Nakaupo ako ngayon sa gitna, kung saan pareho silang nasa magkabilang gilid ko at magkaharap. Liam sits comfortably while Ethan sits the way he used to be—looking proud and confident.I cleared my throat and spoke. Mukhang wala naman silang planong mag-usap, isa pa inaantok na ako. Kailangan ko nang magpahinga. “Anong ginagawa ko rito? Kung wala kayong sasabihin, pwede magpahinga na?”Ethan turn his head to look at me. Halos tumalon ang puso ko nang makita kung paano niya ako titigan. His expression’s mad, but suddenly turned softened as soon as he stared at me, like scanning and studying me—as if I am good and fine kaya naging malambot ang ekspresyon niya sa mukha.Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya. Gusto ko nang umalis. Pero may part sa’kin na gusto ko siyang makasama.“I need to talk to Sera alone, Liam,” his voice cold as usual. Liam didn’t falter nor shaken by the tone of his voice—sanay na siya kay Ethan. Pero ako na kahit best friend ni Ethan na laging magkasama ay natata
Ilang beses akong nagpagulong-gulong sa kama dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pagkatapos kong sabihin kay Ethan iyon, bakas sa kanyang mga mata ang sakit. Why? Was he jealous? Is he mad na sasagutin ko na si Liam? Why? Hindi ko siya maintindihan!Para akong zombie kinabukasan nang magising ako. Sobrang itim ng ilalim ng mga mata ko at sobrang gulo rin ng buhok ko.Napahiga ako muli at nagtago sa kumot nang may kumatok sa pintuan ng kwarto.“P-pasok,” nanginginig kong saad sa taong nasa pintuan.Narinig ko ang pagbukas noon at mga yabag na papalapit sa’kin.“Good morning, Sera,” bati ni Liam. Sobrang lalim at namamaos ang kanyang boses at hindi ko mapigilang aminin na ang gwapo ng boses ni Liam.“I brought some milk,” aniya tsaka narinig ko ang pagpatong ng baso sa side table. Ilang sandali lang ay bumaon ang kama, hudyat na napaupo na ngayon si Liam sa kamang hinihigaan ko.“Gising ka na? Do you want to come with us? Magsisimba kami,” sobrang rahan ng boses ni Liam kaya hindi
Tulad ng sabi ni Liam ay nag-simba kami kasama sila Tita Violet, Tito Lance, Kuya Luke at ang bunsong kapatid nila Liam na si Levi. Pagkatapos no’n ay namasyal kami sa mall, at nag-shopping na rin sina Tita. Groceries at mga gamit para sa’kin.“Nako, Tita, hindi na rin naman po kailangan…”“No, I insist Sera, pagbigyan mo na ako,” natawa si Tita at Inakbayan naman siya ni Tito Lance. “Gustong-gusto niya talaga magkaroon ng babaeng anak, Sera. Hayaan mo na,” tumawa si Tito Lance. “Wala pa kasing pinapakilalang girlfriend itong si Luke, at baka gumaduate na lang ng college e, wala pa ring girlfriend.”“Dad, wala pa sa isip ko ‘yan,” natatawang saad ni Kuya Luke. “Si Liam, baka masagot na ni Sera.”Napangiti na lang ako sa kanila. I never felt like I was an outsider to their family. Sobrang saya nilang kasama. Tinuri nila akong anak, at kapatid—na para bang kabilang ako sa pamilya nila, and somehow, I miss my own family too.We played arcade, bowling, archery, we watched cine and did ice
