ko. “Sorry, sorry, ang cute mo kasi e! Ate Sera can’t resist your cuteness, baby.” I giggled. Napatawa naman ng malakas si Emman na kaagad namang binatukan ni Tita Karina. “Ang hilig mo talagang asarin kapatid mo! Maligo ka na nga at ang baho-baho mo na!” Six years gap kasi silang dalawa ni Emman at Elio kaya inaasar ni Emman ang bunso nila, lalo na’t pala asar talaga si Emman. Napansin naming bumaba si Zeke na nakapajama pa, kinukusot ang mga mata. Sinalubong siya ni Tita Karina at inaya ako sa kusina, kaya hinawakan ko ang kamay ni Elio para dalhin din siya sa kusina. Nagkwentuhan kami ni Tita Karina habang pinapakain niya si Elio at ako naman ay naghahanda para mag-bake ng cake. Sinabi ko kasi kay Tita na gagawan ko ng cake si Elio. Mga bandang hapon nang nagsidatingan ang mga Sierra, at ang kukulit. takbo dito, takbo doon, nahuhulog pa ang mga babasaging gamit ni Tita Karina pero ayos lang naman sa kanya. At si Emman na masyadong makulit talaga ay inaasar ang mga nakakatandang pinsan. Iyak ng iyak si Reid nang kinuha ni Emman ang PSP nito. Nag-belat naman si Emman pero kaagad din siyang binatukan ni Riley. “Napaka-ano mo talaga, Emman! Ibalik mo ‘yan!” Sigaw nito sa pinsan. Muling nag-belat si Emman tsaka tumakbo palabas ng mansyon at dumiretso sa pool area. “Ate Sera! Ate Sera!” May humila naman sa damit ko at nang yumuko ako ay nakita ko si Ravi na kinukusot ang mga mata, halatang kakagising lang mula sa kanilang biyahe. Galing pa kasi sila ng California at napapauwi lang sila ng Pinas kapag birthday ng isa sa mga Sierra. “Do you need anything, Ravi?” I asked and kneeled down to level his height. Tingin ko ay six-years old pa lang si Ravi. Chubby ang kanyang pisngi at mala-abo ang kulay ng mga mata, katulad ng mga kapatid nitong sila Reid at Riley. Pinakain ko si Ravi dahil gutom daw siya. Ilan sandali lang ay dumating na rin si Ethan kaya napatakbo ako sa kanya. Pero sa kamalas-malasan nga naman ay nadulas ako at babagsak na sana sa sahig nang kaagad akong nasalo ni Ethan. “Why are you so careless, Seraphina?” Malamig na saad ni Ethan. I blinked twice as I realized our positions. Nasa sahig si Ethan habang nasa ibabaw niya naman ako. Anong nangyari? “Huuy!” Kaagad akong napaayos ng upo sa tabi ni Ethan nang marinig ko ang pangangantyaw ng mga pinsan at kapatid ni Ethan. Ramdam ko rin ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha dahil sa hiya. Shit. “Kasalanan ko bang basa ang sahig?” Nauutal kong sigaw sa lalaki. Napatingin naman si Ethan sa sahig at nakita ngang basa iyon dahil naglalaro ng water gun sina Yuri, Reid at Emman. Napaangat ng tingin si Ethan sa mga kapatid at Pinsan at kumaripas naman sila ng takbo nang bigyan sila ng malamig na titig ni Ethan. Napatawa naman ako ng mahina dahil halatang takot na takot sila kay Ethan. Tumayo si Ethan at nilahad ang kamay nito sa akin. Napakurap ako pero kaagad ko ding tinanggap iyon para makatayo. Pero nakaramdam naman ako ng pananakit sa paa. Napadaing pa ako sa sakit. “Are you hurt?” Nabigla ako nang mag-iba ang tono ng pananalita ni Ethan. Puno iyon ng pag-aalala. Napaupo pa siya para tignan ang paa ko. Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko habang sobrang bilis ng pagkakatibok ng puso ko. Hindi na ako normal. Baliw na ako.Hindi ako umuwi sa bahay, at pinagpaalam naman ako ni Tita Karina kay mama, para hindi ito mag-alala. Nasa kwarto na ako na nilaan ni Tita para sa akin, kasama si Samantha ang fiancé ni Eros.“Do you love him?” I suddenly asked Samantha. Napatingin naman siya sa akin na nagtataka kaya napadapa ako para tignan siya na nasa kabilang kama.“I mean, engage kayo ni Eros, right? At alam ko naman na dahil lang sa parents mo at sa lolo ni Eros. But… Do you have feelings for him?” Napatitig naman si Samantha sa kesame, tsaka ito nagsalita. “Oo, pero I don’t think that he felt the same way.” Tumango naman ako sa sinabi niya. Natatakot ako. Kasi Ethan will know his fiancé too once he reaches 18. At hindi ako iyon, dahil hindi naman kami kasing yaman ng mga Sierra para maging fiancé niya ako.“Do you love Ethan?” tanong ni Sam. Tumango ako kaagad sa kanya at napaupo sa kama. “Kaso mukhang hindi niya rin ako mahal,” sagot ko dahilan para mapaupo din si Samantha sa kama.Pareho kaming natawa dahil
