Kaagad kong inayos ang tayo ko at parang bumalik sa dati ang takbo ng paligid. Napakurap akong napatingin kay Ethan na ngayon ay naglalakad na palayo sa akin.
I ran again towards him at bigla akong tumalon sa likod niya. “Buhatin mo ako, masakit ang paa ko dahil sa batong iyon!” Pagdadahilan ko. Natigilan si Ethan at narinig ko pa ang mahinang mura niya kaya napatingin ako sa kanya pero hindi pa ako nakakalingon ay inayos niya na ang pagkakabuhat sa akin, tsaka ito lumakad. “Don’t do that again, Seraphina.” He muttered. “Alin?” Tanong ko sa kanya, pero itinago ko ang ulo ko sa leeg ni Ethan dahil nakita ko ang mga masamang titig ng mga schoolmates namin. Bakit hindi, e may mga gusto sila kay Ethan! Hindi nga lang nila magawang makalapit sa kanya dahil sa takot nila kay Ethan. But not me. Ako lang ata ang tanging babae na nakakalapit kay Ethan. Natigilan si Ethan at muli itong napamura ng mahina, pero rinig ko naman. “Can you walk now, Sera?” Tanong nito kaya napatingin ako sa kanya, kita ko ang pamumula ng kanyang tenga at leeg. Nagtaka naman ako, pero kaagad akong binaba ni Ethan at inayos ang sarili. “Namumula ka?” Tanong ko sa kanya. Sinamaan naman ako ng tingin ni Ethan bago ito tuluyang umalis sa harapan ko. Huh? Ano ba ang ginawa ko para mamula siya ng gano’n? Natapos ang school year at sobrang saya ko dahil magse-senior high narin ako. “Anong strand ka, Tan?” Tanong ko kay Ethan habang kinukuha ang mga gamit ko sa locker ko. “ABM.” Tipid nitong tanong sa akin. Napatingin ako kay Ethan. “Edi ABM din ako!” I giggled. Napatigil siya at tumingin sa akin. “Do you even like it?” Napaisip naman ako sa tanong nito, pero nakangiting akong tumango. “Oo, kasi nando’n ka!” I pinched his cheeks, ngumiwi naman ang mukha nito at napa-aray pa kaya binitawan ko na para tapusin narin ang pagliligpit. “Can I visit you?” I asked. I’m sure magiging boryo ako sa bahay dahil summer vacation. “We’re going somewhere,” ngumuso ako. “Sayang naman, wala akong magawa sa bahay.” Malungkot kong saad. Nag-iisang anak lang naman kasi ako, at laging nasa trabaho si papa, habang si mama naman ay paminsan-minsan lang sa bahay dahil inaasikaso ang business niyang furniture company. “Can I come? Sabihan ko si Tita Karina! Sige na! Ampunin niyo ako this summer!” Pangungulit ko kay Ethan, habang niyuyugyog siya. “Bahala ka.” Malamig nitong saad. Sa gulat ko ay kaagad ko siyang niyakap, at n*******n pa sa pisngi. Bigla naman akong natauhan sa ginawa ko kaya kaagad akong napahiwalay sa kanya. “So… Sorry, na excite lang.” Hindi kumibo si Ethan pero nakita ko ang pamumula ng kanyang tenga. Bakit kaya laging namumula tenga niya? May sakit ba siya? “Teka, Tantan! Hintayin mo ako! Sasama ako sa inyo!” Sigaw ko tsaka ko sinarado ang locker at sinuot ang bag. Tumakbo ako papalapit kay Ethan niyakap ang braso niya. Hinayaan niya naman ako kaya lumawak ang ngiti ko. Nakarating kami sa parking lot at kaagad na pumasok si Ethan sa driver’s seat. Napanguso ako nang hindi man lang ako pinagbuksan ng pintuan. What a gentleman! “Daan tayo drive thru! Gutom ako!” I played music at his car, para hindi masyadong tahimik. Ako lang naman madaldal sa aming dalawa and he listens naman—or kung nakikinig ba talaga siya, pero bahala na. Mga nonsense lang naman pinagsasabi ko. “Seatbelt, Seraphina.” Napatingin ako sa seatbelt at napasapo ako sa noo nang makalimutan kong ikabit iyon. Ikakabit ko na sana iyon nang lumapit si Ethan sa akin. His face is too close, kaya sa gulat ay lumakas ang pagkakatibok ng puso ko. Hindi ko alam kung naririnig niya ba pero parang oo