Mama didn’t come home to explain everything to me. And Dad, since that night, didn’t come home either. And I was left alone. Again.“Kumain ka, Miss Sera, ilang araw ka na hindi kumakain, hija. Baka mapano ka n’yan,” Manang Jona said softly as she placed the food tray on the center table inside of my room, where an untouch food is placed too.“Wala ho akong ganang kumain, Manang.” I replied, my voice cracked since my throat was too dry. I also felt the cracks on my lips as I hadn’t drunk any water that day.“Pero, Miss Sera… Ilang araw ka nang hindi kumakain at… pasukan na sa susunod na araw…” nag-aalalang saad ni manang.Mas humigpit ang pagkakayakap ko sa unan ko at nagtago sa kumot ko. Wala na ata akong mailalabas na luha. Binagsak ko na ang lahat ng iyon nang gabing umuwi si papa at nalaman ko ang pinaggagawa ni mama.Ilang araw na ba akong nagkukulong sa kwartong ito? Dalawa? Tatlo? Hindi ko na mabilang. Pati nga’y pagligo ay hindi ko na nagawa. Been sulking in my room for days. S
Halos hindi ako matigil kakasigaw sa ilalim ng unan ko dahil sa kahihiyang ginawa ko kagabi. Halos hindi ko pansinin si Ethan dahil bigla akong kinain ng kahihiyan. “Ano ka ba naman, Sera! Aamin-amin ka tapos mahihiya ka? Paano mo haharapin si Ethan mamaya?! Pasukan niyo na!” Pagulong-gulong ako sa kama dahil sa inis ko sa sarili. Mas nakakatakot pa ata ang ginawa kong pag-amin sa kanya kesa sa horror na pinapanood namin kahapon! Nakakainis! Napatingin ako sa salamin at kita ko ang pamamaga at itim sa ilalim ng mata ko. God. I’m not pretty anymore! Hindi na ako magugustuhan ni Ethan nito! Pagkatapos kong magbihis ng uniform at ligpitin ang mga gamit ko ay kaagad akong bumaba, tsaka ko sinalubong si manang na naghahanda ng almusal. Sabay na kaming kumain ni manang, kasama ang driver ko na si Kuya JP at si Ate Nena. Kami lang naman ang tao sa bahay, dahil hindi naman namin kailangan ng masyadong madaming kasambahay. Compared to the Sierra—well, hindi naman dapat ikumpara sa estad
I clung my arms to Ethan’s arms as we headed to the parking lot. Hindi naman maiwasan ang mga tingin sa amin, pero ang iba ay sanay na sa’min.“Nako, kulang nalang maging kayo na, Sera!” Natatawang saad ni Melody na kaklase namin.Ramdam kong uminit ang pisngi ko sa sinabi niya, pero wala man lang ka-reaksyon si Ethan.“Huy! Maghunos-dili ka nga, Mel!” I said, shyly. Napahagikgik ang babae tsaka ako binangga para mas mapalapit kay Ethan.“Mel!” Singhal ko sa babae pero natatawa lang itong lumayo sa’min, waving her hands.Napatingin naman ako kay Ethan na seryoso ang tingin sa daan. I pressed my lips together as I stared at his handsome and gorgeous face. Ethan’s tall, he’s 5’10. Mas matangkad ng isang dangkal si Liam, pero minsan ay mapanglinglang mga height nila. while my height is 5’4. Kaya ang pandak kong tignan kung magkatabi silang dalawa.“May gagawin ka ba, Tan? Gusto ko ng street foods!” Nakangiting saad ko sa kanya. Hindi ito kumibo, at mukhang malalim ang iniisip na normal
