I clung my arms to Ethan’s arms as we headed to the parking lot. Hindi naman maiwasan ang mga tingin sa amin, pero ang iba ay sanay na sa’min.“Nako, kulang nalang maging kayo na, Sera!” Natatawang saad ni Melody na kaklase namin.Ramdam kong uminit ang pisngi ko sa sinabi niya, pero wala man lang ka-reaksyon si Ethan.“Huy! Maghunos-dili ka nga, Mel!” I said, shyly. Napahagikgik ang babae tsaka ako binangga para mas mapalapit kay Ethan.“Mel!” Singhal ko sa babae pero natatawa lang itong lumayo sa’min, waving her hands.Napatingin naman ako kay Ethan na seryoso ang tingin sa daan. I pressed my lips together as I stared at his handsome and gorgeous face. Ethan’s tall, he’s 5’10. Mas matangkad ng isang dangkal si Liam, pero minsan ay mapanglinglang mga height nila. while my height is 5’4. Kaya ang pandak kong tignan kung magkatabi silang dalawa.“May gagawin ka ba, Tan? Gusto ko ng street foods!” Nakangiting saad ko sa kanya. Hindi ito kumibo, at mukhang malalim ang iniisip na normal
“Sagabal,” ulit niya kaya natigilan ako. “You’re not sagabal, Sera. Ride with me as long as you want. As long as you’re safe.” Kinikilig ako! Kung hindi ko lang kilala si Ethan baka nahulog na ako sa pinagsasabi niya, pero matagal na akong hulog sa kanya ‘di ba? Should I consider his thoughtful words right now? Sheez! Ethan chose the other path. Daan papunta sa kanila. Medyo malayo ang bahay ko sa kanila at iba din ang daan. Sila na may sariling lupa at mansyon sa tuktok ng Cebu, kami naman ay nasa executive village na nasa siyudad na hindi kalayuan sa SIA. Pagkarating namin sa mansyon nila ay naabutan namin si Elio na umiiyak, habang inaasar na naman ni Emman ang bunsong kapatid. Kawawang Elio. “Come here, baby Elio, inaaway ka na naman ni Emman, gusto mo awayin natin?” I said at Elio while wiping his tears away. Napakagat naman ng labi si Elio tsaka ito tumango at nang haharapin na sana namin si Emman ay kagat labi na itong nakayuko habang kinakausap ni Ethan. Napangiti ako kun
Halos hindi ako mapirmi sa kama ko kakatili nang maalala ko ang sinabi ni Ethan sa akin kanina. Totoo ba? Hindi naman straight na sinabing mahal niya ako, pero parang gano’n na rin ‘yon, hindi ba? “You already brought colors to my world, Sera.” ulit ko at napapaisip kung saang parte doon ang salitang magpapasabi na mahal na din ako ni Ethan. Pero I brought colors to his life? Talaga ba? Bakit ang lamig niya—well, hindi naman siya malamig sa akin, pa minsan lang kapag wala siguro siya sa mood. Pero, brought colors to my world… Ano bang meaning no’n?! Pagulong-gulong ako sa kama ko at hindi pa rin makuha ang salitang iyon. Feel ko kasi may ibang meaning din aside sa nabigyan ko ng kulay ang mundo niya. “Sera!” “Ay lumilipad na palaka!” Gulat kong sigaw nang biglang sumulpot si Liam sa harapan ko na siyang pumutol sa pag-iisip ko. Rinig ko naman ang halakhak ng lalaki, pero hindi ko siya pinansin at muling napaisip ng malalim dahil ayaw talaga akong patahimikin ng mga sinabi ni E