Ethan celebrated his birthday with his family and friends. Pero ‘yon ang buong akala ko dahil may mga well-known families din ang nagsidatingan na pinapakilala kay Ethan, naghahanap ng ipapangasawa sa kanya. Lukot na lukot naman ang mukha kong nakaupo sa gilid nang lapitan ako ni Sam. Napatawa ito ng marahan nang makita ko. “Oh, lukot ‘yan? Kulang nalang plantsahin na ni Ethan,” natatawang saad nito tsaka ako inabutan ng strawberry shake. Kinuha ko iyon at nagpasalamat tsaka ko ininom kaagad at medyo gumaan ang pakiramdam ko. “Ethan will find a new girl in a matter of time,” I muttered as I watched Ethan with his grandfather, Don Antonio, engaging with high-class families to find a perfect girl for him. I mean, Ethan deserves one. It’s just… I can’t bear him seeing another girl by his side beside me. Sino ba naman ako para itapat sa nag-iisang Ethan Sierra? Clumsy, hindi katalinuhan, makulit, hindi kasing yaman ng mga Sierra. Ethan is every girl’s dream—matalino, gwapo, mayaman—w
Mama didn’t come home to explain everything to me. And Dad, since that night, didn’t come home either. And I was left alone. Again.“Kumain ka, Miss Sera, ilang araw ka na hindi kumakain, hija. Baka mapano ka n’yan,” Manang Jona said softly as she placed the food tray on the center table inside of my room, where an untouch food is placed too.“Wala ho akong ganang kumain, Manang.” I replied, my voice cracked since my throat was too dry. I also felt the cracks on my lips as I hadn’t drunk any water that day.“Pero, Miss Sera… Ilang araw ka nang hindi kumakain at… pasukan na sa susunod na araw…” nag-aalalang saad ni manang.Mas humigpit ang pagkakayakap ko sa unan ko at nagtago sa kumot ko. Wala na ata akong mailalabas na luha. Binagsak ko na ang lahat ng iyon nang gabing umuwi si papa at nalaman ko ang pinaggagawa ni mama.Ilang araw na ba akong nagkukulong sa kwartong ito? Dalawa? Tatlo? Hindi ko na mabilang. Pati nga’y pagligo ay hindi ko na nagawa. Been sulking in my room for days. S
Halos hindi ako matigil kakasigaw sa ilalim ng unan ko dahil sa kahihiyang ginawa ko kagabi. Halos hindi ko pansinin si Ethan dahil bigla akong kinain ng kahihiyan. “Ano ka ba naman, Sera! Aamin-amin ka tapos mahihiya ka? Paano mo haharapin si Ethan mamaya?! Pasukan niyo na!” Pagulong-gulong ako sa kama dahil sa inis ko sa sarili. Mas nakakatakot pa ata ang ginawa kong pag-amin sa kanya kesa sa horror na pinapanood namin kahapon! Nakakainis! Napatingin ako sa salamin at kita ko ang pamamaga at itim sa ilalim ng mata ko. God. I’m not pretty anymore! Hindi na ako magugustuhan ni Ethan nito! Pagkatapos kong magbihis ng uniform at ligpitin ang mga gamit ko ay kaagad akong bumaba, tsaka ko sinalubong si manang na naghahanda ng almusal. Sabay na kaming kumain ni manang, kasama ang driver ko na si Kuya JP at si Ate Nena. Kami lang naman ang tao sa bahay, dahil hindi naman namin kailangan ng masyadong madaming kasambahay. Compared to the Sierra—well, hindi naman dapat ikumpara sa estad