“Sagabal,” ulit niya kaya natigilan ako. “You’re not sagabal, Sera. Ride with me as long as you want. As long as you’re safe.” Kinikilig ako! Kung hindi ko lang kilala si Ethan baka nahulog na ako sa pinagsasabi niya, pero matagal na akong hulog sa kanya ‘di ba? Should I consider his thoughtful words right now? Sheez! Ethan chose the other path. Daan papunta sa kanila. Medyo malayo ang bahay ko sa kanila at iba din ang daan. Sila na may sariling lupa at mansyon sa tuktok ng Cebu, kami naman ay nasa executive village na nasa siyudad na hindi kalayuan sa SIA. Pagkarating namin sa mansyon nila ay naabutan namin si Elio na umiiyak, habang inaasar na naman ni Emman ang bunsong kapatid. Kawawang Elio. “Come here, baby Elio, inaaway ka na naman ni Emman, gusto mo awayin natin?” I said at Elio while wiping his tears away. Napakagat naman ng labi si Elio tsaka ito tumango at nang haharapin na sana namin si Emman ay kagat labi na itong nakayuko habang kinakausap ni Ethan. Napangiti ako kun
Halos hindi ako mapirmi sa kama ko kakatili nang maalala ko ang sinabi ni Ethan sa akin kanina. Totoo ba? Hindi naman straight na sinabing mahal niya ako, pero parang gano’n na rin ‘yon, hindi ba? “You already brought colors to my world, Sera.” ulit ko at napapaisip kung saang parte doon ang salitang magpapasabi na mahal na din ako ni Ethan. Pero I brought colors to his life? Talaga ba? Bakit ang lamig niya—well, hindi naman siya malamig sa akin, pa minsan lang kapag wala siguro siya sa mood. Pero, brought colors to my world… Ano bang meaning no’n?! Pagulong-gulong ako sa kama ko at hindi pa rin makuha ang salitang iyon. Feel ko kasi may ibang meaning din aside sa nabigyan ko ng kulay ang mundo niya. “Sera!” “Ay lumilipad na palaka!” Gulat kong sigaw nang biglang sumulpot si Liam sa harapan ko na siyang pumutol sa pag-iisip ko. Rinig ko naman ang halakhak ng lalaki, pero hindi ko siya pinansin at muling napaisip ng malalim dahil ayaw talaga akong patahimikin ng mga sinabi ni E
“Can I court you, Sera?” Halos hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Liam at pangalawang linggo na ngayon. Hindi ko pa rin alam ang isasagot ko, but Liam shows motives on me. He confessed that he likes me. Matagal na daw. “Sera, hinahanap ka ni Liam!” Sigaw ni Samuel na kaklase namin na ka-team ni Liam sa basketball.Napatayo ako para puntahan si Liam. Nang makalabas ako ay nakita ko si Liam na nakasandal sa railings na may hawak na maliit na box.“Sera!” Tawag niya sa akin nang makita ako.Lumapit ako sa kanya na may ngiti, kahit na sa totoo ay na-awkward ako. All this time, sa akin pala may gusto si Liam, na akala ko sa ibang babae. Suportado pa ako sa pangliligaw niya, tapos ngayong nalaman kong ako pala ang nililigawan, nawala lahat ng lakas ko.First time kasing may mangligaw sa akin, kaya hindi ko alam kung anong gagawin. Isa pa, wala naman akong nararamdaman kay Liam. Pero sabi niya naman ay no pressure.Paanong ‘no pressure’ kung araw-araw itong may dala ng kung ano-ano. Tul
“Sera!” Nakita ko si Liam na kumakaway sa akin nang makalabas ako ng classroom bitbit na ang mga gamit ko. Tumakbo ako papalapit sa kanya na may ngiti sa labi, at nang makalapit ay ginulo niya ang buhok ko.“Ayos ka na? Ice cream?” Wika niya tsaka kinuha ang mga gamit ko.“Kaya ko namang bitbitin! Isa pa, ice cream ulit? Hindi kaya ako magkaka-diabetes niyan?” Natatawang saad ko sa kanya.“Kaya din kitang bitbitin. And ayos lang, kung ka-sweetan ko naman ang magiging sanhi ng pagkakaroon mo ng diabetes!” he winks at me, and then he chuckled.Napalo ko naman ang braso niya tsaka natawa din sa kalokohan niya. “Gag*.”Tumawa naman siya tsaka ito tumalikod sa’kin at itinukod ang tuhod sa semento. “Dali, bubuhatin kita. Hindi ba’t masakit ang puson mo? Means hindi ka nakakalakad ng maayos? Panindigan mo, Sera. Nasa may parking lot pa si Sir Lee,” natatawang pananakot nito sa akin. “Baka mahuli ka, edi zero ka sa kanya.”Napanguso ako sa sinabi niya tsaka ko muling sinapak ang balikat niya