“Can I court you, Sera?” Halos hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Liam at pangalawang linggo na ngayon. Hindi ko pa rin alam ang isasagot ko, but Liam shows motives on me. He confessed that he likes me. Matagal na daw. “Sera, hinahanap ka ni Liam!” Sigaw ni Samuel na kaklase namin na ka-team ni Liam sa basketball.Napatayo ako para puntahan si Liam. Nang makalabas ako ay nakita ko si Liam na nakasandal sa railings na may hawak na maliit na box.“Sera!” Tawag niya sa akin nang makita ako.Lumapit ako sa kanya na may ngiti, kahit na sa totoo ay na-awkward ako. All this time, sa akin pala may gusto si Liam, na akala ko sa ibang babae. Suportado pa ako sa pangliligaw niya, tapos ngayong nalaman kong ako pala ang nililigawan, nawala lahat ng lakas ko.First time kasing may mangligaw sa akin, kaya hindi ko alam kung anong gagawin. Isa pa, wala naman akong nararamdaman kay Liam. Pero sabi niya naman ay no pressure.Paanong ‘no pressure’ kung araw-araw itong may dala ng kung ano-ano. Tul
“Sera!” Nakita ko si Liam na kumakaway sa akin nang makalabas ako ng classroom bitbit na ang mga gamit ko. Tumakbo ako papalapit sa kanya na may ngiti sa labi, at nang makalapit ay ginulo niya ang buhok ko.“Ayos ka na? Ice cream?” Wika niya tsaka kinuha ang mga gamit ko.“Kaya ko namang bitbitin! Isa pa, ice cream ulit? Hindi kaya ako magkaka-diabetes niyan?” Natatawang saad ko sa kanya.“Kaya din kitang bitbitin. And ayos lang, kung ka-sweetan ko naman ang magiging sanhi ng pagkakaroon mo ng diabetes!” he winks at me, and then he chuckled.Napalo ko naman ang braso niya tsaka natawa din sa kalokohan niya. “Gag*.”Tumawa naman siya tsaka ito tumalikod sa’kin at itinukod ang tuhod sa semento. “Dali, bubuhatin kita. Hindi ba’t masakit ang puson mo? Means hindi ka nakakalakad ng maayos? Panindigan mo, Sera. Nasa may parking lot pa si Sir Lee,” natatawang pananakot nito sa akin. “Baka mahuli ka, edi zero ka sa kanya.”Napanguso ako sa sinabi niya tsaka ko muling sinapak ang balikat niya
Ilang buwan na ang lumipas simula ng mapanaginipan ko ang pag-uwi nila mama at papa sa bahay namin, pero sa tuwing umuuwi ako ay hindi ko man lang sila nadadatnan sa sala, o kaya sa kusina, kahit lang sana na ni anino man lang nila ang makita ko ay wala. Pero heto pa rin ako umaasa na sana nga pag-uwi ko galing school, ay makita ko sila. Dali-dali akong bumaba sa sasakyan ni Liam nang makarating sa bahay, mabilis na tumakbo papasok, pero kaagad ring mawawala ang ngiti sa labi nang sobrang tahimik ang bahay. Tanging si manang lang ang nasa kusina at naghahanda ng hapunan.“Oh, hija, nakauwi ka na pala, nagbake ako ng paborito mong cookies ‘n cream, teka kukunin ko para sa’yo,” aniya tsaka ako iniwan sa kusina.My dreams were so vivid that they seemed real. “Ayos ka lang ba, Sera? May sakit ka? Namumutla ka?” Tanong ni manang nang makalapit itong muli sakit, bitbit ang cookies ‘n cream.I smiled at her and grabbed the cookies. “Wala ‘to Manang. May assignment pa pala ako! Pakidala na
“Masarap? Gawa ko ‘yan,” saad ni Liam nang ibigay niya sa’kin ang tiramisu cake. “Talaga? Ang sarap! Eto na favorite ko!” Tuwang-tuwa kong saad sa kanya. Napatawa naman si Liam tsaka niya ginulo ang buhok ko. “Sure ba ‘yan? Baka ine-eme mo lang ako!” Muli akong napatawa at nagsandol ng tiramisu cake tsaka ko muling tinikman iyon. “Oo nga,” saad ko habang ningunguya pa ang cake. “Hinay, Sera! Marami pa niyan, hindi ka mauubusan! Pero kapag naubos na e gagawa naman ako ng panibago,” natatawang saad ni Liam. Kumuha siya ng tissue at idinampi iyon sa’kin. “Ang sarap kasi, ayaw mong maniwala. It was soft and watery to eat. Tsaka hindi siya masyadong matamis, tama lang. Tsaka lasap na lasap ang kape,” komento ko sa kanya. Natawa naman si Liam tsaka ginulo ang buhok ko. “It was made of coffee, Missy. That’s the main ingredient of Tiramisu cake,” natawa ito. “I know, may nakain kasi akong tiramisu cake na hindi ko masyadong nalasahan ang kape, tsaka sobrang tamis!” Tumawa muli si Lia