dahil napatingin ito sa akin. Hindi naman ako makaatras dahil wala naman akong mapag-aatrasan. Nagkatitigan kami ni Ethan, nabigla ako nang bumaba ang tingin nito sa labi ko—shiiit! Hahalikan niya ba ako? Hindi ko alam, pero napapikit ako. Pero pagkapikit ko ay nakatanggap ako ng pitik mula sa kanya. kaya nang pagkadilat ko ay nakabalik na ito sa upuan niya at nagsimula nang magmaneho. Fvk! What was I thinking?! Tulad ng sabi ko kay Ethan ay dumaan nga kami sa drive-thru. Magsasalita na sana si Ethan nang lumapit ako sa window niya para ako ang mag order. “Two vege-chicken burgers, three fries, two cokefloats—ah, pati narin spaghetti po! Thank you!” Narinig ko pa ang pagtawa at pagsabi ng babae sa speaker ng “cute”. Bigla naman akong namula at babalik na sana sa inuupuan ko nang mapatingin ako kay Ethan. “May gusto ka pa ba?” Tanong ko sa lalaki. “No, I’m not hungry.” “‘Yun lang po ate! Thank you, ahh order niyo narin po para sa sarili niyo, treat na po ni Ethan!” I said, giggling. Sumama ang tingin ni Ethan sa akin pero nag-belat ako sa kanya. “Nako ma’am hindi na kail—” “Go na ate, ilan ba kayo diyan? Kumain din kayo, huwag magpapagutom! Kahit magkano, mayaman naman po si Ethan e,” I giggled once again, and Ethan didn’t reacted. Means sang-ayon na siya, kaya napangiti ako ng malawak. “Thank you po, ma’am!” Nakuha namin ang orders ko at tulad ng sabi ko, e pera nga ni Ethan ang ginamit ko. Nagpasalamat naman ang mga staffs. Habang wala namang reaksyon si Ethan kaya napatawa ako. Gawain ko na iyon sa tuwing magkasama kami ni Ethan. Ayaw niya rin naman magpapagutom ako kaya hinahayaan niya akong mag-order ng kung anu-ano. Susubo na sana ako ng burger nang magsalita ito. “How ‘bout me?” Napatawa ako sa tanong niya. “Oh? Akala ko ba hindi ka gutom?” I teased. Hindi na ito kumibo kaya muli akong napatawa. Kinagatan ko ang burger ko at inabot sa kanya ito para kagatin niya rin, pero napatitig ito saglit sa burger bago tumingin sa akin. “Ano? Ang arte naman, parang hindi mo kinakain mga tirang pagkain ko dati ah!” Asik ko sa kanya. Napaawang ng bibig si Ethan kaya napangiti ako at sinubo na sa kanya ang burger. Galit naman itong napatingin sa akin pero kinagat niya rin ang burger na binigay ko sa kanya. Habang nagda-drive siya ay sinusubuan ko naman siya. Wala naman itong kibo kaya bahala siya. Nakarating kami sa bahay nila at saktong pababa si Tita Karina mula sa chopper nila, mukhang kagagaling lang ng Manila. “Tita!” I ran towards Tita Karina and hugged her. “Sera! Mabuti naman dumalaw ka! I’ve been nagging Ethan to bring you here! Busy ka daw.” Sumimangot si Tita, pero niyakap ako ng pahigpit. “Luh? When did I become busy, ha Tantan?” Naniningkit ang mga mata kong tanong sa kanya. Wala namang reaksyon si Ethan, tsaka lumakad papasok sa mansyon nila. “Nako! Baka ayaw ka lang dalhin dito.” May pagtatampo sa boses ni Tita Karina nang sabihin iyon. Ngumiti naman ako sa kanya. “Tita, Ethan said na wala daw kayo dito ngayong bakasyon?” Kumunot naman ang noo ni Tita Karina. “Huh? Hindi, anak. Masyadong busy kami ni Bernard. Pero I think Ethan will start his training at Black Stone. Papa wanted to give the investment company to him, kaya baka doon ang punta ni Ethan.” “Ang aga naman po, tita? Can’t he enjoy his summer? Tsaka pa grade eleven pa lang naman po kami,” sumimangot ako nang malaman kong kailangan nang mag training ni Ethan sa business nila. Lahat naman kasi ng mga Sierra ay under-training na sa kanilang family business at the age of ten. Kaya gano’n ang pakikitungo ni Ethan, dahil tinuruan siya na maging gano’n