Dahil sa kahirapan ay napilitang huminto sa pag-aaral si Sonata, at magtrabo sa Maynila para makatulong sa kanyang pamilya. Ang matulungan ang kapatid na may sakit at para sa pag-aaral ng mga nakababata pa niyang kapatid. Namasukan siyang katulong sa isang mansyon na mataas kung magsweldo, at halos ikinalula niya kung magkano ang sasahurin at ang tanging gagawin lang niya ay bantayan ang mga anak ng kanyang among lalake na ubod ng sungit at laging galit sa mundo. Si Gabriel San Diego na isang mayamang bilyonaryo at may mga anak pero walang asawa, sa isip ni Sonata ay marahil kaya walang asawa ang amo dahil halos lahat ng tao sa paligid nito ay kinatatakutan ito, pero isang araw ay natagpuan niya ang sarili na humahanga at may kakaibang damdamin na umuusbong sa kanya tuwing nakikita ang masungit niyang amo. Posible kaya na magkaroon ng katugon ang damdamin niya sa amo niya, o hanggang dito lang ito dahil ni minsan ay hindi man lang siya sinulyapan nito. Date started: September 17 2019 ORIGINAL STORY BY: Seirinsky
View MoreImpit na iyakan ang maririnig sa apat na sulok ng kwartong iyon kung na saan ang ama ni Sonata na nag-aagaw buhay.
Napakasakit para sa kanya ang unti-unti nitong pagkawala at wala siyang magawa kundi ang yumakap ng mahigpit sa pinakamamahal na ama. "Sonata anak ko..." Pilit na nagsalita ang kanyang ama kahit hirap na hirap na ito pinilit niyang tumingin sa ama, ang kanyang ina at mga kapatid ay iyak rin ng iyak at nakayakap ng mahigpit sa aming ama. "Tay..." Nakita niya ang ama na itinaas ang kamay nito kaya agad niya itong inabot at hinalikan ng mahigpit at impit na umiyak. "I-kaw...na ba-hala sa mga...ka-patid mo...at sa na-nay mo." Napatango siya habang pinipilit na sumagot sa ama. "Ma-hal na ma-hal...ko kayo..." Mahinang muling sabi ng ama niya. "Mahal na mahal rin kita tatay, mahal na mahal kita..." Bulong ko at kahit hirap ako na magsalita ay nagawa niyang magsabi sa tatay niya kung gaano niya ito kamahal. Ang mga sumunod na sandali ay ang unti-unting pagbagal ng tibok ng puso ng kanyang ama at ang pagpikit nito na siyang senyales na linisan na nito ang mundo at iniwan na sila. Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni nanay habang nakatingin sa harap ng puntod ng aking ama, nailibing na ito at kanina pa nakaalis na ang mga nakipaglibing pati ang mga kapatid niya ay pinauna na rin ng nanay niya kaya silang dalawa na lang ang natira dito. Hindi ko magawang umalis sa harap ng aking ama napakabigat pakiramdam ko at parang tinutupok siya ng sobrang kalungkutan, panay rin ang tulo ng kanyang luha hindi ito maubos ubos kahit pigilan ay hindi niya magawa. Wala na ang kanyang pinakamamahal na ama, ang kanyang superhero, ang taong nagturo sa kanya kung gaano kahalaga ang pamilya at kung paano maging mabuting tao, at ang pagiging maka-diyos, hindi perpekto ang kanyang ama dahil wala namang ganoon pero para sa kanya ay ito na ang pinakamabait na tao na nakilala niya at ipinagmamalaki niya ito dahil kung wala ito ay walang Sonata sa mundong ito. Napatingin ako kay nanay na umupo sa tabi ko at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko, nakita ko ang sobrang kalungkutan niya pero ramdam ko rin ang katatagan sa kanya. "Magiging maayos rin ang lahat anak, nakapagpahinga na ang tatay mo hindi na siya mahihirapan pa alam ko na masakit sobrang sakit pero kailangan nating magpakatatag." Napahagulhol akong muli at yumakap sa kanya hindi ko alam kung ano na ang mangyayari ngayong wala na ang aking ama. Pero kailangan kong magpatuloy ito ang panghahawakan ko. Si Nanay Nelda ay hindi ko totoong ina, pangalawa siyang asawa ng aking ama. Namatay ang tunay kong ina noong ipinanganak ako at si tatay ang nagpalaki sa akin dalawang