Ilang buwan na ang lumipas simula ng mapanaginipan ko ang pag-uwi nila mama at papa sa bahay namin, pero sa tuwing umuuwi ako ay hindi ko man lang sila nadadatnan sa sala, o kaya sa kusina, kahit lang sana na ni anino man lang nila ang makita ko ay wala. Pero heto pa rin ako umaasa na sana nga pag-uwi ko galing school, ay makita ko sila. Dali-dali akong bumaba sa sasakyan ni Liam nang makarating sa bahay, mabilis na tumakbo papasok, pero kaagad ring mawawala ang ngiti sa labi nang sobrang tahimik ang bahay. Tanging si manang lang ang nasa kusina at naghahanda ng hapunan.“Oh, hija, nakauwi ka na pala, nagbake ako ng paborito mong cookies ‘n cream, teka kukunin ko para sa’yo,” aniya tsaka ako iniwan sa kusina.My dreams were so vivid that they seemed real. “Ayos ka lang ba, Sera? May sakit ka? Namumutla ka?” Tanong ni manang nang makalapit itong muli sakit, bitbit ang cookies ‘n cream.I smiled at her and grabbed the cookies. “Wala ‘to Manang. May assignment pa pala ako! Pakidala na
Simula ng gabing iyon ay mas lalo kaming naging malapit ni Liam—by means, doing such intimate gestures, like holding hands, small kisses. And since that night I have chosen my happiness. Naging kami ni Liam, at pinanindigan ko iyon. Liam is so sweet as ever. Kahit busy ito sa practice game nila ay hinahatid niya pa rin ako sa shop ni Tita Violet for my work, tsaka ito aalis para sa practice nila at muling susunduin ako sa trabaho kapag tapos na ako sa shift ko. Four hours lang naman ang shift ko tuwing monday at Friday. Gusto ko sanang gawing six hours, but ayaw ni Tita Violet lalo na’t estudyante pa lang ako. Para na rin daw mabigyan ko ng pansin pa rin ang pag-aaral ko.“How’s your day?” Tanong ni Liam nang makapasok ito sa loob ng sasakyan niya matapos akong papasukin sa loob.“Tired. May iba pa ba?” Naiiling na tugon ko sa kanya.Napaharap din siya sa’kin na may pilyong ngiti. “Ako din, gusto ko masahe mo,” anas niya sa pambatang boses.Natawa naman ako tsaka tumango sa kanya.
“Let’s find a resto first, baka gutom na ang mga bata,” malamig na saad ni Ethan tsaka kinuha ang kamay ni Zeke at naunang naglakad, habang iniwan akong tulala sa kinakatayuan ko.Natauhan lang ako nang may humawak sa kamay ko kaya napayuko ako at nakita ko si Elio na mawalak ang ngiti kaya natawa ako at ginulo ang kanyang buhok.“Hindi halatang nag-enjoy ka,” natatawang ko sa kanya.“Yeah. Eros won’t let us have a ride, so glad that we found you.”Muli akong ako lalo na sa naging tugon ni Elio. Para siyang matanda kung magsalita pero sa tutuusin e four years old pa lang naman siya.Nakahanap ng cafe si Ethan kaya sumunod kami sa kanya nang pumasok siya. Nakahanap ako ng upuan kaya dinala ko na sila Elio at Zeke doon, habang nag-oorder naman si Ethan ng snacks namin. Maaga pa naman para sa dinner.Naglaro kami ni Elio at ilang sandali lang ay narinig kong may tumawag ng pangalan ko.“Sera?”Napaangat ako ng tingin at nagulat ako ng makita ko si Darius. Tuwang-tuwa naman itong simiksik