ng lolo niya. Being kind in business will lead you to your downfall. Iyon ang laging sinasabi ng lolo nila sa kanila. Pero for me, hindi gano’n iyon. Depende nalang on how you handle a situation. Hindi masama maging mabait lalo na sa business. Baka nga mas tutulungan ka pang umangat sa negosyo kung magiging mabait ka sa kapwa negosyante mo. Siguro nasabi iyon ni Don Antonio sa kanila especially to Ethan dahil Black Stone Company is a investment company. Kailangan talagang maging strict kung investments na ang pag-uusapan dahil hindi naman maliit na pera ang hahawakan sa isang investment company. Millions. At maliit na kamalian mo lang ay malaki na ang mawawala sa iyo. Doble pa. Inaya ako ni Tita sa loob para mag-chikahan. Ilang sandali lang ay dumating si Eros kasama ang mga kaibigan niya. “Ma, sleepover kami!” Casual na saad ni Eros kaya natawa ako. “Sure. Para narin may kasama si Sera. Iniwan ba naman ni Ethan.” Napailing si Tita nang sabihin iyon kaya natawa si Eros. Lumapit naman si Eros sa akin at ginulo ang buhok ko. “Ngayon ka lang ulit bumisita dito? Ayaw ka bang isama ni Ethan?” “As if naman isasama ako ng lalaking ‘yon!” Asik ko. Tumawa siya muli at pinakilala ako sa mga kaibigan niya, na kilala ko narin naman dahil sila lang naman ang bukambibig sa SIA. Cali, Zen, Andrei, Thaddeus, Dustin at ang mga pinsan nitong si Yasmir at Rafael. “Maliligo kami ng pool, do you want to join?” Tanong ni Cali sa akin nang lapitan ako nila Zen. Hindi pa ako nakakasagot ay hinila na ako nila Zen papasok sa isang bakanteng kwarto na mukhang kwarto nila at binigyan ako ng two piece. Dark cherry red ang kulay ng two piece. Nahiya pa ako dahil hindi naman akong sanay na suotin ang ganito. Pero nang tignan ko ang sarili ko sa salamin, ay bagay naman pala sa akin. Medyo naiilang lang ako dahil napaka-revealing ng suot ko. “That’s normal, Sera! It’s a swimsuit.” Natatawang saad ni Zen. “Crush mo ba si Ethan?” Pang-uusisa ni Zen, habang tinatali ang buhok nito. Kaagad akong napaatras sa tanong nila. “Hi-hindi ah.” Nagkatinginan naman silang dalawa sa akin. “Confirmed. Crush niya nga.” Wika ni Zen na kinikilig pa. “Tawagin mo na si Ethan, maliligo tayo!” Tinulak ako ni Zen papasok ng mansyon kaya wala na akong nagawa para pasukin at puntahan si Ethan. Kumatok ako sa kwarto ni Ethan pero hindi siya sumasagot kaya pumasok na ako sa loob. Pagkapasok ko sa loob ay siyang paglabas ni Ethan sa banyo niya. Pinapatuyo ang buhok gamit ang tuwalya, habang nakatapis lang ito. Kaagad akong napatalikod sa nakita ko. Shit! Hindi halatang pala gym pala si Ethan! Ba’t ganon? Mas lalo siyang gwapong tignan dahil sa abs niya? Sht! My mind! Stop it! Pero gusto kong hawakan ang abs niya! Teka! Nababaliw na ako! Bakit gano’n? Malamig naman sa kwarto niya pero nang-iinit pisngi ko? “Sera? What are you doing here?” Tanong nito. Haharap na sana ako nang may pinatong ito sa balikat ko. Tuwalya. Humarap ako kay Ethan at nakita kong nakabihis na siya ng damit. That fast?! Gusto ko pang hawakan ang abs niya! “Back to Earth, Sera.” Malamig nitong saad. Napaangat ako ng tingin kay Ethan, pero kaagad ding bumaba iyon sa labi niya, pero umiwas din ako ng tingin. “Ano, maliligo daw sila ng pool, gusto mo ba daw sumali sa kanila?” Tanong ko. Medyo naiilang dahil kaming dalawa lang sa kwarto ni Ethan. Hindi naman ako nakakaramdam ng ganito dati! Maybe because we’re old enough now? Pero bakit ba ganito mga pinag-iisip ko? May napansin ako sa shelf ni Ethan kaya lumapit ako doon at kukunin na sana nang bigla iyon binaba ni Ethan, kaya napalingon ako sa kanya. I