Halos hindi ako matigil kakasigaw sa ilalim ng unan ko dahil sa kahihiyang ginawa ko kagabi. Halos hindi ko pansinin si Ethan dahil bigla akong kinain ng kahihiyan. “Ano ka ba naman, Sera! Aamin-amin ka tapos mahihiya ka? Paano mo haharapin si Ethan mamaya?! Pasukan niyo na!” Pagulong-gulong ako sa kama dahil sa inis ko sa sarili. Mas nakakatakot pa ata ang ginawa kong pag-amin sa kanya kesa sa horror na pinapanood namin kahapon! Nakakainis! Napatingin ako sa salamin at kita ko ang pamamaga at itim sa ilalim ng mata ko. God. I’m not pretty anymore! Hindi na ako magugustuhan ni Ethan nito! Pagkatapos kong magbihis ng uniform at ligpitin ang mga gamit ko ay kaagad akong bumaba, tsaka ko sinalubong si manang na naghahanda ng almusal. Sabay na kaming kumain ni manang, kasama ang driver ko na si Kuya JP at si Ate Nena. Kami lang naman ang tao sa bahay, dahil hindi naman namin kailangan ng masyadong madaming kasambahay. Compared to the Sierra—well, hindi naman dapat ikumpara sa estad
I clung my arms to Ethan’s arms as we headed to the parking lot. Hindi naman maiwasan ang mga tingin sa amin, pero ang iba ay sanay na sa’min.“Nako, kulang nalang maging kayo na, Sera!” Natatawang saad ni Melody na kaklase namin.Ramdam kong uminit ang pisngi ko sa sinabi niya, pero wala man lang ka-reaksyon si Ethan.“Huy! Maghunos-dili ka nga, Mel!” I said, shyly. Napahagikgik ang babae tsaka ako binangga para mas mapalapit kay Ethan.“Mel!” Singhal ko sa babae pero natatawa lang itong lumayo sa’min, waving her hands.Napatingin naman ako kay Ethan na seryoso ang tingin sa daan. I pressed my lips together as I stared at his handsome and gorgeous face. Ethan’s tall, he’s 5’10. Mas matangkad ng isang dangkal si Liam, pero minsan ay mapanglinglang mga height nila. while my height is 5’4. Kaya ang pandak kong tignan kung magkatabi silang dalawa.“May gagawin ka ba, Tan? Gusto ko ng street foods!” Nakangiting saad ko sa kanya. Hindi ito kumibo, at mukhang malalim ang iniisip na normal
“Sagabal,” ulit niya kaya natigilan ako. “You’re not sagabal, Sera. Ride with me as long as you want. As long as you’re safe.” Kinikilig ako! Kung hindi ko lang kilala si Ethan baka nahulog na ako sa pinagsasabi niya, pero matagal na akong hulog sa kanya ‘di ba? Should I consider his thoughtful words right now? Sheez! Ethan chose the other path. Daan papunta sa kanila. Medyo malayo ang bahay ko sa kanila at iba din ang daan. Sila na may sariling lupa at mansyon sa tuktok ng Cebu, kami naman ay nasa executive village na nasa siyudad na hindi kalayuan sa SIA. Pagkarating namin sa mansyon nila ay naabutan namin si Elio na umiiyak, habang inaasar na naman ni Emman ang bunsong kapatid. Kawawang Elio. “Come here, baby Elio, inaaway ka na naman ni Emman, gusto mo awayin natin?” I said at Elio while wiping his tears away. Napakagat naman ng labi si Elio tsaka ito tumango at nang haharapin na sana namin si Emman ay kagat labi na itong nakayuko habang kinakausap ni Ethan. Napangiti ako kun
Halos hindi ako mapirmi sa kama ko kakatili nang maalala ko ang sinabi ni Ethan sa akin kanina. Totoo ba? Hindi naman straight na sinabing mahal niya ako, pero parang gano’n na rin ‘yon, hindi ba? “You already brought colors to my world, Sera.” ulit ko at napapaisip kung saang parte doon ang salitang magpapasabi na mahal na din ako ni Ethan. Pero I brought colors to his life? Talaga ba? Bakit ang lamig niya—well, hindi naman siya malamig sa akin, pa minsan lang kapag wala siguro siya sa mood. Pero, brought colors to my world… Ano bang meaning no’n?! Pagulong-gulong ako sa kama ko at hindi pa rin makuha ang salitang iyon. Feel ko kasi may ibang meaning din aside sa nabigyan ko ng kulay ang mundo niya. “Sera!” “Ay lumilipad na palaka!” Gulat kong sigaw nang biglang sumulpot si Liam sa harapan ko na siyang pumutol sa pag-iisip ko. Rinig ko naman ang halakhak ng lalaki, pero hindi ko siya pinansin at muling napaisip ng malalim dahil ayaw talaga akong patahimikin ng mga sinabi ni E
