“Ma’am! Siya naman talaga ang nauna! Look what she did to my forehead!” Tili ni Kendra at pinakita noo niya kina Tita Karina at kay Mrs. Falcon na siyang guidance counselor namin.Napayuko lang ako sa tabi dahil kasalanan ko naman talaga. Ano pa bang rason na sasabihin ko?Nasa tabi ko si Liam, habang nasa tabi naman ni Tita Karina ang anak niya na si Ethan, at ang pinsan ni Kendra na nasa tabi niya bilang saksi daw sa nangyari kanina.Pinatawag kasi kami lalo na’t marami ang nakakita sa nangyari kanina. At ang sabi pa ng iba, sinadya ko raw iyon.“Sera? Is that true?” Mahinahong tanong ni Tita Karina na ngayo’y nakatuon na ng atensyon sa’kin.Nag-angat ako ng tingin sa kanila habang balisang nilalaro ang mga daliri ko. “O-opo,” tugon ko na lang.Ayoko ng gulo. Kaya mas gusto ko na lang akuin iyon, dahil totoo rin naman na natamaan siya ng bato—ngunit hindi sadya.“See?! May galit talaga siya sa’kin! I was having lunch with my friends nang batuhin niya ako sa ulo ko!” Kendra said in de
“So? Why do you care?” Tanong ko sa kanya. Natahimik siya tila hindi alam ang sasabihin niya. I scoffed and grabbed my things before leaving his car.“Mag praktis ka mag-isa mo!” sigaw ko muli sa kanya bago ako tuluyang bumaba sa sasakyan niya.Mas lalo akong nainis nang pinaharurot ni Ethan ang sasakyan niya at iniwan akong mag-isa dito sa daan.Nakakainis siya! Ano bang problema niya at hindi maayos-ayos ang pakikitungo niya sa’kin? Isang araw magiging mabait, sa susunod na araw magiging masungit. Gets ko naman e! Kasi gano’n si Ethan! Pero paano naman ‘yong paghalik niya sa’kin? Mga panahong kailangan ko ng makakaramay bakit siya ang nauunang dumating? Why he’s being possessive kung wala naman siyang pake?! Minsan mabait! Minsan masungit! Argh! I don’t get him anymore!Inis na inis kong sinipa ang bato at nagpara ng taxi para makauwi na kaagad. Saktong nakapasok na ako sa taxi bago pa tuluyang bumuhos ang ulan. Nakng! Nakikisama pa talaga sa nararamdaman ko!Pagkadating ko sa baha
Minsan nakakaasar kasama si Darius dahil sa mga pick-up lines niyang mga baduy, but never once I felt lonely. He’s fun to talked to at wala talagang problemang aalalahanin kapag siya ang kausap ko. Napahikab ako nang makaramdam ng antok, na siyang napansin naman ni Darius dahil napatanong ito. “Ihatid na kita sa inyo?” “Ayokong umuwi,” pabalang na saad ko tsaka ako tamad na s******p sa apple juice ko. “Ako rin,” tugon niya dahilan para mapatingin ako sa kanya, pero maging ito ay tamad na ring s********p ang juice niya. “Oh, edi saan tayo?” kunot-noong tanong ko sa kanya. “Palaboy-laboy na lang tayo? O ‘di kaya manglimos?” inosenteng tanong niya dahilan para kaunti na lang ay maniwala na ako sa kanya. Natawa ako sa sinabi niya. “Gaga, sa gwapo mong ‘yan may magbibigay sa’yo? Eh mukha ka ngang mayaman oh! May maniniwala ba sa’yo?” Napanguso naman siya, pero kaagad ding sumilay ang pilyong ngisi. “Oo, kapag naglagay tayo ng uling! Tara! Hindi ko pa nasusubukan iyon! Tsaka may ma