gasped when he’s too near. Napaatras ako pero nasagi ko ang collection niya ng mga books dahilan para gumalaw iyon at nagulat nalang ako nang magsihulog ang iilan doon. Hinila naman ako ni Ethan, pero dahil sa lakas ng pagkakahila niya sa akin ay napasubsob ako sa katawan niya. Ang mas malala ay napahiga ito sa kama at nasa ibabaw niya ako. “So-sorry!” Kaagad akong humingi ng tawag at aalis na sana nang hagitin niya ako papalapit sa kanya. And our eyes met again, but this time with some kind of intensity that made my heart melt away. I can’t stop looking at him. Bumaba ang tingin ni Ethan sa labi ko, at hindi na ako nakapagtimpi pa nang halikan ko iyon. Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko sa ginawa ko, at mas domoble pa nga nang tinugunan iyon ni Ethan.Ethan rolled me to the other side dahilan para ako na itong nakahiga sa kama, habang siya naman ay nasa ibabaw ko. His hands roamed around my body with gentleness, and he’s kissing me torridly. Parang uhaw na uhaw kami sa isa’t isa at halos ayaw nang bitawan ang mga sarili.Hingal na hingal kaming pareho nang mapabitaw si Ethan ng halik. Napamura ito tsaka lumayo sa akin. Napansin ko ang pamumula ng tenga ni Ethan, bago ito tumalikod sa akin.Habang ako naman ay napatulala at napatitig sa kesame tsaka napahawak sa labi. Ilang saglit lang, after processing what just happened. I screamed. Hindi dahil sa gulat, kun’di dahil sa kilig.Kaagad namang tinakpan ni Ethan ang bibig ko para hindi ako marinig ng mga tao sa mansyon nila.“Shut up, Sera!” Inis na saad nito sa akin.Kaagad ko namang tinanggal ang kamay nito sa bibig ko. “Edi tayo na?” I asked. Hindi sa pagiging delulu ha, pero hindi niya naman ako hahalikan nang wala siyang gusto sa akin hindi ba?“What?” Gulat na tanong niya.“You
“Can you stay?” I asked Ethan, who was tucking me into bed.“No,” Ethan fixed my comforter, “but I’ll stay until you fall asleep. Now, sleep.” Malamig na saad ni Ethan. Tumalikod ako sa kanya at niyakap ang unan ko. Naiiyak ako. It’s my birthday, yet Mama and Papa didn’t greet me. Nakakatampo sila. I miss them. I miss my old family.Napapikit ako nang tumulo ang luha ko. Pilit na makatulog kahit iyak na iyak na ako. At habang pilit na makatulog, Ethan humms me a song while gently caressing my hand to make me fall asleep.Just as I was drifting to sleep, I heard Ethan’s voice and his kiss on my forehead. “Goodnight, clumsy. Happy birthday.”MAAGA akong nagising at kaagad na napatakbo sa baba para salubungin sila mama, pero nagulat ako nang si Manang Jona lang ang nakita ko sa kusina na naghahanda ng almusal.“Hindi pa rin po ba nakakauwi sila mama?” Tanong ko.Malungkot na napailing si Manang Jona.Napatingin ako sa pintuan. Pero wala talaga. Akala ko, they will prank me like they used
Ilang araw ang nagdaan at hindi pa rin tumatawag sila mama at papa. Kinakabahan na ako sa kanila at sa tuwing tatawag ako ay ayaw rin sagutin ang tawag ko. Am I really alone now? Tinawagan ako ni Liam para magpa-enroll kaming dalawa. Kaya ay sumang-ayon ako sa kanya, kesa maboryo ako rito sa bahay. Sinundo ako ni Liam pagkatapos kong mag-ayos. “Hindi pa rin ba sila umuuwi?” Liam asked as he drove the car on the way to our school. Tumango lang ako habang nakatingin sa bintana ng sasakyan. Alam ni Liam ang nangyari sa mga magulang ko. Kaya pati siya ay nag-aalala para sa akin. Kaya halos samahan na niya ako araw-araw para hindi ako makapag-isip ng kung ano-ano, lalo na’t summer e wala talaga akong magawa sa bahay. “Papansinin mo ba sila kapag nakauwi sila?” Natawa ako sa tanong ni Liam. “Oo naman bakit hindi? Mga magulang ko pa rin sila.” “Paano kapag hindi na sila umuwi?” Natigilan ako. Hindi ko talaga alam ang isasagot. I’ve been questioning myself with the same question for