“It’s for your future, anak. All of this—everything I’m doing—is for you,” she said, her eyes filled with regret. “So to save my future, you let me drown in all this pain and sadness? All alone?” I said, my voice trembling. “That’s so selfish of you, Ma.” “I’m sorry kung gano’n ang tingin mo sa’kin, Sera. Pero magiging selfish ako habambuhay kung tungkol lang din sa’yo,” Mama’s voice was firm and stern and I can see in her eyes that she’s determined.“Nag-usap kami ng papa mo, Sera,” Mama paused. May pag-aalinglangan sa kanyang mga mata, pero huminga ito ng malalim at sinabi ang katagang hindi ko inaasahang marinig.“We chose to separate, Sera. Pagkatapos ng school year mo, aalis na tayo ng Cebu.”Napatayo ako sa sinabi niya at napakuyom ng kamao. “No. I will never leave, Cebu mama! Dito lang ako! Ayokong sumama sa’yo. Sa inyo! I’m fine living alone, kasi sinanay niyo na rin naman ako! Umalis kayo kung gusto niyo, but I will never leave Cebu! No!” I yelled, being hysterical.I ran
Halos ayaw nang umalma ang puso ko dahil sa sinabi ni Ethan. So, he has feelings for me but he doesn’t want to commit? Hindi naman ako magiging special sa kanya kung wala. Now I wish I never became friends with him. Siguro may chance pa na maging kami, kasi kung ayaw niya, ipipilit ko. Pero ngayon… na magkaibigan kami, bestfriend, more like a sibling—wala nang ibang mas mahalaga pa kay Ethan kung ‘di ang pagkakaibigan naming dalawa. “So, kaya ba sinabi mong wala kang pake kasi you really doesn’t care for us?”Ethan stopped from walking and took a glance at me. “Yes. Kung magiging kayo, then good. I know that you’re in good hands, Sera.” Muli siyang naglakad papalayo sa’kin at ako ay nanatiling nakatayo pinagmamasdan ang likuran niya.“So ano ‘yong mga halik mo? Mga sweet gestures mo, Ethan? Wala lang ba iyon? Hinalikan mo ako kasi bet mo? Feel mo lang? Gano’n?” Hindi ko mapigilang magalit sa kanya. He’s messing up with me. With my feelings. He played me.“They meant nothing, Sera.
Li did everything to make me forget what happened today. Tawa kami ng tawa dahil sa mga kwento niya. He insisted on working instead of me, but I was so decisive, kaya he give up, however sasamahan niya raw akong magtrabaho. Hindi ko na nakita si Ethan. Siguro ayos na rin iyon para matahimik ang puso ko. This is just puppy love, Sera. You’ll move on. You can move on. “Saan mo balak mag-college?” Tanong ni Li. Nasa may dalampasigan na kami, nakabihis na rin, pero binalot ko muna ang katawan ko sa roba dahil sa lamig ng simoy ng hangin. Pa-pasko na rin kasi kaya lumalamig na ang dala ng hangin. “Sa SIC lang ata,” tugon ko. Nang may nakita akong stick ay kinuha ko iyon at nagsimula ng magguhit ng kung anu-ano sa buhangin. “Then I’ll be staying at SIC too,” nakangiting tungon niya kaya natawa ako. “Saan ka ba dapat mag-aaral ng Engineering?” Takang tanong ko pero may ngiti sa labi. “Manila? But since you like it here, then I’ll stay.” “Li, you can’t stop chasing your dreams becau
“So,” Darius said, looking at Liam and extending his hand. “Are we friends now?”“Friends?” Liam scoffed, crossing his arms. “Why would I be friends with you? I’m only here because of Sera. Don’t get your hopes up, Mr. Bernardo.”Darius chuckled. “Fine,” napatingin naman si Darius sa’kin, his expressions softening. “But we’re friends, right, Sera?” Ngumiti ako sa kanya tsaka tumango. “Hmm!” Muling ginulo ni Darius ang buhok ko, kaya napanguso ako sa ginawan niya habang narinig naman namin ang pag-ismid ni Liam.“Shall we?” Marahang pag-aya ni Darius sa’min.Naunang naglakad si Darius sa’min habang kasabayan ko naman si Liam. “Bakit ba galit na galit ka kay Darius, Li?” marahang bulong ko sa kanya. “Kung may kasalanan ang parents niya, hindi niya naman kasalanan ‘yon, ‘di ba?” Seryosong napatangin si Li sa’kin habang naglalakad kami. “Still, it’s better to be cautious. Kaya huwag kang magtitiwala ng basta-basta, Sera. Sa’kin at kay Ethan lang.” “Ethan?” Kunot-noong napatanong ako