taong gulang ako ng mag-asawang muli ang ama ko at nagkaroon ako ng tatlo pang kapatid, napakaswerte ko kay nanay dahil tinuring niya akong totoong anak at ni minsan ay wala akong naging problema sa kanya dahil para sa kanya ay anak niya ako mula sa puso niya. Umuwi kami ng bahay at lalo akong nakaramdam ng kalungkutan ng wala na ang presensya ni tatay sa apat na sulok nitong bahay. "Paano na po tayo nanay, ate." Napatingin ako kay Iggy ang sumunod sa akin na labing limang taong gulang. "Magpapatuloy tayo at sama-samang babangon." Matatag na turan ni nanay kaya gusto kong ngumiti kahit malungkot ako dahil sa sinabi niya. "Hindi na po muna ako magpapatuloy ng pag-aaral nay." Lakas loob ko na turan kaya napatingin siya sa akin. "Pero anak nasa ikalawa ka nang taon sa kolehiyo sayang naman." Sabi niya at hinawakan ako sa kamay. "Di bale nay kapag nakaipon ako saka po ako magpapatuloy ng pag-aaral." Sabi ko sa kanya at ngumiti kaya niyakap na lang niya ako at nakisali na rin ang mga kapatid ko. Sabi nga nila talagang ganito ang buhay talagang kakabit na sa buhay ang hirap ang kailangan lang ay wag sumuko at magpatuloy lang. Huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas ng bus na sinakyan ko papunta rito sa Manila. Isa sa mga pinsan ni nanay si Tiya Pining ang mayordoma sa pinagtatrabahuan niya na mansyon dito sa Manila. At kinuha niya ako dahil tamang-tama ay kailangan nila ng isa pa na katulong sa bahay. "Sonata?" Napatingin ako sa may katandaan na babae ang lumapit sa akin kaya napatango ako. "Tiya Pining." Nakangiti ko na turan saka ako nagmano sa kanya. "Aba at dalaga ka na at napakagandang bata." Nakangiti niyang turan at tinulungan ako sa bitbit ko na bag. "Nakikiramay pala ako sa pagkawala ng tatay mo." Malungkot niya na turan tumango lang ako. Sumakay kami sa isang van at ang driver ay si Tiyo Narding na asawa ni tiya. Ilang minuto lang ay pumasok na ang sasakyan sa isang subdibisyon at nalula ako sa laki ng mga bahay dito. "Ang laki po ng mga bahay dito tiya." Mangha ko na sabi sa kanya at tumawa lamg ito. "Ganyan rin kalaki pagtatrabahuan mo Sonata." Nakangiti niyang turan kaya napahinga ako ng malalim. Mayamaya pa ay isang napakalaking bahay ang hinintuan namin at napakaganda. Bumaba na kami at pumasok sa pinto ng bahay. "Halika ipapakilala kita sa amo natin." Sabi ni tiya kaya kinabahan aoo bigla. May pinuntahan kami na isang kwarto at kumatok si tiya saka binuksan ang pinto. "Sir Gabriel nandito na ang pamangkin ko galing Bicol." Magalang na turan ni tiya sa lalakeng nakatayo sa may bintana. At ng humarap siya ay para akong mawawalan ng hangin sa dibdib dahil ang lalkeng kaharap namin ngayon ay kulang ang salitang gwapo. "Dumating na pala siya ikaw na lang ang bahala manang." Seryoso nitong turan at tumingin sa akin kaya bahagya akong napaatras. "Anong pangalan mo? Ilang taon ka na?" Magkasunod niya na tanong kaya nagulat ako. "Ako po si Sonata at labing walong taong gulang na po ako." Magalang ko na sagot tumango lang ito at pinalabas na kami. Napansin ko sa amo namin ay seryoso itong tao at mukhang masungit. Napatunayan ko na masungit talaga ito at seryoso pero lahat ng mga kasamahan ko dito ay crush siya at pinapangarap na mapansin nito. Napailing na lang ako sa kanila at natawa na lang. "Darating na pala ang triplets naku magulo na naman ang mundo natin nito." Sabi ni Carla na napatingin sa akin. "Bakit naman?" Tanong ko kaya natigilan sila lahat at napabuntong hininga kaya nagtataka ako sa kinikilos nila. "Ikaw ang naatasan na magbantay sa kanila diba?" Tanong ni Kuya Omar na isa rin sa mga driver dito tumango ako at napailing na lang siya. "Marami ng yaya na umalis dahil sa tatlong iyon at sana kayanin mo." Sabi na lang