Hindi ako umuwi sa bahay, at pinagpaalam naman ako ni Tita Karina kay mama, para hindi ito mag-alala. Nasa kwarto na ako na nilaan ni Tita para sa akin, kasama si Samantha ang fiancé ni Eros.“Do you love him?” I suddenly asked Samantha. Napatingin naman siya sa akin na nagtataka kaya napadapa ako para tignan siya na nasa kabilang kama.“I mean, engage kayo ni Eros, right? At alam ko naman na dahil lang sa parents mo at sa lolo ni Eros. But… Do you have feelings for him?” Napatitig naman si Samantha sa kesame, tsaka ito nagsalita. “Oo, pero I don’t think that he felt the same way.” Tumango naman ako sa sinabi niya. Natatakot ako. Kasi Ethan will know his fiancé too once he reaches 18. At hindi ako iyon, dahil hindi naman kami kasing yaman ng mga Sierra para maging fiancé niya ako.“Do you love Ethan?” tanong ni Sam. Tumango ako kaagad sa kanya at napaupo sa kama. “Kaso mukhang hindi niya rin ako mahal,” sagot ko dahilan para mapaupo din si Samantha sa kama.Pareho kaming natawa dahil
Ethan celebrated his birthday with his family and friends. Pero ‘yon ang buong akala ko dahil may mga well-known families din ang nagsidatingan na pinapakilala kay Ethan, naghahanap ng ipapangasawa sa kanya. Lukot na lukot naman ang mukha kong nakaupo sa gilid nang lapitan ako ni Sam. Napatawa ito ng marahan nang makita ko. “Oh, lukot ‘yan? Kulang nalang plantsahin na ni Ethan,” natatawang saad nito tsaka ako inabutan ng strawberry shake. Kinuha ko iyon at nagpasalamat tsaka ko ininom kaagad at medyo gumaan ang pakiramdam ko. “Ethan will find a new girl in a matter of time,” I muttered as I watched Ethan with his grandfather, Don Antonio, engaging with high-class families to find a perfect girl for him. I mean, Ethan deserves one. It’s just… I can’t bear him seeing another girl by his side beside me. Sino ba naman ako para itapat sa nag-iisang Ethan Sierra? Clumsy, hindi katalinuhan, makulit, hindi kasing yaman ng mga Sierra. Ethan is every girl’s dream—matalino, gwapo, mayaman—w
Mama didn’t come home to explain everything to me. And Dad, since that night, didn’t come home either. And I was left alone. Again.“Kumain ka, Miss Sera, ilang araw ka na hindi kumakain, hija. Baka mapano ka n’yan,” Manang Jona said softly as she placed the food tray on the center table inside of my room, where an untouch food is placed too.“Wala ho akong ganang kumain, Manang.” I replied, my voice cracked since my throat was too dry. I also felt the cracks on my lips as I hadn’t drunk any water that day.“Pero, Miss Sera… Ilang araw ka nang hindi kumakain at… pasukan na sa susunod na araw…” nag-aalalang saad ni manang.Mas humigpit ang pagkakayakap ko sa unan ko at nagtago sa kumot ko. Wala na ata akong mailalabas na luha. Binagsak ko na ang lahat ng iyon nang gabing umuwi si papa at nalaman ko ang pinaggagawa ni mama.Ilang araw na ba akong nagkukulong sa kwartong ito? Dalawa? Tatlo? Hindi ko na mabilang. Pati nga’y pagligo ay hindi ko na nagawa. Been sulking in my room for days. S