So, I turned off my phone when mama keeps calling me. Ayokong sagutin. Ayoko. Ayokong umuwi kung hindi lang din naman kami nagkakaayos. Pero gusto ko ding malaman kung bakit sila nagsiuwian. Ngayon pa talaga kung kailan sanay na akong wala sila sa tabi ko.Darius left me alone as soon as I settled down. Naglinis din siya kanina ng mga kalat, kahit na sobrang linis naman ng unit niya. Pinalitan din ang mga sheets ng kama at unan niya. He even cleaned the bathroom for me kahit na sabi ko ako na Ang maglilinis. But he insisted. He did all the chores kahit na pareho kaming walang mga tulog.He’ll visit me later at lunch kung magigising daw siya ng maaga. Sabi ko dito na lang din magpahinga, pero ayaw niya, dahil nandito daw ako. Ano naman kung nandito ako? E kanya naman ito. Siya pa itong nahiya.Nagpahinga ako at nagising na lamang ako nang may naamoy akong mabangong luto. Luto? Nandito na si Darius?Napabalikwas ako pero kaagad ding napapikit dahil kumirot ang ulo ko, siguro dahil sa wal
“What the heck is wrong with you, Liam?” singhal ko sa lalaki nang makarating kami ng parking lot ng condo ni Darius.“What is wrong with me? Oo nga naman, Sera. What is wrong with me?” sigaw nito sa’kin kaya napaatras ako.Nanginginig ang katawan ko sa galit, inis at kung ano pa na hindi ko maintindihan. At nang makita iyon ni Liam, ay kaagad itong humingi ng tawad, pero napaatras lang ako palayo sa kanya.“Fvk.” mura niya tsaka ginulo ang buhok niya.“I’m sorry, Sera, I didn’t mean to scare you,” mahinahon pero basag ang kanyang boses, na may pagsisisi sa kanyang mga mata.“I am not, Liam. Ano bang nangyayari sa’yo? Nagmamagandang loob lang si Darius! Kung hindi siguro dahil sa kanya, baka nga may mangyari nang masama sa’kin,” nanginginig ang boses kong saad sa kanya.Huminga ng malalim si Liam. “I am your suitor, Sera. Why you didn’t call—”“I did. Several times, Liam.” My voice remained calm, but inside, I was trembling.Natigilan si Liam sa sinabi ko. “I… I’m sorry, Sera. Nakita k
Nakaupo ako ngayon sa gitna, kung saan pareho silang nasa magkabilang gilid ko at magkaharap. Liam sits comfortably while Ethan sits the way he used to be—looking proud and confident.I cleared my throat and spoke. Mukhang wala naman silang planong mag-usap, isa pa inaantok na ako. Kailangan ko nang magpahinga. “Anong ginagawa ko rito? Kung wala kayong sasabihin, pwede magpahinga na?”Ethan turn his head to look at me. Halos tumalon ang puso ko nang makita kung paano niya ako titigan. His expression’s mad, but suddenly turned softened as soon as he stared at me, like scanning and studying me—as if I am good and fine kaya naging malambot ang ekspresyon niya sa mukha.Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya. Gusto ko nang umalis. Pero may part sa’kin na gusto ko siyang makasama.“I need to talk to Sera alone, Liam,” his voice cold as usual. Liam didn’t falter nor shaken by the tone of his voice—sanay na siya kay Ethan. Pero ako na kahit best friend ni Ethan na laging magkasama ay natata
Ilang beses akong nagpagulong-gulong sa kama dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pagkatapos kong sabihin kay Ethan iyon, bakas sa kanyang mga mata ang sakit. Why? Was he jealous? Is he mad na sasagutin ko na si Liam? Why? Hindi ko siya maintindihan!Para akong zombie kinabukasan nang magising ako. Sobrang itim ng ilalim ng mga mata ko at sobrang gulo rin ng buhok ko.Napahiga ako muli at nagtago sa kumot nang may kumatok sa pintuan ng kwarto.