ni Carla na tinapik ako sa balikat. Hindi ako masyadong nahirapan na mag-adjust dito dahil lahat ng mga kasamahan ko ay mababait lahat. Ako ang pinakabata dito at walang asawa dahil ang lahat ng mga kasamahan ko dito ay may mga asawa na. Nagwawalis ako sa sala ng biglang bumukas ang pinto at napatingin ako rito. Dumating na pala ang amo kong lalaki na diretso lang paakyat sa taas kaya napailing na lang ako. Ang gwapo pero may sariling mundo at nakakatakot. Nagulat ako ng biglang tumunog ang intercom at sinagot ito ni tiya na saktong lumabas ng kusina. "Sonata dalhan mo raw si Sir Gabriel ng kape sa taas." Utos sa akin ni tiya kaya napailing lang ako at pinakita na may ginagawa ako. "Sonata hija bilisan mo na balikan mo na lang yan." Sabi niya at pumasok ulit sa kusina kaya nagkakamot ako na sumunod sa kanya. "Ano po ang timpla ng kape?" Magalang ko na tanong kay tiya. "Saktong kape lang at walang asukal dapat iyong mainit pa na hihigupin niya." Sagot niya kaya ginawa ko na ang kape ng boss namin na masungit. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa silid ni sir, ito ang unang beses na makakapasok ako sa silid niya. Bumukas ang pinto at nagulat ako ng bumungad ang mukha ng amo ko. "Ito na po ang kape sir." Magalang ko na turan. "Ilapag mo na lang diyan." Sabi nito kaya maingat ko itong nilapag. Nasamyo ko ang mabangong amoy sa buong silid at itim at puti lang halos ang kulay dito sa loob halata talaga na panlalaki ang silid na ito. Akma na akong lalabas ng tawagin ako ng amo ko kaya napatingin ako sa kanya. "What is your name again?" Tanong nito kaya kinabahan ako bigla. "Sonata po sir." Sagot ko sa kanya. "You have a beautiful name." Mahina nito na turan kaya napatingin ako sa kanya. "You may go now." Seryoso na ulit nitong turan kaya lumabas na ako. Nakahinga ako ng maluwag at napahawag sa dibdib ko muli na akong bumaba at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko. Napailing na lang ako at sana ay maging maayos pa rin ang lahat sa mga susunod na araw. Sana rin ay hindi ko na masalubong o makita ang amo ko na lalake dahil palaging bumibilis ang tibok ng puso ko. Baka magkasakit ako sa puso nito kapag lagi ko siyang makikita.Naging maayos ang pag-uusap ng mag-asawang Gael at Amaris. Nalinawan na ang bawat isa sa kanila, talagang misunderstanding lang ang mga bagay na nasa isip nila. Buti na lang at nakatulong ang pagpapakumbaba nila sa isa'y isa. At isa pa ay humingi na ng paumanhin si Gael kay Gabriel at maging sa akin na rin, wala naman itong sinabi tungkol sa kustodiya ng kambal. Nagpapasalamat pa rin ako dahil nanatili ito na walang balak na kunin si Angelo at Anthony, o ang sabihin sa mga ito na siya ang totoong ama nito. I was thankful too, dahil hindi mawawalay sa amin ang kambal. And i know Gabriel was thankful too. Alam ko na hindi pa rin makapaniwala si Gael na matagal nang alam ni Amaris ang tungkol sa kambal. At kita pa rin namin ang kailangan nito, lalo na nang makita ko paano ito tumingin sa kambal. Nasa mga mata pa rin nito ang pagkabigla, pero nawala na ang galit sa mga mata nito. And i hope someday, matangap na rin nito ng tuluyan ang katotohanan. Ang kailangan ko naman na asik
Araw ng birthday party ni Sirone at Simone, napakaabalq ng lahat.Maganda ang decoration at nakahanda na ang mga pagkain na pina-catering na lang namin.May filipino restaurant kasi dito sa Florence at kilala ni mama ang may-ari kaya may mga filipino food na pinahanda si mama.Halos lahat naman kasi kami dito ay mga paborito pa rin ang pagkain sa Pilipinas.Ang theme ng birthday party ni Sirone at Simone ay simple lang.Superhero theme ito at may malaking bandera na nakapagay ang pangalan ni Sirone, at nilagay na rin namin ang pangalan ni Simone. Si Sirone na rin kasi ang nag-suggest na kung pwede ay isama namin ang pangalan ng kambal nito kahit wala na ito.So hindi na kami nagpaliwanag pa dahil balak talaga namin na ilagay ang pangalan ng kakambal nito.Ang bisita namin ay ilan lang sa mga kaibigan ng pamilya namin, ang pamilya ni Bryan at ilan sa mga kaibigan ni kuya.Si Kiryuu ay nandito rin at si Xanty na personal pa talaga na pumunta dito.Hawak ko ang cellphone ko at inaabangan