Maaga akong nagising dahil sinabi ni Liam na magmo-mall kami para mamili ng susuotin namin mamaya. The theme is ocean blue daw kaya kailangan namin maghanap ng gano’ng kulay ng susuotin. Nakakahiya naman kung mag-iiba kami ng kulay mamayang gabi.Lumabas na ako ng hotel room ko nang matapos akong maligo at mag-ayos, saktong kakatok na sana si Liam.Napanganga naman siya ng makita ako kaya tinawanan ko siya at sinara ang bibig niya. “Alam kong maganda ako, Li, h’wag mong ipahalata!”Liam chuckled. “Let’s go?” Sabay lahad ng kanyang palad sa’kin. Ningitian ko siya at tinanggap iyon tsaka kami naglakad papuntang elevator.Ilang sandali lang ay bumukas iyon at nakita namin si Ethan na nasa loob, tamad na tamad na nakasandal sa dingding ng elevator. Nakasuot siya ng white long sleeves na bukas ang dalawang butones sa banda ng kanyang dibdib. Maluwag iyon at ipinares niya iyon sa loose slacks too at naka tsinelas lamang. Magulo din ang kanyang buhok at mukha siyang anghel na bagong gising.
Days had passed, naging normal ang pamumuhay namin ni Ethan. Simula nang may mangyari ulit sa’min ay todo alaga na ito sa’kin, lalo na alam naming pareho na sinadya niyang buntisin ako kaya mala-prinsesa ang pag-aalaga niya sa’kin.Nasa may isla kami. Sa hindi masyadong kilalang isla at malayo sa ikinagisnan naming buhay.The island was owned by him. He secretly purchased it under my name. Pero may mga mamamayan namang nakatira sa paligid kaya kahit paano ay hindi lang kaming dalawa ang tao sa islang ito.Papalubog na ang araw nang huminto ang maliit na bangka sa shore at bumaba roon si Ethan kasama ang iilang mangingisda.Nakasuot ito ng puting long-sleeves katulad ng mga suot ng mangingisda. Naka loose track pants din ito na nakatupi ang bawat dulo hanggang sa baba ng kanyang tuhod na para bang maiwasan na mabasa iyon, pero nang makababa ito sa bangka ay nabasa rin kaya walang kwenta ang kanyang pagtupi roon. Habang nasa kanyang likod naman ay ang sumbrero na gawa sa puno ng niyog.
[Third Person’s POV]Pinagmasdan ng isang lalaki sina Ethan at Sera na magkahawak ang kamay na dahan-dahan na lumabas mula sa silid ng dalaga. Ang kanyang mga kamay ay nasa magkabilang gilid ng kanyang bulsa.Blangko itong nakatitig sa dalawa, pero sa kanyang loob, naiinis ito. Ethan just ran away with his bribe.“Go, magpakasaya kayong dalawa ngayon. Saakin pa rin ang huling halakhak, Ethan.” Lumakad papalayo ang binata pero natigilan rin ito sa silid ng kung saan nananatili ang ama ni Sera at ang kabit nito. Nakaawang ng bahagya ang kanilang pintuan kaya’t naririnig ang kanilang pinag-uusapan.“Shut your mouth!” sigaw ni Mara na siyang umalingawngaw sa buong silid.“Paano, Mara? We killed Sarah! And now you want to take over the company? Sobra na naman ata iyon! Malaki na ang ninakaw natin sa kanya noon! Pwede ba? Huwag mo nang kunin ang lahat kay Sera!” Isang malakas na sampal ang natanggap ni Gabriel mula kay Mara para patigilin ito sa pagsasalita.“Kulang pa lahat ng iyon, Gab!