“P-pasok,” nanginginig kong saad sa taong nasa pintuan.Narinig ko ang pagbukas noon at mga yabag na papalapit sa’kin.“Good morning, Sera,” bati ni Liam. Sobrang lalim at namamaos ang kanyang boses at hindi ko mapigilang aminin na ang gwapo ng boses ni Liam.“I brought some milk,” aniya tsaka narinig ko ang pagpatong ng baso sa side table. Ilang sandali lang ay bumaon ang kama, hudyat na napaupo na ngayon si Liam sa kamang hinihigaan ko.“Gising ka na? Do you want to come with us? Magsisimba kami,” sobrang rahan ng boses ni Liam kaya hindi
Tulad ng sabi ni Liam ay nag-simba kami kasama sila Tita Violet, Tito Lance, Kuya Luke at ang bunsong kapatid nila Liam na si Levi. Pagkatapos no’n ay namasyal kami sa mall, at nag-shopping na rin sina Tita. Groceries at mga gamit para sa’kin.“Nako, Tita, hindi na rin naman po kailangan…”“No, I insist Sera, pagbigyan mo na ako,” natawa si Tita at Inakbayan naman siya ni Tito Lance. “Gustong-gusto niya talaga magkaroon ng babaeng anak, Sera. Hayaan mo na,” tumawa si Tito Lance. “Wala pa kasing pinapakilalang girlfriend itong si Luke, at baka gumaduate na lang ng college e, wala pa ring girlfriend.”“Dad, wala pa sa isip ko ‘yan,” natatawang saad ni Kuya Luke. “Si Liam, baka masagot na ni Sera.”Napangiti na lang ako sa kanila. I never felt like I was an outsider to their family. Sobrang saya nilang kasama. Tinuri nila akong anak, at kapatid—na para bang kabilang ako sa pamilya nila, and somehow, I miss my own family too.We played arcade, bowling, archery, we watched cine and did ice
Naalimpungatan ako nang makaramdam na mainit na kamay na siyang gumagapang sa buo kong katawan kasabay no’n ang maliliit na halik sa leeg at balikat ko pababa sa kamay ko.Umungol ako at gumalaw para harapin si Darius. Napadilat siya nang maramdaman niyang kaharap ko na siya. He smiled and said “Good morning.”“I have a lot of things to do today, hubby. Ayokong mapagod,” mahinahon kong saad sa kanya.Aside sa marami akong gagawin, iniiwasan ko talaga ang magkaroon ng intimate moment with Darius.I love him. Pero sa tuwing hinahalikan niya ako, ay naaalala ko ang mga kasungalingan niya. Hindi ko kayang sikmurahin ang mga pinaggagawa niya sa’kin.“Alright. I will fetch you in your office later.”Hinalikan niya ang labi ko at nang hindi ko iyon tinugunan ay napatingin siya sa’kin na may pagtataka. Ngiti lang ang tinugon ko at nauna nang tumayo mula sa pagkakahiga sa kama.Kinuha ko ang roba ko at pumasok sa banyo saka naligo. Nang matapos ako ay isang sleeveless white satin dress ang kin
Matapos kong makuha ang bulaklak ay dumiretso ako sa sementeryo. Nakita kong nag-uusap sina Ethan at Kuya Lance. Napangiti ako.Ang daming nagbago kay Kuya Lance. Si Liam kaya?Lumakad silang dalawa kaya tahimik ko silang sinusundan hanggang sa mapatigil kami sa puntod kung saang nakikita kong umiiyak si Liam na para bang lasing at wala sa sarili.Five years. Limang taon na nang malamang patay na ako. Limang taon na rin silang nagluluksa sa kamatayan ko.Parang pinipiga ang puso ko nang makitang nagluluksa pa rin hanggang ngayon si Liam. He really loves me. Nakaramdam naman ako ng konsensya. Kung siya ba ang pinili ko, magiging ganito ba ang lahat?Liam is too good to be true. Totoo siyang magmahal, at ramdam na ramdam ko naman iyon noong kami pa lamang. Just like how Darius is taking care of me now. Pero kahit na labis ang pagmamahal nila sa’kin, si Ethan pa rin talaga.Hinatak na ni Kuya Lance si Liam paalis. Nabigla pa si Kuya Lance nang makita ako, pero tinitigan ko lang siya na