“Can I court you, Sera?” Halos hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Liam at pangalawang linggo na ngayon. Hindi ko pa rin alam ang isasagot ko, but Liam shows motives on me. He confessed that he likes me. Matagal na daw. “Sera, hinahanap ka ni Liam!” Sigaw ni Samuel na kaklase namin na ka-team ni Liam sa basketball.Napatayo ako para puntahan si Liam. Nang makalabas ako ay nakita ko si Liam na nakasandal sa railings na may hawak na maliit na box.“Sera!” Tawag niya sa akin nang makita ako.Lumapit ako sa kanya na may ngiti, kahit na sa totoo ay na-awkward ako. All this time, sa akin pala may gusto si Liam, na akala ko sa ibang babae. Suportado pa ako sa pangliligaw niya, tapos ngayong nalaman kong ako pala ang nililigawan, nawala lahat ng lakas ko.First time kasing may mangligaw sa akin, kaya hindi ko alam kung anong gagawin. Isa pa, wala naman akong nararamdaman kay Liam. Pero sabi niya naman ay no pressure.Paanong ‘no pressure’ kung araw-araw itong may dala ng kung ano-ano. Tul
“Sera!” Nakita ko si Liam na kumakaway sa akin nang makalabas ako ng classroom bitbit na ang mga gamit ko. Tumakbo ako papalapit sa kanya na may ngiti sa labi, at nang makalapit ay ginulo niya ang buhok ko.“Ayos ka na? Ice cream?” Wika niya tsaka kinuha ang mga gamit ko.“Kaya ko namang bitbitin! Isa pa, ice cream ulit? Hindi kaya ako magkaka-diabetes niyan?” Natatawang saad ko sa kanya.“Kaya din kitang bitbitin. And ayos lang, kung ka-sweetan ko naman ang magiging sanhi ng pagkakaroon mo ng diabetes!” he winks at me, and then he chuckled.Napalo ko naman ang braso niya tsaka natawa din sa kalokohan niya. “Gag*.”Tumawa naman siya tsaka ito tumalikod sa’kin at itinukod ang tuhod sa semento. “Dali, bubuhatin kita. Hindi ba’t masakit ang puson mo? Means hindi ka nakakalakad ng maayos? Panindigan mo, Sera. Nasa may parking lot pa si Sir Lee,” natatawang pananakot nito sa akin. “Baka mahuli ka, edi zero ka sa kanya.”Napanguso ako sa sinabi niya tsaka ko muling sinapak ang balikat niya
I rested my head on my desk as I stared at Ethan, who’s quietly reading his book. Wala itong ibang ginagawa kun’di magbasa ng magbasa lang. Ilag rin sa mga tao—stupid people to be exact. Ayaw na ayaw niya ng gano’ng tao, well except for me.“Tantan! Lunch! Let’s go!” nakangiting saad ko sa kanya sabay hila ng kamay nito para mapatayo siya sa kinauupuan niya.“I’m not hungry.” Malamig nitong wika.I leaned closer to his face, but he didn’t flinch. Sanay na ito sa paganito ko sa kanya, kaya hindi na ito nagugulat pa. Ngumiti ako sa, tsaka ko pinitik ang noo niya. Napapikit siya, at huminga ng malalim, halata ang inis sa mukha niya ng gawin ko iyon sa kanya. I giggled when I saw that he’s controlling his anger towards me. Hindi niya naman magawang nagalit sa akin, ako pa.“I told you, Sera, I’m not hungry.” Ngumuso ako sa kanya pero hindi ako nagpatalo. I grabbed his book and immediately ran outside of our classroom. Narinig ko pa ang pagsigaw nito sa pangalan ko, kaya sumilip ako sa ka
“Ethan! Wait up!” I shouted at him. Nagmamadali akong ligpitin ang mga gamit ko para mahabol ko si Ethan. Bakit ba kasi nakaligpit na ang mga gamit niya? Hindi naman siya mukhang excited umuwi ano?!As soon as I finished picking up my things, ay kaagad din akong tumakbo para habulin si Ethan nang may humila sa bag ko. Nilingon ko iyon at nakita ko ang nakangisi na si Liam, kaya sumimangot ako. “It’s Friday, pupunta ako ng mall, sama ka?” Aniya.Napatigil ako saglit sa sinabi niya, at tinignan ang direksyon ni Ethan, pero wala na ito sa paningin namin.“Libre mo ba?” Tanong ko kay Liam. Kinuha niya ang mga librong hawak ko, maging ang bag ko, na siyang lagi niya namang ginagawa sa tuwing pauwi na kami.“Oo naman, bakit hindi? Ikaw pa e, malakas ka sa akin!” Natatawang sabi ni Liam.I grinned at him. “Sige! Sabi mo e!” I giggled.Nakarating kami sa parking lot, pero nagulat ako nang makita si Ethan na nakasandal sa sasakyan nito, na para bang may hinihintay. Nakapamulsa siya at nakay