“Ano’ng silbi ng lahat ng ito kung paulit-ulit lang din akong masasaktan? Kung paulit-ulit lang akong maiiwang nagmumukhang tanga habang siya... Siya na walang pakialam?”Samantha pursed her lips, not knowing what to say, but after a minute of thinking what the right words to say, she spoke. “Ethan has done too much for you, Sera. Tingin mo wala pa rin ang mga ginawa niya para mapasaya ka lang?”Natahimik ako sa sinabi ni Samantha, habang inaalala ang mga araw kung saan pinapabor ako ni Ethan. Para lang makitang masaya ako at may ngiti sa labi.I felt guilty. Kumirot ang puso ko sa sinabi ni Samantha habang tahimik na nakatingin sa bintana at tinatahak ang daan papuntang Universal Studios. Does he really love me? Bakit hindi ko masabi? Naputol ang pagmumuni ko nang makarating na kami sa universal studios, and as expected sobrang daming tao lalo na’t Christmas season—’yon nga lang madalii kaming nakapasok dahil naka VIP ang mga lolo.“Ganito! Para hindi mawala by pair!” Sigaw ni Zen
SERAPHINA VALENCIA“Napaka mo talaga, Reid!” Reklamo ni Errol nang batukan siya ni Reid.“What? Ikaw nga itong nagbitbit kay Elio but you lose him! And now you’re blaming me?!” The fourteen-year-old boy turned red as he shot back at Errol who’s just playing tricks on him.Mapakagat ako ng labi dahil sa pananalita ni Reid. He has American accent whenever he speaks, at halatang-halata iyon lalo na kapag nagtatagalog siya.“Oo, ako nga! Pero kailangan mo talagang mambatok?! Kutusan kita e!” Errol shot back, his eyes glaring at Reid, but he immediately smirked.“What kutusan?” Naniningkit ang mga matang tanong ni Reid kay Errol. Ang gara din ng pagkakasalita niya, halatang expensive. Iba talaga kapag lumaki sa ibang bansa.“Do you want me to illustrate that to you?” Errol smirked.Nagpipigil naman ako ng tawa habang pinagmamasdan ang magpinsan na nagbabangayan sa harapan namin.Yasmir who’s sweet as ever soothe his baby brother, Ysrael, dahil umiiyak ito nang hindi siya bilhan ng ice crea
SERAPHINA VALENCIAIlang araw na nang makalabas ako sa ospital. Hindi ko pa rin pinapansin si Liam, kaya sobrang bigat sa pakiramdam. Hindi ko naman ginusto ito. Pero kailangan. Kasi kung hindi, baka mas lalo akong masakal sa kanya. He needs to know my boundaries at kung hindi niya alam iyon, hindi kami para sa isa’t isa.I like him. I like how he cared for me. I like how he showered me with love when my parents couldn’t. He’s always been there, supporting me. Alam ko naman ang mga pinaggagawa niya para lang mapasaya ako at sobrang laki ng pasasalamat ko dahil sa kanya nakakalimutan ko ang problema ng pamilya ko.My phone beep, kaya napatingin ako roon. Liam texted me.Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang text niya. Liam:Kumain ka na? Don’t forget your lunch. Anong oras kayo aalis? Don’t forget your meds and vitamins. Ingat kayo.Nakaramdam ako ng kirot nang mabasa ko ang text niya. I tapped my fingers on the screen, typing something, but stopped midway, hindi sigurado kung magr
LIAM SIRIUS REYESMabilis akong nakalabas ng ballroom at iniwan si Sera sa loob, pero naramdaman ko ang paghabol nito sa’kin at rinig ko ang pagtawag nito sa pangalan ko. But I was too furious to look at her.Ayokong linungin siya at baka may masabi ako sa kanyang hindi kaaya-aya. Couldn’t help but feel jealous. It was supposed to be me. Ako. Ako dapat ang kasayaw ni Sera. Balak ko pa sanang ayain ito sa oras na makabalik siya mula sa pagbabanyo. Pero naunahan ako ni Darius. Bakit ba lagi akong nauunahan? I am her suitor. It was supposed to be me.Inis kong sinipa ang bato na nasa harapan ko at humithit ng sigarilyo. I’m not really into smoking, but my frustration is swirling inside of me and I need to release it—and smoking is the only way.“Selos?” bungad ni Lander nang makarating ito sa pwesto ko at sinindihan rin ang sigarilyo nito.Hindi ko sinagot si Lander at muling humithit ng sigarilyo. Ilang segundo lang ay napabuga ako ng usok, pero hindi pa rin nito pinapakalma ang sari