Kumikirot ang ulo ko nang mapalabas ako sa opisina ni Mr. Ethan Sierra. Halos maduwal din ako nang makaramdam ng labis na panginginig. Anong nangyayari?Kinuha ko ang phone kong nakatago sa bag ko at tinawagan ang number ng asawa ko.“Darius, nahihirapan akong huminga…” saad ko agad nang sagutin niya ang tawag ko.[Fuck. Where are you, wife?] Bakas ang takot at pag-aalala sa kanyang boses.“Ano… Nasa Black Stone Investment Company ako…” hinihingal kong saad habang hawak ang dibdib ko.Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa elevator ng nanlalabo ang paningin at grabe ang tibok ng puso ko. Para akong hina-hyper sa sobrang bilis ni hindi naman ako kumain ng matatamis.[What?] Bakas ang gulat sa kanyang boses pero hindi ko iyon pinansin. Umiikot ang paningin ko at ramdam kong nawawalan na ako ng balanse.“Bilisan mo…” mahina kong bulong sa telepono.[I’m coming. Stay still. Close your eyes and breathe. Sundin mo ako, inhale] ginawa ko ang inuutos niya. Huminga ako ng dahan-dahan pero
Limang taon ng lumipas ay buhay na buhay pa rin ang mga ala-ala ni Sera sa isipan nina Ethan at Liam. Walang araw na hindi nila nakakalimutan ang pinakamamahal nila kahit na wala na ito sa mundong ginagalawan nila. Liam tried to move on, pero hindi niya magawa. Sa tuwing susubukan niya ay parang sinasaksak ang puso niya. He promised to himself na si Sera lang ang mamahalin niya habambuhay at ayaw niyang humanap ng iba para lang kalimutan ang unang babaeng nagpatibok ng puso niya. Habang si Ethan naman ay walang magawa sa engagement nito kay Kendra at hanggang ngayon ay gusto pa rin ipakasal ni Don Antonio sa kanya. Kung tutuusin, hindi namam mapapakinabangan ang yaman ng mga Valencia sa mga Sierra kaya hindi lubos maisip ni Ethan kung bakit… Unless his grandfather is hiding from him—na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung ano. Masyadong malihim si Don Antonio at tulad niya, malamig at walang ka-ekspresyon ito sa mukha kaya hindi kailanman mabasa ang nilalaman ng isip
Nang sumabog ang helicopter na sinasakyan nila Darius at Seraphina ay siyang pagkawala naman ni Ethan nang makita ang buong nangyari.Halos gusto niyang takbuhin ang sumabog na helicopter para lang hanapin at makita si Sera na hindi niya alam kung buhay pa ba ang kanyang kasintahan.“No! Sera!” Ilang-ulit na sigaw ni Ethan nang makitang pabagsak ang mga parte ng helicopter sa dagat.Sa pagsabog na iyon, alam niyang wala nang makakatakas pa roon. Ngunit hindi niya sinukuan si Sera at umaasa na buhay pa ang babae.“This is all your fault.” Malamig na tugon ni Ethan sa kanyang lolo nang tuluyan na silang mapalayo sa lugar. Walang ibang ginawa si Ethan kun’di pagmasdan ang lugar na iyon.“This won't happen if you just obey me, Ethan. Alam na alam mo ‘yan simula pa lang noong una. So, don’t blame me as if it was my fault.” Kung anong lamig ni Ethan ay sig lamig din ang kanyang lolo.Ethan clenched his fist. His teeth gritted while his eyes were full of anger and regret. His lolo is right.