Halos hindi ako matigil kakasigaw sa ilalim ng unan ko dahil sa kahihiyang ginawa ko kagabi. Halos hindi ko pansinin si Ethan dahil bigla akong kinain ng kahihiyan. “Ano ka ba naman, Sera! Aamin-amin ka tapos mahihiya ka? Paano mo haharapin si Ethan mamaya?! Pasukan niyo na!” Pagulong-gulong ako sa kama dahil sa inis ko sa sarili. Mas nakakatakot pa ata ang ginawa kong pag-amin sa kanya kesa sa horror na pinapanood namin kahapon! Nakakainis! Napatingin ako sa salamin at kita ko ang pamamaga at itim sa ilalim ng mata ko. God. I’m not pretty anymore! Hindi na ako magugustuhan ni Ethan nito! Pagkatapos kong magbihis ng uniform at ligpitin ang mga gamit ko ay kaagad akong bumaba, tsaka ko sinalubong si manang na naghahanda ng almusal. Sabay na kaming kumain ni manang, kasama ang driver ko na si Kuya JP at si Ate Nena. Kami lang naman ang tao sa bahay, dahil hindi naman namin kailangan ng masyadong madaming kasambahay. Compared to the Sierra—well, hindi naman dapat ikumpara sa estad
I clung my arms to Ethan’s arms as we headed to the parking lot. Hindi naman maiwasan ang mga tingin sa amin, pero ang iba ay sanay na sa’min.“Nako, kulang nalang maging kayo na, Sera!” Natatawang saad ni Melody na kaklase namin.Ramdam kong uminit ang pisngi ko sa sinabi niya, pero wala man lang ka-reaksyon si Ethan.“Huy! Maghunos-dili ka nga, Mel!” I said, shyly. Napahagikgik ang babae tsaka ako binangga para mas mapalapit kay Ethan.“Mel!” Singhal ko sa babae pero natatawa lang itong lumayo sa’min, waving her hands.Napatingin naman ako kay Ethan na seryoso ang tingin sa daan. I pressed my lips together as I stared at his handsome and gorgeous face. Ethan’s tall, he’s 5’10. Mas matangkad ng isang dangkal si Liam, pero minsan ay mapanglinglang mga height nila. while my height is 5’4. Kaya ang pandak kong tignan kung magkatabi silang dalawa.“May gagawin ka ba, Tan? Gusto ko ng street foods!” Nakangiting saad ko sa kanya. Hindi ito kumibo, at mukhang malalim ang iniisip na normal
Days had passed, naging normal ang pamumuhay namin ni Ethan. Simula nang may mangyari ulit sa’min ay todo alaga na ito sa’kin, lalo na alam naming pareho na sinadya niyang buntisin ako kaya mala-prinsesa ang pag-aalaga niya sa’kin.Nasa may isla kami. Sa hindi masyadong kilalang isla at malayo sa ikinagisnan naming buhay.The island was owned by him. He secretly purchased it under my name. Pero may mga mamamayan namang nakatira sa paligid kaya kahit paano ay hindi lang kaming dalawa ang tao sa islang ito.Papalubog na ang araw nang huminto ang maliit na bangka sa shore at bumaba roon si Ethan kasama ang iilang mangingisda.Nakasuot ito ng puting long-sleeves katulad ng mga suot ng mangingisda. Naka loose track pants din ito na nakatupi ang bawat dulo hanggang sa baba ng kanyang tuhod na para bang maiwasan na mabasa iyon, pero nang makababa ito sa bangka ay nabasa rin kaya walang kwenta ang kanyang pagtupi roon. Habang nasa kanyang likod naman ay ang sumbrero na gawa sa puno ng niyog.
[Third Person’s POV]Pinagmasdan ng isang lalaki sina Ethan at Sera na magkahawak ang kamay na dahan-dahan na lumabas mula sa silid ng dalaga. Ang kanyang mga kamay ay nasa magkabilang gilid ng kanyang bulsa.Blangko itong nakatitig sa dalawa, pero sa kanyang loob, naiinis ito. Ethan just ran away with his bribe.“Go, magpakasaya kayong dalawa ngayon. Saakin pa rin ang huling halakhak, Ethan.” Lumakad papalayo ang binata pero natigilan rin ito sa silid ng kung saan nananatili ang ama ni Sera at ang kabit nito. Nakaawang ng bahagya ang kanilang pintuan kaya’t naririnig ang kanilang pinag-uusapan.“Shut your mouth!” sigaw ni Mara na siyang umalingawngaw sa buong silid.“Paano, Mara? We killed Sarah! And now you want to take over the company? Sobra na naman ata iyon! Malaki na ang ninakaw natin sa kanya noon! Pwede ba? Huwag mo nang kunin ang lahat kay Sera!” Isang malakas na sampal ang natanggap ni Gabriel mula kay Mara para patigilin ito sa pagsasalita.“Kulang pa lahat ng iyon, Gab!