“Liam, sandali!” sigaw ko nang makitang lumalakad papalayo si Liam sa’kin. Ilang beses ko na siyang tinatawag, pero mukhang wala itong naririnig. Malalaki ang kanyang nga hakbang at hirap na hirap akong habulin siya dahil na rin sa bigat at haba ng gown na suot ko.Matapos kasi naming sumayaw ni Darius ay napatingin ako sa gawi niya, kung saan siya nakaupo, pero sobrang sama ng kanyang tingin at kulang na lang ay patayin niya si Darius sa mga titig niya. I know it was my fault too, kasi nagpahila ako kay Darius at hinayaang sumayaw kami sa gitna ng ballroom… Pero mali ba iyon? Darius and I were just friends. Wala namang malisya ang pakikipagsayaw…“Ang landi talaga. Dati si Ethan, tapos si Liam and now si Darius?” rinig kong bulong ng isang babae sa kaibigan nito.Wala nga ba? People think I’m a slut… Wala man malisya sa’kin, pero sa mga mata ng tao, oo. Meron.Nanginginig ang katawan kong hinahanap si Liam nang bigla itong mawala sa paningin ko. Sobrang lamig ng simoy ng hangin, at
Wala akong ganang kumakain ng dinner namin. Kakatapos lang ng cotillion dance and some program at dinner time na.Our food was served by the waiters and waitresses. Ala-carte style. Iyon nga lang wala akong gana simula nang makita ko si Ethan na kasama si Kendra, at sobrang lawak pa ng ngiti habang nilagpasan kami ni Liam kanina.“Babanyo lang ako,” paalam ko kay Liam nang makaramdam na biglang sumama ang pakiramdam ko. Nanlalamig ako at naduduwal rin.Pinakiramdaman ko ang sarili ko at tinignan kung nilalagnat ba ako, pero mukhang wala naman. Pero bakit ang bigat ng nararamdaman ko?Nakaupo lang ako sa loob ng cubicle, trying to calm myself. Maybe because I am suffocating inside? The room felt smaller kahit na sobrang lawak ng ballroom.Hindi ko maintindihan. Bakit kailangang sumama si Ethan kay Kendra. He knows what she did to me… So bakit?“Girl! Kaloka ka! Paano mo napapayag si Ethan na maging partner mo? Ni hindi iyon lumalapit sa ibang babae kun’di si Sera lang.”Bigla akong kin
Nagsimula na ang second semester at naging busy na rin ako dahil sinimulan ko na rin ang pagtatrabaho sa shop nila Tita Violet. Umuwi na rin ako sa’min nang umalis sila mama at papa. Tita Violet doesn’t want me to go yet, but I have to. Masyado ko na silang inaabala, at sobrang nakakahiya na kung mananatili pa ako sa kanila.Mama still giving me money by putting them on my bank account, na hindi ko na rin naman ginagamit. Siguro kina manang na lang para sa mga groceries nila. But for my own good, no.Kung mawawasak na rin naman ng tuluyan ang pamilya ko, I have to live on my own, to not be dependent too much on them kasi paano na lang kapag dumating ang panahong wala na nga talaga sila?Hindi ako marunong sa mga gawaing bahay, kaya wala akong alam sa pagtatrabaho. Nahihirapan din ako sa mga tasks sa shop ni Tita Violet, as a waitress sometimes a cashier. I hate maths. Pero dahil trabaho ko, kailangan kong gawin. Ayokong ikasira sa business ni Tita Violet kung papalpak ako.Tita also t