I rejected Darius. I’m not into relationships or marriage. And I am having a hard time to fix myself, to heal myself from the pain and hurt I felt for the entire time since my mother had gone. It’ll hurt me even more if I push myself. Bumalik kami ng siyudad matapos namin magpalipas ng araw sa tabing-dagat. Gusto pa sana ni Darius na doon na lang magpalipas ng gabi, pero may pasok pa ako sa trabaho.Next week na ang pasukan, kaya kailangan kong mag-trabaho para may allowance ako bago ako maging part-timer ulit. Mas maliit kasi kikitain ko kung part-time lang.Habang nasa restaurant e doon ko lang naalala na ngayong gabi nga pala ang engagement party nina Kendra at Ethan. Ayaw ko man pumunta ay kailangan dahil kung hindi, hahanapin ako ni papa.“Sera, may naghahanap sa’yo sa labas,” saad ni Fiona na siyang ka-workmate ko.Napakunot-noo akong naglakad palabas para tignan kung sino ang naghahanap sa’kin. Kasi kung si Darius iyon e, sasabihi
Buong gabi akong umiyak, pilit na tinatanggal ang sakit na nararamdaman ko pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawa. Kaya wala sa sarili akong pumasok kinabukasan at halos buong araw na nagkakamali.“Sera, magpahinga ka na muna. Wala ka sa sarili mo. About sa damages mo, don’t worry about it, hmm?” Malambing na saad ni Maam Anna, ang may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuan ko.In the end, pinauwi nga ako. Pero hindi ako umuwi at tumambay sa labas ng restaurant, nakaupo at tulala habang nagpapalipas ng oras.Pero nang maghapon na ay tumayo ako tsaka nag-abang ng jeep na siyang magdadala sa’kin sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu para magsimba.Habang nag-aabang ay may isang puting sasakyan ang huminto sa harapan ko. Napakunot ako ng noo dahil iba ang kulay ng sasakyan ni Darius, BMW na navy blue. Etong sasakyang huminto sa harapan ko e isang sports car Lamborghini na puti.Bumukas ang pintuan sa driver’s seat at tila bumagak ang takbo ng mundo ko nang unti-unting lumalabas a
“Are you okay?” Tanong ni Darius habang tinatahak ang daan palayo sa bahay. Tumango lang ako bilang tugon at napabuga ng hangin para pakalmahin ang sarili. Wala sa sarili naman akong napatingin sa bintana at pinagmamasdan ang mga gusali sa labas. “I really don’t know that Ethan would be Kendra’s fiancé.” “H’wag mo nang banggitin, Dar. Gutom ako.”Tumawa si Darius kaya humaba ang nguso ko. “Totoo nga kasi, gutom ako.”“Alright, my Tinkerbell, kakain tayo. Makakahabol pa naman ata tayo sa huling movie—or drive thru na lang tayo tapos dalhin natin doon.” “The latter, please.” “Alright, my queen.” Inabot ni Darius ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. It was sweet. Pero kung may gusto lang ako kay Darius baka ayaw ng umalma ang puso sa dibdib ko sa ginawa niya. Pero wala. Never felt sparks too. We’re just friends.Just like we planned, Darius bought food and we brought it to the drive-thru cinema which I didn’t know existed here in Cebu.Rom-com ang pinapanood namin ni Da
Lumipas ang mga araw na walang ibang ginagawa si Darius kun’di guluhin ang araw ko. Worst is, kasama ko ba sa lahat ng subjects dahil magka-klase lang naman kami.“Sera, sabay tayo mag-lunch.”“Ayoko.”“May mango cake doon, tsaka mango shake. Sinabihan ko na si Tita Melody na ipag-reserve ka. Ayaw mo talaga?”Sinusundan pa rin ako ni Darius sa paglalakad, paatras nga lang ang lakad nito para masundan niya ako.“No.” pagmamatigas ko kahit na nakakatakam ang mga pinagsasabi niya.Ayokong kumain. Other words, nagtitipid ako. On-hold ang bank account ko, kaya hindi ako maka-withdraw, naka-frozen din ang credit cards ko kasi hindi pa daw nababayaran ang mga previous expenses ko. Kahit ang bank account ni mama ay frozen.Kaya ang natitira ko na lang pera ay five thousand na hindi ko alam kung aabot pa ba ng isang buwan sa’kin. Ayoko ring humingi kay papa kaya kinausap ko na ang sekretarya ni mama na gawan ng paraan ang mga bank accounts namin, ngunit isang linggo na ay wala pa ring update.