“Ma’am! Siya naman talaga ang nauna! Look what she did to my forehead!” Tili ni Kendra at pinakita noo niya kina Tita Karina at kay Mrs. Falcon na siyang guidance counselor namin.Napayuko lang ako sa tabi dahil kasalanan ko naman talaga. Ano pa bang rason na sasabihin ko?Nasa tabi ko si Liam, habang nasa tabi naman ni Tita Karina ang anak niya na si Ethan, at ang pinsan ni Kendra na nasa tabi niya bilang saksi daw sa nangyari kanina.Pinatawag kasi kami lalo na’t marami ang nakakita sa nangyari kanina. At ang sabi pa ng iba, sinadya ko raw iyon.“Sera? Is that true?” Mahinahong tanong ni Tita Karina na ngayo’y nakatuon na ng atensyon sa’kin.Nag-angat ako ng tingin sa kanila habang balisang nilalaro ang mga daliri ko. “O-opo,” tugon ko na lang.Ayoko ng gulo. Kaya mas gusto ko na lang akuin iyon, dahil totoo rin naman na natamaan siya ng bato—ngunit hindi sadya.“See?! May galit talaga siya sa’kin! I was having lunch with my friends nang batuhin niya ako sa ulo ko!” Kendra said in de
Days had passed, naging normal ang pamumuhay namin ni Ethan. Simula nang may mangyari ulit sa’min ay todo alaga na ito sa’kin, lalo na alam naming pareho na sinadya niyang buntisin ako kaya mala-prinsesa ang pag-aalaga niya sa’kin.Nasa may isla kami. Sa hindi masyadong kilalang isla at malayo sa ikinagisnan naming buhay.The island was owned by him. He secretly purchased it under my name. Pero may mga mamamayan namang nakatira sa paligid kaya kahit paano ay hindi lang kaming dalawa ang tao sa islang ito.Papalubog na ang araw nang huminto ang maliit na bangka sa shore at bumaba roon si Ethan kasama ang iilang mangingisda.Nakasuot ito ng puting long-sleeves katulad ng mga suot ng mangingisda. Naka loose track pants din ito na nakatupi ang bawat dulo hanggang sa baba ng kanyang tuhod na para bang maiwasan na mabasa iyon, pero nang makababa ito sa bangka ay nabasa rin kaya walang kwenta ang kanyang pagtupi roon. Habang nasa kanyang likod naman ay ang sumbrero na gawa sa puno ng niyog.
[Third Person’s POV]Pinagmasdan ng isang lalaki sina Ethan at Sera na magkahawak ang kamay na dahan-dahan na lumabas mula sa silid ng dalaga. Ang kanyang mga kamay ay nasa magkabilang gilid ng kanyang bulsa.Blangko itong nakatitig sa dalawa, pero sa kanyang loob, naiinis ito. Ethan just ran away with his bribe.“Go, magpakasaya kayong dalawa ngayon. Saakin pa rin ang huling halakhak, Ethan.” Lumakad papalayo ang binata pero natigilan rin ito sa silid ng kung saan nananatili ang ama ni Sera at ang kabit nito. Nakaawang ng bahagya ang kanilang pintuan kaya’t naririnig ang kanilang pinag-uusapan.“Shut your mouth!” sigaw ni Mara na siyang umalingawngaw sa buong silid.“Paano, Mara? We killed Sarah! And now you want to take over the company? Sobra na naman ata iyon! Malaki na ang ninakaw natin sa kanya noon! Pwede ba? Huwag mo nang kunin ang lahat kay Sera!” Isang malakas na sampal ang natanggap ni Gabriel mula kay Mara para patigilin ito sa pagsasalita.“Kulang pa lahat ng iyon, Gab!