I clung my arms to Ethan’s arms as we headed to the parking lot. Hindi naman maiwasan ang mga tingin sa amin, pero ang iba ay sanay na sa’min.“Nako, kulang nalang maging kayo na, Sera!” Natatawang saad ni Melody na kaklase namin.Ramdam kong uminit ang pisngi ko sa sinabi niya, pero wala man lang ka-reaksyon si Ethan.“Huy! Maghunos-dili ka nga, Mel!” I said, shyly. Napahagikgik ang babae tsaka ako binangga para mas mapalapit kay Ethan.“Mel!” Singhal ko sa babae pero natatawa lang itong lumayo sa’min, waving her hands.Napatingin naman ako kay Ethan na seryoso ang tingin sa daan. I pressed my lips together as I stared at his handsome and gorgeous face. Ethan’s tall, he’s 5’10. Mas matangkad ng isang dangkal si Liam, pero minsan ay mapanglinglang mga height nila. while my height is 5’4. Kaya ang pandak kong tignan kung magkatabi silang dalawa.“May gagawin ka ba, Tan? Gusto ko ng street foods!” Nakangiting saad ko sa kanya. Hindi ito kumibo, at mukhang malalim ang iniisip na normal
“Sagabal,” ulit niya kaya natigilan ako. “You’re not sagabal, Sera. Ride with me as long as you want. As long as you’re safe.” Kinikilig ako! Kung hindi ko lang kilala si Ethan baka nahulog na ako sa pinagsasabi niya, pero matagal na akong hulog sa kanya ‘di ba? Should I consider his thoughtful words right now? Sheez! Ethan chose the other path. Daan papunta sa kanila. Medyo malayo ang bahay ko sa kanila at iba din ang daan. Sila na may sariling lupa at mansyon sa tuktok ng Cebu, kami naman ay nasa executive village na nasa siyudad na hindi kalayuan sa SIA. Pagkarating namin sa mansyon nila ay naabutan namin si Elio na umiiyak, habang inaasar na naman ni Emman ang bunsong kapatid. Kawawang Elio. “Come here, baby Elio, inaaway ka na naman ni Emman, gusto mo awayin natin?” I said at Elio while wiping his tears away. Napakagat naman ng labi si Elio tsaka ito tumango at nang haharapin na sana namin si Emman ay kagat labi na itong nakayuko habang kinakausap ni Ethan. Napangiti ako kun
Halos hindi ako mapirmi sa kama ko kakatili nang maalala ko ang sinabi ni Ethan sa akin kanina. Totoo ba? Hindi naman straight na sinabing mahal niya ako, pero parang gano’n na rin ‘yon, hindi ba? “You already brought colors to my world, Sera.” ulit ko at napapaisip kung saang parte doon ang salitang magpapasabi na mahal na din ako ni Ethan. Pero I brought colors to his life? Talaga ba? Bakit ang lamig niya—well, hindi naman siya malamig sa akin, pa minsan lang kapag wala siguro siya sa mood. Pero, brought colors to my world… Ano bang meaning no’n?! Pagulong-gulong ako sa kama ko at hindi pa rin makuha ang salitang iyon. Feel ko kasi may ibang meaning din aside sa nabigyan ko ng kulay ang mundo niya. “Sera!” “Ay lumilipad na palaka!” Gulat kong sigaw nang biglang sumulpot si Liam sa harapan ko na siyang pumutol sa pag-iisip ko. Rinig ko naman ang halakhak ng lalaki, pero hindi ko siya pinansin at muling napaisip ng malalim dahil ayaw talaga akong patahimikin ng mga sinabi ni E
“Can I court you, Sera?” Halos hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Liam at pangalawang linggo na ngayon. Hindi ko pa rin alam ang isasagot ko, but Liam shows motives on me. He confessed that he likes me. Matagal na daw. “Sera, hinahanap ka ni Liam!” Sigaw ni Samuel na kaklase namin na ka-team ni Liam sa basketball.Napatayo ako para puntahan si Liam. Nang makalabas ako ay nakita ko si Liam na nakasandal sa railings na may hawak na maliit na box.“Sera!” Tawag niya sa akin nang makita ako.Lumapit ako sa kanya na may ngiti, kahit na sa totoo ay na-awkward ako. All this time, sa akin pala may gusto si Liam, na akala ko sa ibang babae. Suportado pa ako sa pangliligaw niya, tapos ngayong nalaman kong ako pala ang nililigawan, nawala lahat ng lakas ko.First time kasing may mangligaw sa akin, kaya hindi ko alam kung anong gagawin. Isa pa, wala naman akong nararamdaman kay Liam. Pero sabi niya naman ay no pressure.Paanong ‘no pressure’ kung araw-araw itong may dala ng kung ano-ano. Tul