Kinabukasan ay naiwan akong mag-isa kasama si Harris na nagtatanong ng mga bagay-bagay tungkol sa kukunin kong kurso at siya na bahala daw na mag-enroll sa’kin. Gusto kong sumama sa kanya, pero habilin sa kanya ng babaeng iyon ay huwag na huwag akong palalabasin ng bahay.Inabot din sa’kin ang bagong cellphone. Cheap. Pero okay na rin. Matawagan ko lang si Ethan.But every time I dialed his phone number, ay laging out of coverage iyon. Did he change his number? Did you really leave, Ethan? Nasa abroad ka na ba? What about your promise? Akala ko ba hindi mo ako iiwan?Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nang malamang iniwan nga talaga ako ni Ethan. I hate you. I really hate you, Ethan.“Miss Sera, may kailangan pa ba kayo?” Tanong ni Harris nang makapasok ito sa kwarto ko.Bigla akong kinabahan dahil ni minsan ay hindi ito pumapasok sa kwarto ko, at hindi din siya papasok ng basta-basta sa kwarto ko. Ni hindi nga siya umaakyat sa taas unless may kukunin itong documents sa silid nila m
Ilang linggo na lang ay pasukan na. Ngunit hindi pa rin ako nakakapag-enroll. Ni hindi ako makalabas ng bahay dahil bantay sarado ako ng mama ni Kendra.I don’t want her to call her by her name. It makes me feel sick. Sukang-suka na ako nang malaman kong best friend siya ni mama, pero heto inahas ang asawa ni mama—worst before he could have me.Nakakasuka pa lalo nang ipilit nila ang mga sarili nila sa pamamahay ko. “I will be gone for a week, business trip. So, Sera, please be good to your mom and sister, Kendra,” papa ordered me.Napaismid ako sa inutos niya. How could he?! Mama just died and now bringing his mistress and their child into my house? Where’s the decency?! Ni hindi ko nga nakita sa lamay at libing ang magaling kong ama, tapos dadalhin niya rito sa pamamahay ni mama ang walang hiyang sumira sa pamilya namin? The audacity!“Ako pa talaga ang magiging mabait sa kanila? They’re in my house, papa!” I yelled, almost dropped my utensils dahil sa galit akong napahampas ng mga
Inilibot namin ni Ethan ang isla, gumala, nag foodtrip at naligo ng dagat kahit na hindi naman ako marunong lumangoy. Ilang beses na akong tinuturuan ni Ethan, pero napupunta lang iyon sa paglalandian naming dalawa.“Gutom na ako,” wika ko nang makaahon ako sa pool. Ethan stayed on the edge of the pool, staring at me with his naked eye.Mabilis kong binalot ang tuwalya sa katawan ko nang umihip ang hangin dahilan para lamigin ako.“You can eat me, my love.” “Che! Nananakit na ang balakang ko! Lulumpuhin mo ba ako?!” Asik ko sa lalaki.Simula kasi nang gabing iyon ay ayos ayaw na akong tigilan ni Ethan na siyang gustong-gusto ko rin naman.Tatlong araw na rin kaming nakatambay dito sa Moalboal, pero gumagala sa iba’t ibang parte ng south.“Well,” umahon siya sa pool at sinuklay ang kanyang basang buhok gamit ang kanyang mga daliri. And the way he brushes his hair looks so damn sexy and hot.Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa lalaki at sumimsim na lang sa apple juice na nakahanda pa