I rejected Darius. I’m not into relationships or marriage. And I am having a hard time to fix myself, to heal myself from the pain and hurt I felt for the entire time since my mother had gone. It’ll hurt me even more if I push myself. Bumalik kami ng siyudad matapos namin magpalipas ng araw sa tabing-dagat. Gusto pa sana ni Darius na doon na lang magpalipas ng gabi, pero may pasok pa ako sa trabaho.Next week na ang pasukan, kaya kailangan kong mag-trabaho para may allowance ako bago ako maging part-timer ulit. Mas maliit kasi kikitain ko kung part-time lang.Habang nasa restaurant e doon ko lang naalala na ngayong gabi nga pala ang engagement party nina Kendra at Ethan. Ayaw ko man pumunta ay kailangan dahil kung hindi, hahanapin ako ni papa.“Sera, may naghahanap sa’yo sa labas,” saad ni Fiona na siyang ka-workmate ko.Napakunot-noo akong naglakad palabas para tignan kung sino ang naghahanap sa’kin. Kasi kung si Darius iyon e, sasabihi
Buong gabi akong umiyak, pilit na tinatanggal ang sakit na nararamdaman ko pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawa. Kaya wala sa sarili akong pumasok kinabukasan at halos buong araw na nagkakamali.“Sera, magpahinga ka na muna. Wala ka sa sarili mo. About sa damages mo, don’t worry about it, hmm?” Malambing na saad ni Maam Anna, ang may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuan ko.In the end, pinauwi nga ako. Pero hindi ako umuwi at tumambay sa labas ng restaurant, nakaupo at tulala habang nagpapalipas ng oras.Pero nang maghapon na ay tumayo ako tsaka nag-abang ng jeep na siyang magdadala sa’kin sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu para magsimba.Habang nag-aabang ay may isang puting sasakyan ang huminto sa harapan ko. Napakunot ako ng noo dahil iba ang kulay ng sasakyan ni Darius, BMW na navy blue. Etong sasakyang huminto sa harapan ko e isang sports car Lamborghini na puti.Bumukas ang pintuan sa driver’s seat at tila bumagak ang takbo ng mundo ko nang unti-unting lumalabas a
“Are you okay?” Tanong ni Darius habang tinatahak ang daan palayo sa bahay. Tumango lang ako bilang tugon at napabuga ng hangin para pakalmahin ang sarili. Wala sa sarili naman akong napatingin sa bintana at pinagmamasdan ang mga gusali sa labas. “I really don’t know that Ethan would be Kendra’s fiancé.” “H’wag mo nang banggitin, Dar. Gutom ako.”Tumawa si Darius kaya humaba ang nguso ko. “Totoo nga kasi, gutom ako.”“Alright, my Tinkerbell, kakain tayo. Makakahabol pa naman ata tayo sa huling movie—or drive thru na lang tayo tapos dalhin natin doon.” “The latter, please.” “Alright, my queen.” Inabot ni Darius ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. It was sweet. Pero kung may gusto lang ako kay Darius baka ayaw ng umalma ang puso sa dibdib ko sa ginawa niya. Pero wala. Never felt sparks too. We’re just friends.Just like we planned, Darius bought food and we brought it to the drive-thru cinema which I didn’t know existed here in Cebu.Rom-com ang pinapanood namin ni Da
Lumipas ang mga araw na walang ibang ginagawa si Darius kun’di guluhin ang araw ko. Worst is, kasama ko ba sa lahat ng subjects dahil magka-klase lang naman kami.“Sera, sabay tayo mag-lunch.”“Ayoko.”“May mango cake doon, tsaka mango shake. Sinabihan ko na si Tita Melody na ipag-reserve ka. Ayaw mo talaga?”Sinusundan pa rin ako ni Darius sa paglalakad, paatras nga lang ang lakad nito para masundan niya ako.“No.” pagmamatigas ko kahit na nakakatakam ang mga pinagsasabi niya.Ayokong kumain. Other words, nagtitipid ako. On-hold ang bank account ko, kaya hindi ako maka-withdraw, naka-frozen din ang credit cards ko kasi hindi pa daw nababayaran ang mga previous expenses ko. Kahit ang bank account ni mama ay frozen.Kaya ang natitira ko na lang pera ay five thousand na hindi ko alam kung aabot pa ba ng isang buwan sa’kin. Ayoko ring humingi kay papa kaya kinausap ko na ang sekretarya ni mama na gawan ng paraan ang mga bank accounts namin, ngunit isang linggo na ay wala pa ring update.