Days had passed, naging normal ang pamumuhay namin ni Ethan. Simula nang may mangyari ulit sa’min ay todo alaga na ito sa’kin, lalo na alam naming pareho na sinadya niyang buntisin ako kaya mala-prinsesa ang pag-aalaga niya sa’kin.Nasa may isla kami. Sa hindi masyadong kilalang isla at malayo sa ikinagisnan naming buhay.The island was owned by him. He secretly purchased it under my name. Pero may mga mamamayan namang nakatira sa paligid kaya kahit paano ay hindi lang kaming dalawa ang tao sa islang ito.Papalubog na ang araw nang huminto ang maliit na bangka sa shore at bumaba roon si Ethan kasama ang iilang mangingisda.Nakasuot ito ng puting long-sleeves katulad ng mga suot ng mangingisda. Naka loose track pants din ito na nakatupi ang bawat dulo hanggang sa baba ng kanyang tuhod na para bang maiwasan na mabasa iyon, pero nang makababa ito sa bangka ay nabasa rin kaya walang kwenta ang kanyang pagtupi roon. Habang nasa kanyang likod naman ay ang sumbrero na gawa sa puno ng niyog.N
[Third Person’s POV]Pinagmasdan ng isang lalaki sina Ethan at Sera na magkahawak ang kamay na dahan-dahan na lumabas mula sa silid ng dalaga. Ang kanyang mga kamay ay nasa magkabilang gilid ng kanyang bulsa.Blangko itong nakatitig sa dalawa, pero sa kanyang loob, naiinis ito. Ethan just ran away with his bribe.“Go, magpakasaya kayong dalawa ngayon. Saakin pa rin ang huling halakhak, Ethan.” Lumakad papalayo ang binata pero natigilan rin ito sa silid ng kung saan nananatili ang ama ni Sera at ang kabit nito. Nakaawang ng bahagya ang kanilang pintuan kaya’t naririnig ang kanilang pinag-uusapan.“Shut your mouth!” sigaw ni Mara na siyang umalingawngaw sa buong silid.“Paano, Mara? We killed Sarah! And now you want to take over the company? Sobra na naman ata iyon! Malaki na ang ninakaw natin sa kanya noon! Pwede ba? Huwag mo nang kunin ang lahat kay Sera!” Isang malakas na sampal ang natanggap ni Gabriel mula kay Mara para patigilin ito sa pagsasalita.“Kulang pa lahat ng iyon, Gab!
I rejected Darius. I’m not into relationships or marriage. And I am having a hard time to fix myself, to heal myself from the pain and hurt I felt for the entire time since my mother had gone. It’ll hurt me even more if I push myself. Bumalik kami ng siyudad matapos namin magpalipas ng araw sa tabing-dagat. Gusto pa sana ni Darius na doon na lang magpalipas ng gabi, pero may pasok pa ako sa trabaho.Next week na ang pasukan, kaya kailangan kong mag-trabaho para may allowance ako bago ako maging part-timer ulit. Mas maliit kasi kikitain ko kung part-time lang.Habang nasa restaurant e doon ko lang naalala na ngayong gabi nga pala ang engagement party nina Kendra at Ethan. Ayaw ko man pumunta ay kailangan dahil kung hindi, hahanapin ako ni papa.“Sera, may naghahanap sa’yo sa labas,” saad ni Fiona na siyang ka-workmate ko.Napakunot-noo akong naglakad palabas para tignan kung sino ang naghahanap sa’kin. Kasi kung si Darius iyon e, sasabihi
Buong gabi akong umiyak, pilit na tinatanggal ang sakit na nararamdaman ko pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawa. Kaya wala sa sarili akong pumasok kinabukasan at halos buong araw na nagkakamali.“Sera, magpahinga ka na muna. Wala ka sa sarili mo. About sa damages mo, don’t worry about it, hmm?” Malambing na saad ni Maam Anna, ang may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuan ko.In the end, pinauwi nga ako. Pero hindi ako umuwi at tumambay sa labas ng restaurant, nakaupo at tulala habang nagpapalipas ng oras.Pero nang maghapon na ay tumayo ako tsaka nag-abang ng jeep na siyang magdadala sa’kin sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu para magsimba.Habang nag-aabang ay may isang puting sasakyan ang huminto sa harapan ko. Napakunot ako ng noo dahil iba ang kulay ng sasakyan ni Darius, BMW na navy blue. Etong sasakyang huminto sa harapan ko e isang sports car Lamborghini na puti.Bumukas ang pintuan sa driver’s seat at tila bumagak ang takbo ng mundo ko nang unti-unting lumalabas a