I rejected Darius. I’m not into relationships or marriage. And I am having a hard time to fix myself, to heal myself from the pain and hurt I felt for the entire time since my mother had gone. It’ll hurt me even more if I push myself. Bumalik kami ng siyudad matapos namin magpalipas ng araw sa tabing-dagat. Gusto pa sana ni Darius na doon na lang magpalipas ng gabi, pero may pasok pa ako sa trabaho.Next week na ang pasukan, kaya kailangan kong mag-trabaho para may allowance ako bago ako maging part-timer ulit. Mas maliit kasi kikitain ko kung part-time lang.Habang nasa restaurant e doon ko lang naalala na ngayong gabi nga pala ang engagement party nina Kendra at Ethan. Ayaw ko man pumunta ay kailangan dahil kung hindi, hahanapin ako ni papa.“Sera, may naghahanap sa’yo sa labas,” saad ni Fiona na siyang ka-workmate ko.Napakunot-noo akong naglakad palabas para tignan kung sino ang naghahanap sa’kin. Kasi kung si Darius iyon e, sasabihi
Buong gabi akong umiyak, pilit na tinatanggal ang sakit na nararamdaman ko pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawa. Kaya wala sa sarili akong pumasok kinabukasan at halos buong araw na nagkakamali.“Sera, magpahinga ka na muna. Wala ka sa sarili mo. About sa damages mo, don’t worry about it, hmm?” Malambing na saad ni Maam Anna, ang may-ari ng restaurant na pinagtatrabahuan ko.In the end, pinauwi nga ako. Pero hindi ako umuwi at tumambay sa labas ng restaurant, nakaupo at tulala habang nagpapalipas ng oras.Pero nang maghapon na ay tumayo ako tsaka nag-abang ng jeep na siyang magdadala sa’kin sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu para magsimba.Habang nag-aabang ay may isang puting sasakyan ang huminto sa harapan ko. Napakunot ako ng noo dahil iba ang kulay ng sasakyan ni Darius, BMW na navy blue. Etong sasakyang huminto sa harapan ko e isang sports car Lamborghini na puti.Bumukas ang pintuan sa driver’s seat at tila bumagak ang takbo ng mundo ko nang unti-unting lumalabas a
“Are you okay?” Tanong ni Darius habang tinatahak ang daan palayo sa bahay. Tumango lang ako bilang tugon at napabuga ng hangin para pakalmahin ang sarili. Wala sa sarili naman akong napatingin sa bintana at pinagmamasdan ang mga gusali sa labas. “I really don’t know that Ethan would be Kendra’s fiancé.” “H’wag mo nang banggitin, Dar. Gutom ako.”Tumawa si Darius kaya humaba ang nguso ko. “Totoo nga kasi, gutom ako.”“Alright, my Tinkerbell, kakain tayo. Makakahabol pa naman ata tayo sa huling movie—or drive thru na lang tayo tapos dalhin natin doon.” “The latter, please.” “Alright, my queen.” Inabot ni Darius ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. It was sweet. Pero kung may gusto lang ako kay Darius baka ayaw ng umalma ang puso sa dibdib ko sa ginawa niya. Pero wala. Never felt sparks too. We’re just friends.Just like we planned, Darius bought food and we brought it to the drive-thru cinema which I didn’t know existed here in Cebu.Rom-com ang pinapanood namin ni Da
Lumipas ang mga araw na walang ibang ginagawa si Darius kun’di guluhin ang araw ko. Worst is, kasama ko ba sa lahat ng subjects dahil magka-klase lang naman kami.“Sera, sabay tayo mag-lunch.”“Ayoko.”“May mango cake doon, tsaka mango shake. Sinabihan ko na si Tita Melody na ipag-reserve ka. Ayaw mo talaga?”Sinusundan pa rin ako ni Darius sa paglalakad, paatras nga lang ang lakad nito para masundan niya ako.“No.” pagmamatigas ko kahit na nakakatakam ang mga pinagsasabi niya.Ayokong kumain. Other words, nagtitipid ako. On-hold ang bank account ko, kaya hindi ako maka-withdraw, naka-frozen din ang credit cards ko kasi hindi pa daw nababayaran ang mga previous expenses ko. Kahit ang bank account ni mama ay frozen.Kaya ang natitira ko na lang pera ay five thousand na hindi ko alam kung aabot pa ba ng isang buwan sa’kin. Ayoko ring humingi kay papa kaya kinausap ko na ang sekretarya ni mama na gawan ng paraan ang mga bank accounts namin, ngunit isang linggo na ay wala pa ring update.
Kinabukasan ay naiwan akong mag-isa kasama si Harris na nagtatanong ng mga bagay-bagay tungkol sa kukunin kong kurso at siya na bahala daw na mag-enroll sa’kin. Gusto kong sumama sa kanya, pero habilin sa kanya ng babaeng iyon ay huwag na huwag akong palalabasin ng bahay.Inabot din sa’kin ang bagong cellphone. Cheap. Pero okay na rin. Matawagan ko lang si Ethan.But every time I dialed his phone number, ay laging out of coverage iyon. Did he change his number? Did you really leave, Ethan? Nasa abroad ka na ba? What about your promise? Akala ko ba hindi mo ako iiwan?Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko nang malamang iniwan nga talaga ako ni Ethan. I hate you. I really hate you, Ethan.“Miss Sera, may kailangan pa ba kayo?” Tanong ni Harris nang makapasok ito sa kwarto ko.Bigla akong kinabahan dahil ni minsan ay hindi ito pumapasok sa kwarto ko, at hindi din siya papasok ng basta-basta sa kwarto ko. Ni hindi nga siya umaakyat sa taas unless may kukunin itong documents sa silid nila m
Ilang linggo na lang ay pasukan na. Ngunit hindi pa rin ako nakakapag-enroll. Ni hindi ako makalabas ng bahay dahil bantay sarado ako ng mama ni Kendra.I don’t want her to call her by her name. It makes me feel sick. Sukang-suka na ako nang malaman kong best friend siya ni mama, pero heto inahas ang asawa ni mama—worst before he could have me.Nakakasuka pa lalo nang ipilit nila ang mga sarili nila sa pamamahay ko. “I will be gone for a week, business trip. So, Sera, please be good to your mom and sister, Kendra,” papa ordered me.Napaismid ako sa inutos niya. How could he?! Mama just died and now bringing his mistress and their child into my house? Where’s the decency?! Ni hindi ko nga nakita sa lamay at libing ang magaling kong ama, tapos dadalhin niya rito sa pamamahay ni mama ang walang hiyang sumira sa pamilya namin? The audacity!“Ako pa talaga ang magiging mabait sa kanila? They’re in my house, papa!” I yelled, almost dropped my utensils dahil sa galit akong napahampas ng mga
Inilibot namin ni Ethan ang isla, gumala, nag foodtrip at naligo ng dagat kahit na hindi naman ako marunong lumangoy. Ilang beses na akong tinuturuan ni Ethan, pero napupunta lang iyon sa paglalandian naming dalawa.“Gutom na ako,” wika ko nang makaahon ako sa pool. Ethan stayed on the edge of the pool, staring at me with his naked eye.Mabilis kong binalot ang tuwalya sa katawan ko nang umihip ang hangin dahilan para lamigin ako.“You can eat me, my love.” “Che! Nananakit na ang balakang ko! Lulumpuhin mo ba ako?!” Asik ko sa lalaki.Simula kasi nang gabing iyon ay ayos ayaw na akong tigilan ni Ethan na siyang gustong-gusto ko rin naman.Tatlong araw na rin kaming nakatambay dito sa Moalboal, pero gumagala sa iba’t ibang parte ng south.“Well,” umahon siya sa pool at sinuklay ang kanyang basang buhok gamit ang kanyang mga daliri. And the way he brushes his hair looks so damn sexy and hot.Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa lalaki at sumimsim na lang sa apple juice na nakahanda pa