Kinabukasan ay naiwan akong mag-isa kasama si Harris na nagtatanong ng mga bagay-bagay tungkol sa kukunin kong kurso at siya na bahala daw na mag-enroll sa’kin. Gusto kong sumama sa kanya, pero habilin sa kanya ng babaeng iyon ay huwag na huwag akong palalabasin ng bahay.Inabot din sa’kin ang bagong cellphone. Cheap. Pero okay na rin. Matawagan ko lang si Ethan.But every time I dialed his phone number, ay laging out of coverage iyon. Did he change his number? Did you really leave, Ethan? Nasa abroad ka na ba? What about your promise? Akala ko ba hindi mo ako iiwan?Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nang malamang iniwan nga talaga ako ni Ethan. I hate you. I really hate you, Ethan.“Miss Sera, may kailangan pa ba kayo?” Tanong ni Harris nang makapasok ito sa kwarto ko.Bigla akong kinabahan dahil ni minsan ay hindi ito pumapasok sa kwarto ko, at hindi din siya papasok ng basta-basta sa kwarto ko. Ni hindi nga siya umaakyat sa taas unless may kukunin itong documents sa silid nila m
Ilang linggo na lang ay pasukan na. Ngunit hindi pa rin ako nakakapag-enroll. Ni hindi ako makalabas ng bahay dahil bantay sarado ako ng mama ni Kendra.I don’t want her to call her by her name. It makes me feel sick. Sukang-suka na ako nang malaman kong best friend siya ni mama, pero heto inahas ang asawa ni mama—worst before he could have me.Nakakasuka pa lalo nang ipilit nila ang mga sarili nila sa pamamahay ko. “I will be gone for a week, business trip. So, Sera, please be good to your mom and sister, Kendra,” papa ordered me.Napaismid ako sa inutos niya. How could he?! Mama just died and now bringing his mistress and their child into my house? Where’s the decency?! Ni hindi ko nga nakita sa lamay at libing ang magaling kong ama, tapos dadalhin niya rito sa pamamahay ni mama ang walang hiyang sumira sa pamilya namin? The audacity!“Ako pa talaga ang magiging mabait sa kanila? They’re in my house, papa!” I yelled, almost dropped my utensils dahil sa galit akong napahampas ng mga
Inilibot namin ni Ethan ang isla, gumala, nag foodtrip at naligo ng dagat kahit na hindi naman ako marunong lumangoy. Ilang beses na akong tinuturuan ni Ethan, pero napupunta lang iyon sa paglalandian naming dalawa.“Gutom na ako,” wika ko nang makaahon ako sa pool. Ethan stayed on the edge of the pool, staring at me with his naked eye.Mabilis kong binalot ang tuwalya sa katawan ko nang umihip ang hangin dahilan para lamigin ako.“You can eat me, my love.” “Che! Nananakit na ang balakang ko! Lulumpuhin mo ba ako?!” Asik ko sa lalaki.Simula kasi nang gabing iyon ay ayos ayaw na akong tigilan ni Ethan na siyang gustong-gusto ko rin naman.Tatlong araw na rin kaming nakatambay dito sa Moalboal, pero gumagala sa iba’t ibang parte ng south.“Well,” umahon siya sa pool at sinuklay ang kanyang basang buhok gamit ang kanyang mga daliri. And the way he brushes his hair looks so damn sexy and hot.Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa lalaki at sumimsim na lang sa apple juice na nakahanda pa