Si lola naman ay sinaway si lolo na agad na nilapitan ni mama, niyakap nito si lola at hinalikan sa pisngi. "Apo ko, kumusta ka at ang baby mo?" Tanong ni lola kaya agad akong lumapit dito, at saka yumakap at humalik sa pisngi nito. Saka naman ako lumapit kay lolo na agad ko itong niyakap at hinalikan din sa magkabilang pisngi. "My princess, how's your feeling?" Tanong nito kaya agad ko naman itong sinagot at saka ako lumapit kay Gabriel at saka ako napatitig kay lolo. "Lolo, meet my husband. Gabriel San Diego." Sabi ko kay lolo na agad naman na napatingin kay Gabriel. Binigay nito ang kamay niya kay Gabriel na agad naman kinuha ni Gabriel, pero niyakap ito ni lolo na ikinangiti ko na lang. Si lola rin ay niyakap si Gabriel, at saka ito humingi ng pasensya sa inasta ni lolo kanina. "Magkano ang kinikita ng mga negosyo mo sa isang taon Gabriel?" Biglang tanong ni lolo sa asawa ko. "Enough to build my wife and our child a beautiful castle, and i can provide them a better
Samuel is nervous while we are here in the elevator.Nang sabihin namin dito kanina ang tungkol kay Simone ay nagulat ito at hindi makapaniwala.Pero kita ko ang kasiyahan sa mukha nito."Kinakabahan ako ate." Bulong nito kaya hinawakan ko ang kamay nito at napatitig kay Gabriel."Okay lang yan Sam, ganyan rin ang ate mo nong unang beses namin na puntahan si Simone." Sabi ni Kyros na kasama namin ngayon."Excited po ako na kinakabahan, makikita ko na rin sa wakas si Simone." Sabi ni Samuel kaya napangiti na lang ako.Nang makarating kami sa kwarto ni Simone ay tulog pa ito, pero si Samuel ay hindi napigilan na lapitan ang kapatid at niyakap niya ito.Umiiyak ito at dahil dito nagising si Simone."Kilala mo ba ako? Ako ito ang Kuya Samuel mo." Umiiyak na sabi nito sa kapatid na agad naman na tumango at umiyak na rin.Simone recognize him, pero hindi ito makapagsalita at naunawaan agad ito ni Samuel."Magpagaling ka okay, para sa birthday niyo ni Sirone ay makauwi ka na at tiyak ako na
Both Gabriel and Gael didn't said anything, when my father told them everything.Si kuya ay wala ring imik, pero si papa ay sinubukan niya naman na ipaliwanag ang lahat kung bakit ginawa iyon ni Gallard San Diego.I know na ginagawa lang ito ni papa para maunawaan ito ng magkapatid.I don't know what to say either, dahil nasasaktan ako para sa magkapatid.Lalo na si Gabriel, he never saw his mom mula nong sanggol pa lang ito.Ang kinilala nitong ina ay ang mayordoma nila na nagpalaki dito.And what about Gael? He still young that time too. Naiisip ko pa lang kung ano ang naging impact nito sa kanila ay masasabi ko hindi nila deserve ang ganitong buhay.Lumaki silang salat sa pagmamahal ng isang ina, walang mga magulang na gumabay sa kanila.Gustavo abuse them, when they were young. Pinalaki sila nito sa masamang tahanan.“To be honest kung ako ang tatanungin, they are the worst parents i ever met. To think that Natalia, my wife has worst parents, but them nah, kung ako ang masusunod i
Dumating si Gael kasama ang pamilya nito, he has three child. Two boys seven years old and a three years old and the youngest is four months old baby girl.His wife is pretty and kind. Unang kita ko pa lang dito ay alam ko na napakabuti ng puso nito.She is kinda shy type of a woman, and five year younger than Gael, half pilipina and a half australian.Matatas rin itong magtagalog at kitang-kita ko ang pagmamahal ni Gael dito.And i remember while looking at this family, do i really need to tell to Gael that he is the real father of the twins?And i have my answer already too, i don't want to break this family apart.Tama na yong alam lang nito na anak ni Gustavo at Alina ang kambal, at si Gabriel ang kilala ng kambal na ama ng mga bata.My parents wellcome them with a warm heart, and also my whole family.Nakita ko na masaya ang pamilya na binuo ni Gael, and Gabriel said that he deserve it more than anyone else.His sacrifice is shown in the past years, kaya naman ayoko nang sirain p
Nagising ako na wala dito sa tabi ko si Gabriel kaya napabangon ako.Nakita ko ito sa sofa nakaupo at hawak ang laptop nito at may ginagawa.Oo nga pala umaga sa Pilipinas at may trabaho ito, tumayo ako kaya napatingin ito sa akin.“Nakatulog ka na ba?“ Tanong ko dito kaya pinaupo ako nito sa tabi nito.Malamig ang kwarto kaya sumukob ako sa kumot nito at napasandal dito.“I was talking to Gael if they can come here, together with his wife and child.“ Sabi nito kaya napatango lang ako dito.Nang mag-reply si Gael ay umuo ito agad at ihahanda ang ticket ng pamilya nito agad.“I told him about our son. He feel so sorry at the same time guilty too, but i told him that it's okay.“ Sabi nito sa akin kaya napatango ako dito.“So we can let him rest now?“ Tanong ko dito kaya napatango ito.“Napag-isip isip ko na kailangan na talaga natin siyang pakawalan, it was hard but we need to do this babe.“ Bulong nito kaya napayakap ako dito at naalala ko na hindi ko pa dito nasasabi ang tungkol sa pa
Awkward ito ang tamang salita sa mga sandaling ito.Si papa ay seryoso lang na nakatitig kay Gabriel, katabi ko ito na nakaupo sa harap nila ni mama.“Nice to meet you, Mr. Cortessi and Mrs. Cortessi.“ Nagsalita si Gabriel at binati nito ang mga magulang ko.Ang boses nito ay matatag at walang halong kaba, mukhang pinaghandaan ito ng mabuti ni Gabriel.“Nice to meet you too, San Diego.“ Sabi naman ni papa pero siniko ito ni mama na nakangiti sa asawa ko.“It's nice to finally meet you hijo, i am glad that you come here already. We really want to meet you.“ Sabi ni mama na nakangiti kaya napangiti na lang ako.Mama is always our sunshine, she always want us to have this kind of light conversation.“I am planning po, but when ypu personally called me i never had a second thought.“ Sabi ni Gabriel kaya nagulat ako sa sinabi nito at napatingin kay mama.“Honey you called him?“ Nakakunot ang noo na tanong ni papa kay mama, pero sinenyasan ito ni mama na manahimik muna.“Yes, ano pa nga ba
Napaiyak ako habang nakatingin kay Gabriel habang nagpipilit pa rin ito na lumapit sa akin.Nauna nang pumasok sa eroplano ang mga kapatid ko kasama si Kyros at Olivia.Hawak ni Xanty at Leon si Gabriel at nagpipilit talaga ito na lapitan ako.Pumayag man ito na umalis kami pero kanina ay nagbago ang isip nito, baka daw hindi na kami makabalik dito.Pero nangako ako dito na kung sakali man na pumayag sina mama ay sumunod sila agad sa Romania.Kahit naman ganon ay takot pa rin ang mga ito na baka hindi na kami magkita pa.“Tara na Sonata.“ Inakay na ako ni kuya kaya nagpaakay na ako dito.Gusto ko na sumunod si Gabriel sa amin ito naman ang sinabi ko dito pero matigas ang ulo nito.Ayaw akong pauwiin sa Romania, kapag daw kasi umuwi ako ay baka hindi na kami magkita pa.Hindi naman iyon mangyayari kaya nagkasagutan kami.mismo ang nagsabi na baka hindi ko na ito maabutan kung magtatagal pa ako dito sa Pilipinas.Minsan ang hirap mag-isip ng tama, pwede naman kasi silang sumunod sa amin
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments